8

The Story Of Us**Book2**Part6


Report

Sana alam mo kung gaanu ko katagal hinawakan ang salitang “KAYA KO PA”
Bago ko binitiwan ang salitang “AYUKO NA..”

..
CHApter 5

Naglalagay na ako ng makapal na eyeliner sa mata ng marinig ko ang sunod sunod na busina ng sasakyan mula sa labas..

Shit!teka lang naman..

Aligaga kong sinuot ang boots ko ng sa ganuon ay bumagay sa suot kong black tube na hapit sa katawan na tenernuhan ng black ding leather skirt na sobrang iksi..Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at naglagay na di ako ng make up!Perfect..mukha na akong rebeldeng fraternity member ..

Mabilis na akong lumabas dahil mukha namang walang pasensya si Jake ALtamirano..

“,Wew.. “,

Nakasandal si Jake kanina sa kulay red nyang sports car subalit biglang napaayos sya ng tayo ng makita ako.. biglang nabalot ng pagnanasa ang mga mata nya habang hinahagod nya ako mula ulo mukhang paa este hanggang paa..

Nailang ako sa paraan ng pagtitig nya..Nakakatagos sa pagkatao!At mas nakakadagdag pa sa kailangang kong iyon ang presensya nyang napaka strong..

Nakasuot sya ng kulay white na fitted shirt na pinatungan ng varsity jacket,blue jeans at kulay white na sapatos,,may suot din syang kulay white ding sumbrero..walang ka effort effort ang suot nya pero dahil mukha syang modelo ay dumagdag yun sa karisma nya..May katangkaran din sya at..kahit sino,hindi pwedeng isa walang bahala ang kagwapuhan nya.. maging ako !!

Mukha lang naman syang heartrobe na football player kung saan tinitilian sya..At mukha ding walang pangit sa lahi nina Jed..at ilang gwapong pinsan pa kaya mayroon si Jed??..

“,Ano kayang ginagawa ko sa nagdaang mga araw at hindi ko agad napansin ang iyong kagandahan..binibini???”,..

Na’tense ako sa sinabi nya kahit na alam kung nagbibiro lamang naman sya..at ngayon ko lang napansin na may dimple pala sya sa magkabilang pisngi na kusang lumilitaw kapag nagsasalita sya..

Napaatras ako ng lumapit sya sa gawi ko at bigla nyang hinubad ang jacket nya..Nataranta ako..anong ginagawa nya??..isa rin ba syang manyak??

“, Relax.. “,,he said ng mapansin ni Jake na natatranta ako..”,,malamig sa byahe baka ginawin ka,heto isuot mo muna.. “,

Ay.yun naman pala eh,how gentleman this guy..

Si Jake pa mismo ang nagpatong ng jacket sa balikat ko dahil hindi agad ako nakakilos..

Slight akong napangiti, nahihiya pa ako..kahit pinsan sya ni Jed at ilang beses ko na syang nakita nuon sa malayuan nga lang ay hindi yun reason para maging komportable ako sa kanya.Tsaka no choice lang naman ako kaya ko to ginagawa ..kung may power lang sana si Kyle sa Fraternity baka sa kanya pa ako nanghingi ng tulong,,ang kaso ay wala..naging guest lang din naman sya ni Jed nuon kaya kami nakapasok,isa pa simula ng gabing yun.. na hinalikan nya ako na lasing ako ay hindi ko pa nakikita ang anino nya..which is sobrang pabor naman sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa sya kayang harapin..

“,Get in.. “,sabi ni Jake ng pumwesto sya sa kabilang pinto at pinagbuksan ako,na tense na naman ako..ang gentleman talaga..feeling ko tuloy sa kanilang tatlong magpipinsan ay ito ang pinakamatino..

Maingat akong pumasok sa loob at si Jake pagpasok ko ay mas maingat din nyang isinara ang pinto .Nagtungo na sya sa drivers seat at nag start na sya sa pagmamaneho ..pero hindi paman kami nakakalayo ng biglang may humarang na motorsiklo sa harapan ng kotse nya ..

“,Lintik na! “,Mura ni Jake bago bumaba ng kotse upang babain ang nakaharang na motor.

Kinabahan ako..mabuti nalang at nakapag preno si Jake kundi baka pinaglalamayan na ang driver ng motor na yun.. ..

