0

The Story of Us**Book2**Part13πŸ’•β€οΈπŸ˜πŸ’•β€οΈ


Report


May bagong Labas na marOmansang libro at for sure maso’sold out agad agad yun, kaya para hindi ako maubusan,.. Sinadya kong magtungo sa sikat na bookstore,, Suki na ako ng bookstore na to kaya pagpasok ko nginitian at kinawayan agad ako ng mga crew..

“, good morning sa pinakamaganda kong costumer”, sinalubong agad ako ni Gina.. Ang manager ng store na yun..

Nginitian ko lamang naman sya dahil sa pambobola nya”, wag mo masyado ilakas baka magselos ibang mga costumer nyan “,..

Tapos sabay na kaming napangisi, nagtungo ako sa gitna ng store upang sa ganuon ay kunin sa nakahilerang display ang librong gusto ko, ipinagpasalamat ko nalang na may sampung piraso pang naroroon.. Muntik na akong naubusan at kapag nangyari yun, kakalbuhin ko si Gina..

Papunta na ako sa cashier ng may marinig akong isang pamilyar na boses mula sa kabila, napahinto ako sa paglalakad..

“, i cant believe sumama ako sayo dito sa lugar na to??”, tinig iyon ng pamilyar na boses ng lalaki na tila ba naiirita sa kasama..

“, wala kang karapatang magreklamo, marami kang utang sa akin buti nga serbisyo mo lang ang hinihingi ko..”, tinig naman yun ng isang babae..

“, pero masyado yatang mahal ang talent fee ko para gawin mo lamang akong driver mo at taga bitbit mo..”,..

Bigla akong napaatras dahil lalo ng lumalakas ang pamilyar sa akin na tinig na yun sign na malapit na silang makalapit sa akin, at kung mamalasin,, baka makita pa nila ako.. Nagdesisyon akong umatras upang sa ganun ay lisanin na ang lugar na yun, mabilis akong napahakbang pero nagulat ako ng biglang bumangga ako sa katawan ng isang tao..

Awwtsss! Nahulog ang hawak kong libro sa sahig at aligagang pinulot ko iyon..

“, Ella???..”,..

Sumalsal ang kabog ng dibdib ko ng banggitin ni Jake ang pangalan ko, at walang duda na sya yung nakabangga sa akin.. I knew it was him pagkarinig ko pa lamang ng boses nya kanina, kaya nga nag decide akong umalis na lamang sana kanina kase ayaw kung muling magkrus ang landas namin, pagkatapos nya akong gawaran ng nakakalason nyang halik na dahilan ng pagkakapuyat at pagkakaroon ko ng eyebags ay sinikap kong iwasan na sya, for the sake of my kahihiyan,,.. At para sa aking puso narin, oo na.. Aaminin ko na may pagtingin na ako sa kanya, ganun naman kapag marupok ka diba??.. pero ayuko naman itolerate ang feelings ko na yun kaya nga hanggat kaya ko pa ay iiwas ako,, pero..mukhang pinaglalaruan din ako ng pagkakataon dahil heto, sa kakaiwas ko.. Kaharap ko na naman sya ngayon..

“, andito ka rin pala??”, nakangiting sabi nya, napakaluwag ng ngiting yun, mga ngiting ilang araw ay namiss ko.. excited kaya syang nakita ako??

Inayos ko ang tayo ko ng makuha ko na ang nahulog na libro, hinarap ko sya at sasagot na sana ako ng biglang sumulpot ang isang babae mula sa likuran nya, ah ito yung babaeng kausap nito kanina.

Biglang may kung anumang tila tusok ng mangkukulam na karayom ang bumaon sa dibdib ko.. May kasama na namang ibang babae si Jake? at mukhang mas bata pa ito sa kanya.. Ah, bata naman kaya ang biktima ni Jake ngayon??.. At ako? Panu ako?.. bakit, napakadali bang kalimutan ni Jake ng halik na pinagsaluhan namin nuon? Wala bang epekto yun sa kanya kaya naman may kasama na naman syang iba ngayon?
At ako??.. pang ilan na kaya ako sa listahan na nahalikan nya?

Bigla kong kinaawaan ang sarili,..

“, Hey honey.. Sino sya??”, sabi nung girl..

Lalong bumaon ang karayom sa dibdib ko matapos marinig ang paraan ng pagtawag nya kay Jake.. Ano daw? Honey?? Honey kaya ang tawaga nila? At si Jake??.. diba sweetie ang tawag nya sa akin??.. Ilan ba, ilan ba kami na may ka callsign sya? Baka naman may iba pa syang katawagan? baka may love pa? Or babe? Or.. Worst ay baka may katawagan narin syang Asawa ko! Ah.. Bwisit, bakit ba ako nagkakaganito???..

