5

Until I Meet You


Report

This is a work of fiction… Names, characters, places, business, events, and incident are either parts of author’s imagination.

____________________________________________________________________________

Panganay si Sheena sa tatlong magkakapatid, mahirap lang sila kaya nagsikap siyang makapagtapos upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Nagtatrabaho siya bilang isang waitress sa isang restaurant sa gabi at nag-aaral naman sa umaga..

Until she met the guy named Xiann Mclever Spencer Pulver. Ang lalaking nanggulo at nagpabago sa tahimik niyang buhay…

Magiging sila kaya sa huli?
Malalagpasan kaya nila ang mga pagsubok?

“Papasok kana ba sa trabaho mo anak?” Tanong ni papa sa akin. Nanonood ng tv ngayon si papa. Lumapit ako sa kanya habang umiinom ng tubig.

“Ahh opo, papasok na po ako mayamaya” magalang kong sagot. Bumalik ako sa kusina para hugasan ang basong ginamit ko.

Si papa at ang dalawang bunso kong kapatid na lang ang tanging kasama ko sa loob ng 13 taon. Ang mama ko ay namatay noong ipinanganak niya ang bunso kong kapatid na si Sherwin, labing tatlong taon na ang nakakaraan.

“Anong oras ka uuwi” tanong ulit ni papa, bago siya tumayo at patayin ang tv. Matutulog na siguro kaya pinatay ang tv.

“Siguro mga alas dies y media” sagot ko habang cheni-check ang mga dadalhin kong gamit sa loob ng isang maliit na bag.

“O, siya sige, matutulog na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo at sira ang street light sa kanto.” Bilin ni papa bago pumanhik papuntang kwarto.

“Salamat pa, sige aalis na po ako” sabi ko kaagad habang binubuksan pa niya ng kwarto niya para makapasok.

Hindi ko na hinintay pa na makapagsalita pa si papa dahil hahaba na naman ang usapan. Lumabas na ako ng bahay. Wala rin naman akong narinig na sinabi niya kaya dumiretso na ako palabas ng gate. Sanay na naman si papa sa akin, mag-aapat na taon na akong ganito.

Pagdating ko sa pinagtatrabahuan ko, nagbihis agad ako. Marami pa akong gagawin. 

Simula nong nag college ako dito na ako nagtatrabaho sa S&P Restaurant. Ang natatanggap kong sahod buwan-buwan ay ginagamit ko pang tuition ko at ang matitira ay pang allowance ko naman.

May trabaho naman si papa kaya hindi kami kinakapos ng pera pero mahirap parin kaming maituturing. Kaya nagdesisyon akong magtrabaho na rin para hindi na iasa kay papa ang pang tuition at allowance ko.

Alas dies y media na kaya nagmadali na akong umuwi. Flashlight ng cellphone ko ang ginamit ko upang hindi madapa. Madilim kasi at sira ang street light sa kanto malapit sa bahay namin.

Pagkapasok ko sa bahay ay madilim na. Syempre tulog na sina papa kaya pinatay na nila ang ilaw. Hinanap ko ang switch at in-on ang ilaw. Nilapag ko sa lamesa ang bag at uminom ng tubig. Napatalon ako ng bilang may nagsalita.

“Kanina ka pa nakauwi ate?” Tanong ni Jerwin na nasa gilid ko na pala pero hindi ko man lang namalayan. Dahil sa gulat napahawak ako sa dibdib ko.

“Wag ka namang manggulat!” Sabi ko sabay sapak.

“Aray!” Sigaw niya dahil sa sakit.

“Shhh… manahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo.” Sway ko sa kanya.

“Kanina ka pa nakauwi ate?” Ulit niya.

“Kanina- kanina lang. Bakit?” Tanong ko habang nakahalukipkip.

“Wala lang bakit bawal bang magtanong?” Sarkastikong sagot niya.

Aba talaga pa lang pilosopo ‘tong kapatid kong ‘to ah. Nakakagigil, sarap kurutin.

“Umakyat ka na nga lang” nanggigigil kong sabi.