Pero mukhang hindi naman aatrasan ng motorista si Jake dahil tinanggal nito ang suot nitong helmet .. pagka tanggal nya sa suot nyang helmet nakilala ko kung sino ang lalaking yun.. natutop ko ang aking mga labi…

***
Kyles POV..

“,Anak ng teteng kung alam ko lang na ikaw pala yan ay sana sinagasaan na kita.. “,sinasabi yun sa akin ni Jake pagkatapos kong harangin ang kotse nya..

Bago ko sya hinarap sinulyapan ko muna si Ella na nasa kotse,halatang nagulat sya ng makita nya ako..

“,Saan mo sya balak dalhin,Jake??”,muli akong bumaling kay Jake..

“,Pwede ba Kyle,mind your own monkey business??may pupuntahan kami ni Ella..”,

“,Saan nyo balak pumunta??”,

“, Somewhere na malayo sayo kaya tumabi ka dyan..pumapatol ako sa pinsan “,paninindak ni Jake..

As if natatakot ako,well ako rin naman pumapatol sa kadugo !!

“,Hindi mo sya pwedeng dalhin sa kung saan nalang Jake..”,

NagseseLos ako !!

“,Dadalhin ko sya sa taong karapat dapat sa kanya Kyle..and sad to say hindi ikaw ang tao na yun.. “,

Masakit yung sinabi nya,kasi alam kong si Jed ang tinutukoy nya..kaso,hindi matanggap ng pagkatao ko na kay Jake pa nagpatulong si Ella gayung pwede naman sakin sya magpasaklolo..ganun naba kasama ang tingin ni Ella sa akin pagkatapos kong gawin sa kanya yun nung gabing yun?tuluyan na ba syang nawalan na tiwala sa akin???..

“,Para ano Jake?para saktan lang sya ulit ni Jed?.. hindi ako papayag,hindi sya sasama sayo,,….

“,At kanino sya dapat sumama?sayo?utang na loob Kyle..matuto kang lumugar,sa pagkakataong to hindi ikaw ang kailangan nya,hindi ako tanga para hindi mahalata na pati ikaw ay nagkakagusto sa kanya..hindi din ako manhid para hindi maramdaman na may something sa mga titig mo sa kanya!Pero Jusko ,Kyle.. girlfriend sya ni Jed!wag mong subukang magpaka hero!!”,

Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig ..walang karapatan si Jake na sabihin sa akin yun,alam ko kung ano ang lugar ko kay Ella,,alam kong isa lamang akong nobody sa kanya na pwede nyang gamitin kapag kailangan nya lang at itatapon nalang kapag nawalan na ako ng silbi.. pero hindi ko hahayaan na gaguhin ni Jed si Ella.. bumalik na naman ang pakiramdam ko nuong 8years old palang kami..kung saan ginagago na naman ni Jed ang feelings ng mga babae..at kung dati hindi ako nakaganti..ngayon ay hindi yun maaari..

“, Matuto kang lumugar Kyle..”,pang uulit ni Jake”,may dahilan si Jed kung bakit nya iyon ginawa sa kanya ..at ang tanging paraan ay ang mag usap sila..”,

No..sigaw ng utak ko,,for what pa ba yung pag uusap nila?gusto kong hinlingin na for closure yun pero sa kabilang banda natatakot ako,natatakot ako na baka kapag nag usap sila ulit ay magkaayos na naman sila..at hindi ko na yun kakayanin pa,babalik na naman ako sa umpisa..magiging invisible na naman ako kay Ella,mas okay pa nga ang nangyari sa kanila ni Jed,dahil kungdi yun nangyari..hindi nya hahayaang damayan ko sya,na kahit na isang saglit lang ay atleast..nakalapit ako sa kanya..

Nagkamali lang ako sa nagawa ko,,na hinalikan ko sya habang nasa espiritu sya ng alcohol pero dahil yun sa hindi ko na mapigilan ang damdamin ko for her..and seeing how miserable Ella to that night kaya ..ginusto kong icomport sya ng mga halik ko..but then wrong moved yun para sa akin dahil pagkatapos ko iyong gawin sa kanya ay nagalit sya,she walked out habang ako..parang sinampal ng sampung beses dahil sa inasal nyang iyon na napatunayan nyang hindi ko kahit kelan man mapapantayan si Jed sa puso nya..At wala naman ako dapat ngayon sa kinatatayuan ko,hindi ko rin gustong taluhin si Jake,kahit papanu ay pinsan ko parin sya..pero..hindi ko kaya na makitang may kasamang iba si Ella..

