2

THIS TIME I WILL LOVE YOU 3


Report

Tila nakaramdam ng pagsisisi si Amanda Sofia dahil sa ginawang pag-amin na mahal din niya ang lalaki lalo na sa pagpayag na maging fiancée ni Zach.
Minabuti niyang muli itong kausapin. Kinatok niya ito sa silid nito.
“Bukas iyan,” tugon ng lalaki.
“Pwedi ba lumabas ka sandali,” wika ni Mandy.
“Pumasok ka na lang.”
“Ayoko, ikaw ang lumabas.”
Nagulat si Mandy nang bumukas ang pinto at makita ang ayos ng lalaki. Nakatapis lang ito ng bath towel at katatapos lang mag-shower.
“Look at yourself, pwedi bang magbihis ka muna,” wika niya sabay talikod dito.
Napangiti si Zach sa inasal ng babae. Minabuti niyang magsuot na muna ng robe at muling hinarap ang dalaga.
“What can I do for you sweetheart? Halika pumasok ka,” hinila siya nito papasok sa silid at isinara ang pinto.
Langhap pa niya ang masculine scent ng bath soap na gamit ng lalaki. Hindi niya alam kung paano magsisimula at kung ano ang sasabihin dito.
“Come on, what can I do for you?” Nakagiting hinawi pa nito ang hibla ng buhok na bahagyang lumaylay sa pisngi niya.
Napaurong siya palayo rito.
“Iyong sinabi ko kahapon, saka iyong pagpayag ko na maging girlfriend mo binabawi ko na,” sa wakas ay nasabi rin niya.
“What?” Humakbang palapit sa kanya si Zach.
“Please, huwag kang lumapit, wala na tayong pag-uusapan pa, aalis na ako.”
Akma siyang lalabas pero humarang ito.
“Sa palagay mo ba papayag ako?” si Zach.
Hindi malaman ni Mandy ang sasabihin.
“Ayoko na break na tayo!”
“Ganoon lang kadali?”
“Zach kasi…”
Hindi na natapos ni Mandy ang sasabihin dahil hinapit na siya ni Zach at siniil ng halik sa labi. Tinangka niyang itulak ito pero mahigpit ang pagkakayakap ng lalaki.
“Zach ano ba, bitiwan mo ako.” Piglas niya.
“Sofia mahal kita!”
Biglang kinabahan si Mandy nang buhatin siya ni Zach at ilapag sa kama. Hinagkan siya nitong muli. Noon sila kinatok ni Dina.
“Señorito Zach may naghahanap po sa inyo Kyla daw po ang pangalan,” wika ni Dina.
Itinulak ni Mandy si Zach....


Nabitiwan siya nito. Agad siyang bumangon mula sa kama nito.
“O ayan may naghahanap na naman sa’yo, babae mo na naman,” galit na wika ni Mandy sa binata.
“Dina, sabihin mo nag-out of town ako,” tugon ni Zach sa sinabi ni Dina.
Tumalima naman ang katulong.
“O ano na, labasin mo na ang babae mo!” pagtataboy niya kay Zach.
Hindi pinansin ni Zach ang galit ng dalaga. Niyakap lang niya ito ng mahigpit. Kahit nagpupumiglas ito para bitawan niya ay hindi niya pinakawan ito.
“Please, huwag ka ng magalit. Ikaw ang pakakasalan ko,” wika ni Zach.
“Magpakasal ka sa mga girlfriend mo!” Puno ng selos na tugon ni Mandy.
“Teka nagsi-selos ka na naman ba?”
“Ang kapal talaga ng mukha mong tanungin pa ako ng ganyan. Hindi ka na nahiya at nakonsensiya sa dami ng babae mo na niluluko, isinasama mo pa ako,” napaka-sama ng loob habang sinasabi niya iyon kay Zach.
“Sofia, ikaw ang mahal ko. Pakakasalan kita.”
“Hinding-hindi ako pakakasal sa’yo hanggang may mga babeng naghahabol sa iyo.”
“Gagawin ko kung ano ang gusto mo maniwala ka lang na ikaw ang gusto kong pakasalan. Alam nila iyon, ikaw lang ang minahal ko.” Matapat na wika ng lalaki. “I’m sorry!”
Kinintalan niya ng halik sa noo ang dalaga tanda ng pag-galang. “ Promise I will love you forever!”
Hindi na komontra pa si Mandy. Mahal niya ang lalaki kaya dapat siyang maniwala at magtiwala.
“Sofia, you’re my everything!” bulong nito habang patuloy siyang hinahagkan sa mukha.
Hindi na sinumbatan pa ni Mandy ang binata tinugon na lang niya ang mga halik nito.
Bago ikinasal sina Amanda Sofia at Zach ay nakipaghiwalay muna ang binate sa mga nagging girlfriend nito. Marahil masaya na rin ang mama at papa niya dahil batid ng mga itong liligaya siya sa piling ni Zach.
Ang isang buong pamilya na hinangad nilang mabuo sa Cueva mansion ay natupad na at masaya na rin sila sa piling ng isa’t-isa at ng kanilang anak.
🌺🌺🌺🌺🌺THE END🌺🌺🌺🌺🌺
Thank you for reading❤


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.