0

Valentine Special: SMDT CHAPTER 2:


Report

By Twin_Luna
CHAPTER 2:
[ MAYA’S POV ]
PAGKATAPOS kong mahimasmasan kahapon dahil sa nakasisindak na isiniwalat ng anak ko about her so called ‘new teacher’. Kaagad kaming umuwi kahit hindi pa tuluyang nagsasara ang shop at dagsaan parin ang bumibili. Ipinaubaya ko na lamang sa assistant ko ang pamamahala kahit nanghihinayang ako dahil mas gusto ng mga suki naming customer na ako mismo ang gumawa ng flower arrangement para sa kanila. Dahil mas mahusay at maganda raw akong magrearrange at magdesign compared sa mga tauhan ko, and I’m very much flattered bcoz of it. Beauty and brain kaya ‘to! *Flipped hair*
But anyways, kaya nga dahil sa nangyari… Pagkarating na pagkarating sa bahay sermon kaagad ang inabot sa akin ng lukaret kong junakis, dahil nga bago nya lang sinabi ang lahat lumipas na ang isa’t kalahating araw. At dahil lunes na naman bukas at pasukan na, talagang sisiguraduhin kong magbabayad ang walang’yang lumapastangan sa kainosentehan ng baby girl ko!
And I’ll make sure na matatanggal sya sa pagiging guro at nang mapatalsik rin sya sa school. But wait a minute… Kaya lang ba sya naging isang teacher para malayang mangmolestiya ng kabataan? Gosh! How dare he?!
Kaya nga napapaisip rin ako kung bakit maraming nagiging lalaking guro sa school na pinapasukan ng anak ko eh. Pero marahil exception ang kamanyakan ng bagong teacher na’yon, dahil si Mr. Panot— este Dominador ay halatang matanda na talaga at palagi nga lang umiinit ang ulo, o dahil likas na mainitin lang talaga ang ulo dahil konsumisyon lagi ang inaabot sa mga estudyante nito. Iyon rin marahil ang dahilan kung bakit pinalitan na ang naging adviser ng anak ko. *Sighed*
Pero siguraduhin nya lang talaga na may maganda at katanggap-tanggap syang paliwanag kung bakit nya ginawa ang nakakakilabot na bagay na iyon sa walang kamuwang-muwang kong anak. At kung bakit nagawa pang ipagtanggol ng lukaret na Shianna ang magaling nitong teacher sa mga paratang ko rito.
Kesyo daw mabait ang new teacher nya at nagandahan lang daw talaga sa kanya kaya sya hinalikan at inalo-alo lamang daw sya nito kaya sya kinalong, etc. Arujusko! Lumalandi narin pala ang loka-loka. At kitam, natuto naring magsinungaling o magdahilan at sumagot-sagot dahil sa impluwensya ng mga classmates nya. And most of all, ng manyak nyang teacher! Na hindi ko alam ang pangalan dahil pake ko ba?! Sa ginawa nya lang ako may pakialam. Grrr!
(Fast forward…)
Ngayon kasalukuyan akong patungo sa classroom ng anak ko para sunduin ito at para narin komprontahin ang tinutukoy nitong teacher. Dahil kanina hindi ako ang naghatid dito dahil gusto ko ngang paghandaan ang pagkikita namin ng herodes na’yon at nang mapag-isipan ko rin kung paano ko sa kanya ipapamukha ang maling ginawa nya. At syempre naghanda rin naman ako ng bonga para sa sarili ko noh. Para naman hindi ako mapagkamalang chemay ng sarili kong anak.
So, like daughter like mother din at same pretty para walang may maipintas sa kanya ang herodes na’yon sakaling susugurin na niya ito.
(Pero iyon nga ba talaga ang tunay na dahilan?)
Kutya pa ng malandot kong konsensya na ikinairap ko na lamang sa kawalan. Hindi ko rin kasi mapigilang mapaisip sa huling sinabi sa akin ng aling maliit tungkol sa new teacher nito.
[ Flashback… ]
“Momma, hwag ka nang sad. And don’t be mad. If you want, kung naiinggit ka, I will tell to Teacher Gwapongpogi to kiss you also para pareho na tayong may second kiss. Para hindi ka narin galit sa kanya. *Pout**puppy eyes*”
At nagpaawa-effect pa talaga ang gaga!
