0

To Paradise With You


Report

Prologue:

Ako nga pala si Paul, “Pau” kadalasang tawag sa akin ng aking mga kaibigan, ako ay taga Pilipinas at laking probinsya. Kasalukuyan akong nakatira dito sa Houston, Texas dito sa America kasama ang aking kasintahan na si Coleen o “Coco” kadalasang tawag sakanya ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa akong office worker at ang aking kasintahan ay isang sikat na online vlogger, model, singer, streamer at dancer. Mag aapat na taon na kaming magkasintahan at sa ngayon, bumukod na kami ng tirahan dahil kaya na namin buhayin ang isa’t-isa. Pinili naming manirahan malayo sa syudad dahil pareho kami ni Coco na mahilig sa tahimik at peaceful na lugar. Hindi naman namin problema ang pagpunta sa aming trabaho dahil most of the time nasa bahay lang kaming dalawa, nag wwork from home ako dahil na rin sa pandemic gawa ng bagong Virus na kelan lang kumalat at syempre si Coco nasa kwarto niya lang, nag vvlog o nag sstream. Kapag nasa bahay ako, mostly nakatambay ako sa aming porch, dito ako madalas nag ttrabaho dahil mas nakakapag-isip ako ng maayos. Yun ay, maliban ngayong gabi.

Chapter I:

April 8, 2033
6:36pm

Naghuhunihan na ang mga kuliglig, minsan humuhuni rin ang isang kuwago. Gabi na pala. Halos diko pa nakakalahati ang Report ko, patay ako sa aking supervisor kung diko matapos ng maayos ito. Napapakamot nako ng ulo at napapakunot ang noo dahil diko makuha at diko maisip ang gusto kong isulat sa aking report.

Narinig ko na bumukas ang pinto.

“Babe, lumalamig na o. Ayos ka lang ba jan?” Tanong ni Coco.

“Ah oo, oo, okay lang ako. Patapos na rin naman ako dito” (Kahit di naman, ayoko kasing nag aalala si Coco dahil parang nanay ko sya kung manermon, okay lang naman sakin yon, gustong gusto ko yon na binibaby nya ako ang kaso nga lang na sstress ako ngayon kaya wala ako sa mood.)

“Sure ka ah? Gusto mo pagtimpla kita ng Tsaa? Kape? O chocolate?”

“Di’na babe okay lang, papasok na rin naman ako maya maya” sagot ko.

“Hmmm…”

Niyakap ako bigla ni Coco sa aking likuran at hinaplos nya ang aking ulo. Ang bango talaga netong babae na to, bukod sa mabait na, napaka sweet pa. Para akong nabuhayan ng loob ng maramdaman ko ang yakap nya at maamoy ang pabango nya.

“Thanks babe. Yan ang kailangan ko.” Sabi ko habang ako ay nakangiti pero diko parin tinatanggal ang tingin ko sa aking Laptop.
“Sige babe. Basta pag tapos mo jan pasok kana ha? Hihintayin kita sa sala. Sabay na tayong kumain.” Bilin nya.

“Opo ma’am!” sagot ko habang sumasaludo.
“Loko loko.” Sabi nya sakin habang papasok sya ng bahay.

Salamat at pinagaan ni Coco ang loob ko, mas makakapag isip nako ng mabuti ngayon.
Nagsimula na ulit akong magtype sa aking Laptop at determinado na akong tapusin ng maayos ang aking report.

Makalipas ang 40 minuto.

“At save! Woooo natapos din” Sabi ko habang naguunat ay sinumulan ko ng iligpit ang aking mga gamit.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan ta binitbit na ang aking mga gamit at ako ay pumasok na ng aming bahay.

Nakita ko si Coco nanonood ng TV sa aming sala pero mukhang nakatulog na sa kakahintay sakin.

“Babe tapos nako sa report ko, gising kapaba?” tanong ko.