Tumatawa lamang itong umakyat sa hagdanan. Alam na alam niya...


talaga kung paano ako inisin. Halos araw-araw niya akong iniis. Umiiyak ang mga araw na hindi niya ako naiinis. Umakyat na rin ako para matulog.

Ala sais ng umaga ay gising na ako, pagkatapos kong magluto, maligo at kumain ay umalis na ako ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay papa dahil natutulog pa ito.

Nakarating ako sa Colegio de Sta. Theresa ng nag ala sais y media na ng umaga. Pagdating ko sa school corridor ay agad akong nakita ng kaibigan kong si Myca. Lumapit siya sa akin ay yumakap.

Mag-aapat na taon ko na ring kaibigan si Myca. Siya lang din ang matalik kong kaibigan dito sa Colegio de Sta. Theresa. Hindi naman ako suplada pero hindi rin ako palakaibigan.

Napakalaki ang ngiti nito habang yumayakap sa akin.

“May good news ako sa’yo” nakangiting sabi nito. Kumunot naman ang noo ko habang tinititigan siyang malaki ang ngisi.

“Ano?” Sabi ko ng wala sa sarili.

“Dito mag-aaral ang anak ni Mr. Hilarion Pulver. Hay nako, napaka gwapo non” kinikilig pa siya ng sinasabi niya ay salitang gwapo.

Sa pagkakaalam ko si Mr. Hilarion Pulver ay may ari ng Colegio de Sta. Theresa. Wala akong balak malaman kung sino ang kasama niya sa pagpapatayo ng paaralang ito basta ang alam ko lang ay siya ang may-ari ng buong school.

Napangiwi ako. “Tss.. ikaw talaga basta gwapo lang kinikilig kana. Hindi ka mapapansin non. At ‘tsaka  anong pake ko kung dito siya mag-aaral? Diba wala naman?”

“Well, for your info. wala naman akong balak magpapansin sa kanya”pagtataray nito.

“Ok. Sabi mo eh” at tinalikuran ko na siya. Anong pake ko kung dito mag-aaral ang anak ni Mr. Hilarion diba. Hindi ko naman siya kilala. Alam kong may anak na lalaki si Mr. Hilarion dahil kay Myca pero hindi ko naman alam ang pangalan niya. At higit sa lahat wala akong balak kilalanin siya.

Sumunod na man siya sa’kin. Nakabusangot ang mukha. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Akala niya siguro interesado ako sa taong ‘yon. Pero ang hindi niya alam wala akong pake kahit anak pa ‘yan ng presidente. Kung si Li Hong Yi ‘yan, magpapapicture talaga ako.

Tapos na ang klase ko sa araw na ito. Naghahanda na akong umuwi, hindi na ako nakapagpaalam pa kay Myca dahil sa pagmamadali ko. Kailangan ko pang magtrabaho. Kung hindi ako magmamadali ay tiyak na malilate ako.

Nakalabas na ako campus at nag-aabang na ako ng taxi. Nagulat na lang ako ng muntik na akong mabundol ng isang kulay itim na mercedes benz.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Aba’t loko tong nagmamaneho ng kotse na to ah. Kita ng may tao at ang laki-laki ng space dito pa talaga dumaan. Ano? Sasagasaan ako ng taong to?

Hindi pa nga ako nakakapag react ay nakita kong lumabas ang lalaking tingin ko’y nagmamaneho ng kotse.

Hinarap niya ako. Oh my gulay ang gwapo teh. Pinipigilan ko ang sarili kong tumili. Grabe ang gwapo talaga niya. Deep eyes, perfect nose, thick eyebrows and a very sexy red lips.

Pinilig ko ang ulo ko. Ang lalaking to ang muntik ng makabundol sa akin, bakit ko nakalimutan iyon? Dahil lang sa isang mala adonis na mukha makakalimutan ko na iyon? No way!

Lumapit ako sa kanya. Ok self wag kang tumili. Ok?

“Hoy lalaki ka bulag ka ba huh?” Galit na pambungad ko sa kanya.


5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.