“W-what did you say?!”
Nandidilat ang mga matang binalingan ko ito ng tingin pagkatapos kong ilapag ang kutsara sa plato ko, dahil kasalukuyan kaming kumakain ng mga sandaling iyon.
“Saan doon, Momma? That my teacher is so handsome?”
Kunwa’y anya pa at painosenteng sumubo ng hotdog na tumingin sa akin, kaya napaismid ako.
“Not that, hindi yun. ‘yong isa, yong… *Gulp* huli mong sin—”
“That I will tell him to kiss you also para pareho na tayong may—*Bwuarks!* EWW! Momma, you’r so kadiri talaga!”
Pagiinarte pa nito pagkatapos kong mabugahan ng iniinom kong juice. At agad pa itong nagtatarang na umalis sa kinaupuan habang hindi maipinta ang mukha.
“W-what did you say again?!”
Nandidilat at lumalaki ang butas ng ilong kong pag-uulit dito after kong mahimasmasan dahil sa sinabi nito. At gusto ko lang ipaulit rito ang kanyang sinabi dahil maaring nabingi lamang ako at namali ng pagkakadinig. Dahil hindi ko talaga inaasahan na ganito ang lumalabas sa bibig ng lukaret na Shianna.
Seriously?! Naisip nya talaga ang bagay na’yon? My goodness! Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon. *Padyak* Imba na talaga, forpete’sake! She’s just only six years old and turning to seven, at may ganito na kaagad na pag-iisip?!
“Momma, if you’re really jealous, you don’t have to be rude. I’m sure teacher Gwapongpogi will be glad if you want him to be your boyfriend.”
Pagkikibit balikat pa nito na ikinanganga ko na lang at parang gusto ko na namang himatayin sa pangalawang pagkakataong yun.
SERIOUSLY?!
[ End of flashback… ]
Nakabusangot tuloy ang mukha ko habang naglalakad sa hallway papuntang classroom ni Shianna pagkatapos kong maalala na naman ang tungkol sa pinag-usapan namin o mas tamang sabihing pang-aasar sa akin ng lukaret kong anak. At nagawa pa talaga nitong mambuyo at ipagtanggol ang hinayupak na teacher nito. At kung hindi ko lang anak ang loka-lokang yun, tuluyan ko na sana syang nabigwasan. Kaloka!
“Hi, Miss Maya! Ang ganda natin ah,”
Pambobola pa ng isang guro na matagal ko nang palaging nakakasalubong sa hallway. Hmp! I know right, and besides matagal ko nang alam yan noh, *flipped hair* at wala akong ibang ginawa kundi ang ngitian lamang ito habang nagpatuloy sa paglalakad.
(Mahirap nang makipagplastikan noh, magsasayang lang ako ng laway)
Malditang saad pa ng konsensya ko. At maya-maya pa marami na akong nakakasalubong na mga estudyante dito sa hallway na nagtatakbuhan dahil mukhang tapos na nga ang kani-kanya nilang klase. At kung bakit ’til now hindi parin ako nakakarating sa classroom na sinasabi ko, it’s bcoz malawak ang field at hallways ng mga buildings dito sa private school na pinapasukan ni Shianna. And even she’s just six, she’s now a grade 2 student here. And she’s accelerated. Halata naman kasi sa kadaldalan nya eh.
At bago pa nga ako tuluyang makarating marami ring bumati sa akin at pumuna sa kagandahan kong taglay. Iba na talaga pag-Diyosa!
Kasalukuyan din kasi ako ngayong nakasuot ng cottony dress na kulay orange like doon sa suot ni JC Mendiola sa ‘The girl in the orange dress’ not sure if that’s really the title, and pinarisan ko iyon ng flat shoes and red sling bag. Uhmp, nevermind!
Nang akmang hahagilapin ko na si Shianna sa kanyang classroom ng makarating, bigla nalang nagtakbuhan ang mga bata palabas ng room nila at dahil nasa bandang entrance ako ng pinto, walang pakialam ang mga batang basta na lamang akong binangga na akala mo’y kinuyog ako ng maraming fans! Gosh!
At dahil sa dami nila at sa sunod-sunod na paglabas at takbo ng mga ito hinanda ko na ang aking pang-upo sa akma kong pagbagsak dahil sa pagtabig nang mga ito sa akin.
