28

The Story Of Us * * Book2 * * Part18πŸ˜πŸ’•β€οΈ

……
Ella’s POV..

..
Ni hindi ko manlang nagawang ilock yung pinto ng apartment at nagtuloy ako sa loob..Hindi narin ako nag abalang isindi yung ilaw duon,kabisado ko ang buong sulok ng tahanan ko at kahit walang ilaw alam ko ang pupuntahan ko ..pero dahil nanghihina ako sa pangayayari sa amin ni Jake kanina,hindi ko naiabot sa kwarto ang aking sarili.

Bigla akong napasalampak na lamang sa gilid at sumandal sa pader at duon hinahayaang makawala ang kanina pa gustong bumulwak na aking mga luha..

Nagsisi ako,nagsisi ako kung bakit ni hindi ko manlang naiganti ang aking sarili kanina kay Jake,ni hindi ko manlang sya nasampal manlang para sa ginawa nya sa akin, atleast kahit papanu siguro ay gumaan pa ung loob ko pero hindi eh,wala akong nagawa…kasi kaninang nakita ko sya,gusto akong traydurin ng aking buong pagkatao dahil isinisigaw nun na gustong gusto ko sya kaya hindi ko nagwa!

Mahal ko sya kahit nakakahiya..
Nakakahiya kasi alam kung sa aming dalawa ay ako lamang naman ang nagmamahal kasi nga,ako itong nagamit ni Jake,na pinagkatiwalaan lamang nila ako…at kahit na umamin sya kaninang mahal nya ako, never na akong maniniwala dahil alam kung ang bawat lumalabas sa bibig nya ay pawang lamang pagpapanggap..

Kung sana ganuon lamang kadali ang lahat upang patawarin sya, hindi sana ako nagkaganito sa mga oras na to ! I felt so empty for the second time around..Yung pakiramdam na,naroon ako sa tinitirahan ko ngayon subalit tila nawalan ako ng tahanan..

Parang may kulang na ngayon sa pagkatao ko…

…at nagpupunas ako ng mga luha ko ng biglang may isang taong nagbukas ng pintuan,
Naaninag ko agad ang anino ng isang lalaki dahil tumagos ang liwanag mula sa ilaw sa labas . .

Lalo lamang akong nagsumiksik sa sulok at hinayaan ang taong yun na tunguhin ang kinaroroonan ng switch ng ilaw at maya maya pa ay nagliwanag na ang aming paligid..

Dahil sinusundan ko ang kilos nya ,nagtama ang aming mga mata ng sa wakas ay magtagumpay nyang napindot ang switch..

Napalunok ako,..Isang pares ng pinakamaganda yatang mata na nakita ko ang nakatitig lamang sa akin ngayon.Kahit nanlalabo ang aking mga mata gawa ng pagluha ay hindi ko magawang hindi purihin ang mga mata na yun..It was Blue ,at tumatagos sa kaluluwa ang paraan ng pagtitig nya sa king ngayon..

And the person owned that beautiful blue eyes is no other than ..Kyle . .

Gusto ko sanang itanong kung anong ginagawa nya ngayon sa lugar ko but then kahit ano walang naglandas na salita sa mga labi ko..Namalayan ko na lamang na kusa na syang lumalapit sa akin,lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang ulo ko,hinagod ang likod ko kasunod ng pagkabig nya sa akin payakap sa kanya…

Lalong naging malabo ang aking mga mata dahil impit na naman akong napaluha dahil sa ginawa nya ..i feel so touch,kung bakit narito si Kyle sa mga oras ng aking pighati ay hindi ko alam subalit gusto kong magpasalamat dahil narito sya ngayon…kasi sa totoo lang gustong gusto ko ngayon ng karamay ..

“,Shhhhhhh..tahan na.. “,sabi ni Kyle habang marahang hinihimas himas yung aking buhok.

Nakahilig lamang ako sa balikat nya pagkatapos ay hinayaan ko na ang aking sarili na ilabas ang parang dam na aking mga luha ..nagkaroon ako ng kapanatagan dahil sa ginawa nya..gusto kong umiyak ng umiyak sa balikat nya ngayon . Ilang araw din kaming hindi nagpansinan ni Kyle dahil sa huling encounter namin sa klase at aaminin ko ay namiss ko ang kakulitan nya at ang presensya nya ..kaya mas nakadagdadag sa mga luha ko ngayon ang tears of joy dahil narito sya despite sa pinagdadaanan ko ngayon…
Kung pwede lang,turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito,pipiliin ko ng paulit ulit si Kyle,kaso ——-life is so unfair kasi,hindi ako sa kanya nagkagusto,dahil nainlove nga ako sa dalawang tao, magpinsan pa at higit sa lahat—..pareho akong sinaktan !!

Kahit anong salita walang naglandas sa bibig ni Kyle sa halip nanatili lamang sya sa posisyon nya ngayon,pero ganun paman ramdam ko na may nais syang sabihin sa akin subalit pinipigil nya lamang iyon,dahil siguro baka iniisip din nya na baka madagdagan na naman ang mga iniisip ko….

Sana ako nalang .. yun yung gustong ipahiwatig ni Kyle ngayon..Pero dahil sa wala syang choice kundi ang aluhin lamang ako ay nanatili lamang iyon sa likod ng kanyang mga dila..

,Hanggang sa,naging maluwag narin ang pakiramdam ko dahil nailabas ko na yata lahat ng luha sa mga mata ko at wala na akong mapiga na kahit na ano pa ruon ..mugtong mugto na iyon ng sa wakas ay kumalas na ai Kyle sa akin …

“,Jakes told me about everything..pinapunta rin nya ako dito,nag aalala sya sa pwede mong gawin sa sarili mo “,..

