0

TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 4


Report

TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 4
Sabado ngayon at walang pasok. Paboritong araw ng mga studyante. Bukod sa sabado, kasama nito ang linggo sa mga paboritong araw ng mga estudyante, tulad ko syempre.
Kinuha ko ang isang long brown envelope mula sa loob ng drawer ko. Naglalaman ‘yun ng mga test papers namin, na pina-check ni Ma’am Elyneia kay Keith. Kinuha ko ‘yun mula sa kanya para ako na ang magdadala mismo sa bahay nila Ma’am Ely, napailing na lang si Keith nang kunin ko mula sa kanya pagkatapos niyang ma-check isa-isa.
Ma’am Elyneia expecting it on Monday, pero dahil natapos naman na-check, at dahil isa akong mabait na estudyante at masipag na kaibigan, ako na lang mismo magdadala nito sa bahay nila. Matutuwa si Ma’am panigurado pag-nagkataong ako pa ang mag-e-effort pumunta sa kanila.
Napangiti ako sa inisip dahil mas may malalim pangdahilan ko doon.
As I step my foot infront of their door, I lifted my right hand to knock three times. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Like it’s my first time to be here. When the door opened, I was surprised. I didn’t expect he’s the one to open the door for me. Kadalasan kasi ang Lola Tinay ang nabubungaran ko lagi.
Magkasalubong ang makapal niyang kilay na nakatingin sa’kin, tila isa akong sagot na kay hirap sagutin. Bumaba ang tingin niya sa’king mga paa at binalikan ulit ng tingin ang mukha ko. I’m wearing plain white v-neck shirt, and short shorts with my pooh slipper. My simple outfit for today. Nakalugay ang maitim at mahabang unat kong buhok.
“H-hey” bati ko. To cut the awkwardness between us.
“Anong ginagawa mo dito?” he hissed.
Nakahawak pa rin ang isang kamay nito sa seradura ng pintuan. Nakasando lang ito ng plain white, and his maroon jersey short, mukhang katatapos lang maglaro ng basketball, base sa itsura. His hair is a little bit messy. And it explained why I choose this kind of outfit. I gave him my sweetest smile.
“I’m your suitor, remember? That’s why I’m here knocking at your door.”
“Then you’re in the wrong door. Leave, Candace!”
I pouted my lips. “Ayoko,” pagmamatigas ko.
“Atsaka nandito ako para ibigay ‘to kay Ma’am Ely.” tukoy ko sa mga test papers na bitbit.
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. “Akin na. Wala si Mama.”
I pouted my lips for his response. Nag-isip ng pwedeng sasabihin, kapagkuwan, “Pwedeng pumasok?” Malakas na loob kong sabi.
He’s going to close the door. Nataranta ako, saktong nakita ko si Lola Tinay pababa sa hagdan. I shouted her name to get her attention.
Kalahati na lang ay tuluyan ng maisara ang pintuan.
“Oh! Iha, nandiyan ka pala. Travis, papasukin mo.” utos ni Lola Tinay.
Nagdiriwang naman ang mga paru-parung nasa tiyan ko. I let my tounge out at him. Kinunotan niya lang ako ng kanyang noo.
Wala siyang nagawa. He opened the door clearly. Tinignan niya ako ng masama.
I step my foot inside. I even welcomed myself.
I took Lola Tinay’s hand and put in my forehead as my respect for her.
“Godbless you.” she smiled. And patted my head like a little girl. Kahit matanda na si Lola Tinay, hindi pa rin kumukupas ang angkin nitong kagandahan. May lahi kasing espanyol mula sa mga ninuno nito. Kamukhang-kamukha niya ang anak na si Ma’am Elyneia, Travis’ mother.
Namula ang mukha ko sa tanong ni Lola Tinay sa apo. Napayuko ako ng ulo sa hiya. I played with my fingers. Kahit papano marunong naman akong mahiya. Alam kasi ng buong pamilya niya na manliligaw niya ako.
Tuwang-tuwa pa si Lola Tinay noon nung nagpaalam akong liligawan ko ang apo niya. Samantala nung una hindi payag si Ma’am Ely sa kadahilanan babae ako…. at naiintindihan ko naman ang gusto niyang iparating.
But I did so much effort for her son. Nang tumagal, okay at payag naman siya. Siguro dahil nakita niyang pursigido ako at gustong-gusto ko ang nag-iisang anak niya.
‘Yung Papa niya, mana sa kanya. Hindi manlang alam ngumiti kaya isa siyang kilalang terror sa school na pinapasukan namin. Buti hindi related sa course ko ang subject na tinuturo niya. Mga engineering student ang hawak nito at kabilang si Travis bilang isang estudyante niya.
Inangat ko ang ulo ko. Ni hindi manlang niya ako sinulyapan ng kahit kaunting tingin o pagsulyap man lang.
He’s reading his book, again.
Hindi na ako nagulat. Sa nagdaang araw na pumupunta ako dito. Parang isa akong bagay na hindi niya binibigyang pansin.
“Feel at home, Iha. Ikukuha ko lang kayo ng meryenda.” tumango ako bilang sagot.
Mataman akong nakatingin sa likod niya patungo sa eksaktong laki ng kanilang kusina. Their house wasn’t big, not even small. Eksakto lang para sa katulad nilang apat na miyembro sa pamilya.
Nang nawala sa paningin ko si Lola Tinay, pumunta ako sa kinaroroonan ni Travis. I walked towards him. Umupo ako sa harap ng inuupuan niya. Tinignan ko ang kanyang hawak na...