“Ohmygos— CAREFUL, LADY.”
Kagat ang labi habang nakapikit, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang wala akong maramdamang sakit sa aking balakang at naramdaman ko nalang na parang nakalutang ako. At dahil rin sa boses na aking narinig kaya ako napadilat bigla ng aking mga mata kasabay nun ang bahagyang pag-awang ng aking mga labi. (Oh goodness! What’a beautiful creature!)
Kasalukuyan ako ngayong titig na titig sa mukha ng gwapong lalaking sya palang sumalo sa akin bago pa ako tuluyang bumagsak. At halos maduling ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin kaya sandali akong napatikhim pagkatapos kong kapitan ang bandang pang-upo ko kung saan ang garter ng underwear ko naroroon dahil baka bigla na lamang itong lumuwang at mahulog. #kilignessoverloadmgabesh!
“Ehem,”
Pagtikhim din nito nang hindi kaagad ako nakahuma dahil inaalisa ko pa ang kabuohan ng mukha nito.
“Oh, sorry/Sorry for that,”
Magkapanabay pang sambit namin pagkatapos ako nitong itayo ng maayos.
(Gosh so embarrassing!)
Ang gwapo naman kasi talaga eh… Medyo brusko nga lang ang dating dahil sa tumutubong balbas at bigote nito. And he’s also kinda hunk, nang tuluyan ko ring masilayan ang kabuohan nito. *Gulp* Kaya sandali akong napaiwas ng tingin dito dahil sa hiya at inilibot ang aking paningin na kunwa’y may hinahanap pero talagang hinahanap ko nang mga sandaling yun ang anak kong mukhang kung saan-saan na ngayon nagsususuot.
“Are you looking for someone?”
Untag nito sa biglaan kong pananahimik.
(Ang ackward kasi eh, promise.)
Wala akong masabi dahil bigla talaga akong nahiya dahil sa ginawa kong pagtitig dito. *Lip bite*
“Ahm…”
Sandali kong inayos ang nagulo kong bangs bago ito hinarap.
*Deep breathe*
“Oh, about the manners of the kids awhile ago. Sorry for that, talagang hindi lang mapagsabihan ang mga yun at matitigas ang ulo.”
Naiiling na aniya pa habang napapakamot sa sariling batok. *Gulp* Is he not aware na tila nang-aakit ang...


ganyang gesture niya? He also biting his lower lip. Gosh!
“A-ahm it’s okay. It’s natural for the kids at that age, ang maging malikot paminsan-minsan. Kaya okay lang talaga. Heheh,”
Naiilang na pahayag ko habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa dalang sling bag.
“But I still want to apologise bcoz I have also responsibility to them. Anyway, so you’re looking for someone?”
Paghingi pa nito ng paumanhin at inulit rin nito ang naunang sinabi, pero sandaling napakunot ang aking noo sa ibig nitong sabihing ‘responsibilidad’ kuno.
“Y-yes, I’m looking for someone. But what do you mean by— MOMMA, YOU’RE HERE!”
Hyper na pagkakasambit ni Shianna na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan na syang pumutol sa sasabihin ko pa sana. At halos kamuntikan pa akong matumba dahil bigla na lamang itong sumugod sa akin at niyakap ako sa baywang at nagtatatalon pa. Hayy… so childish talaga.
“Woah, baby. Be careful!”
Naiiling ngunit natatawang paalala ko rito at niyakap din ito pabalik saka ako pumantay rito at pupugin ng halik sa mukha. Sandali ko ring nakalimutan na nasa harapan namin ang lalaki.
“Ump, ba’t ang asim mo na baby? Nasobrahan ka nanaman sa paglalaro ano?”
At kiniliti ko pa ito pagkatapos.
*Chuckled*
“No, Momma— *laugh* s-stop it, hihihih…”
Hagikhik pa nito habang umiiwas sa pangingiliti ko.
*Chuckled*
“Ehem!”
Agad naman kaming parehong napabaling sa taong tumikhim na ngayon lamang namin napansin at naalala. Gosh, nakakahiya!
“So, she’s your daughter. Wow, same beautiful. *Wink*”
At nagawa pa nitong kindatan ang anak ko na ikinapamula ko, and not bcoz sa ginawa nito kundi sa sinabi nito. But of course! Like mother like daughter nga diba. (Walang aangal, ‘kay?)
