8

The Story Of Us***Book2**Part1


Report

Sa Fairytale may Witch..
Sa Love’story may Bicth!!

Prologo..

Ella’s POV..

Malapit na ako sa appartment..malapit narin sumabog ang dibdib ko sa galit!Pasko pa naman..

Christmas eve ! Araw ng pasko at ika dalawang taong anniversary namin ni Jed..Yapps! Kahit na roller coaster ang pagsasama namin ni Jed at puro away bati ay naghimala ang langit at umabot kami sa taong yun.Kahit pa nga sa dalawang taon na yun ay mga sampung beses na siguro kaming nag break.. At mukhang magbe’break na naman kami ngayon dahil hindi sumipot si Jed sa park..sa tagpuan namin!hindi ko sya maintindihan..3days na syang walang paramdam sa akin,ni text kung buhay pa nga ba sya o hindi pa ay hindi manlang nya magawa..minsan iniisip ko nalang na baka may bago na sya dahil wala na syang time sa akin..

Nuong unang taon naming magkarelasyon ni Jed napakasaya at nakakakilig ang bawat araw namin..
But not untill when we were in college,maraming nagbago lalong lalo na si Jed.

Kinuha ko ang phone ko sa bag..may phone na nga pala ako,regalo ni Jed ng nakaraang birthday ko..Couple phone kami na wallpaper ng mga mukha namin..

Tiningnan ko ang screen,kahit missed call manlang sana ay nagawa nya ang kaso ay hindi!Hinayaan ako ni Jed na tumunganga mag isa sa park habang naiinggit sa mga couple duon na nanunuod ng pa fireworks ni Mayor!
Hindi ako makapaniwalang nagawa sa akin to ni Jed!humanda sya pag nagparamdam sya sa akin..ibe’break ko syang bwisit sya!

**
**
Pagkatapos kung magbayad ng pamasahe kay mamang driver kinuha ko agad ang susi sa bag ko.Si Jed ang pumili sa appartment ko dahil malapit yun sa university namin at higit sa lahat,malaya nya akong napupuntahan anumang oras nya gustuhin..

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang kadiliman,dahil kabisado ko naman ang switch ng ilaw ay kinapa ko iyon sa pader at sinikap yung buksan..
Pagbukas ko bumungad ang liwanag sa kabuuan ng paligid kasabay ng,——–!!!

“,Happy Anniversary!!!

Pagbukas ko ng ilaw tumambad sa akin ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko.. Nakatayo malapit sa akin at may hawak na isang kumpol ng kulay pulang rosas.. Tulad ng dati ay napakagwapo na naman nya!

Kinusot ko ang aking mga mata upang pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng aking luha..hayun na naman,bakit ba napakaiyakin ko pagkaharap ko ang lalaking ito?Or baka nakonsensya lang ako dahil sa kung anu ano ang iniisip ko sa kanya kanina..ang akala ko pa naman ay nakalimutan na nya ang araw na to!na touch tuloy ako..buti nalang nakapag ayos ako at made from Avon ang lipstick kong bago,medyo pantay lang tuloy kami ng awra ng lalaking kaharap ko..

Mistulang valentines ang concept ngayon ng buong appartment ko..may lamesa sa gitna,a romantic dinner with candle lights..may mga masasarap na pagkain na nakahanda at syempre hindi mawawala ang wine,pero ang mas nakakaagaw pansin ay si Jed.. Kung bakit napaka perfect nya sa gabing ito ay hindi ko alam..At proud akong boyfriend ko sya..

Lumapit sa akin si Jed at humalik muna sa noo ko bago nya ako hinalikan ng banayad sa mga labi..so soft so sweet!Nabitin pa nga ako ng maghiwalay ang mga labi namin dahil nagsalita nya..

“‘Happy 2nd year anniversary..PAKo..”,hinalikan nya ulit ako sa labi.

Sa sobrang touch ko,siniksik ko ang ulo ko sa dibdib nya,dahil nag gygym narin sya ngayon kaya naman mas macho na sya..ang sarap sumiksik duon..

Hindi ko na tuloy namalayan na napaluha na naman ako,tears of joy..

