0

UNEXPECTED LOVE Continuation of chapter 1 – Pagkupkup


Report

UNEXPECTED LOVE 🖤
Continuation of chapter 1: .•°Pagkupkup°•.
“Oo, at ituring mo itong tahanan mo ha, mamaya maligo kana, hintayin mo lang ako dito at ikukuha lang kita ng tuwalya” tumungo na ako sa kwarto ko habang abala parin ito sa pagmamasid nasid sa loob ng condo ko.
°Mae’s pov;
Titig na titig ako sa salamin ngayon ko lamang malinaw na napagmasdan ang sarili ko, napangiti ako at napaisip na kailangan ko lamang pala mag ayus upang magmukhang nang dalaga. Malaki ang utang na loob ko kay kuya Jc kung hindi dahil sa kanya ay baka hanggang ngayon ay nasa labas parin ako namamalimos o kaya ay pinagkakatuwaan ng mga bata bukod sa sira-sirang damit ko ay dugyot pa, ngunit nakakamangha naligo pa lamang ako ngunit halos diko na makilala ang sarili ko, di naman ako magtataka dahil may lahing kastila ang namayapa kung ina, naiiyak na naman ako tuwing naaalala ko si mama miss ko na siya subra. Siguro binigay niya sakin si kuya Jc para kapalit niya ngayon pakiramdam ko mayroon na muli akong kakampi.
Lumabas na ako ng banyo at tumungo sa kusina dahil sa may naaamoy akong mabango nagutom tuloy ako, naalala ko kaninang umaga pa pala ako di kumakain.
Lumapit ako kay kuya Jc ngunit bigla itong napatalon.
“Ay...


palakang bakla” sigaw nito habang ang kaliwang kamay ay nasa dibdib at ang kanang kamay ay hawak hawak ang sandok.
“Hahaha!”pagtawa ko napapakapit pa ako sa tyan sa subrang tawa, “ikaw po ata ang bakla kuya” pigil na tawa ko dahil nakikita ko sa reaksyon niyang parang namumula.
“Aba di ako bakla ha, tyaka di lang ako sanay na may nakakasama ako dito, pero masasanay din ako, nga pala nagmukha kanang tao” nakangiting sabi nito sabay inasikaso ulit ang niluluto, halatang gumanti din ito sa pang aasar niya.
Tahimik ko nalang itong pinapanood na nagluluto minsan naaabutan niya pa akong nakangiti na sinusuklian niya din, sa bawat ngiti niya mas gumaan ang pakiramdam ko. Napakagaan na ng loob ko sa kanya ni wala man lang akong pag aalangan na baka masama itong tao, mahalaga na sa aking makita na mabuti ang mga pinakikita nito sa kanya ngayon at sa palagay niya ay totoong mabait ito.
Habang kumakain ang dalawa ay biglang binasag ni Jc ang katahimikan, nilingon niya ang dalaga at tinanong.
“Ano pala buong pangalan mo Mae?” Lumingon din sa kanya ang dalaga. “Ahm Shaila Mae Velasco po” tipid na sagot nito tyaka sumubo muli ng pagkain.
Note: Pasensya na po kung may ilang maling spelling o word kasi bago palang ako, sana marami magbasa para sipagin ako❤️❤


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.