“,Kyle.. please.. “,

Sa wakas nilapitan na kami ni Ella,bumaba sya ng kotse upang sa ganun ay lalo lang akong masaktan dahil sa pakiusap nyang iyon..hindi ko sya halos tapunan ng tingin ! God ! She looks like a Goddess sa awra nya at ayuko nun!
Isipin palang na pagtitinginan sya sa putang inang kung saan sya dadalhin ni Jake ay parang gusto ko ng magwala!!!Sa ganda nya ngayong gabi na to.. tanga nalang si Jed kapag pinakawalan pa nya ito !

“,Kyle please.. baka hinihintay na kami ni Jed”,

Savage love!

Parang may kutsilyong tumarak sa puso ko sa sinambit nyang yun..higit sa lahat yung pangalang binanggit nya.. Umiling na lamang ako upang mapagtakpan ang sakit at pait na bumalatay sa mukha ko..

Ang huling natandaan kong ginawa ko ay mag giveway nalang.. umatras ako..tanda ng pagsuko, nakiusap na sya eh..ano pa bang magagwa ko?hindi naman masamang umayaw kapag sobra na diba??..

Sinulyapan ko muna si Ella bago sumakay sa motor.. “,You look wonderful tonight.. “,sabi ko pa bago pinaandar ng mabilis iyon..Gumuhit sa daan ang usok nun sa bilis ng pagmamaneho ko,,malakas din ang iniwan kong tunog nun..

Few minutes ago..nagpupunas na ako ng mga mata ko!Tama na..sobra na..ang sakit sakit na!
Mabuti pang mabangga na lamang ako,para bukas wala na akong maramdaman.. baka kasi kung aabutin pa ako bukas baka mas lalo lang ma double kill ang puso ko kapag nalaman kng okay na naman sila ni Jed..pero kung sakali mang magising pa ako kinabukasan,gusto kong malaman ni Ella na ..

UMAYAW LANG AKO,PERO DI AKO SUMUKO!..

***..

Tulad ng inaasahan, sinalubong kami ng mga wild na kabataan,karamihan sa kanila ay pawang mga nakainom na..ilang beses din kaming napahinto ni Jake dahil ilang beses ding may ibat ibang grupo na bumabati sa kanya..At base sa paraan ng pagbati nila ay alam kong may mataas na posisyon si Jake sa fraternity..

Hawak ni Jake ang kamay ko,kung magsyota kami ay masasabi kong holding hands ang tawag duon,mga ilang kababaihan din ang napapalingon sa akin ewan ko kung dahil ba sa ganda ko o dahil sa kasama ko si Jake?..

Dahil naka white tshirt si Jake naging visible ang mga tattoo nya sa braso at kamay na may iba ibang disensyo..hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha..napaka perfect ng may gawa ng mga tattoo nya sa totoo Lang..

Then ginagap ni Jake ang kamay ko at naramdaman ko yun..bumaon na naman ang tense sa pagkatao ko sa ginawa nya,pero titiisin ko pa ang malambot nyang palad dahil ayuko namang maligaw sa bahay na yun..titiisin ko hanggang makita ko si Jed !!

Dinala ako ni Jake sa malapit sa pool kung saan may mangilan ngilan ng nagtatampisaw,
gaya ng dati ay may pailaw ding ibat iba at malakas ang sounds ..sa taas ay may mistulang dj na syang nag’play ng mga rock music at sumasabay sa beat ang mga lasing na miyembro..

Umupo kami sa mesa na nasa gilid ng pool at may nakaharap kaming tatlong member..pinakilala ako ni Jake sa kanila..

Ilang sandali pa ay sinenyasan ni Jake ang isang babaeng nag iikot at naghahatid ng alak.

“, Anong gusto mong inumin?”,tanong ni Jake,nilapit nya ang bibig sa tenga ko upang marinig ang sasabihin.. naramdaman ko ang mainit na singaw ng mabangong hininga nya..

“,Sorry ..pero hindi naman inom ang ipinunta ko dito..”,,ginaya ko sya,nilapit ko rin ang bibig ko sa kanya,bahagya pa syang yumuko upang marinig nya ang sinabi ko..

Humalakhak si Jake..”,ah ..okay,si Jed ba?hes upstairs..baka may pinagkakaabalahan pa syang iba.. “, napangisi si Jake at hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi nya..

JEd is bussy fucking some member..yun ang ibig nyang sabihin..At nasaktan na naman ako dun..gusto ko sanang tumayo dahil sinabi nyang nasa taas daw si Jed gusto kong dayuhin nalang si Jed duon upang sa ganuon ay dun nalamang kami mag usap..pero,muling nilapit ni Jake ang bibig nya sa tenga ko at may binulong na naman..

