0

The_lost_daughter Chapter_25


Report

Long time no see,bungad ni madam mariel kay Armando Agustin nang makita niya ito sa loob nang isang room sa hotel.
Akala ko hindi kana babalik dahil nag eenjoy kana kasama ang peke mong asawa.
Hindi mangyayari yun,hindi pa tapos ang misyon ko.
Ikaw mukhang nag eenjoy ka rin sa peke mong asawa ngiti nitong sabi.
Pero bakit matagal na panahon hindi mo parin nakuha kayamanan ni Don Federico.
Ung lalaking yun,matalino pa sa matsing,kahit anong landi ko para mapaibig lang,no effect.
Kamusta nga pala si syra,agad na tanung ni Armando.
Yan din pala ang isa sa pinunta ko,kung bakit pumayag akong makipag kita sayo ngayon.
Paalisin niyo sa poder niyo ang babaeng si chuchay.
Chuchay!? Bakit ano meron sa kanya,agad nitong tanung.
Siya lang naman lagi ang nag papaiyak at nagpapahirap sa anak mo,inis na sabi ni madam mariel.
Bakit di mo agad dinispatsa,agad na sabi ni armando.
Akala ko nga madali lang dispatsahin ang babaeng yun,pero nagkaroon pa nang lakas nang loob na kalabanin ako dahil sa tulong nang anak anakan mong si Ali.
Pagkatapos mag usap nila Armando at Mariel ay agad naman kinausap nito si Ali.
Ali bakit mo pala tinutulungan si chuchay,may gusto kaba sa babaeng yun!?
Yes dad,tyaka mabait si chuchay dad.
Paalisin muna siya dito,makakasira siya sa plano nating paghihiganti kay Don federico.
Hindi dad,hindi siya pwedeng umalis dito nangako akong proprotektahan ko siya,agad na sabat ni ali.
Ayoko sa kanya para sayo,kaya paalisin muna siya dito.
Pero dad..
Gusto ko na magpahinga ali,tapos na ang usapan basta sundin mo ang gusto ko,sabi nito at agad na lumakad papuntang kwarto ang dad ni ali.
Rinig naman iyun ni chuchay ang pag uusap nang mag ama sa sala..
Pagkatapos niya yun marinig ay bumalik na siya ulit sa kwarto niya.
Pagka inumagahan ay kinausap agad niya si Ali.
Ali may nakita na nga pala akong apartment,gusto ko sana mag paalam na umalis na dito at doon na tumira.
Pero chuchay baka hindi ka safety dun,dito ka lang agad na sabi ni ali na seryoso ang mukha.
Ali,malaki na naitulong mo sakin ngayon nakaipon nku,tama lang naman siguro na umalis nku.
Wag kang mag alala safety ang nakita kong apartment,dagdag pa niyang sabi para pumayag si ali.
Inunahan na niya si ali,dahil alam niyang maiipit ito sa gusto nang dad niya.
Kung yan ang desisyun mo,ok sige pero tumawag ka agad sakin pag kailangan mo nang tulong.
Oo wag kang mag alala,tyaka lagi parin naman tayo magkikita sa panahian diba,ngiti niyang sabi.
Bago umalis si chuchay ay pinuntahan niya muna ang mom ni ali.
Pinunasan niya ito at kinakausap.
Sorry nga po pala nung isang araw po maam,ha kung hinawakan ko kwentas niyo nagandahan lang kasi ako.
Alam niyo po ma’am swerte parin si ali,kasi nandito pa kayo,buhay pa!
Kaya pagaling po kayo ha,naalala ko po kasi sa inyo si inay ko.
Ang inay ko na akala ko totoo kung ina,at sobra kung mahal,pero hindi pla siya ang tunay kung ina napulot lang daw niya ko,ngiti kong sabi sa kanya nanatili parin itong nakatingin sa malayo..
Ung kwentas niyo pong may bituin po ma’am,tulad din po nitong balat ko sa talampakan diba po bituin din po siya,sabi ko sabay pakita sa kanya ang balat ko.
Nagulat naman ako nang bigla na naman nagwala ang mom ni ali.
Kaya tinawag ko agad ang caregiver nito.
Mabilis naman siya agad pinasok sa kwarto para painumin nang gamot,kahit papalayo na ito nagwawala parin ito at pilit tinataas ang kamay..
Don federico dito po yun,agad na sabi ni mang romy nang marating nila ang lugar kung saan nkatira noon sila chuchay.
Sigurado ka dito,pagtatakang tanung ni Don Federico dahil kita sa lumang bahay na nasunog ito.
Oo sigurado ho ako Don federico,nung nakita ko anak niyo sa ospital na may balat sa talampakan,sinundan ko na agad pag uwi niya diyan ko ho nakita silang tumira kasama ang isang matandang babae.
Kaya naisipan ni Don federico tanungin ang ibang dumaan kung saan na nakatira ang dating may ari nang bahay...