libro. Hindi ko makita ang title nun dahil tinatakpan ng mga mahahaba niyang daliri.
Umangat ang tingin ko sa mukha niya. I held my breath. He’s so breathtakingly handsome. His beautiful pair of eyes, thick eyebrow, pointed nose, red lips, hard jaw. Pinigilan ko ang sarili kong paglandasin ang mga daliri ko sa bawat korte ng mukha niya. Kay gandang likha ng Diyos.
“Are you done checking me out?” I startled.
Inangat niya ang kanyang tingin papunta sa’kin. Nilapag niya ang hawak na libro sa tapat niyang mesa.
Napaayos naman ako ng upo. I put my hands on my lap, and started playing my fingers.
Napalunok ako ng sarili kong laway, hindi dahil sa nauuhaw ako kundi dahil sa paraan ng pagtitig niya.
“I-im not checking you out,” pagdedepensa ko sa sarili ko.
“Sa libro mo ako nakatingin.” pangkumbinsi ko. Ngumisi lang siya. Yumuko ako, tinatago ang kahihiyang nararamdaman.
Hindi na siya muling nagsalita pa, dahil biglang dumating si Lola Tinay.
“Magmeryenda muna kayo Travis at Candace.” sabay lapag sa hawak na tray sa mesa. Kung sakaling di pa dumating si Lola Tinay baka naging pinong abo na ako ng tuluyan sa paraan ng titig niya.
“Akyat muna ako sa taas. Travis, ikaw na muna ang bahala dito kay Candace. Be nice to her.” bilin niya kay Travis.
“Maiiwan muna kita dito, Candace.” nakangiting paalam ni Lola Tinay.
“Sige po, Lola. Salamat po.” nakangiting sabi ko. At tuluyan na siyang umalis.
She prepared banana cake and orange juice para sa’ming dalawa.
Inabot ko ang basong naglalaman ng juice. I drink of it, halos makalahati ko ang laman ng nasa baso.
I composed myself. I bit my lower lip. Para maibsan ang kabang nararamdaman ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Nagulat ako sa tanong niya kanina pa.
“Ibibigay ko sana ‘to kay Ma’am.” Sabay maingat kong inilapag ang envelope sa mesa.
” ‘Yun lang ba, Candace?” His voice was questioning, na para bang may kulang pa sa sinagot ko. Pinaningkitan niya ako ng mata.
“Ahm. Para bumisita na rin kay Lola Tinay.”
“Okay.” Boses hindi kumbinsado niyang pagkasabi.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Ngayong pinangungunahan ako ng hiya at kaba.
He sliced the banana cake using his fork, at walang arteng sinubo iyon. Sinunod niyang kinuha ang basong naglalaman ng juice para sa kanya at halos maubos niya ang laman.
“S-sa totoo niyan. Ikaw talaga ang sadya ko.” matapang kong sabi.
He looked at me. “Why?”
“Duh. Nanliligaw ako ‘di ba. Ganito naman dapat ang manligaw. Mas na-a-appreciate niyo kung bigyan namin ng effort ang panliligaw.” Mahabang litanya ko. Hindi napigilan ang sarili. Pinisil ko ang kamay ko gamit ang isa, siguradong nabosesan niya ang pagka-irita na nababalot sa boses ko.
Nakatingin lang siya sa’kin at naiilang naman ako sa paraan ng titig niya.
“You talked like you know everything, huh.”
Sumimangot ako. “Bakit ayaw mo bang nag-e-effort ako para sa’yo?” Binato ko siya ng isang tanong. Tila naalis ang hiyang nararamdaman dahil malumanay na siyang nakikipag-usap sa’kin ngayon.
Umiwas siya ng tingin. Kinuha muli ang libro. “You talked too much.” At pinagpatuloy ang kaninang pagbabasa.
Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Nakita ko kung paano magkasalubong ang kilay niya, at kung paano kinagat ang sariling pang-ibabang labi. Masaya na’ko sa kaalamang nasa harapan ko siya kahit mahirap abutin.
“Why you suddenly stopped?” Nagulat ako sa biglaan niyang tanong. His eyebrow formed into straight line.
“From what?”
“Sa pagsasalita.” Wika niya’t nilipat sa kabilang pahina ang libro.
“Labo mo din eh. Akala ko ba ayaw mo because I talked too much. Tapos ngayon gusto mo’kong magsalita. Ano ba talaga?”
He chuckled on my rant. “Just keep talking. I won’t mind.”
Tumango ako kahit wala sa sinabi niya ang buong atensyon ko kundi sa pagtawa niya.
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi sinunod ang sinabi niya. Para akong na-freeze dahil sa pagtawa niyang ‘yun.
Binitiwan nito ang hawak na libro’t binalingan ako ng tingin. Nanlaki ang singkit kong mata, he crouched, trying to get a closer look at me. Dahil matangkad siyang tao, walang hirap siyang yumuko at dinungaw ako kahit may harang sa gitna. Nakaalalay ang isang kamay niya sa ibabaw ng mesa.
At hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Pinitik niya ang tungki ng ilong ko gamit ang malayang kamay.
“Ouch!” Reklamo ko. Hindi masyadong malakas ang ginawa niyang pagpitik. Sadyang madali lang talaga akong masaktan.
“Staring is rude, Candace.” Swabe ang bawat binitawan niyang salita.
Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit na niya sa’kin.
“Ang bilis mong mamula.” Inangat niya ang kanang kamay papunta sa mukha ko. Naramdaman ko ang magaspang niyang daliri sa ilong ko. He massage my nose tenderly.
At parang nangangatog ang baba ko and I wasn’t able to say a word .
Naramdaman kong may malakas na tambol sa aking dibdib. Paulit-ulit ang tambol na ‘yun, palakas ng palakas. I guess my little friend there is in so much happy.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.