“,Hey.. “,hinawakan ni Jed ang baba ko at itinaas ito upang makita ang mukha ko,umarko ang kilay nya ng makitang may luha ako..ah oo nga pala,hate na hate nyang makakita ng mga taong umiiyak”,why naman ganyan Pako?baka isipin nila pinapaiyak kita.. “,hinaplos nya ng banayad gamit ang palad ang mga luhang naglandas sa aking pisngi..
One
Two
Three..
Tatlong beses nya akong hinalikan pagkatapos ay sinabi nyang marahan ang mga salitang “, I Love You..”,

Na relieved ako sa ginawa nya kaya naman nawala na ang lahat ng iniisip ko sa utak,napaka pure ng pagmamahal ni Jed alam ko yun..

At ang lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya ay naglaho na parang taho!

“,akala ko makakalimutan mo na eh..:,tampo ko at kinuha ang bulaklak sa kanya..

Humalakhak sya “,pwede ba naman yun..kalimutan ko na ang birthday ko,wag lang ang araw na to..”,

Kilig to the bones na naman ako syempre pumick up lines na naman si Pogi eh..

Niyaya na nya ako kumain pagkatapos ay ..ahem!alam nyo na.. Loving loving moments!

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong sa loob ng dalawang taon namin ay wala pang nangyayari sa amin,ang totoo ay meron na.. Six months palang kaming mag on ni Jed isinuko ko na ang bataan sa kanya.I love him so much na kahit kaluluwa ko hindi kayang tanggihan ang charm nya.Hindi naman kami perpekto,nadarang kami eh..kaya naman proud kong sasabihin na si Jed lang ang unang lalaking pinag alayan ko ng lahat lahat at ng walang halong pagsisisi..

Nakaupo ako sa sofa ng mga sandaling iyon at nakahiga naman si Jed sa hita ko..i cant keep my eyes na mahiwalay sa kanya.. Napakagwapo nya talaga…

“,so tell me..bakit wala kang paramdam ng tatlong araw?niregaluhan mo pa naman ako ng phone tapos wala rin naman pAlang kwenta,hmmp!”,kunwari ay nagtatampo ako sa kanya..

“,alam mo na..may dinaluhan akong party!”,

Umirap ako,at mas mahalaga pa pala ang party keysa sa akin ah?hmpp..at oo nga pala,ng mag college kami ni Jed ay sumali ito sa fraternity kung saan member ang pinsan nyang si Jake.. Pinag awayan namin ni Jed yun nuon pero sa huli tinanggap ko narin besides may utang na loob sa grupo si Jed..isa pa nangako si Jed na mas priority nya ako keysa sa anupaman..pangalawa lang ang fraternity at syempre,panghuli ang pag aaral..pero minsan hindi natutupad ni Jed ang pangako nya..

Sa tuwing friday at saturday ng gabi may party ang fraternity at laging dumadalo si Jed duon.. Kaylangan daw,ilang beses akong niyaya ni Jed na sumama sa kanya pero madalas ko syang tanggihan..hindi ko gusto ang mga member duon..ayuko ng magulong mundo.. Magulo na nga minsan ang relasyon namin ni Jed ay dadagdag paba ako sa sakit sA ulo?hwag na.. Isa pa may tiwala naman ako kay Jed,kahit maraming magaganda at rebeldeng mga babae ang nanduon.. Hindi ako kinakabahan,maganda din naman ako eh.. weah..diba??

“,Sya nga pala..may ipapakita ako sayo”,excited na bumangon si Jed at humarap sa akin..

Ano na naman kaya yun?dipa ko naka move on sa surprised nya sa akin..heto na naman..

Nanlaki ang mga mata ko at isa isang tanggalin ni Jed a g mga butones ng suot nyang polo with matching pilyong ngiti..

“,Hoy Jed..ano na naman yang iniisip mo hah?.manyak kana naman jan!!’,hindi ko alam kung bakit pinamumulahan ako ng pisngi..ilang beses ng may namagitan sa amin ngayon paba ako mahihiya?at nakita ko na ang buong katawan ni Jed kaya walang lugar para mailang ako..alam ko na rin naman ang ibig sabihin nito,may gusto na namang iparating ang mga ngiti nya..nakakainis kapag ganuon ay hindi ko na naman matanggihan ang charm nya!

“,hoy..buko.. Pwede ba mag shower muna ako?!”,

Humagalpak sa tawa si Jed dahil sa sinabi ko..teka may mali ba sa sinabi ko?

“,ano bang iniisip mo?napakamalisyoso mo talaga kahit kelan,i told you may ipapakita ako sayo..”,

Napangiwi ako..ano ba namang isip meron ako hay naku naman..pero teka bat naman naghuhubad tong lalaking to sa harap ko?