“,Ayan na si Prince Charming.. “,bulong nya at nag drum ang mga drummers sa puso ko dahil sa sinabi nyang iyon.. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nya at tila apoy na sinisilaban na naman ako ng makita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako naririto ngayon..ang lalaking kahit na sinaktan ako ay hindi nawala ang pagmamahal ko,ang lalaking first everything ko at gusto kong maging last..

Si Jed..

May kaakbay syang ibang babae,hindi yung babaeng kahalikan nya nuon..pabulong bulong pa sya sa babae habang papalapit sya sa kinaroroonan namin.. ang sweet nila!

Parang gusto ko na namang maglaho,,nasasaktan na naman ako..

Nakita kong nakangiti pa si Jed kanina bago tumingin sa kinaroroonan nmin subalit napalis ang mga ngiting yun ng makita nyang naroon ako..

Nagtama ang mga mata namin.. tiningnan ako ni Jed mula ulo hanggang paa at base sa nakikita ko sa anyo nya mukhang hindi nya nagustuhan ang ayos ko ngayon !!..

Marahas na tinanggal ni Jed ang mga kamay sa balikat ng kaakbay at ilang hakbang pa ay nakalapit na sya sa akin..Agad akong napatayo sa pagitan ng kaba..alam kong galit si Jed sa mga oras na to ,galit sya sa akin!

“,Jed ako ang da—-“,

“,Shut up Jake ! “,galit na putol nya sa paliwanag sana ni Jake..nagtaas ng kamay si Jake..

“,Okay ..okay..mag usap kayo sa taas,gayunpaman wag kang gagawa ng eksena Jed..guest ko ngayon si Ella “,paalala ni Jake..

Mukhang hindi naman rumihestro ang mga sinasabi ni Jake kay Jed.. nananatiling dismayadong nakatitig sa akin si Jed,habang ako.. tinitigan sya dahil kinakabisado ko ang bawat bahagi ng mukha nya..i miss him so Much !!!!..

“,Mag usap tayo ! “, Hinawakan ni Jed ang kamay ko ..hindi pa ako nakakapalag ng halos kaladkarin na nya ako paakyat at dinala sa isang kwarto..

Base sa mga naroong gamit nya walang dudang duon sya namalagi habang gino’ghost nya ako..!

Pagpasok namin duon agad akong binitiwan ni Jed,marahas yun hanggang sa bumalya ako sa pader..tumama ang likod ko duon at si Jed,wala manlang karea’reaksyon kahit na nasaktan na ako..mukhang balewala na nga ako sa kanya ngayon ! At masakit yun para sa akin..anong nangyari sa Jed na kilala ko na kahit kagat lang ng lamok dati ay hindi pa nya hahayaang dumampi sa akin?na ayaw nya akong nasasaktan? tuluyan na ba talaga syang nagbago??..wala na ba talaga akong halaga sa kanya???..

“, Anong ginagawa mo dito?sinong nagbigay sayo ng karapatan na pumunta dito??!”,galit na sigaw nya .. kinabahan ako!

“,Bakit masama bang puntahan kita dito?!”,sigaw ko rin.. neknek nya hindi ako magpapatalo sa sigaw nya..”,,masama bang mag asam na makita ka,hah!!”,

“,With that kind of dress?!”,natutuyang pinagmasdan ako ni Jed “, pupunta ka dito sa ganyang klasang damit?sino ka sa akala mo?si Avril lavigne?makapal ang eyeliner ..?sabihin mo nga!nagpokpok kana ri ba—–!!!”,

Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ni Jed..iyon ang pangalawang beses na nasampal ko sya..hindi ko na kaya ang mga lumalabas sa bibig nya..oo dati pa masakit kapag ininsulto ka ng ibang tao pero mas doble ang sakit kapag mahal mo na ang nang iinsulto sayo..nakakapang hina!nakakababa ng pagkatao,para sa...


kagaya kong nagpunta lang naman sa lugar na yun para lamang makita sya ay hindi ko deserve na saktan nya ulit ng mga masasakit na salita??..bakit mas masakit to ngayon keysa nuong nakita kong may kahalikan sya?

At bakit..bakit parang ako pa ang lumalabas na masama gayung sya nga tong may dapat na ipaliwanag sa akin?bakit?bakit?

