0

WE LOST OUR FIRE


Report

WE LOST OUR FIRE
Written By: Hxnnxhssi
Teaser
“Gagawin mo ba akong driver mo?” seryoso n’yang tanong sa akin habang nakadungaw sa bintana.
“Driver naman kita dati?” seryoso kong tanong sa kan’ya.
Wala s’yang nagawa kung hindi ang umayos ng tayo at sumakay sa kotse n’ya. Inayos ko ang upo ko at umakting na parang akin ang kotse na ito.
Tahimik lang ang byahe namin at walang nagsasalita.
Sa rear mirror ako ng kotse nakatingin dahil pasilip-silip si Nolie doon.
“Kung may sasabihin ka sabihin mo na at hindi ako makikinig,” seryoso kong saad sa kan’ya.
Matagal na kaming hindi nagkita ni Nolie.
Tumingin si Nolie sa rear mirror at kaunting bumagal ang andar ng kotse n’ya.
“Paano ako magsasalita kung hindi man lang kita nakikita?” tanong nito.
“Bakit mata mo ba ang magsasalita?” tanong ko kay Nolie.
“Never mind,” tipid nitong tugon.
Kumilos ako para pumunta sa harapan. Mas’yado s’yang maarte at gusto n’ya pang makita ang maganda kong mukha, pero hindi ko naman s’ya masisisi.
“Kim, what are you doing?” gulat na tanong ni Nolie sa akin.
Biglang tinigil n’ya ang pag-andar ng kotse.
Hindi lang basta pumunta sa harapan dahil umupo ako sa mismong harapan n’ya.
“Bibigyan kita ng limang minuto para magsalita.” Ang dalawa kong kamay ay pinalupot ko sa leeg n’ya.
Halata ang pagkailang nito sa akin. Tinignan ko ang paligid ng kotse n’ya. Napangisi ako at tinignan ko si Nolie. “Kung mayroon kang naalala, ako wala,” saad ko.
“Mayroon ba kayong relasyon ni Angelo?” bigla n’yang tanong sa akin.
Iyon lang ang gusto n’yang itanong sa akin at gusto n’ya pang nakapatong ako sa kan’ya.
Ang kanan kong kamay ay binaba ko papunta sa dibdib n’ya habang hindi ko inaalis ang mapang-akit kong tingin sa lalaking ito hanggang sa makarating sa kamay n’ya.
“Kung mayroon, apektado ka ba?”
Nararamdaman na namin ang paghinga ng bawat isa.
“Hindi,” sagot n’ya agad sa akin.
“Mabuti naman kung ganoon dahil wala ka namang pakialam na kung sino man lalaki ang mapunta sa akin,” seryoso kong saad.
Ang kamay n’yang...


hawak ko ay nilagay ko sa leeg ko. Wala naman s’yang reaction doon.
“Wala ka na ring paki-alam kung sino ang humawak sa akin. I allow Angelo to touch me,” saad ko.
Dahan-dahan kong binaba ang kamay ni Nolie para libutin ang katawan ko hanggang sa pinasok ko iyon sa loob ng suot kong damit.
He tasted every part of me so wala na sa akin ito.
Pagkapasok ng kamay ni Nolie sa damit ko ay napangisi ako na hindi na kailangan i-guide ang kamay n’ya. Kusang umangat iyon papunta sa dibdib ko, at naramdaman ko ang paghalik ni Nolie sa leeg ko.
Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. Nag-set ako ng limang minuto para ibigay kay Nolie ang oras na iyon.
Hinayaan ko si Nolie na gawin n’ya ang gusto n’ya sa loob ng limang minuto.
Bawat paghalik ni Nolie sa akin ay ramdam na ramdam ang tagal na hindi namin pagkikita.
Hinubad ni Nolie ang coat na suot n’ya at ako naman ay sinimulan n’yang tanggalin ang botones ng suot ko. Isinandal n’ya ako sa manibela sabay halik sa labi ko. Ramdam ko ang lamig ng aircon sa loob ng kotse senyales na wala na ang pang-itaas ko. Bawat paghalik ni Nolie ay sinusulit n’ya.
Tumunog ang phone ko para senyales na itigil na ang lahat. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Nolie para itulak ito palayo sa akin.
Ayaw n’ya pa magpaawat, pero limitado lang ang oras n’ya sa akin.
Isinandal ko s’ya sa upuan at pinagmasdan ko ang sarili ko na wala ng isuot na pang-itaas. Tinignan ko ang nabiting mukha ni Nolie.
“Tapos na ang limang minutong binigay ko sa ‘yo,” seryoso kong saad sa kan’ya.
Kinuha ko ang damit ko at sinuot ko na iyon.
Tinignan ko si Nolie. “Malas daw mag-s.ex sa kotse naghihiwalay,” nakangisi kong saad.
Pagkasuot ko ng damit ay umalis ako sa pagkapatong sa kan’ya at umupo ako sa passenger seat.
“Ihatid mo na ako,” seryoso kong utos kay Nolie.
TITLE: WE LOST OUR FIRE
Written By: Hxnnxhssi


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.