‘,Here..nagustuhan mo ba?”,pagkahubad ni Jed sa suot nyang polo tumambad sa paningin ko ang kulay itim na tinta na nasa dibdib nya..sa tapat ng puso..ah may bago syang tattoo??

Daniella Forever ang nakasulat duon..tapos may design pang puso..

Kung ibang babae lamang ako imsure matutuwa ako sa effort nya ang kaso ay hindi!!sa totoo lang nabwisit ako!

“,ano na namang ginawa mo sa sarili mo Jed??”,naniningkit ang mata ko sa inis..dapat kiligin ako sa ginawa nya dahil pangalan ko yun eh,ang kaso..hindi ako pabor sa mga taong dinudungisan ang sarili..mukha silang adik!at bakit naman nagpatattoo si Jed ng walang permisp ko?

“,ayaw mo ba?ang astig nga eh..”,lumapit sa akin si Jed upang hawakan ang mukha ko at ilapit sana sa mukha nya kaso tinabig ko ang kamay nya.

Huminga ng malalim si Jed..

Tumayo ako mula sa sofa at nagtungo sa lababo,keysa awayin si Jed maghuhugas nalang ako ng plato!isa pa wala narin ako sa mood sa iba pang dapat mangyari sa amin ni Jed sa mga oras na yun.. Nakakainis sya!

“,Pako naman eh.. “,lumapit si Jed sa akin at yumakap sa beywang ko..hmpp!alam ko naglalambing si Jed kasi nga may kasalanan na naman sya,ganun naman sya eh..”,ayaw mo ba?ganito kita kamahal dapat nga mukha mo ang pinalagay ko dito eh..sorry na.. “,humalik si Jed sa balikat ko at nakiliti ako pero di nagpahalata..
“,Jed alam mong pumapayag naman ako sa mga bagay na gusto mo full support pa nga ako sayo diba?pero bakit dimo kayang sabihin ang mga bagay na gusto mong gawin sa sarili mo??”,

“,Because kapag sinabi ko sayo..hindi na to surprise,right?”,
No..its left!
Hinarap ko sya.. Kahit nababanguhan ako sa hininga nya ng mga oras naito na amoy mint at gustong gusto ko na syang halikan..pinigil ko ang sarili ko,,hindi ako nakukuha sa mabangong hininga nya ah..hmmp!

“,at kelan pa naging surprise ang pagpapa tattoo,Jed?!”,
Nakita ko kung paanu nya kinagat ang mga ngipin nya.Sign na yun na pinipigil nyang magalit sa akin,alam ko narin ang ending nito..mag aaway lang kami,ang worst sa mismong anniversary pa namin,pero ano pa nga bang aasahan ko?
Walang pinipiling araw at oras ang galit ni Jed,isa yun sa mga ugali nya na hanggang now hindi ko parin mAintindihan,februarian kasi si Jed at may kasabihan na ang mga febriarian ay may saltik..well seeing Jed right now is parang gusto ko ng maniwala..

Hanggang kinalas na nj Jed ang pagkakayakap sa beywang ko..

“,i cant believed you..”,he said”,yung ibang babae proud pa na pina tattoo nila yung mga girlfriend nila tapos ikaw ayaw mo?”,

Pinameywangan ko si Jed “, then i guess iba ako sa mga babaeng sinasabi mo..”,

“,yah..right!kakaiba ka nga kasi kahit kelan hindi mo naman nagawang maging proud sa akin..right?!”,

Eto na ang umpisa!world war 3 na..

“,ano bang sinasabi mO Jed?of course proud ako sayo,”,

“,hindi kasing proud ng mga babaeng kilala ko..”,

Umiinit na ang ulo ko,papatulan ko na to”,..dont compare me to them..Jed!

“,Yah.. Hindi ka nga dapat ikumpara ,kasi nga perfect ka..sa sobrang perfect mo,gusto mong kontrolin ang mga tao sa paligid mo:,

What the hell..abat talagang ginagalit nya ako ah!

“,Sa sobrang perfect mo —!!

“,Stop it Jed !

“,Why?because ayaw mong tanggapin that im telling the truth and nothing but the truth???!!!”,

“,I sai STOP!!!!!”,malakas kung sigaw nA nagpatigil sa kanya..simula ng magjng kami ni Jed,nagkaroon na ako ng highblood..Palagi naman kaming nag aaway ni Jed eh,hindi na dapat to bago sa akin ang kaso hindi ko sya kayang hindi patulan..