*Chuckled*
Hagikhik pa ni Shianna na tila kinikilig pa. Aba’t—
“Ikaw talaga teacher. Ba’t di mo nalang ligawan si Momma? Remember, I don’t have a daddy. So, you’re free to be her boyfriend! *Clapping*”
At nagtatatalon pa ang loka-loka. Pero ano daw? Ohmygosh!
“Hihihih… What are you saying baby girl?”
Lumapit ako rito at pasimple itong pinandilatan. Nahihibang na ba ang batang ‘to?
“Are you out of your mind, baby girl?”
Pabulong na pagkakasabi ko rito ng mariin.
“Nevermind about what my baby said.”
Alanganin akong ngumiti rito.
“S-she just wanted to have a father’s attention and she’s also misses to have a male’s figure that’s why,”
At tumango-tango lang ito, habang tila nagpipigil pa ng tawa bcoz of amusement. Bakit kaya?
“I understand. Shia already told me, and besides she’s really a sweetheart.”
Ginulo rin nito ang buhok ng anak ko pagkatapos iyong sabihin nang nakangiti. Ayiee.
At talaga lang ha? May pagkachismosa talaga ng batang ‘to.
“Why Momma? Di ba nga you also get jealous bcoz teache— hmmm…”
Agad kong tinakpan ang bibig nito at pinandilatan ito dahil baka hindi na ako makapagtimpi pa at mabatukan ko pa ito ng wala sa oras dahil sa kadaldalan nito.
“Ahee, e-excuse us. I’m just gonna talk to my daughter.”
Paalam ko sa hindi ko pa nakikilalang lalaki na tinawag na teacher ng lukaret kong anak.
“No problem. Just go on, take your time— *Bzzzt, bzzt…* Oh, I’ll just take this call also.”
Pagkatapos nitong magmuwestra ng kamay ay agad na nitong sinagot ang tawag at tumalikod sa amin. Kaya dali-dali ko ring hinatak ang anak ko sa hindi kalayuan at kinausap ito nang masinsinan.
“Shianna, what you said awhile ago isn’t appropriate to a girl like you. You don’t have to say that kind of thing. Nakakahiya baby, sige ka baka kung ano nang iisipin nun. *Pout* Gusto mo bang lalong mapahiya si Momma?”
Kunwa’y malungkot pang paglalahad ko habang nakahawak sa magkabilang balikat nito. At ang lukaret imbes na maawa sa akin ay sinimangutan lang ako at nagawa pang magcross arms sa harapan ko.
“I-I’m just helping you, Momma. Besides he’s the one I want to be my daddy. He’s behind perfect pa nga eh. Mabait na pogi pa, ayaw mo ba nun Mom? You don’t like him do you? Sabi mo pa nga sa akin hahanapan mo ako ng bagong Daddy, kasi yung totoo kong daddy bad kasi iniwan nya tayo. *Pout*”
Pagkasabi niyon kaagad itong napayuko at kunwa’y nagpunas pa ng luha at iniwas ang paningin sa akin at nagpapadyak pa ang loka-loka. At kung hindi ko lang kilala ang anak kong ‘to naniwala na sana ako kaagad. Kaya wala sa loob na napasimangot ako. *Sighed*
“Fine! But what if he’s not single and he already has a girlfriend or baka nga asawa na eh. What are we going to do now, aber?”
Saka ko ito pinameywangan.
“And besides, kakakilala lang natin roon sa tao noh. Baka mamaya hindi pala natin sya mapagkakatiwalaan, so what if—”
“Momma, just leave it to me okay? Ako pong bahala, and besides he’s very available. I told you, right?”
At nagawa pa nitong magtaas baba ng mga kilay while nakacross arms parin.
At wala sa loob na natampal ko na lamang ang aking noo.
“Oh girls, are you done talking?”
The guy said behind our back.
“O yes, ahmm…”
Hindi ko tuloy malaman kung ano ang dapat kong sabihin dahil sa napag-usapan namin ni Shia. Nakakahiya lang talaga kung iisipin. Huhu!
“Excuse me for interrupting you, but I just want to tell you that tomorrow will be no class. And next week, the grade 2 students has a field trip before the valentine ends so you can still celebrate for the occasion. I already gave you little girl the invitation, right?”