“Hindi tulog nako.” sagot nya habang humihikab.

“Sensya kana medyo natagalan ako sa pag gawa ng Report ko, ang hirap kasi icompute kung pano ko papaangatin ang sales namin.” paliwanag ko.

Naupo ako sa tabi nya, nilapag ang aking mga gamit sa coffee table at inakbayan ko sya.
“Okay lang. Naidlip lang naman ako saglit eh.” Sagot nya ng matawa-tawa.

“Nauna ka nalang sanang kumain babe, di mo nalang sana ako hinintay. Nakakatakot ka pa naman pag gutom” Biro ko.

“Baliw ka.” natatawang sabi nya “Pag sinabi kong sabay tayong kakain, sabay tayong kakain ha? Maliwanag?” Kunware seryoso sya sa pagsabi nito.

Natawa ako sa panenermon nya. “Oo na po Ma’am. Masusunod po. Buset ka” sagot ko.

Nagtawanan kaming dalawa, dahil narin kiniliti ko sya.

“Tara na kain na tayo” anyaya ko sakanya habang hawak ko kamay nga para alalayan syang tumayo.

“Sige. nga pala nagluto ako ng paborito mo.” sabi nya habang nakangiti.

“Adobong baboy?” Sabi ko sakanya na parang kumikinang-kinang ang aking mga mata.

Natawa sya “May iba kapabang paborito bukod dito?” sabi nya sabay turo sa adobo.

“Uhh sabagay” natawa na naman ako. “Jusko ilang linggo ako nagccrave dito sa ulam na to, Thank you babe” sabi ko.

“Bat’ dika kasi nagsabi? Edi sana pinagluto kita ‘non.”

“Nako, ayaw kitang istorbohin.”

“Ano kaba, okay lang yon.”

“Oo na po boss. Haha kain na tayo”

“Sige babe eatwell.”

Habang kami ay kumakain at nagkkwentuhan. May narinig kaming kaluskos kaya napatigil kami sa pagkain.

“Nga pala babe, musta naman trab-” naputol ang tanong nya dahil sa may narinig kaming kumakaluskos.

“Saglit lang, titignan ko. Dito ka lang” sabi ko sakanya.

“Sige babe, magiingat ka.”

Tumayo na ako at naglakad papunta sa likod ng aming bahay kung saan nang gagaling ang ingay.

“Hellooooo?”

Patuloy parin ang pagkaluskos.

“Is anyone out here?”

Di parin tumitigil ang pagkaluskos.

“Hey! This is a private property!”

Lumakas ng bahagya ang pagkaluskos, dahil dito, nalaman ko kung saan nang gagaling ito. Ito ay nang gagaling sa Makapal na Bush malapit sa fence ng bahay namin. Marahil nang galing sa kakahuyan ang hayop na nagtatago dito dahil napapalibutan ang bahay namin ng kakahuyan.

“Hello” palapit na ako kung saan nang gagaling ang kaluskos.

Tumigil ang pagkaluskos.

Kinuha ko ang pala na nakasandal sa may hagdanan ng backdoor namin at akma ko sanang ihahawi ang halaman.

“Babe?” biglang sabi ni Coco na nasa pintuan na pala.

“Mukhang wala na. Baka naligaw na racoon lang or hayop yon.” Sabi ko.

“Babe!!” sigaw ni Coco.

Tumalikod ako at nakita ko ang gumagawa ng ingay.

Isang lalaki na di katangkaran pero malaki ang katawan ang biglang lumabas sa likod ng halaman. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil na rin sa gabi at madilim na. Bigla itong kumaripas ng takbo papalapit saakin.
Nataranta ako at napatingin sa hawak kong pala. Nang medyo malapit na sya saakin, walang ano ano’y hinampas ko ito ng pala sa kanyang ulo. Tumilapon ito at matumba pero bigla rin itong bumangon na para bang di sya nasaktan sa pagpalo ko sa kanyang ulo
.
“Babe! Tumawag ka ng Pulis!” sigaw ko kay Coco na nasa pintuan parin nanigas dahil sa takot.

