0

Think twice before you make any decision!😊


Report

Hi everyone ako nga pala si zel 26 yrs old.. share ko lang story ko.πŸ˜ŠπŸ“’

I have an college school mate and his name is john. Nakilala ko sya nung nag ojt kami nung 2nd year high school that was 2010 to 2011
Our course is Bs H.E and dahil sa mga friends ko at friends nya nagkakilala kami
Parehas lang kami ng pinapasukang company at magkatabi lang ung apartment namin na inuuwian nuon.

Ang bait bait nya sakin nuon, malambing, madalas nya akong ipag luto ng scrambled egg,😁😁 halos sya lagi ung kasama ko sa mga pictures, halos lagi din kami magkasama pag gumigimik with our friends. πŸ‘«So in short parang iisipin na my relasyon kami pero wala… as in wala “were friends” my gf sya that time. Sobrang naging mag close friend lang talaga siguro kami.

Then natapos na yung pag ojt namin. hindi ko na tinuloy ung course ko ng 4years vocational lang ung kinuha ko then nag work nako after my ojt. And si john nagpa tuloy sa kanyang pag aaral.πŸ“šπŸ“š

After our ojt nawalan kami ng communication ni john. Hindi ko alam kung nasaan na sya o ano nangyare sa kanya dahil ako nag wowork at sya nag aaral..😌😌

Nakalipas ang ilang taon nakita ko ung facebook page nya at naging mag friends kami. Duon ko nalaman na wala na sya sa pinas ng family nya at nag migrate na sila sa canada. Nag kakachat kami kamustahan.. and naging stalker nya ako for almost a year until now πŸ˜‚πŸ˜

Year 2016 bumalik sya sa pinas para mag bakasyon ng ilang araw. At that time nag kita kami sa isang coffee shop. β˜•Symepre nag kwentuhan kami kung ano na nangyare sa buhay namin. And also throwback when ojt days.
My bf na rin ako that time almost 3years na kami nuong bf ko sya naman nag kahiwalay sila ng 1st gf nya.

Nakalipas ang isang linggo nagaway kami ng bf ko (hindi dahil sa nakipag kita ako kay john. Dahil hindi nya alam na nagkita kami. And because nagseselos sya kay john dahil akala nya ex bf ko si john) nakipag hiwalay saakin ung bf ko.

Si john lang ung nag iisa kong naging sandalan nuong araw na un palagi ko sya tinatawagan text at umiiyak dahil sa ginawa saakin ng bf ko.
( reason: selos and problems )

And nuong araw na iyon naramdaman ko na si john mukang my gusto saakin thru our conversation everyday at gusto ko rin naman sya matagal na pero hindi ko pinapakita sa kanyang gusto ko sya mas mahal ko kasi that time si bf.

( sabi ko sa sarili ko nuon kung si john ung mamahalin o pipiliin ko...


magiging LDR kami ang hirap nuon nasa malayo sya hindi ko alam kung magiging faithfull sya saakin or etong bf ko na nakipag hiwalay sakin na almost 3years ko ng nakasama at naging kadamay sa lahat ng problema.)

Dahil inlove na inlove nga ako sa bf ko nuon todo effort ung ginawa ko para balikan nya ako halos mag makaawa at umiyak ako sa harap nya para mag kaayos kami. In short naging ok kami nagkabalikan kami at nalaman nya that day na nagkaka usap kami ni john nung time na nakipag break sya sakin. So etong bf ko galit na galit selos na selos pina unfriend sakin si john sa facebook account ko at nawalan kami ng communication ni john.
Pero kahit naka unfriend sakin si john gumagawa ako paraan para ma stalk o ma check ung profile nya.πŸ˜‚

Nagpatuloy ung relasyon namin ng bf ko at nagkaanak kami at kinasal.

So eto na nga…
Dumating ung time na i add ko ulit si john sa fb akala ko hindi nya ako i accept after ilang years. Nag ka chat kami at nagkausap. 😒 duon ko na nalaman lahat..

Tinawagan ko sya thru messenger..
Blahh blah blah nag kwento ako about sa nangyare sa buhay ko…etc
And then i ask him kung what happened to his life pagkatapos ko sya inunfriend.
My nakapag sabi nga daw sa kanya na kinasal nako at duon nya inamin ung totoo na mahal na mahal nya nga ako kung kelan huli na ang lahat… kung sya lang daw ung pinili ko nuong araw na yun sana nasa canada na rin daw ako at magkasama kami nag ttravel at binubuo ang pangarap namin.

Halos araw araw ko syang tinatawagan nuon at videocall (habang nasa trabaho ung husband ko).at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya na minahal nya ako

Sinabi ko sa kanya ung totoo na akala ko hindi mo ako seseryosohin o lolokohin mo lang ako dahil nasa malayo sya.

Hindi ko sya pinaniwalaan nag duda ako
Sabi ko sa kanya sana my 2nd life para maranasan namin dalawa ung pag ibig.
Sana my time machine para maibalik ko ung oras at panahon na dapat sya ung pinili ko..
Halos araw araw ko sya iniisip na sana ganto kami ngayon.

And after 1 week ng pag vivideo call namin napag isip isip ko mali itong ginagawa ko dahil my anak at asawa nako . minsan na lang kami magka chat ni john. And were just friends.

And as of now magkasama kami ng pamilya ko. Mahal ko ung pamilya ko pero my pagsisisi ako sa sarili ko kung bakit hindi sya ung pinili ko.
The end😊
thank you for reading my story. Have a great day!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.