At hayun na naman ang traydor kong mga luha,bakit ba nakaalerto lang ang mga ito lagi sa pagpatak sa tuwing kasama ko si Jed?bakit hindi ko ito mapigilan??..

Isinubsob ko ang mukha ko sa palad..alam kong dahil sa luha ko ay kumalat na ang eyeliner ko..but then may mga gusto akong malaman kay Jed ..kung bakit sya ganito ngayon?kung bakit tinatrato nya ako ng ganito ngayon?..

“,Jed..may nagawa ba ako sayo para ganituhin mo?tell me?nagsawa ka na ba sa akin?”,pero pinagsisihan ko ang tanong na yun dahil mas nasaktan lamang ako sa mga sagot nya..

“,Oo.. “,mahinang sagot nya,walang emosyon ang mga mata nya..

“, Sinungaling ka Jed.. “,sigaw ko,gusto ko syang sugurin pero nanghihina ako.. sinungaling sya,alam kong nagsisinungaling lamang sya.. !

“,Lets broke up,Ella..hindi na to mag wowork..”,

“,No!”,sigaw ko at ng tinangka nya talikuran ako ay mabilis ko syang hinabol at niyakap ko sya patalikod..”,No ..Jed, please hindi ko kaya..wag mo naman tong gawin sa akin !”,nalaglag na ng tuluyan ang mga luha ko,dalawang bagay ang dahilan..una dahil hindi ko matanggap na nakikipaghiwalay sya sa akin ngayon ng hindi ko alam ang dahilan at pangalawa..ang kahihiyan ko bilang babae dahil ako dapat ang makipagkalas sa kanya pero heto ako,nagmamakaawa sa kanya..

“,Im sorry,Ella..”,,pilit tinatanggal ni Jed ang mga kamay kong nakapulupot sa beywang nya pero the more na ginagawa nya yun ay lalo ko pang hinihigpitan ang yakap ko sa kanya”,please Ella.. “, gumaralgal ang tinig ni Jed at alam kong anumang oras ay maiiyak na rin sya..

Alam kong nagsisinungaling lamang sya kanina sa sinabi nya..Mahal pa ako ni Jed ramdam ko yun,bawat pintig ng puso nya ay naririnig ko sa ngayon at alam kong ang tinitibok lang nun ay ang pangalan ko..tanging ako lamang!!!

“,Ayuko Jed..ayuko..hindi ako makikipag break sayo.. please..”,,sumamo ko kahit na sobrang hiyang hiya na ako sa sarili ko..

Narinig ko ang impit na pag iyak ni Jed,pilit nya iyong itinatago sa akin ..Ilang beses din nyang pinunas ang kanyang mga mata…”,Ella,,sasaktan lang kita sa huli, itigil na natin to.. “,

“,No..hindi ako papayag Jed..”,

Lalong lumakas ang hagulgol namin..

“,Sabihin mo sa akin ang dahilan Jed,kung bakit,bakit ayaw mo na? gagawin ko lahat,lahat ng mali sa relasyon natin itatama ko,,kung may kulang pa sa akin..dadagdagan ko Pa..sabihin mo lang Jed..just comeback to me,please..”,

Napayuko si Jed at ramdam kong ayaw sana nyang sagutin ang mga yun but then sumagot syang muli hindi para pagaanin ang loob ko kundi ay para lang saktan na naman ako ng paulit ulit..

“,Wala kang..pagkukulang,,Ella..nagkamali ako,,kasee i thought I thought your the one na eh,pero may dumating.. someone better than..YOu!!”,

Pakiramdam ko sinibak na parang kahoy ang puso ko sa sinabi nyang yun..Parang bumaon sa pagkatao ko yun sibak at kapag hinugot ito ay mabibiyak iyon..Hindi ko ineexpect sa sagot nya,gusto ko pa sanang panghawakan yung mga memories na binuo namin na baka sakaling mabuo pa ang may lamat na naming relasyon upang maisalba pa ito,subalit—mas malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi nya..may iba na sya???!

Parang go signal na sa akin ang sinabi nya..Unti unting naging maluwag ang pagkakayakap ko sa kanya.. Naging tila slowmotion pa iyon dahil antagal kong natigilan dahil sa sinabi nya..Dalawang taon!dalawang taon ang relasyon na akala ko ay perfect pero hindi pala..may sisira pala??