Nahalata kong biglang sumama ang tingin ni Jake sa babae, napangisi lamang naman ito..
Pagkatapos ay nagpaalam na may hahanapin pa syang libro sa kabila..ngunit bago yun ay humalik muna sya sa pisngi ni Jake bago umalis sa harapan ko..

Natigalgal ako sa eksenang yun,, did they know na nasa harap nila ako at naglalandian sila sa harap ko? At kahit na sa pisngi lang yun dumantay sa pisngi ni Jake ay napakalakas ng epekto nun sa akin.

NagseseLos ako!! Shit!..

Kokonti pa lamang ang mga costumer ng bookstore na yun kasi maaga pa naman kaya, kami lang ni Jake ang naroon sa area na yun ngayon.. Matagal munang nanahimik ako hanggang si Jake na ang bumasag nun..

“, pauwe ka na ba? gusto mo bang ihatid kita??”,. sabi nya, nagpaka gentlemen na naman, panu ako iiwas sa kanya kung ganito sya palagi sa akin??..

“, dina kaylangan, baka makaistorbo pa ako sa inyo ng kasama mo..”, punong puno ako ng pagseselos na tumalikod ako at nagkunwaring may hinahanap na libro, ayaw kong makita nya ang mga mata ko na puno ng pighati sa mga bagay na aking nasaksihan kanina lamang sa pagitan nila nung babae kanina,, baka.. lumaki ang ulo nya..

“, hey.. Badtrip kaba??”, lumapit sya sa akin at hinarangan ako ng aktong lalayuan ko na naman sya..

Oo badtrip ako sayo,.. Gusto kong isigaw sa harap nya pero di bale nalang…

“,ano ba, di naman ako sanay ng ganyan ka eh..”, parang batang pamimilit nya at inaagaw ang bawat librong kinukuha ko, binabalik nya iyon sa ayos “, may dalaw ka siguro kaya ka gAnyan..”, nakangising pagbibiro nya..

Okay, walang saysay na iwasan ko pa sya at dait ko narin nasabi na hindi madaling iwasan ang karisma nya, sa wakas ay pinansin ko na rin sya.. “, Jake..hindi ako nakikipagbiruan!”,..

Nawala ang magandang ngiti sa mga labi nya, napalitan ng tila ba nagtatakang anyo”, then why Are you acting like you doesn’t know me before??.. May nagawa ba akong mali?? “,

Nagtaas ako ng mukha upang harapin sya.. Magkasalubong ang dalawang makapal ngunit maayos ang pagkakahulma na kilay nya..”, wala kang ginawa.. “,..

Ay meron pala, hinalikan mo lang naman ako nuon tapos ngayon makikita kitang may kasama na namang iba??.. ang sakit nito para sa akin na nag assume na sana manlang hindi karin pinatulog ng halik ko ng gumanti ako sayo.. Gusto kong isigaw yun sa kanya kundi ko pa naalala na nasa public place pala kami..

“, eh yun naman pala eh, bat ka nagkakaganyan??..”,

“, wala.. mainit lang siguro ang ulo ko, puntahan mo na yung kasama mo, baka hinihintay ka na nun,, baka masyado na akong nakakaisturbo sa inyo..”,

Tinangka kong tumalikod subalit hinatak ni Jake ang balikat ko at sapilitang pinaharap ako muli sa kanya.. Nakita ko kung gaanu naguguluhan ang mga mata nya habang ilang beses kong narinig ang pagbuntong hininga nya.

“, Ella.. Nagseselos ka ba?? “,..

Kung wala akong feelings kay Jake, baka.. mabilis pa sa alas kwatrong sumagot ako ng No.. Ang kaso, nanatiling napatahimik na lamang ako kasi nga silence means YES!!

“, ELLA,, are you jealous???”,.

Ng hindi ako sumagot inulit ni Jake ang tanong nya, this time mas madiin na, nabuhay at sanay ako dati na tinatakasan at iniiwasan ang realidad at hanggat maari ayuko iyong harapin dahil baka.. madismaya lang ako, but then, hindi naman habangbuhay kaylangan kong iwasan iyon, at walang saysay kung magsisinungaling lang ako sa harap nya gayun alam kong sa kilos ko ay alam na ni Jake na nagseselos nga ako..

“, Yes! 0o..nagseselos ako!”,.. NAkalimutan ko kung nasaang lugar ba kami at kung ilang tao ang nakarinig ng pag amin ko pero wala akong pakialam, ngayon lamang ako naging honest ulit sa nararamdaman ko after akong saktan ni Jed,, kaya.. Anong paki ko sa iba???..

