Underrated Writer

13

Ako nga pala si Henry Alimar, at kilala sa RPW bilang si Von Warner. At wala ni isang nakakaalam sa tunay na identity ni Von Warner. Simula ng matuto akong mag rp I started reading one shot stories from famous writers. Minsan sa wattpad ngunit kadalasan sa facebook. One of my fb friend shared a post, at binasa ko iyon. Nagkataon na matagal ko ng napapansin ang nagpost nun pero dahil hindi siya sikat na writer hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin.

Steve : Pre, diba mahilig kang magbasa ng stories? Try reading Rose Cruise’s.

Yan ang huling chat ni Steve saakin. Steve is one of my co-shitposter. Palagi’y shinishare niya ang mga stories ng Rose na iyon kahit pa sa main post wala talagang react maliban sa anim na reacts at si Steve lang ang nagkokomento.

After 2 months napagtanto kong kakaiba ang mga plots niya. Medyo dumami na rin ang readers niya pero hindi parin sapat para hangaan ng karamihan. But I must admit it. She’s unique! She’s very approachable at higit sa lahat hindi boring kachat, ang laging sinasabi ni Steve saakin. Kaya naman naging silent reader niya ako. There are times na naiinis ako kapag kwento ng kwento si Steve saakin tungkol sakanya, kesyo close na sila masyado at hindi daw malabo na maging sila.

Steve : Bakit ganun ang comment mo sa new story ni Rose?

Von : Ano?

Steve : Pre tama ba na sabihan mong underrated writer siya? Takte pre oo hindi siya masyadong kilala bilang isang magaling na manunulat pero sana inisip mo kung ano ang mararamdaman niya.

When she accepted my friend request agad ko siyang chinat na Underrated writer. I didn’t mean it. Naiinis ako at ayokong tanggapin sa sarili ko na may kakaiba akong nararamdaman sakanya. I fell inlove with her masterpiece… and for her. Akalain niyo ‘yon? May ganun ba?

Rose : Hahaha naku alam ko na ‘yan. Pero magpapatuloy parin ako sa pagsusulat kasi iyon ang sinasabi saakin ng puso ko.

Von : So nakakapagsalita pala ang puso mo?

Rose : Hindi. Ibig kong sabihin iyon talaga ang gusto kong gawin.

Hindi ako nag reply nun. Pero kahit na alam kong nasaktan siya sa sinabi ko hindi ko iyon binawi. Kasi alam ko mas lalo pa siyang nagpursige sa pagsusulat.   Nagpost pa siya noon na,

Rose Cruise

Someday I’ll be someone’s favorite writer. 

Hindi na kami kailanman nagchat muli pero nandito parin ako nakaabang sa kanyang mga bagong stories. Hanggang sa kinailangan kong lisanin ang RPW dahil malapit na akong gumraduate sa SH at naging busy na akong tao.

Apat na taon ang lumipas nakabalik ako sa RPW. At nagulat ako sa unang post na nasa newsfeed ko, 70K reacts, 4K comments at 90K shares na isang post galing sa isang famous na writer na nagngangalang Rose Cruise. Napangiti ako at napalunok nang mapagtantong siya iyong babaeng gusto ko na sinabihan kong underrated writer. Siya iyong babaeng una kong nagustuhan sa RPW. Iyong babaeng manunulat na hinangaan ko apat na taon na ang nakakalipas.

Hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa sinabi ko noon. Kaya naman nagulat ako ng magchat siya! At hindi ko kailanman dinelete ang convo namin.

Rose : You came back!

Hindi ko pa alam nun ang isasagot ko kasi nanginginig ang kamay ko. Hinintay niya ba ako? Kasi pati RA ko nakafollow sa accounts niya. Natigil lang ako sa pagbabasa nung...

3rd Year College na ako. At ang mas nakakagulat may 7 na libro na siyang naipublish.

Von : Oo. Kilala ba kita?

