1

UNEXPECTED LOVE CHAPTER 2 – Sweet Moment


Report

UNEXPECTED LOVE
CHAPTER 2: .•°Sweet Moment °•.
Gabi na, parihong hindi makatulog ang dalawa na tila parihong naninibago sa kaganapan sa kanilang buhay o isang pakiramdam na hindi maipaliwanag. Sa hindi sinasadyang pangyayari sabay na lumabas ang dalawa sa kanilang kwarto dahil ang condo ng binata ay ay may dalawang kwarto, kahit niya siya lamang mag isa inaasahan niya na kakailanganin niya pa ng isang kwarto na para sa kanyang mga magiging bisita na ngayon ay tuluyan na ngang magagamit ni Mae.
Parihong gulat ang dalawa, ngunit agad na nakabawi ang binata at nginitian ang dalaga at tinanong bakit dipa ito matulog dahil nasa bandang alas-11 na ng gabi, malapit na din maghating gabi. Ngunit gaya niya ay hindi rin ito makatulog, napagdesisyonan niyang yayain na lamang itong manood, siya na din ang pumili ng panonoorin, habang ang dalaga ay inutusan niyang kunin sa aparador ang dalawang balot na popcorn na kabibili lamang niya nong nakaraang araw. Sa di’inaasahan ay halos lahat ng mga dvd na meron siya ay may kasamang horor scenes hindi rin naman siya makapanood sa internet dahil sa may problema ang kanyang internet connection bukas ay bibili na lamang siya ng bagong wifi. Sinabi niya na lamang sa dalaga ang tungkol dito at sinabi nitong ayus lang. Sa sofa sa magkabilang dulo nakaupo ang dala tila naiilang pa sa isa’t isa. Nagsimula na silang manood ng pelikula sa una ay maayos naman ito tila isang normal lamang ngunit di’ naglaon ay unti-unting nakakaramdam ng takot ang dalaga, napay*kap na din ito sa sarili habang ang binata bagkus na sa tv ito nakatingin ay nakatitig ito sa dalaga at midyo natatawa sa isip niya ay...


para talaga itong bata, sabagay nagdadalaga palang.
Nilapitan niya ito at pinakalma midyo nabawasan naman ang takot na nararamdaman ng dalaga ngunit sa di’ inaasahan ay may biglang nakakagulat na iksina sa tv ang nagpakita kaya biglang napay*kap sa kanya ang dalaga, umiyak pa ito sa subrang takot habang ang binata ay hinih*mas ang likod ng dalaga upang kahit papano ay kumalma ito maya-maya ay tumahimik na ito, lalayu na sana siya ng mapansing nakatulog ito. Napapailing na lamang siya dahil sa halo-halong imosyon, binuhat na niya ang dalaga patungo sa kwarto nito at maingat na inilapag sa kama. Saglit na tumigil at hinawi ang buhok tinitigan niya ang mukha ng dalaga at dito niya lamang napagtanto na may pagka mestisa pala ito siguro ay may lahing kastila ito. Biglang naalala niya ang pinagdaanan nito at nakaramdam ng labis na lungkot.
“Huwag kang mag-aalala, iingatan at aalagaan kita” hinal*kan niya ito sa noo bago nilisan ng tuluyan ang kwarto ng dalaga.
Para sa binata maituturing niyang pinakamasayang araw ang makilala niya ang dalaga masaya rin siyang matulungan ito. Bukas na bukas din ay ipapamili niya ito ng gamit at ipapasyal isasama na rin niya ang kanyang girlfriend para magkakilala din ang dalawa.
Siguro ay magkakasundo din naman ito dahil mabait naman ang kanyang girlfriend na hindi gaya ng ibang babae ay napakaarte at maitim ang budhi.
A/N: Sino at anong klase kayang babae ang gf ni Jc, magugustuhan nga ba nito si Mae o aalilain? Hanggang saan ang kabaitan ni Jc kay Mae. ABANGAN niyo po, sana nagustuhan niyo ❤️ thanks sa pagbabasa at pagsubaybay….


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.