Bigla rin namang nawala ang pagka freeze ni Coco ng sinabi ko sakanya yon. Mabilis syang pumasok sa bahay at pinuntahan ang telepono.

Hindi parin ako tinatantanan ng lalaking ito. Parang gusto nya akong kagatin, mabuti nalang ay mas mabilis ako sakanya.

“We are calling the cops man! Stop it!” Sigaw ko sa lalaki.

Hindi sya sumasagot kundi nagpapatuloy sya sa pag atake sakin.

“This is your last warning mister” pagbabanta ko sakanya habang niready ko ang Pala ko na parang magbbaseball ako.

Sumigaw ng malakas ang lalaki na animo’y isang mabagsik na hayop at inatake na naman nya ako. This time mas mabilis, halos na outbalance ako sa gulat pero buti nalang at naunahan ko sya at nahampas ko nanaman sya sa ulo.

Nang matumba sya, hinampas ko paa nya para di na sya makabangon. Parang balewala lang sakanya ang mga paghampas ko sakanya at gumapang pa ito papalapit sakin.

“Babe paparating na mga pulis!” sigaw ni Coco sa may bintana.

Akmang hahampasin ko sana ulit ang lalaki.
“Tama na yan babe. Lika na dito. Bahala na mga pulis jan. Dina na siguro makakatayo yan” lumabas na si Coco at nilapitan na nya ako.

“Akin na yan babe, tama na ha?” Kinuha ni Coco ang pala at hinahis nya ito papalayo samin.

Ako ay nakatitig parin sa lalaki na gumagapang parin papalapit samin pero magabal na dahil pinilay ko na ito.

“Tara na pasok na tayo.” Inalalayan ako ni Coco papasok ng bahay namin.

Naghugas ako ng mga kamay at tinaggal ko ang aking damit na natalsikan ng dugo.

Matapos kong maghugas naupo ako sa may kusina, lumapit si Coco at naupo sa tabi ko.
“Parang may mali sakanya.” Sabi ko kay Coco na may halong pagtataka.

“Ha?”

“Yung lalaki sa likod. Parang di sya nasasaktan tyaka parang amoy patay na hayop sya.”

“Baka baliw na palaboy yon babe tyaka baka basura kinakain nya kaya ganon ang amoy nya. Malas nya dito pa sya nag trespass” Proud na sabi ng kasintahan ko.

“Tyaka parang gusto nya akong...


kagatin nung una palang na pag atake nya sakin.” tugon ko.
Mga ilang segundo pa ay nakarinig kami ng sasakyan na huminto sa harap ng aming bahay.

Dumating na siguro yung mga pulis

“Teka babe ako na sasalubong sa mga pulis. Dito ka lang” sabi ni Coco habang papatayo at salubugin ang mga pulis.

Tumayo ako at pumunta sa may bintana para tignan ang lalaki kung nandoon pa. Nandoon pa naman ang lalaki, nakadapa pero di na to gumagalaw.

(Napatay ko yata jusko)

“Babe, eto nga pala si Officer Brown at Officer Sanchez”

Lumapit si Coco kasama ang isang malaking mama na African-American si Officer Brown at isang medyo maliit na Latinang babae si Officer Sanchez.

“Goodevening” Si Officer Brown.

“Evening” Si Officer Sanchez.

“Can you show us where’s the man who trespass your home?” Tanong ni Officer Brown.

“Sure Officer this way.” sabi ko.

Lumabas kami ng backdoor at nilapitan ang lalaki na di gumagalaw.

“Man you got him good.” Sabi ni Officer Brown.

“He tried to attack me, I am just defending myself. “Anyway is he dead?” tanong ko.