“,ano bang gusto mO Jed?isupport ka sa lahat ng mga gusto mo?kahit...


alam kung mali?'”,

:,no..i dont want your support..i want you to be proud of me..”, half pakiusap ba ang nakikita ko sa mga mata nya?

Nag iwas ako ng tingin..masakit na ang ulo ko,kapag nagtagal pa to lalo lamang kaming mag aaway,pasko pa naman isa pa parehas kami nakainom,kaya siguro matapang ako sA kanya ngayon..

“,umuwe kana Jed..”,nasabi ko nalang,sa kalagayan nya ngayon ayukong mag stay sya sa place ko..

“,at bakit mo ako pinapauwe?i guess may karapatan ako dito..:,

Oo pero.. Hindi ko na sya sinagot ng kusa na syang magtaas ng kanyang kamay..sign ng pagsuko,sinuot nya muli ang polo na nasa sofa at nilingon lang ako saglit bago galit na lumabas sa pinto..

Impit akong napaiyak !

Nuong una ang buong akala ko puro lang saya at kilig ang buhay ng magjowa..pero sa una lamang pala iyon.Sa sitwasyon namin ni Jed ngayon na mas marami pa ang away ay hindi ko na alam kung hanggang saan pa makakarating ang relasyon namin..

Mas malala si Jed ngayon keysa nuon,mas lalong naging rebelde sya ngayon.. Tinanggap ko naman yung pagiging moody nya ang kaso ay nakakapagod din naman pala,sabi ko sa sarili ko wala akong pagsisisihan kay Jed pero habang tumatagal ko syang nakikilala..parang unti unti narin akong nagsisisi..

Pinunas ko ang mga luha sa aking mga mata at nagdesisyin ng maghugas ng plato ngunit hindi yun natuloy ng biglang pabalibag na sumara muli ang pinto..

Nilingon ko kung ano yun..Nakita ko si Jed!galit na galit n palapit sa akin..kumabog ang dibdib ko..

Tatlong hakbang bago makalapit si Jed sa akin ng bigla nyang hawakan ang ulo ko at tinapat yun sa mukha nya.
A few inches later marahas na nya akong hinahalikan..

Nung una sapilitan lang.. Ngunit ng tumagal na,mas naging banayad na iyon..

Ohhh Jed..

Gusto ko sanang tanggihan sya sa ginawa nya kaso sino ako para tanggihan ang isang Jed Santos?Hes a goodkisser at nahuhuli nya ang kiliti ko..and once again ang lahat ng galit ko sa kanya naglaho na naman..

Mahal ko ang lalaking ito wala mg iba pa..

Pagkatapos ng maalab na halikang yun ay habol namin ang aming mga hininga ng maghiwalay ang aming mga labi .

Hawak parin ni Jed ang mukha ko at nagkadikit ang aming mga noo..

“,im sorry..”,bulong ni Jed..ganuon lang kadali,nagbago na naman ang mood nya,kanina ay galit sya tapos ngayon hinahalikan na naman nya ako at ako naman si marupok..
heto pumapayag magpahalik,bitin pa nga eh.. Well ganun lang naman kami ni Jed..away lang pero di naghihiwalay.. Ayiiihh..

“,Well..i guess time naman na para ibigay mo ang regalo mo sa akin..”,may pilyong ngiti na naglaro sa mga labi ni Jed..Bahagya ko syang kinurot,hindi ako tanga para di yun malaman alam kung may ibig na naman syang sabihin ..

Bago pa ako nagsalita hinalikan na naman nya ako sa labi at ang huling natandaan ko ay binuhat na ako ni Jed papunta sa kama !!! .. habang ako ay masuyo lang na nagpa ubaya..

****

Ginising ako dahil may mabigat na nakadagan sa tiyan ko.
Hindi sana ako gigising dahil hindi pa naman nag aalarm ang clock ko besides maaga pa..kaso nabibigatan ako sa nakadagan sa akin..

“,Buko .. “,napangiti ako ng masilayan ang mukha ni Jed..nakadagan ang isa nyang hita sa tiyan ko habang ang mukha nya ay nakasiksik sa leeg ko..Oo nga pala nag overnight si Jed sa appartment namin..

“,buko..”,tawag ko ulit sa kanya,umungol lamang sya at mas lalo pang humigpit ang yakap nya..Kinapa ko ang phone at sinipat ko ang orasan nun.. “,Jedrian Santos..untag ko kay Jed..bumangon kana male’late ka sa school..:,

“,Damn that school..ipapasunog ko pa yun eh,istorbo sa pagtulog!!”,sabi nya..