Sinisi ko na naman ang sarili ko..nagkulang ba talaga ako???anong meron ang ibang babae na wala sa akin?nasakal ko ba talaga sya??..or sumobra lang ako sa luwag at naging kampante sa pagmamahal na ipinapakita nya?!
Nakahanap sya ng mas better sa akin kaya ba sinasabi nya to ngayon sa akin para maging fair sya sa akin sa panloloko nya?na mas pinipili nya yung bago nya keysa sa akin??..yung 2years na yun basta na lamang nyang itatapon???

“,Im sorry Da——-!!!”,bago pa natapos ang sasabihin nya sinampal ko na naman sya..
Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya ng sampalin ko sya..ni hindi manlang sya nagsalita..pero walang katumbas kahit gaanu pa kalakas ang sampla ko na yun kumpara sa pait hapdi at sakit na dulot nya!..!ang laki kong tanga na nag iisip pa ng future naming dalawa tapos magtatapos lamang pala kami dito??

Lutang na napa’atras ako, punong puno ng pagsisisi sa katawan kung bakit pa ako nandito sa lugar na to?dapat pala..hindi na talaga ako nagpunta,umasa kasi ako na baka sakaling magkaayos pa kami,,kaso mas lalong gumulo,mas lalong nawalan ako ng pag asa..

Hindi na nya ako Mahal ! Hindi na!!!..

Pagkatapos kong ipunin ang ilan pang natitirang lakas sa akin ay sa wakas bumalik na ako sa ulirat ..at sapat na ang lakas ko na naipon upang tumakbo palabas paalis sa lugar na yun..sa lugar na naging saksi kung gaanu ako kalaking..—–TANGA!!


JEDRIAN’S POV..

FUCK!

Ilang minuto ng nakaalis si Ella sa harapan ko at nananatiling nakatulala pa ako sa nakasarang pintuan na kanina lang ay nilisan nya..

Nakakatawa pero pagkatapos kong gawin yun sa kanya ay umaasa pa akong babalik pa sya?!
Na baka hindi naman sya tinablan ng mga sinabi ko at tatakbo sya pabalik sa akin at muli nya akong yayakapin!!Pero..alam kong hindi yun mangyayari..at hindi na yun mangyayari pa kahit na kelan !!!!

Ahhhhhhhhh!!!!

Malakas kong sigaw sa kwartong yun upang pakawalan ang sakit na nararamdaman..Upang kahit papanu ay mabawas bawasan iyon,pero habang nasa isip ko si Ella at ang nasasaktang anyo nya..ay mas lalo pang bumibigat ang pakiramdam ko!!

Kinabog kabog ko ang dibdib sa kabila ng pagluha..umupo ako sa sahig at isinandal ang likod sa pader..nasabunutan ko ang sariling buhok, punong puno ako ng frustration!..feeling ko nasusufocate ako sa tindi ng sakit at bigat ng dibdib ko..

Nasaktan ko si Ella!ang pinakamamahal kong si Ella!..kung sana pwede ko lang sabihin sa kanya ang totoo,kung pwede ko lang ipaliwanag sa kanya ang lahat lahat—sana ginawa ko na kanina,baka sakaling maintindihan pa nya ..ang kaso ay malabong mangyari yun!!

Ayukong sa huli kapag nalaman nya ang katotohanan ay masasaktan na naman sya,sisisihin nya ang kanyang sarili at kaaawaan nya lamang ako..ayukong mangyari yun!!kaya mas mabuti,mas maaga tama lang ang ginawa kong pakikipag kalas sa kanya,,..kahit sobrang sakit nito para sa akin,,okay lang…kapag naman diko yun ginawa ngayon baka mahuli pa ang lahat —–!!!baka mawalan na ako ng oras…

Gustong gusto kong habulin si Ella kaninang tumakbo sya,kaso pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon.. mas mabuti ng pakawalan ang isang tao kung makakabuti naman yun sa kanya sa huli.. at proud akong hindi ko yin ginawa,,kahit gustong gusto ko syang yakapin,at hagkan..hindi ko ginawa,kasinyin yung tama..

“,Im sorry…ella “,sambit ko at dinukot ko ang singsing na nasa bulsa ng aking pantalon”,im sorry kung hindi ko na to masusuot sa iyo ..im sorry dahil sinaktan kita..sorry kung puro sakit lang yung pinaramdam ko sayo,sorry kung wala akong ginawa kundi ang mahalin ka..im sorry kung hindi ko kayang protektahan ka..and im sorry..kung—kung–hindi na kita makakasama..im sorry ..im sorry.. “””,,

Sinasabi ko yun habang nakatitig sa singsing na binili ko nuon pa..bago ko nalaman ang tungkol sa——…

Binili ko yun nuon pa pero hindi ko yun naibigay sa kanya..at mukhang hindi ko na iyon maibibigay sa kanya.Kasi nga anong karapatan ko??susuutan ko ba sya ng singsing kung sa huli iiwanan ko lang din naman sya??na wala naman akong maipapangakong future sa kanya..??

