0

UNEXPECTED LOVE CHAPTER 4 – Favor


Report

UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️ CHAPTER 4: .•°Favor°•.
Hapon na at balak ng umuwi ng dalawa, kanina pa umalis si Jc dahil kinailangan siya sa kaniyang paaralan, kung kaya naiwan si Mae kay Patricia. Labis ang pangamba ng dalaga sa pag-aakalang magiging masama na ito sa kanya ngunit walang nagbago mabait pa din si Patricia sa kanya, tama nga si Jc mabait talaga ito. Habang naglalakad papuntang parking area ay biglang huminto si Patricia at nilingon siya.
“Gwapo si Jc ano tyaka mabait?” Gulat siya sa tinanong ni Patricia, nag aalangan man ay sinagot niya parin ito.
“Opo”nahihiyang sagot ni Mae kay Patricia na ngayon ay nakangiti, hindi mabatid ng dalaga bakit nakangiti pa din ito, hindi ba dapat ito magal*t o magsel*s?.
Tumalikod na si Patricia, nakakailang hakbang pa lamang ay bigla itong nagsalita. “Gusto mo ba siya?” Subra ang pagkagulat ni Mae sa tanong ni Patricia sa kanya, ngayon ay may hinala na siya na baka ay nagsesel*s na ito ngunit nagtitimpi lang.
Agad niyang tinanggi dahil iyon ang totoo, sinabi rin niyang kapatid lamang ang turing niya sa binata at ayaw niyang makasira ng relasyon.
Biglang nalungkot si Patricia sakto nasa garahe na sila ng sasakyan, agad pumasok ang dalawa sa loob ng sasakyan, akala ni Mae ay patatakbuhin na ni Patricia ang kotse ngunit nilingon siya nito na may mga matang tila puno ng lungkot hindi alam ni Mae kung ano ang nararamdaman ng dalagang nasa harap niya ang pakiramdam niya ay napupuno ito ng lungkot.
“Wala ka namang masisira, tyaka hindi mahirap mahalin si Jc. Kitang kita ko sa mata mo kung gaano mo siya hinahangaan siguro ngayon ay tinuturing mo lamang siya bilang kapatid ngunit hindi malabong mahalin mo din siya” sandali itong huminto at huminga ng malalim. “Mamaya ay sasabihin ko narin sa kanya ang karamdaman ko, nang makita kita hindi na ako natatakot mamat*y kasi alam kong may kagaya mo na mag-aalaga sa taong mahal ko oras na mawala kami ng anak ko, sana hayaan mo lang ang puso mo na mahal siya at kapag nangyari iyon, lumaban ka” Mahabang litanya ni Patricia na may kasabay ng luha.
Nalilito naman si Mae malungkot niyang tiningnan ang babae at sinabing...


“Hindi ko po alam, pasensya na”
“Please Mae, kahit papano may pinagsamahan naman tayo diba? Gusto ko lang masiguro na magiging maayos siya sa oras na wala na ako” Pagmamakaawa nito.
“S-sige po” Nag aalagang sagot ni Mae kay Patricia. Agad niyak*p ni Patricia si Mae at agad ding kumawala. “Salamat Mae” Nakangiting sambit ni Patricia tyaka kumuha ng tissue para pinatawan ang mga luha. Agad na pinatakbo niya ang kotse upang makauwi at maihatid na din niya si Mae.
~Jc’s condo~
Pasadong alas-5 na ng hapon ng dumating si Jc sa condo niya, pansin niya ang pagbabago ng kanyang condo, wala namang nawawalang gamit niya. Agad nitong tinungo ang kwarto ng dalaga at kumatok.
“Mae, andiyan kana ba?” Midyo pasigaw na tanong niya.
Walang sumasagot kaya binuksan niya ang pinto sakto at naka-unlock ito. Nakita niya ang dalagang mahimbing na natutulog, kinuha niya ang kumot at kinumotan ito, agad na lumabas ang binata at nagtungo sa kwarto nito upang makapagbihis na.
Pakalabas ng kwarto ay nakita niyang nakaupo ang dalaga sa sofa habang malalim ang iniisip na kahit ang paglapit ay di’niya napansin.
“Ayus ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan, may problema ba nangyare kaninang magkasama kayo ni Patricia?” Nag-aalalang tanong ng binata ngunit tanging tango lamang ang ginawad ng dalaga.
Buong gabing tahimik si Mae hindi gaanong umiimik kaya di na ito kinulit pa ng binata dahil mukhang kailangan nitong mapag-isa.
Habang sa kabilang banda, hawak-hawak ni Patricia ang kanyang tiyan. Hindi niya mapigilang maiyak habang iniisip ang kanilang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na anak at nobyo, alam niyang masasaktan ang binata sa oras na malaman nito ang kanyang kalagayan ngunit kailangan niya na itong aminin dito, mapaklang napatawa siya sa kawalan habang iniisip kung ano ang una niyang sasabihin sa binata, dalawang balita ngunit magkasalungat.
“Hon! I really love you, I’m sorry but i can’t be your last” Humahagulgol niyang sambit sa sarili. Naalala niya si Mae, nakakatawa pero gusto niya ito ang makatuloyan ng kanyang nobyo kaysa mapunta lamang ang nobyo sa bal*w nitong ex-girlfriend na hanggang ngayon ay hindi napapagod manggulo.
Bago natulog si Patricia iniisip niya, magugustuhan din kaya ni Jc si Mae?


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.