5

True Love Waits?


Report

Hirap ng LDR nu ? (Hello sa mga related 💔) May 27,2017- nagflight na sya 😖 nakipagbreak na ko sakanya kasi di ko kaya. Oo ako na ang mahina pero tinatak ko nalang sa isip ko “Kahit magkalayo kami ng paulit ulit kung kami talaga PAGTATAGPUIN KAMING MULI!” Sa ngayon, pinagbubutihan ko ang pag aaral ko 🙂 nag aaral din sya dun. May communication pa din naman kami kahit papaano. Hindi ko alam kung mahal nya pa ba ako. Sabi ng tropa namin na sinabi daw ni Ex sakanila na “HANGGA’T DI PA DAW AKO NAKAKAHANAP NG IBA, HINDI PA DIN...


DAW SYA MAGHAHANAP❤” In my side, di pa rin talaga ako handang magmahal ng iba. Isang taon na nagsama kami pero ang hirap talagang kalimutan at palitan ng ganun ganun nalang. Mahal na mahal ko pa rin sya ! Di sa pagmamayabang ah pero madaming nakapila kaso wala pa kong nakikita na makakatumbas sakanya 💔. Mga kaibigan ko sinasabihan ako na maghintay daw ako -HINTAYIN KO DAW SYA- what if ? Sa huli ako lang nagmukang t*nga ???! Saklap naman ng life ko pag ganun 💔😅 kayang kaya kong maghintay pero nararapat pa ba ? Kahit wala ng kasiguraduhan ?? 😭😭😭


5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.