Inilawan nila ng flashlight ang lalaki at dun ko nakita ng maayos ang itsura nito. Madami syang sugat at mukha syang naaagnas. At yung amoy ay dun mismo sa mga sugat nya nang gagaling.

Naduwal kami ni Coco sa aming nakita. Tinakpan ko mga mata nga para di na nya ito makita.

“What the heck?” nasabi ko.

Kinurot ako ni Coco dahil ayaw nya sa mga badwords.

“Sorry babe. Nakakadiri kasi”

Napansin ko na parang wala lang itong nakikita namin sa dalawang pulis. Sabagay sanay na sa mga patay patay tong mga to.

“Officers what happened to that guy? Is he okay? I remember hitting him with a shovel but I think I did not make that kind of damage to him. I mean look at him he is bleeding all over his body. I didn’t even hit him in his body.” nagtatakang tanong at paliwanag ko sa mga pulis.

“Calm down son. That thing is already dead when it attacked you.” pagkatapos nyang sabihin ang mga yan ay biglang gumalaw ang lalaki pero binaril ito ni Officer Sanchez.

“Damn it Sheryl!” Sabi ni Officer Brown kay Officer Sanchez.

Napasigaw si Coco sa gulat, nanginginig at iyak na to ng iyak dahil di nya kinaya ang nakita nya.
Pinasok ko na si Coco sa loob ng aming bahay, pinaupo ko ito sa aming sala. Di parin sya tumitigil sa pagiyak.

“Sorry babe, nakita mo pa mga yon. Jusko ano ng nangyayari sa mundo. Naguguluhan nako” napaupo ako sa tabi ni Coco habang napahawak ako sa aking ulo.

“Kukuha kita ng tubig saglit lang” sabi ko kay Coco.

Habang ako ay kumukuha ng tubig sa gripo, tinignan ko sa bintana yung mga pulis. Si Officer Brown ay may kausap sa Radio at si Officer Sanchez naman ay naglalakad na papasok ng bahay namin.

“Eto babe. Inom ka muna.” sabi ko sabay abot ng tubig sakanya. Hinimimas himas ko likod nya para kumalma sya. Tumigil na naman sya sa pagiyak pero medyo nanginginig pa sya.

Pumasok na si Officer Sanchez at ilang segundo ay sumunod na din si Officer Brown.

“Okay, the backup team said they are on their way here.” Sabi ni Officer Brown.

“Okay but I still don’t understand. I saw him moved when Officer Sanchez shot him and you were saying he is already dead?” Tanong ko.

“I know it’s sounds ridiculous but the truth is that man is a Zed.”

“Zed?”

“Zombie, Undead you name it.”

“Are you kidding me?”

“No. that is very real.”

Sobrang confused na ako sa nangyayari. Zombie? Seryoso?

“So if they are real? Where’d they came from? How did that happen?” tanong ko.

“Well, I assume you are aware of the ongoing pandemic right?”

“Yeah right. What? I thought that was just like the Corona Virus? Like the one they Called Covid19 many years ago?”

“No. This is no Virus. The govenment just told you that to cover up the truth.”

“Oh my god.” Gulat na sabi ni Coco.

Hinimas ko likod ni Coco para kumalma.

“Do you know where it came from? Aren’t you a part of the government? Why are you telling this to us?” tanong ko.

“From what I heard, it came from this genetically modified plant and the scientist who is experimenting that plant inhaled the spore of the flower. That made him mad and violent and after that he started attacking people in their laboratory. Feasting on their flesh and all. The spore contain some fungi that when inhaled, the fungi take over the mind of it’s host.”

“Like a Cordyceps Fungus. The one that infect insects.”

“Right but this evolved fungi can infect bigger animals and humans. I am telling this to you because I want you to be aware of what is happening right now and I hate the government myself for not letting people to know the truth. Those selfish bastards.”

“Okay I understand. But if you got bitten, will you turn into one of them?” tanong ko

“Yeah” sagot lang Officer Sanchez.