Hindi ko nabasa ang naging reaksiyon ni Jake sa pag amin ko na yun dahil paiba iba ang naging ekspresyon ng mga mata nya.. Minsan excited yun, at nakangiti, but then napalitan ng frustration..

“, Ella dont”, pigil ni Jake, madilim ang anyo nya at ayaw nyang salubungin ang mga titig ko sa kanya.. “, HINDI mo dapat to maramdaman sa...


akin, im just being nice to you, sana wag mong bigyan ng malisya yun”!

SPLASH! PARAng may samurai na humiwa sa aking puso ng sabihin nya iyon,.. Ano daw? He was just being nice?.. Ibig bang sabihin nun friend lang ang tingin nya sa akin?? Nakakatawa, iyon ba ang paraan nya ng pagiging nice? Ang basta basta na lamang nanghahalik? Ang pagbibigay nya ng mga signs para magpakilig tapos sa huli, wala lang naman pala yun sa kanya.. STUPIDa ba ako na nag assume na naman na after ako halikan ay heto,, tila ba gusto kong maging in a relationship kami?? AT NAkalimutan ko rin pala na hobby din pala ni Jake na makipaghalikan sa kung sino sino nalang.. At isa ako sa kung sino sino na iyon.. Awwiiittt!..

“, Yeah, your just being so nice..”, sabi ko at sinikap paglabanan ang kahihiyan ko,.. “, sorry kung binigyan ko yun ng malisya..”,madilim na ang anyo ko..

“, no, hindi mo kaylangang mag sorry, kasalanan ko din naman,.. Hinayaan kong makalapit sayo,,.. at mukhang mali yata iyon, kaya habang maaga pa, cut your feelings from me.. you know me, i dont date.. “,

Tila sampal yun sa pagkatao ko,, pakiramdam ko, nareject na naman ako ng isang tao, Oo nga pala nakalimutan ko, tikim tikim lang si Jake sa mga babae.. hindi sya nakikipag date, kaya walang kasiguruhan ang pagtatapat ko sa kanya ngayon kahit lumuha pa ako ng dugo!
Nasaktan na naman ako..

“, Honey lets go..”,

Mabuti na lamang at dumating na yung babae at hinatak na siya papuntang Counter dahil kundi pa iyon ginawa baka.. nakita nya na tumulo na naman ang luha ko..

Yah! Tumulo na naman iyon, at tulad ng dati ay sa maling tao na naman!! 😭😭..


Jake’s POV..

“, Pakilagay nalang sa kwarto ko yang mga pinamili natin, honey..”, utos sa akin ni Mandy ng sa wakas ay nakarating na kami sa bahay.
Mainit ang ulo ko sa buong byahe dahil sa pangyayari sa amin ni Ella na nag umpisa sa babaeng ito..

“, stop calling me Honey, pwede ba Mandy! “, saway ko sa kanya..

“, why naman? diba nga ikaw pa mismo nagsabi sa akin na kapag may nakita tayo na babeng kakilala mo tawagin lang kita sa tawagan natin??!..”,..

Nalamukos ko ang mukha ko ng sarili kong palad dahil sa sinabi nya.. MAButi at wala syang narinig sa pinag usapan namin ni Ella kanina dahil bussy sya sa dulo sa paghahanap ng libro..

Kapatid ko si Mandy… At kakauwe lang nya mula sa Davao kaya to make up ng mga panahong di kami magkasama ay nagiging bond na namin na magpaalipin ako sa kanya..
Ginawa nya akong driver, bodyguard nya at taga bitbit ng dala nya sa isang store, kung saan boring ang mga librong paninda dun, well boring yun for me since mahilig ako magbasa ng porn..

“, wait wait wait kuya.. Dont tell me,, yung babae sa store kanina,, ang dahilan ng pagkakaganyan mo..”,

“, shut up Mandy,, baka ipahila kita sa tren pabalik sa Davao..”, sinikap kong iwasan ang nanunudyong mga mata nya..

“, uyy.. Si Kuya, mukhang inlove, nagbibinata na.. “,

“, i said shut up.. “, bumaba ako ng kotse at sa inis ko sa kanya ay hindi ko ginawa yung pinapagawa nya..

Pero makulit sya at habang paakyat ako sa kwarto ay sumisigaw pa sya…

“, keep mo na yung babaeng yun kuya bago pa sya makuha ng iba!.. Gustong gusto ko ng magkapamangkin!!!..”,

“, in your dreams Mandy!”, sagot ko “, you know me ayuko ng commitment,, mag ampon ka na lamang ng magiging pamangkin mo”, yun lang at iiling iling na pumasok na ako sa kwarto!..

