1

THIS TIME I WILL LOVE YOU 2


Report

Day off ni Zach nang araw na iyon kaya nanatili lang ito sa mansion.
Nasa mood naman si Amanda Sofia na mag-bake nang araw na iyon. Noong nasa Australia pa siya ay ito ang madalas niyang ginagawa kapag nasa bahay lang siya.
Nag-bake siya ng cookies dahil alam niyang darating doon ang kaibigan niyang si Ara. Tapos ng mag-bake noon si Mandy nang dumating ang babae. Nanonood siya ng dvd sa silid niya nang dumating si Ara. Niyaya niya sa dining room ang kaibigan ngunit laking gulat niya nang mawala ang mga cookies na niluto niya.
“Dina, where’s my cookies?” tanong ni Mandy sa katulong nila.
“Señorita, kasi sabi po ni Señorito Zach dalhin ko daw po sa garden cottage, may dumating ho kasi siyang bisita,” tugon ng katulong.
“What?” Sisitahin sana ni Mandy si Zach pero pinigilan siya ni Ara.
“Mandy relax, calm down.”
“Ara, talagang inaasar ako ng Zach na iyan, ako ang nag-bake ng cookies na iyon para sa iyo hindi para sa kung sino niyang bisita,”galit na wika niya.
“Huwag ka ng magalit, just relax, hindi naman ako nagugutom.” Ngumiti si Ara matapos sabihin iyon.
Pinigil ni Mandy ang nadaramang galit nang sandaling iyon. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng green apple at grapes at nilagay sa fruit bowl at iyon ang dinala nila patungo sa terrace. Doon sila nagkwentuhan. Mula doon ay tanaw na tanaw nila ang sweetness sa pagitan ni Zach at ng babaeng bisita nito. Ipinitas pa ni Zach ng mga bulaklak ng rosas ang babae.
“Ang swerte ng babaeng iyan, super gwapo na ni Zach, sweet pa, mayaman pa,” si Ara.
“Sabihin mo makapal ang mukha ng babaeng iyan! Ang rose na iyon ay mga American Rose na pag-aari ng Mama ko!”
Minabuti na lang ni Mandy na huwag ng pansinin ang dalawa. Hapon na nang umalis si Ara.
Kinagabihan hindi inakala ni Mandy na doon pa magdi-dinner ang bisita ni Zach. Nakisabay pa ang dalawa sa kanya. Naalangan naman siya kung biglang tatayo o hindi. Naramdaman na naman kasi niya ang galit na naramdaman kanina.
“Lara, siya ang younger sister ko, si Amanda Sofia,” wika ni Zach.
“Hello, good evening!” nakangiting bati ng babaeng ipinakilala ni Zach sa kanya.
Tinapunan lang ni Mandy ng tingin ang dalawa. Wala siyang imik sa dalawa habang kumakain.
“Dito ka na magpalipas ng gabi,” nakangiting wika ni Zack sa babae.
“Sure,” matamis naming ngumiti ang babae kay zach.
Napatingin si Mandy kay Zach. Hindi niya gustong basta-basta na lang nagpapatulog ng kung sino na hindi nila kamag-anak ang lalaki. Sinalubong ni Zach ang tingin niya. Napansin ni Lara ang matalim na tinginang iyon sa pagitan nila.
“Uuwi na lang kaya ako, tutal aalis na rin kami dito sa Baguio ng maaga,” si Lara.
Hindi na rin naman nagpilit pa si Zach. Si Lara ay anak ng isa sa mga investor sa kompanya nila. Inanyayahan lang niya ito na magtungo dito sa Mansion nila. Wala silang relasyon nito, kaibigan lang talaga niya ito. Matapos mag-dinner ay inihatid na ni Zach sa Valle Hotel ang dalaga. Pagbalik niya ay nadatnan niya sa living room si Mandy. Nagbabasa ito ng magazine.
“Sorry kanina kung ipinalabas ko kay Dina iyong cookies na niluto mo,” wika ni Zach.
“Wala ka talagang mabuting ginagawa sa akin,” tugon niya.
Umupo si Zach sa tabi ng dalaga. Napangiti ito.
“Anong nakakatawa?” inis na tanong niya sa lalaki.
“Bakit ba lagi ka na lang galit sa akin? Mula nang dumating ako sa bahay na ito parati mo na lang akong tinatarayan. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan sa’yo.”