“,Bumangon kana..”,niyugyog ko sya”,kelangan mo mag aral ano ba..”,

Bumalikwas si Jed at humarap sa akin..nakapikit parin ang mga mata nya”,Bakit ba kaylangan pang mag aral”,sabi nya..tinatamad paring magbukas ng mga mata..

“,Kaylangan mong mag aral for your future and .. Para sa pangarap mo..”,hindi ko alam pero nahiya ako sa salitang future.. Maybe because parang inopen ko naman na yung future naming dalawa..

This time nagmulat ng mata si Jed na mukhang ginanahan sa sinabi ko.. “,ano bang inaalala mo?diko naman kaylangang mag aral kasi katabi ko naman ngayon ang future ko.. Isa pa ikaw lang din naman ang nag iisang pangarap ko.. Diba nga ikaw si PAKO??!”,

Sinampal ko sya sa balikat!ang aga aga eh pinapakilig naman ako ng Buko kong to.hmp..

Hindi ko tuloy napigilang hindi sya bigyan ng masuyong halik sa mga labi.. hinalikan ko sya ng kusa,smack lang dapat yun kaso bigla yatang nagising ang buong cells ni Jed dahil mas dumiin na naman ang halik namin..

May nangyaring lindol na naman sa Pilipinas..

At ilang sandali pa!na late na naman si Jed..

Chapter Two

Jedrian’s POV..

Tutulog tulog pa akong naglalakad papasok sa campus dahil napuyat na naman ako..Habang naglalakad napapangisi pa ako,naalala ko si Pako..pinuyar na naman kasi nya ako eh..

Simula ng makilala ko sya at naging kami naging napakasaya na ang bawat mga gabi ko..Nagkaroon yun ng kahulugan at kabuluhan.may mga pagkakataon mang nag aaway kami ay alam kung dahil lang naman yun sa pabago bagong mood ko,hindi ko alam pero lately nagiging madalas na ang pagsakit ng ulo ko.. Pero maybe ay sa alak lang .. Pero nawawala naman lahat yun kapag kasama ko sya!

Kaya nga nagpatattoo ako ng pangalan nya sa dibdib ko kahit alam kung ikagagalit nya,alam ko rin namang wala na syang magagawa..haha ! sa aming dalawa kasi ay mas ako ang batas !!

Malapit na ako sa building namin ng biglang may umakbay sakin..Handa na akong karatehin sya buti nalang nakaiwas sya!

“,oppss…opppss.. Pinsan!pinsan ako to,si Kyle..remember?!”,

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.. Dahil sa ocean eyes nyang kulay blue..nakilala ko sya,sya nga si Kyle ang pinsan kung half pinoy half australian..no woder kulay blue ang mga mata nya..

Pinagpag ko ang suot kong damit na dinampian ng mga kamay nya ng akbayan ako.. Allergic ako sa lalaking to,mukha lang naman kasi itong virus!! At ano kaya ang ginagawa nya sa campus?!

“,Bawal pangit dito.. “,nakasimangof na sabi ko..Since fetus alergic na ako kay Kyle,simula kasi nung bata kami madalas na kaming ikumpara —!!at dahil sa nakakainis nyang blue eyes mas nakakaangat sya sa akin..pero isang paligo lang,kung blue eyes din ang mata ko,baka maitsyapwera lang ang anyo nya..

Naglakad ako at nilagpasan sya subalit kamag anak yata sya ni Mike Enriquez na sinasabing Hindi Kita Tatantanan,kaya heto.. Nakabuntot na naman sya sa akin!
Huminto ako sa paglalakad upang harapin sya..baka magmukha lamang syang bodyguard ko kapg bumuntot pa sya sa akin.

“,Bat mo ba ako sinusundan??!”,hinarap ko sya..napahinto rin sya sa paglalakad..

“,sa tingin ko naman hindi kita sinusundan.. kasi iisang building lang ang punta natin..:,

“,anong ibig mong sabihin?!”,

“,dito ako mag aaral at sa ayaw at sa gusto mo..makikita mo lagi ang anino ko Jed..”,si Kyle naman ang naglakad at nilampasan ako..hindi ako makapaniwala sa kanya,sa pagkakaalam ko masaya syang nag aaral sa manila kaya anong dahilan at nandito ang kutong lupa na to?parang gusto ko nalang wag ng mag aral..

Nawala ang pag iisip ko ng kung ano ano ng mapahinto si Kyle.. Mukhang may naalalang sabihin..