Pagsisinungaling ko. Kunware hindi ko siya matandaan.

Rose : Hindi ba ikaw ‘yong shitposter na nagsabi saakin noon na underrated writer ako?

Von : Oo ako nga. Bakit?

Rose : Thank you. Alam mo ba? Ikaw ang maging inspirasyon ko. Ang layo na ng narating ko dahil sayo. Masyado akong nasaktan sa sinabi mo saakin noon kasi crush pa naman kita sa mga araw na iyon. Naturn off ako sayo pero naging inspirasyon na kita. Oh teka wag kang OA hindi na kita crush ngayon. Tapos kaya ako hindi nagpalit ng pangalan kasi para makilala mo ako sakali mang bumalik ka.

Napangiti ako. Sabi na eh.

Von : Hindi rin kita crush ngayon noh.

Medyo napatigil ako ng mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nung reply ko. Nag reply siya ng emoji na gulat.

Rose : Jusko crush mo pala ako dati?!!

Von : May sinabi ba ako?

We continued communicating. Pero wala na ‘yong feelings ko sakanya. I am loyal to my one and only fiancé. Naging close kami. Dumating sa puntong napagpasyahan naming magkita. Napagplanuhan naming sa Centrio magkita dahil pareho naman kaming taga CDO.

Sa araw na iyon kinancel ko ang date namin ni Isla. Medyo napikon pa ako dahil masaya pa itong hindi kami makakapagdate. Kaya bago ako tumulak papunta doon sa meeting place namin ni Rose nagkaroon ng matinding away sa pagitan namin ni Isla. Pero agad din namang nagbati dahil nabaliktad ang sitwasyon, imbes na ako ang magalit dahil masaya pa siya ako ang naging mali dahil hindi reasonable ang makipagkita ako internet friend lalo na’t babae ito.

Rose : Nasa Book store ako.

Von : Wait me there.

Dala-dala ko ang isang book na naipublish ni Rose, manghihingi ako ng perma. Nang makapasok sa book store agad akong nagpalinga-linga. Hindi naman masyadong madami ang tao.

Von : Anong kulay ng suot mo?

Rose : Naka white t-shirt, denim pants at nakajacket ng black naka ponytail ang buhok ko. Matangkad ako, tapos payat at mahaba ang buhok.

Napakunot ang noo ko sa nabasa.

Von : Okay.

Hinanap ko siya. At sa isang sulok may babaeng nakatalikod na kapareha nong chinat niya. Agad ko siyang nilapitan, pero nakumpirma ko ang hinala ko ng humarap sya.

“Ay jusko! Ikaw si Von Warner?!” gulat na gulat na tanong ni Isla habang nanlalaki ang mga mata.

“Ah so kaya pala masayang cancelled ang date natin kasi makikipagmeet up ka din”

“Hoy jowa ko! Kaya pala atat na atat kang icancel ang date natin kasi makikipag meet-up ka!”

“Bakit hindi mo sinabing writer ka pala ha?”

“Nagtanong ka ba ha?”

Humalakhak ako at pinanggigilan ang pisnge niya.

“Ang sama mo. Sobra yung pagkaturn off ko saya pagkatapos mo ako sabihang underrated writer hmp!”

I kissed her forehead.

“Hindi ko naman talaga ‘yon sinasadya. Aside from that, for me you are a masterpiece, everything about you… is a masterpiece”

She grinned.

“So after all this time iyong babaeng hinangaan ko sa FB ay ang babaeng papakasalan ko”

She hugged me. Bahagya pa siyang tumingkayad para mahalikan ang tungki ng ilong ko.

“All this time iyong lalaking hinangaan ko sa FB ay ang lalaking papakasalan ako”

Tumawa ako ng malakas ng may naalala.

“Bakit jowa?”

“Kaya pala ganun, may mali talaga sa binigay mong info sa chat”

“Ano?”

“PANDAK KA. HINDI KA MATANGKAD”




2 thoughts on “Underrated Writer