0

Till My Last Breath Chapter 3


Report

Author:Asy✍🏻
SARAH POV
Ako nga pala si Sarah Dela Cruz,ang nag iisang kaibigan ni Kiarra. Halos 4 na taon ng naghahabol si Kiarra kay Kael,ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ng kaibigan ko sa lalaking yun e ang sama ng ugali,daig pa yung mga kampon ni satanas. Sobrang naawa na ako kay Kiarra,hindi nya deserve yung ganito,maganda naman sya,mabait,mapagmahal kung tutuusin isa isang ideal girl. Hindi ko mapagkakaila na maraming humahanga sa kanya at manliligaw pero ewan ko ba si Kael pa rin yung gusto nya,Hayst!
_______
KIARRA POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko,panibagong araw na naman. Panibagong pangyayari naman sa buhay ko. Dali dali na akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo,lunes ngayon kaya may pasok ako sa trabaho
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Still Kiarra:
Kakalabas ko lang ng village ng may matanaw akong pamilyar na kotse,at hindi nga ako nagkamali. Kotse ni kael yun, dali dali akong nagtago...


sa likod ng isang kotse ng makita ko sya…………may kasamang babae,ang saya ni Kael nakangiti sya ngayon,ung ngiting yon ngayon ko lang nakita. Parang tinutusok ng isang daang karayum ang puso ko,hindi dahil sa may kasama sya kundi ang nakikita siyang nakangiti at masaya sa piling ng iba samantalang halos pagsakluban na ng langit at lupa ang mukha kapag ako ung kaharap nya. Ano bang meron sa iba na wala ako? Girlfriend nya kaya yung babae? Hindi ko mapagkakaila na maganda sya,sobrang ganda nya. Sexy,napaka professional kung manamit.
“Let’s go”rinig kong pag aya ni Kael doon sa babae sabay abot ng kamay nito,Ang sakit!
“Okay”nakangiting sagot ng babae at inabot ang kamay ni kael. Inalalayan naman sya ni Kael papasok ng kotse,ung isang kamay ni kael ay nakalagay sa ulonan nung babae para hindi ito mauntog. Ako kaya? Kailan ko kaya mararanasan yung ganito? Ang special cguro ng babaeng yon para ganun na lang sya ingatan ni Kael
Hindi ko namalayan na nakaalis na sila.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.