****
“Tiktak tiktak.. Time is running Jake, pero hindi ka pa nakaka first move!”,

Nasa Vip room ako at tulad ng dati ay umiinom na naman ako ang kaibahan nga lang ay wala akong kasamang babae sa ngayon.. HINdi ko alam pero ilang araw na akong nawawalan ng gana sa babae..

“, wala ka bang bilib sa akin?? “, sagot ko kay Drew..

Napahalakhak sya.. “, malapit na akong mawalan ng bilib sayo, mag dadalawang linggo na Jake, hindi kapa nakaka score sa babaeng yun,,.. Anong nangyari sa Jake na kilala ko na three seconds lang ay makaka first move na sa isang babae, nag expired na yata yang sperm mo ah”, tumatawa si Drew ngayon na parang nakakaloko..

Napakamot ako sa ulo, paanu ko ba ipapaliwanag kay Drew na dinispatsya ko na ang feelings ni Ella para sa akin, na ginawa ko yun dahil naaawa ako sa kanya.. Na kahit papaanu ay naiisip ko parin si Jed na nirerespeto ko parin sya.. Na ayuko ng mapatrouble kay Kyle kapag nalaman nya ang plano namin ni Ella.. Panu ko rin ipaliliwanag sa kanya na dala lang ng kantyaw nya kaya ako pumayag sa gusto nya..

At nakokonsensya ako kay Ella, may feelings na talaga sya at sa sobra na yata ang feelings nya para sa akin ay kahit kapatid ko ay pinagselosan na nya! Dapat maging proud ako sa sarili ko na may babae na namang nagkagusto sa akin, na may mabibiktima na sana na naman ako pero,bakit hindi ko kayang ma proud sa sarili ko ngayon,dahil ba alam kong si Ella ang babae na yun??..

“, sabihin mo lang kung gusto mo ng umatras Jake, ako na ang tatapos for you”.. “, sabi pa ulit nya..

Sinamaan ko sya ng tingin..tila ba gusto ko na naman ituloy ang deal namin pagkatapos kong marinig ang sinabi nya”, you wish.. give me just one more week,, gagawin ko ang gusto mo.. “, deklara ko, kahit gustong gusto ko na namang sapakin ang sarili ko sa sinabi kong yun!!..

Habang umiinom rumehistro sa utak ko ang mukha ni Ella, her angelic face.. At yung eksena sa shop,, hindi ko naman sinasadya na halikan sya nuon..kaso diko na naman napigilan ang sarili ko ng makita sya,, parang tila nakakaliyo ang aura nya, alam ko namang madali naman akong magnasa sa isang babae, at pilit kong sinasabi sa sarili ko na pagnanasa lang ang ginawa ko!!.. Na tulad din sya ng ibang babae, na gusto ko lang… Tikman!!!

Kaya hinalikan ko sya at ng itulak nya ako ay too bad.. Nadarang na nya ako kaya ipinagpatuloy ko na ang paghalik ko, hanggang sa lalo lamang akong nabaliw sa kanya ng gumanti sya sa mga halik ko, at masaya sa pakiramdam na alam kung sa ginawa kung yun anumang oras ay makukuha ko sya..

At anumang oras kaya ko syang dalhin sa isang kwarto, kaso, nag pop sa isip ko ang anyo ni Jed, kaya kahit gustong gusto ko syang maangkin, hindi ko nagawa..

At dahil sa pangyayari na yun kaya alam kong mabilis lamang ako mananalo sa deal namin ni Drew, bibigay si Ella i know.. pero hindi tama, thats why hanggang ngayon ay wla pa akong balak na mag first move sa kanya.. Pero, yung ginawa ko kay Ella na yun mukhang naapektuhan sya ng halik ko na yun to think na nagseselos sya ay hindi yun tama.. at kung itotolerate ko pa ang feelings nya, walang assurance na hindi ko sya maisasama sa listahan ko, dahil hindi ako nakikipag date at hindi ako nakikipagrelasyon sa isang babae ay alam kong, masaktan ko lang naman sya, isa pa, wala akong kakaibang nararamdaman sa kanya..

Wala akommng feelings sa kanya!!

“, siguraduhin mo lang Jake.. kasi kapag di mo yun nagawa, bababa ang tingin ko sayo..”,

Umiling iling nalang ako at inisip kong ano na naman kaya ang magiging alibi ko kay Drew once na hindi ko nagawa ang deal namain ngayong linggo na to.. Hindi sa parang tatraydurin ko sya kundi dahil sa hindi ko masikmura, i mean.. kung gugustuhin ko ay kaya kong makipag’fuck sa ibang babae.. basta wag lamang kag Ella!!!…

*****
Aysus nambibitin kapa Jake, in denial ka pa hahahaha!! Pagnanasa daw o baka love na yun ayyihhh!! 😍😘😘..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.