Pero only God knows kung panung araw araw kong gustong itanong sa kanya ang mga salitang “Will You Marry Me?”pero sa huli ay hindi ko nagawa..araw araw koying gustong itanong sa kanya !!pero araw araw ding sinisigaw ng utak ko na “Wag!sasaktan mo lang naman sya eh!”,..kaya tama lang na mas sinunod ko yung utak ko keysa sa puso ko..
Kase sa huli alam kong iiwan ko lang din naman sya..

Habang umiiyak ay iniimagine kong si Ella ang hawak kong singsing..punong puno ng pagmamahal na hinalikan ko iyon..

“,Salamat dahil nakilala kita..salamat dahil nandyan ka sa tuwing nawawala ako sa sarili,salamat dahil naging parte ka ng buhay ko..salamat dahil ako yung first time mo,salamat kasi.. kasi.. minahal mo ako..salamat dahil kahit kaylan hindi ka nagkulang..salamat kasi sobra sobra yung pagmamahal na binigay mo..pero Patawad ..patawad kasi hindi pala ako yung lalaking..
makakpagbigay sa iyo ng salitang Forever!patawad Daniella Abelarda..hanggang sa muli … “,😢😢😥😥😭😭..

*****

Mabilis akong bumaba ng hagdan at pagbaba ko,may isang babae akong nakasalubong,tega serve ng alak..kumuha ako ng isang bote nun at nilagok ko iyon..

Gumuhit ang pait at tila nagbabagang apoy sa lalamunan ko..bahagya pa akong inubo dahil nabigla yata ang baga ko sa diretsong paglaklak ko..

Gusto kong uminom!uminom ng uminom!after all..party naman tong pinuntahan ko!isa pa ay single na ako..kabe break lang namin ni Jed,okay Lets celebrate!Cheerrrrsss!!

Tapos na akong umiyak kanina,pagkasara ko ng pinto na yun..kasama sa pagsara nun ang puso ko!manhid na ako sa sakit!!!

Dumaan ako sa nagkakagulong mga member at hinawi ko bawat taong madaanan ko..Habang naglalakad patungga tungga parin ako ng hawak ko!shit!ang sarap sa pakiramdam!feeling ko tuloy ay isa na talaga akong member ng frat na yun..

Lumabas ako upang hanapin si Jake!tama..si Jake..ang gwapong si Jake?nasan na nga ba ang isang yun???.. gusto ko pa naman syang landiin sa mga oras na yun..

“,Hey ..baby “,isang negrong lalaki ang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako..

“Hey you Jerk!hindi ako pumapatol sa tutong!”,oo brokenhearted nga ako at gusto kong magwala sa mga oras na to or makipag fling narin pero may taste naman ako kahit papanu..hindi ang isang to ang type ko..

Nasan na nga ba si Jake??

Nakasampung tungga na yata ako ay hindi ko pa sya nakikita.. pinuntahan ko na sya sa inupuan namin kanina subalit wala pa sya..mukhang nakikipag fuck narin sya sa ibang babae ! Ah pare pareho sila…

“,Look..andito ka ???”,

Nilingon ko ang babaeng nagsalita mula sa aking likuran at sumikdo ang galit sa dibdib ko ng makilala ko kung sino sya..sya yung babaeng kahalikan ni Jed nuon,kung suswertehin ka nga naman,mukhang may pagtutuunan na ako ng sama ng loob ko..!

Hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Jed..na may mas better daw sa akin!so sya kaya yung tinutukoy ni Jed? bumangon muli ang apoy sa pagkatao ko!Hindi ko naman ininsulto ang taste ni Jed pero itong kupal na to ang ipapalit nya sa akin?Mukhang ingrown ko nga lang eh!!

“,Sorry girl pero mukhang naliligaw ka yata,hindi kasi ito ang lugar para sa isang girl wanna be na trying hard..mag ayos!”,

Hindi ko gusto ang paraan ng pagkakatitig nya sa akin lalo na yung sinabi nya.Papatulan ko talaga sya..”,ah talaga ba?keysa naman sayo mukhang babaeng pakbet na finuck lang pero hindi naman Bet !!! ..”,

“,How dare you say that to me ! “, Sinugod ako ng babae at nakahanda naman ako,alam kong sasabunutan nya ako dahil ganuon naman talaga kapag away ng mga babae diba??..nagsasabunutan..