na sunog.
Ah si aling maricar,agad na sabat nang babaeng tinanung nila.
Matagal na hong patay,kawawa nga nasama sa sunog.
Nang marinig iyun ni Don federico ay agad siya kinabahan.
Si aling maricar lang ba,siya lang ba yung nasama sa sunog agad na tanung ni don federico.
Dalawa sila ang nasama sa sunog,nasama pati ung anak nang kapitbahay namin.
Buti nga yung anak niyang si chuchay di nasama.
Chuchay!!!? Gulat na tanung ni Don federico.
Oo chuchay kasi pangalan nang anak ni aling maricar,ngiti nitong sabi.
Ano itsura nang chuchay na sinasabi mo,may phone number kaba sa kanya.
Ay wala ho,mag iisang taon na din kasi umalis dito si chuchay simula nang masunog ang bahay na yan hindi nmin alam kung saan napunta ang batang yun.
Pero maganda si chuchay kulang lang sa ayos dagdag pa nitong sabi!
Nakita niyo ho bang may balat po yung chuchay na sinasabi niyo na nasa talampakan niya.
Ay hindi ko ho nakita,sabi nito sabay kamot sa ulo.
Nang makita niya dumaan si cynthia at ondo.
Yun,yun po tanungin ninyo kung nasaan si chuchay mga malalapit po niya yung kaibigan,sabi nito habang tinuturo sila cynthia at ondo.
Gulat naman sila cynthia at ondo nang hinarangan sila nang malalaking tao na tauhan ni don federico.
Bakit ho,takot na sabi ni cynthia.
Kailangan kayo makausap nang amo namin,sabi nito sabay turo sa kanila ang nakatingin na matandang lalaki.
Dahil limang mga tauhan ni don federico na malalaking tao ay mabilis na binuhat sila cynthia at ondo papalapit kay don..
Teka,teka bitawan niyo kami ano kasalanan namin sa inyo,sigaw ni Cynthia.
Iha wag kang matakot,mahinang sabi ni Don federico may itatanong lang ako sa inyo.
Malalapit ba kayong kaibigan ni chuchay,panimulang tanung ni Don federico.
Oo inis naman na sabat ni cynthia.
Alam niyo ba kung nasaan ngayon si chuchay.
Hindi,mabilis namang sabat ni cynthia at kahit alam ko pa hinding hindi ko sasabihin sa inyo dahil hindi ko naman kayo kilala.
Iha,nakikiusap ako sayo sabihin mo sakin kung nasan si chuchay,hindi ako masamang tao gusto ko lang malaman kung siya nga ba ang anak kung matagal ko nang hinahanap.
Anak!?,pagtatakang tanung ni cynthia.
Oo anak ko,ung chuchay ba na kilala niyo may balat na hugis bituin malapit sa talampakan nito.
Oo meron agad naman sabat ni cynthia.
Talaga ngiting sabi ni Don federico,kung ganun siya nga ang anak ko.
Alam niyo ba kung nasaan siya ngayon.
Nasa AA company siya ngayon,nagtratrabaho sa panahian ni Ali Agustin..
Ali agustin!?
Oo kilala niyo po ba!
Oo,oo thank you thank you iha alam mo ba ang phone number ni chuchay.
Oo ho,ito po agad naman kinuha ni cynthia ang kanyang phone at ibinigay ang number ni chuchay.
Iha isa pang tanung na kwento ba sa inyo ni chuchay kung saan siya nakita nang kinikilala niyang ina na si maricar.
Sabi sa kakahuyan daw,malapit sa tinitirhan daw dati ni aling maricar,agad na sabi ni Cynthia.
Nang marinig iyun ni Don naalala niya ang lugar kung saan sumabog noon ang sasakyan ni Donya jana.
Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya matutuwa ba siya o maiinis sa sarili,tama nga hinala niya ang chuchay na matagal na niyang kilala ay ang nawawala niyang baby janelle na matagal na niyang hinahanap.
Masayang masaya siya sa wakas nahanap na niya ang isa sa nawawala niyang anak.
Pero naiinis siya sa sarili dahil matagal na palang nasa harapan na niya ang baby janelle niya pero hindi pa niya ito nakilala agad.
Agad niya rin naisip kung bakit nasunog ang tinitirhan nito.
Romy para makabawi ka,imbestigahan mo kung bakit nasunog ang bahay na yan.
Ok sige don Federico agad naman na sabat ni mang romy.
Maya maya ay tinawagan agad ni Don federico ang number na binigay ni cynthia.
Agad naman ito sinagot sa kabilang linya.
Hello,sino po ito,agad na tanung ni chuchay.
Chuchay!!!
Yes sino po ito..
Ako si Don federico,magkita tayo may sasabihin ako sayong importante,ittxt ko sayo ang address.
Agad naman nagtaka si chuchay,ano naman ang sasabihin ni don federico sakin.
Itutuloy…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.