Hindi siya nakaimik sa sinabi ng lalaki.
Minabuti niyang iwan na lang ito. Akma siyang tatayo nang hawakan siya nito sa braso at hilahin ulit paupo pero nawalan siya ng panimbang at bigla siyang bumagsak sa kandungan ng lalaki. Dahil doon hindi niya sinasadyang mahagkan sa labi ang lalaki. Saglit lang iyon pero kay laki ng epekto sa kanya. Namula siyang bigla sa kahihiyan. Agad siyang kumalas sa binata at tuluyan itong iniwan.
“Mandy,” tawag ni Zach sa kanya pero hindi na niya ito pinansin.
Hiyang-hiya siya sa nangyari.
Isang umaga laking gulat ni Amanda Sofia nang bigla na lang siyang sampalin ng isang galit na babae na dumating sa Mansion nila. Papasok na noon si Zach kaya nasaksihan rin nito ang nangyari.
“Laila!” nabigla si Zach sa ginawa ng babae.
“Siya ba? Siya ba ang babaeng itinatago mo dito sa Mansion n’yo?” Tanong nito kay Zach. “Hoy babae ang kapal ng mukha mo!”Baling nito sa kanya.
“Anong pinagsasasabi mo?”galit na tanong ni Mandy sa babae habang hawak ang namumulang pisngi na sinampal nito.
“Laila let’s go!” hinila ni Zach ang babae paalis.
“Ang kapal ng mukha n’yong dalawa, hoy babae manga-agaw ka!” Wika pa ulit nito sa kanya.
Halos maiyak sa galit si Mandy dahil sa nangyaring pagsampal sa kanya ng isang babaeng dumating sa Mansion nila at bigla na lang sumampal sa kanya.
Hindi nagtagal at muling bumalik sa Mansion si Zach. Agad naman itong sinita ni Mandy. Isang sampal rin ang pinadapo niya sa pisngi ng lalaki.
“Nakikita mo na ang ginagawa mo? Dahil sa pambabae mo pati ako nadadamay,” naiiyak na wika ni Mandy. Wala pang nakapanakit sa kanya mula pagkabata, ito lang.
“Sofia, I’m sorry,” wika ni...


Zach.
“I hate you!” umiiyak niyang wika.
Nahabag naman si Zach nang makitang umiiyak ang dalaga. Niyakap niya ito. Tinangka ni Mandy na itulak si Zach pero hindi niya nagawa. Umiyak na lang siyang sa dibdib nito sa sama ng loob.
Kinabukasan hindi inakala ni Mandy na dadalhan siya ni Zach ng breakfast sa silid niya.
“Good morning,” nakangiting bati nito.
Nagtaka siya kung bakit ito nakapasok samantalang naka-lock naman ang silid niya. Katatapos lang niyang mag-shower noon. Nahapit niyang bigla ang roba niya. Iyon lang kasi ang tanging suot niya.
“What are you doing here? Bakit bigla ka na lang pumasok?” Magkasunod niyang tanong.
“Breakfast in bed,” nakangiting wika nito na hindi pinansin ang tanong niya.
“Paano ka nakapasok?”
“Nasa akin ang lahat ng duplicate keys ng bawat silid sa bahay na ito,” tugon nito. “Sofia, please I just want to say sorry!”
Nakita niya na tila sincere naman ang lalaki sa sinasabi nito.
“Sa dining room ako kakain. Lumabas ka na, just give me privacy para makapagbihis pwedi ba?”
Walang nagawa si Zach kundi sundin ang nais ng dalaga. Sa dining room nadatnan ni Mandy ang lalaki nang bumaba siya.
“Now, let’s eat,” ngumiti si Zach sa kanya na tila hindi apektado sa pagtataray niya.
Nang makitang naroon ang lalaki ay bigla siyang lumabas ng dining room ngunit humabol ito sa kanya.
“Amanda Sofia, don’t treat me like this, kasalanan ko ang lahat, I’m sorry.”
Huminto siya sa paglakad at bumalik sa dining room. Minabuti niyang sumabay na ng pagkain sa lalaki dahil gutom na rin naman siya.