Pero mali ako,dahil imbes na sabunot ang ginawa nya ay tinulak nya ako sa pool!

Shit!hindi ako marunong lumangoy!!!

Narinig ko ang halakhakan nila ng mahulog ako..habang ako,ilang beses na akong nakainom ng tubig,kapag ganito ang labanan talo ako!!!

Hindi ako marunong lumangoy!kapag wala pang tumulong sa akin malulunod ako!!peste!

Pero..mas tama naman yatang mangyari na sa akin ito?tutal..parang wala naman ng halaga sa akin ang buhay ko ngayon kase..kase wala ng Jed sa tabi ko wala na kami,he broke my heart!at wala na akong ibang lalaking mamahalin ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya ..i used to be so matapang naman pero kasi..hindi ko na kaya !!!

Lord please,wala naman ng halaga ang buhay ko ngayon so please!kunin mo na lang ako!!!…

But then hindi dininig ni God ang hiling ko dahil ilang saglit pa bago ako lumubog at tuluyang malunod..nakita kong lumalangoy palapit sa akin si Jake …. Dumating sya para iligtas ako!!!

.. Chapter 6

2years later !!

Nakauwe na ang lahat ng mga tao sa sementeryo ay naroon parin ako..Sinadya ko talagang magpaiwan dahil marami pa akong nais sabihin sa taong naroon ngayon..

Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano sya kadaya dahil iniwan nya agad ako..marami pa naman sana akong mga bagay na gustong gawin kasama sya,but then alam ko naman na meron talagang mga taong darating sa buhay mo na sa huli iiwan kadin,hindi upang saktan ka kundi ay dahil sa purpose ni God..ngayon alam ko na,,ang dahilan kung bakit may mga taong aalis nalang bigla..yun pala ay gagawa kasama ka ng mga alala..

Tumingin ako sa langit ng magsimulang pumatak ang ulan at maramdaman ko yun sa mukha ko.. Napangiti ako,sabi nila blessing daw yun kapag umambon eh..

Pero hindi na tuluyang pumatak iyon ng may isang taong pumayong sa akin..

“,Sweetie..uulan na,,lets go..”,

Hinarap ko sya at humalik sya sa pisngi ko.. Nakangiti ako,ngumiti din sya at lumantad ang dalawang dimple sa magkabilang pisngi nya..Napakagwapo talaga nya..

“,Wait lang,magpapaalam lang ako kay papa..”,tumalikod akong muli at lumuhod sa puntod ni Papa..yeapsss,si Papa nga ang nakalibing duon,,inatake sya sa puso at sa kasamaang palad hindin na sya nakaligtas pa.
Pero sabi ko nga,,may dumating at umaalis kapag kinakailangan..kaya unti unti narin namin iyong natanggap.

Pagkatapos kong makapagpaalam hinarap ko syang muli..

“,Lets go.. “,,sabi nya..

Tumango lamang ako at bago naglakad ay nagholding hands pa kami ni Jake Altamirano..

Yappss..si Jake,ang bagong bf ko ngayon,sabi ko nga may umaalis at may dumadating..:))..

**
Si Kyle De Asis..ang nagpapatunay ng kantang PAUBAYA.. kung saan sya nga yung laging nandyan pero hindi naman sya ang pinili !!!😢..

At si Jed.. Abangan next chapter hahahaha

Ipapaliwanag ko pa naman kong bakit naging si Ella at Jake eh,at ano na nangyari kay Jed for now ito muna hahahaha…

Pasensya kung may error sa mga words hah,kasi sadyang inaantok na ako sa mga oras nato..ek ‘ek..

Comment nalang pala kayo kung gusto nyo pa ba para malaman ko kung may interesado paba sa sulat ko hehe..

..
Syanga pala habang sinusulat ko to pinapatugtog ko yun “,Once in A lifttime”by Freestyle.. ..ito ang kantang bagay kay Ella at Jed..

..hmmp!wala lang na share ko lang na naman!enewer iloveYahhh!!!


8 Comments

  1. hallah sobra dami ng twist 😢😢nakakaiyak pa i feel pain for Jed tapos itong si Jake hay ewan

  2. wow excited.ella and jake nmn ngayon.sana wlaang karamdaman c jed😥😥

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.