We Beat All The Odds! ๐Ÿ’ช๐Ÿ’–๐Ÿค—



Our love story start with the “clan” haha medyo Jeje pa nung mga panahon na nagkakilala kame year 2016 nov. sa isang clan which is nagkatuksohan lang sa GC niloloko kame ng mga ka clanmates namin na kame daw ang mag partner sa callsign Hahaha. So ayun chinat niya ako kase baka nga daw magalit ako wag daw seryosohin yung mga sinasabe nila sakin at dun nagsimula ๐Ÿ˜โค

2nd Year college 1st sem ako nun, Simula nung gabe na chinat niya ako tuloy tuloy na yun hanggang sa nanligaw na siya sakin ๐Ÿค— Hahaha medyo pakipot pa muna ako nun tsaka a month na din sguro na broken din ako nung mga panahon na yun. Pero bilib lang talaga ako sa knya kase inantay at tinulongan niya akong makabangon mula sa pagkadapa ko he is always at my side through ups and down and why not pagbigyan ko siya ng chance diba, kaya kinilala ko muna siya for almost 4months na getting to know each other. And syempre bilang isang lalaki niligawan niya din ang parents ko pinaalam niyang liligawan niya ako (Chour haba ng hair ko hehe) Feb. 26,2016 i say YES to him!

Hanggang sa tumagal kame ng 3years ngayon na halos walang masyadong away na nangyayare puro nag uumapaw na pag iintindi lang ang meron samin to the point na wala na talaga akong masabe sa kanya sabe ko sa sarili ko “Lord thank you kase hindi lang sapat na lalaki yung binigay niyo sakin sobra sobra pa sa sapat”
Andyan siya sa tabi ko para suportahan ako sa pag aaral, siya ang naging alarm clock ko kada umaga na mag rereview ako, siya ang taga cheer up sakin kapag stress na ako sa mga problema ko sa school.

At dumating din sa puntong naghiwalay ang parents ko parang nagunaw bigla ang mundo ko as in sobra pati halos pag aaral ko naapektuhan na kase nasasaktan talaga ako sa nangyare samin but here comes my boyfriend hindi niya ako pinabayaan siya ang naging sandalan ko nung mga panahong lugmok ako, siya ang laging nag papaalala sakin na magiging okay din ang lahat, wag mo papapabayaan ang pag aaral mo lalo na ang sarili mo ‘ Sobrong thank you ako kase dumating siya sa buhay ko.

Masasabe ko talagang siya yung tipo ng lalaki na ideal man ng mga babae not to be hypocrite pero legit naman na nakaka-attract yung gwapo pero as i grew up i realized that what u look like isn’t important. sige, given na gwapo ka pero ano muna vital statistics mo? anong opinyon mo sa nangyayari sa bansa at sa gobyerno? handa ka ba magtrabaho? do u know how to do household chores? not...

smoking nor drinking? loves ur mother the way u love ur father? hindi marunong manakit physically or mentally? marunong ka bang gumalang sa nakakatanda at gumamit ng “po” at “opo” nagmamano? hindi bad influence? u know, small details do matters kaysa naman makatagpo ka nga ng lalaki pero gwapo lang. paano ka balang araw? ano ipapakain nyan sayo? pogi points? reacts sa facebook? paano nyan tuturuan anak mo ng good manners & right conduct kung magpacute lang sa fb ang alam? ano yon, anak turuan kita mambabae sabay two joints parang mafia? sa hardworking, respectful and kind tayo. wake up. u r not inside the wattpad world where every bad boy can be tamed by a girl nasa reyalidad tayo kaya napaka swerte ko sa boyfriend ko.

Siya yung lalaking “Doon tayo sa taong nilalayuan yung pinagseselosan mo.”
No, doon tayo sa taong hindi gagawa ng ikaseselos mo because he can’t afford to see you crying, overthinking na baka iwan mo siya & feeling insecure about someone else. You deserve someone who won’t let you sleep with a heavy heart kasi mahal ka niya at ayaw niyang maipon yung tampo mo. โ™ฅ๏ธ
Kahit pa minsan nawawalan na siya ng oras sakin o kay may tampohan kame to the point na nasasaktan na ako I asked my boyfriend “baket di kana madalas nagagalit sakin, di na tumataas boses mo kapag kinakausap moko?”. My boyfriend answered me habang niyayakap nya ako “Recently napansin ko yung sacrifices mo, yung tinitiis mo sakin just to make me stay. Kahit na nasasaktan kana sakin. Narealize ko lahat ng mali ko. And binago ko yun. Ayaw ko mawala ka because of my anger, ayaw ko mawala ka ng dahil sa pride at galit ko. Yun ang pinaka masakit sakin kaya iiwasan ko na.” Kaya ako’y sa kanya hirap iwanan ng lalaking to sobrang sarap mahalin nasa tamang tao na ako bat sasayangin ko pa.

Grumaduate ako na may apat na awards at isa siya sa mga naging inspirasyon ko sa lahat ng yun kase hindi niya ako pinabayaan sa laban na’to na sana tinapos ko na kung hindi lang siya dumating sa buhay ko, kaya i’m so blessed to have him in my Life. Siya ang naging sandigan ko sa lahat hanggang ngayon nag magta take na ako ng Board exam physically and mentally sa knya ako humuhugot ng lakas ng loob kaya kung mababasa niya man to

” Daddy, thank you sa lahat lahat ng sakripisyo mo wag ka sana magbago sakin hanggang tumanda tayo Ayoko na. Sawa na ako kumilala ng bagong tao. Gusto ko ikaw na. Ayoko nanaman ikwento lahat ng nangyari sa buhay ko sa ibang tao kasi gusto ko ikaw na kasama ko kasi kabisado na kita e. Kilala mo na rin ako. Alam mo na sayad at topak ko. Naiintindihan mo ko sa paraan ng pag-intindi ko sayo. Huwag ka na umalis. Stay ka lang sakin.
ipaglalaban ko kung anu man ang meron tayo ngayon Mahal na Mahal kita”




2 thoughts on “We Beat All The Odds! ๐Ÿ’ช๐Ÿ’–๐Ÿค—