Matapos mag-breakfast ay nagtungo siya sa hardin. Naglakad-lakad siya doon at pinagmasdan ang mga bulaklak na tanim pa ng kanyang Mama noong nabubuhay pa ito. Sabi ng Papa niya iyon ang paboritong lugar ng Mama niya noong ipinagbubuntis pa lang siya. Ipinaglihi pa nga daw siya nito sa mga American red Rose na naroon sa hardin nila kaya naman siguro dagli siyang namumula sa tuwing masisikatan ng araw o kahit sa biglang bugso ng damdamin.
“Alam mo kapag nalulungkot ang Papa lagi siya dito sa hardin, lalo na kapag nami-miss ka niya,” wika ni Zach.
Napalingon siya nang malamang sinundan siya nito. Lumakad siya palayo rito pero lumakad din ito palapit sa kanya. Gusto sana niyang mapag-isa pero laging nakasunod sa kanya si Zach.
“Sofia, honestly I just want to be close to you,”amin nito.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad at humarap dito. Muntik pa siyang matumba nang malamang napakalapit na pala ng lalaki. Sinalubong nito ang tingin niya. Halos napakalapit na ng mukha nito sa mukha niya.
“ Please, I’m sorry.”
Hindi malaman ni Mandy ang magiging reaksyon. Napakalapit kasi ng lalaki. Kumabog bigla ang dibdib niya. Parang laging nagrerebelde ang tibok ng puso niya sa tuwing mapapalapit ng ganoon ang lalaki.
“Just give me a chance para matupad ko ang ipinangako ko sa Papa na iingatan kita. Sofia, alam mo bang nasasaktan ako sa mga ginagawa mo, kahit noong una pa lang na dumating ako dito sa Mansion lalo na kapag ipinaparamdam mo na ayaw mong naririto ako,” malungkot na wika ng lalaki.
Ewan kung bakit tila nakaramdam siya ng habag para sa lalaki. Tila lumambot ang puso niya sa pagkakataong iyon.
Hindi na naintindihan pa ni Mandy ang mga sinabi ng lalaki, ang tanging tumatak sa isip niya ay ang sandali na niyakap siya nito at hagkan sa labi. Hindi niya tinutulan ang kaganapang iyon. Natagpuan na lang niya ang sarili na gumaganti tinutugon ang mga halik na iyon ni Zach. Ang pagpapaubayang iyon ng dalaga ang nagbigay sa lalaki ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang ginagawa. Tila natauhan lang si Mandy nang maramdaman ang paglalakbay ng kamay ng lalaki sa likod niya.
Bigla siyang kumalas dito.
“Sofia, you have nothing to worry about! I did it because I want it and I love you not as a sister but as a woman,” prangkang wika ni Zach.
Nalitong bigla si Mandy sa sinabing iyon ng lalaki.
“Sofia, please don’t get mad. I am willing to marry you. I want you to be my wife.”
Lubhang nabilisan ang dalaga sa mga pangyayari. Si Zach nagpo-propose na sa kanya ng kasal!
“Zacharias, huwag mo akong paglaruan, huwag mo na akong ibilang sa mga babae mo,” may pait sa tinig na iyon ni Mandy.
“Sofia, I’m serios. Mula pagkabata minahal na kita. Hindi mo lang alam na nasaktan ako ng sobra nang umalis ka dahil sa akin. Sinubukan kong makipag-relasyon sa iba’t ibang babae pero walang nangyari. Maniwala ka naman sa akin. Mahal kita, I know you love me too, right?”
Hindi siya sumagot. Bakit ba hindi niya makayang sabihin sa lalaki na hindi niya ito mahal?
“Nang bumalik ka hindi na ako umasa na mamahalin mo pero nararamdaman ko na nagagalit ka sa tuwing malalaman mong may babae ako, nagsi-selos ka diba?”
Sukol na siya. Totoo nagsi-selos siya.
“Hindi ko pinangarap na makasal sa isang lalaking babaero na tulad mo!” Iyon lang at tinalikuran na niya ito ngunit bago pa siya tuluyang nakaalis ay bigla nitong hinawakan ang braso niya. “Ano ba?”
“Sofia, do you love me?” Deritsang tanong ni Zach sa dalaga.
“Yes, I love you!” Biglang natutop ni Mandy ang bibig nang maisip ang sinabi niya.
Napangiti si Zach. Namula naman sa hiya si Mandy.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.