0

UNEXPECTED LOVE Chapter 1 – Pagkupkup


Report

UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️Chapter 1: .•°Pagkupkup°•.
°JC’s pov;
Abala ako sa pagmamaneho habang may kausap sa telepono, pauwi na ako sa condo dahil tapus naman na ang trabaho ko sa paaralan.
Ako nga pala si John Clark Montemayor Jc in short, kasalukuyang nasa 25 na taong gulang na, lahat ata na sakin na hindi lamang sa panlabas na anyo ang makikitang kaaaya-aya sa akin kundi maging ang aking mga pag-uugali. Sa edad ko na ito ay marami rin akong mga ari-arian at negosyo ngunit kasalukuyang naka-focus ako sa pagtuturo sa sarili kung paaralan.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng biglang may dumaan na bata masasagasaan na sana ito buti nalang at agad kung naihinto ang sasakyan ko. Nagmamadali naman akong lumabas at tingnan ang batang babae at baka nasaktan ito.
“Okay ka lang ba bata? May masakit ba sayo?” Nag-aalala kung tanong habang masusing pinagmamasdan ang buong katawan nito, doon napansin kung isa itong batang pagala-gala dahil sa marumi nitong pangangatawan at sira-sirang kasuotan. Bukod doon agaw pansin din ang karga-karga niyang tuta.
“Pasensya na po tinulungan ko lang po yung tuta, tyaka maayos naman po ako. Pasensya na po talaga” paghingi ng tawad nito, “tyaka dina po ako...


bata 18 na po ako” nakangusong sabi nito, mas nagmukha pa siyang bata sa ginawa niya.
“Sigurado ka, baka mamaya pagalitan ako ng mga magulang mo at ipakulong sabihin tinakbuhan kita matapus masagasaan ha” ngunit bigla naman akong naalarma ng hindi nito sinagot ang tanong ko at biglang umiiyak, may mamang babae namang biglang lumapit sa akin.
“Wala na ho siyang magulang, sa tingin ko ay trauma ang batang yan tuwing tinatanong kasi sa mga magulang niya ay bigla nalang umiiyak. Agad naman akong nakaramdam ng awa at pinatahan ito.
.•°FAST FORWARD °•.
“Dito ka po ba nakatira kuya?”tanong nito sa akin habang palinga-linga, isinama kona ito dahil wala itong tahanang matuluyan, naikwento niya narin halos kalahati tungkol sa kanyang buhay gaya ng higit isang taon na siyang pagala-gala. Hanga ako sa katatagan niya, naantig ng husto ang puso ko sa kalagayan niya kaya napagdesisyonan kung kupkupin nalang ito tutal ay ako lang naman mag isa dito sa condo.
“Oo, at ituring mo itong tahanan mo ha, mamaya maligo kana, hintayin mo lang ako dito at ikukuha lang kita ng tuwalya” tumungo na ako sa kwarto ko habang abala parin ito sa pagmamasid masid sa loob ng condo ko.
Note: Mahaba sana ito kaso ay di na kinaya😞


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.