Nakangiti pang aniya kay Shianna na nakamata lamang. Marahil natameme narin ito dahil hindi inaasahan ang pagsulpot ng lalaki.
“Y-yes, Sir! And I was so excited for the field trip na nga eh!”
Muli pa itong humagikhik nang makabawi.
*Chuckled*
“Good to hear that. I know you’ll enjoy it if you come. So, hindi na ako magtatagal. I still need to go to my office, so see ya!”
At nagawa pa nitong humalik sa pisngi ng anak ko na ikinataas lamang ng kilay ko.
“Ehem, okay. Uhmm, Shia, let’s go now. Momma also need to go somewhere. Uhm, b-bye S-sir—”
“It’s Jemerson. But you can call me Jer’son for short. My bad that I didn’t tell my name from the start.”
Tila nahihiya pang saad nito habang nakapamulsang napapakamot sa kanyang batok. Naman!
“Ahee, m-me too. I mean—*gulp* I-I’m Mayana by the way! And I know mabantot ang name ko, but you can call me Maya or yana na lang for short.”
Pakyeme ko pang paglalahad dahil nahihiya talaga ako rito hindi dahil sa name ko kundi dahil sa kadaldalan ng anak ko. Lalo na sa mga sinabi niya kanina, halos wala na akong mukhang maihaharap dito. Argh!
*Chuckled*
“That’s not true. I mean, your name’s kinda unique, so, it’s not bad at all. And I prepared calling you Yana if that’s ok with you. *Smile*”
“Oh, I-it’s okay with me. *Lip bite* Thank you, so we better go now. Right baby?”
Baling ko sa anak kong palipat-lipat lamang ang tingin sa aming dalawa na tila naguguluhan dahil sa pangungunot ng noo nito.
“Hmm, Mom, I’m confused. Di ba po it’s kinda rude if you are going to introduce yourself but you didn’t show your hand for some shake hands?”
Nakataas pa ang kilay na paliwanag nito.
“Oh, about that— it’s ok baby, sometimes you don’t have to be polite at any circumstances para lang ipakilala ang sarili mo sa isang tao.”
Mabilis kong tugon na kaagad kong pinutol ang sasabihin sana ng lalaki.
“T-that’s— ahm, mauna na kami sayo hah. Nagmamadali kasi kami, heheh… Now say babye to teacher, baby. And let’s go,”
Pasimple ko ulit itong pinandilatan bago ko ito hinatak palayo sa kinaroroonan ng lalaki dahil pinapahaba nya lang ang usapan. Awkward nga diba?
“Oh sure. Bye, Shianna! See you the day after tomorrow.”
Nagawa pa nitong magwave ng kamay sa anak ko tanda ng pamamaalam nito.
“Ok po. Bye din po teacher Gwapongpogi!”
“Bye!”
Saka ako nito tinanguan at tumalikod na.
“Let’s go na Momma,”
Ito na mismo ang humatak sa akin paalis. Ngunit dahil sa narinig ko na itinawag nito sa teacher nya sandali akong natuod at napatulala. Lalo na nang ngayon lamang naproseso ng utak ko ang tungkol sa lalaking nagpakilalang isa palang guro.
(K-kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon ng anak ko at mga sinabi nya dahil ang tinutukoy nya palang teacher una pa lang ay iyon palang lalaking sumalo sa akin sa akmang pagkakatumba ko. Ang teacher na dapat sana’y kokomprontahin ko at pagsasabihan dahil sa ginawa nito kay Shia!) Gosh! What just happened?!
“N-nak? S-siya ba yun, ‘yong t-tinutukoy mong teacher na nangharass kamo sa’yo? T-tell me that I-it’s just a lie…”
Nnginginig at nauutal na paninigurado ko pa na kahit lumalabas na ang katotohanan ay tila ayaw tanggapin ng aking sistema.
“What, Mom? About teacher Gwapongpogi? We just met him, didn’t you notice? And remember Momma, as always I’m saying, he didn’t harass me, okay. Ambait kaya nun, *Pout*”
“K-kung ganoon… *BLAG!*”
“OMO, Momma— WAHH!!”
“H-hey, what happened here?!”
“Tss! Si Momma, hinimatay na naman! *Pout*”
To be continued…
End of chapter 2…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.