“,sya nga pala.. Sa bahay nyo nalang ako titira yun ang sabi ni tita.. At dahil iisa naman ang kwarto ng lalaki..mukhang no choice naman ako kundi makatabi kita!!!”,yun lang at tuluyan na syang lumayo.

Naiwan akong natitigilan! Inisa isa ko sa utak ang huling sinabi nya..ano daw?ang baliw na yun?titira sa bahay?No way… Pag nangyari yun!mag hohotel nalang ako!hindi kami pwedeng magsama ng lalaking yun!..

Isa pa hindi maganda ang reputasyon ni Kyle,he was a certified playboy..ginagamit nya ang looks nya para lamang makapang loko ng mga babae..

Bigla akong kinabahan,hindi nya dapat makilala si Ella,
may nakaraan kami ni Kyle na nag aagawan sa lahat ng bagay kaya naman kaylangan kung gumawa ng paraan ng sa ganuon hindi nya makilala si Ella..kapag nalaman ni Kyle na masaya ako sa lovelife ko im sure gagawa sya ng paraan para sirain ito.. at hindi ako papayag duon!!

—-*—*****
Ella’s POV..

Bago ako bumangon nag text muna ako kay Jed ng
–Goodmorning and IloveYou.. Kaylangan kung gawin yun para daw mabuo ang araw nya kahit pa nga sa mga oras na to alam kung naghihilik pa sya..
Samantalang ako,heto..malapit na ako sa coffee shop sa ganuon ay duon na mismo magkape.. Inaadjust ko ng mas maaga ang oras ko para lang magkape sa shop..masarap kasi ang kape duon.. at tatlong beses palang kami nakakapagsalo ni Jed sa lugar na to..masyado kasi akong maaga ang pagpunta ko rito habang sya ay tulog pa kaya hindi nagkukrus ang time namin..pero okay lang sapat narin naman na sa akin na kapag nagising sya mag rereply din sya ng ILoveYou too with matching pick up lines,sa ganoon ay buo narin ang araw ko dahil sa kanyang inspiring messages..

Nag order lang ako ng paborito kong kape.,nilagay ng crew yun sa tapat ko..kukuha sana ako ng pera para magbayad subalit hindi ko yun nagawa ng may kumuha ng kape ko!

Teka!kunin mo na ang lahat sa akin hwag lang ang aking Kape!shiit!pag ganuon nagwawala talaga ako!

“,Excuse me lang hah.. Pero kape ko yan!at hindi ako gumising ng maaga parA lang mag order ng kape para kunin mo lang “,may regla pa naman ako kaya masungit ako..wala akong pakialam kahit anak pa to ng Presidente!

“,I dont care.. “,sabi nung lalaking kumuha ng kape ko!

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi nya!ah bwisitttt!!

Lalo pa akong nabwisit ng inimuman nya iyon..sa harap ko!
Eh kabastos naman pala ng lalaking to eh!

Tumingin ako sa Cashier..mabuti nalang at hindi pa akp nakakabayad kanina,hindi naman ako ang uminom nun tong kurimaw nato..

Aapela sana ako kaso nakita ko yung cashier na nagbiblink blink yung mata duon sa lalaking uminom ng aking kape!
What the hell..at nag papacute pa yata!

Tiningnan ko ang lalaki,di sinasadyang nagtama ang aming mga mata ng tumingin din sya sa akin.Napalunok ako..
ang ganda ng kulay blue na mga mata nya,teka foreigner ba to??

Pero No way ! Bastos ang lalaking to kaya naman kahit mukha syang holywood actor hindi ako magwagwapuhan sa kanya!isa pa mas gwapo pa si Jed ko Noh!!!!..

“,miss Pakibayaran nalang ..”,sabi nung lalaki at tumalikod nalang,palabas na sya ng shop!!at ano daw sabi nya?bayaran ko na lang ?as if namang bayaran ko yung kape na diko naman inimom!ah bwisit!kahit ireklamo pa ako ng shop na to wala akong paki ..hindi ko yun babayaran no!
Isa pa mukhang may tama naman yung cashier sa kanya,di yung cashier ang magbayad..

Hay!bat ba andaming gwapo sa mundo na puro sira ulo!!

Ek ek…
***Salamuch sa mga komento,..at pasensya narin kung mejo matagal sa pag update..may family problem eh!!

Sa nagtatanong ng Fb accnt ko..hehe seklet muna for now.
Thankyou sa walang sawang comment..muah!!

———->))7Author
J-E-C-C-A..27


8 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.