1

TRUE LOVE vs DESTINY


Report

DISCLAIMER:
This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
SYNOPSIS:
Si Hannah, isang babaeng ulila na sa magulang at nagtatrabaho bilang isang Personal Assistant ng Bilyonaryong Presidente ng DX Company. Wala siyang magulang ngunit mayroon siyang mapagmahal na kuya at mga pinsan.
Si Ikey, ang Bilyonaryong boss ni Hannah. Isang lalaking walang paki-alam sa paligid niya at ang tanging gustong gawin niya ang magtrabaho lang ng magtrabaho. Isang masungit at striktong boss, ang kanyang ama ang Chairman ng kompanya.
Si Harry, ang nakatatandang kapatid ni Hannah, isang magaling at sikat na story writer ngunit hindi niya pinapapakilala ang sarili sa mga fans niya gumamit siya ng ibang username na si Ian. Siya ang tanging mayroon si Hannah sa buhay niya bukod sa mga pinsan niya.
PROLOGUE:
“Kuya! May...


gusto akong itanong sayo” Saad ni Hannah at umupo sa harap ng kuya niya na kumakain mag-isa sa mesa.
“Ano yun? Binangungot ka na naman ba?” Seryosong tanong nito habang ngumunguya pa ng pagkain.
“Sa isang madilim na lugar may isang batang babae na umiiyak at nakatali ang mga paa at kamay niya, at may isang batang lalaking nagpapatahan ng iyak sa kanya” Napahinto sa pagkain si Harry at nakipagtitigan sa kapatid niyang hinihintay ang sagot niya.
“Ikaw ang batang babae at ako naman yung batang lalaking nandoon sa panaginip mo” At sa huli si Harry din mismo ang nag-iwas ng tingin.
“Pero may isa pang batang lalaking dumating at may dala siyang ilaw dahilan para magliwanag yung paligid ng buong lugar at napagtanto kung isa iyong abandonadong lugar na puno ng mga alikabok at may mga nakatambak na upuang yari sa kahoy. Bakit tayo nandoon kuya?”
-to be continue-
Please support my first story guys.. thank you๐Ÿ˜˜


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.