Di ako makapaniwala na nangyayari ito sa totoong buhay. Dati nilalaro, binabasa at pinapanood ko lang ang mga Zombies pero ngayon totoong-totoo na.

Tinignan ko si Coco na di rin makapaniwala sa nangyayari.

“So anyway, you are lucky to be attacked by just one of them. You see, they are mostly move in groups so probably the group of the one that have attacked is somewhere here in the woods. They probably heard the gunshot so be ready. They most likely on their way here.” warning ni Officer Brown

“What are we going to do now?” Takot na tanong ni Coco.

Tinignan ko sina Officer Brown at Officer Sanchez para sabihin na kakausapin ko lang ang aking kasintahan. Tumango lang si Officer Brown at nakipagusap kay Officer Sanchez.

“Babe huminahon ka. Di nila tayo papabayaan” Sabay tingin sa mga pulis “Di kita papabayaan. Pprotektahan kita ha? Wag kang magalala. Di to lang ako sa tabi mo.” pagkakalma kong sabi sa kasintahan ko.

Tumango lang sya pero kita ko sa mukha nya na kumalma na sya kahit papano.

“Okay we decided to stay here for a bit just to make sure that the other undead won’t come here. But please, lock all doors and windows. Shut the blinds and turn off the lights.” Bilin ni Officer Brown

“Okay thank you” sabi ko

Tumayo ako at lumuhod ako sa harapan ni Coco para makita ko sya ng maayos.

“Babe, magiging okay din ang lahat. Tara hatid na kita sa kwarto natin para makapag-pahinga ka muna.”

Tinignan ako ni Coco na mamasa-masa pa ang mga mata, naiiyak nanaman sya.

“Shh babe. Tahan na ha? Di kita papabayaan ha?” sabi ko ng maalumanay kay Coco sabay halik sakanyan mga kamay.

“Salamat babe.” sabi lang nya at tumayo na sya.

Hinatid ko si Coco sa aming kwarto sa ikalawang palapag ng aming bahay at bumaba din ako agad.

Nakaupo na si Officer Brown malapit sa bintana para makita kung sakaling mga dumating pang mga Zeds. Si Officer Sanchez naman ay nasa kabilang bintana malapit sa kusina.

“We already locked the doors and windows. Can you please turn off all the lights?” Utos sakin ni Officer Brown.

Pinatay ko lahat ng ilaw sa bahay. Habang pabalik nako sa sala naalala ko na takot pala sa dilim si Coco. Nagpaalam ako sa mga Pulis na aakyat na muna ako at sabihan lang nila ako kung may problema. Pumayag naman sila kaya umakyat na muna ako.

Lumapit ako kay Coco na nakahiga sa aming higaan. Hinimas himas ko ulo nya. Damang dama ko na natatakot parin sya.
Nahiga muna ako sa tabi nya at niyakap nya ako.

“Babe, diko kayang may mangyari sayong masama.” umiiyak na naman sya “Di ko alam gagawin ko pag napahamak ka. Humihikbing sabi nya saakin.

“Shh.. Walang mangyayaring masama sakin, malakas kaya ako no.” Biro ko at tumawa ako ng mahina.

Natawa din sya pero mahina lang din.

“Wag ka na masyadong magalala babe. Walang mangyayari saking masama, satin. Kaya kalma na ha?”

Tumango lang sya.

Ipinikit ko muna mga mata ko para makapagpahinga ako.

BANG! BANG! BANG!

Bigla akong napabangon dahil sa putok na yon. Diko namalayan nakatulog pala ako. Nagising din si Coco.

“Ano yon?” tanong nya
“Dito ka lang.”

Dali dali akong bumangon at bumaba.

“WHAT IS GOING ON?!” Tanong ko sa mga pulis.

“THEY ARE HERE!” Sigaw na sagot ni Officer Brown.

End of Chapter I


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.