Biglaan muli ang pagtarak ng punyal sa dibdib ko sa sinabi nyang yun. so hindi pala sya nagkusa n pumunta sa kin ngayon at inutusan lamang pala sya ng manlolokong pinsan nya ganun?at ang gagong pinsan nya,nang istorbo pa talaga ng iba ..

“,, Bilisan mong umiyak,kasi haharapin ko pa si Jake, igaganti kita sa ginawa nya,i should atleast give him a uppercut dahil sa ginawa nya.. “,

Napangiti ako sa pagitan ng kalungkutan,sya nga talaga si Kyle ..yung Kyle na handang manakit maipagtanggol lamang ako “,yah tama ka..iganti mo ako sa kanya ..dapat bukas na bukas ay nasa hospital na si Jake,at naparalyzed sya sa suntok mo ng sa ganuon ay maiganti mo ako .. “,natatawa na biro ko..

Bigla narin syang natawa,its crazy dahil maya maya lang napuno na ng halakhakan ang buong palagid namin ni Kyle.. At walang ibang tao,ang kayang pasiyahin ako ngayon ..kundi si Kyle lamang ..

Only Kyle De Asis 😊😊😊😊😊😊 …

****
Tatlong araw na matuling lumipas at kahit pa alam ng puso ko na namimiss ko si Jake dahil sa tatlong araw na yun ay hindi ko pa sya nakikita subalit hindi ko maiwasang hindi magpasalamat dahil atleast di nya ko kinukulit ngayon.. Hindi pa naman kasi ako handang harapin sya..

At tulad sa pamagat ng isang kanta na “Tuloy Parin” ..ay ipinagpatuloy ko ang mga bagay na aking ginagawa dati pa..ganuon parin naman may kulang nga lang ngayon..

Naglalakad na ako papasok sa campus ng biglang may isang kulay itim na kotse ang huminto sa tapat ko .Bumaba ang tatlong nakaitim na lalaki na puro maskulado at may mga tattoo..

Napaatras na lamang ako ng bigla silang lumapit sa akin..

“, Bitiwan nyo ako ! “,Kasabay ng pagpumiglas ko,at pagsigaw ay ang pagkahulog ng mga hawak kong libro dahil hinawakan nila akong tatlo..at pilit na isinakay sa nakahintong kotse..

Biglaan ng pagbalot ng matinding kaba sa akin ng maisakay ako sa loob..anong kaylangan nila sa kin???!!..but then nawala sa isip ko lahat ng katanungan na iyon ng isa mga lalaking naroon ang may nilagay na panyo sa aking ilong at bibig at ilang sandali pa..bago ako nawalan ng malay ay nasambit ko ang pangalang JED !!!

*****
Kulay asul na pintura,maakiwalas sa mata..
Marangyang kwarto ! Iyon agad ang tumambad sa paningin ko ng sa wakas ay...


magising ako!

Mabilis akong bumangon mula sa malaking kama ng kinahihigaan ko kanina lamang ng maalala ko ang lahat ng pangayayari kanina..

Natutop ko ang Noo..OMG,nakidnap nga pala ako ! Mabilis ko ring kinapa ang aking sarili at nakahinga ng maluwang ng wala manlang kahit anong makapa akong masamang nangyari sa akin ..Glad ! Kompleto rin ang mga suot ko ngayon …

Bigla ulit naglibot ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto na yun..nais ko ring magduda kong nakidnap ba talaga ako gayung heto ako ngayon,mistulang prinsesa na dinala sa isang palasyo .

“,Buti naman nagising kana ..*,”,.
.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may pumasok na lalaki mula sa malaking pintuan.

Naglanding agad ang paningin ko sa kanya at awtomatikong bumalatay sa anyo ko ang galit ng makita sya …

“,Ikaw ba lahat may gawa nito?!”,

Biglang humalakhak si Drew,yah it was Drew!
“,Yess ,hindi ba obvious?andito ka ngayon sa bahay ko .. “,.

Nawala lahat ng paghanga ko sa lugar na to matapos kung malaman na bahay pala yun ni Drew !!

“,Ano na naman bang kaylangan mo? pagkatapos nyo akong lokohin?ano na naman bang plano mo sa kin ngayon !! “,Gigil na gigil ako..”,At pinakidnap mo pa ako sa mga minions mo ah !”,

Natawa sya ulit ..umalingawngaw yun sa kabuuan ng kwartong ito “,..Panung hindi ko to gagawin kung kahit si Jake ayaw mong kausapin?well kaya ko lamang to nagawa kasi alam kung hindi ka naman madadala sa santong paspasan eh ..kaya dinaan na kita sa santong paspasan !”,

Gusto ko syang tsinelasin sa sinasabi nya kundi lang ako nakasapatos ngayon “,ano bang kaylangan mo?!..may hindi paba ako nagagawa sa inyo ng barkada mo para makompleto nanang kasiyahan nyo?ginawa nyo na akong tanga ah,kulang pa ba ! “,,Madamdaming sumbat ko .

Bumuntong hininga si Jake..”,listen,kaya ko to ginagawa ay para sa inyo ni Jake .

Sinamaan ko sya ng tingin,baka tricks na naman nila to,for what?gumagawa na namab sila ng bagay na pagtitrip sa kin?!..hindi ba sila nagsasawa na paikutin ako ?!..

“, Makinig ka dahil minsan ko lamang ito sasabihan sayo —-!kung anuman ang iniisip mo tungkol kay Jake ..nagkakamali ka,sa lahat ng nangyari sayo,walang kinalaman duon si Jake.. “,

“,At sa tingin mo maniniwala ako sayo?after ko marinig yung voice record nyo na tuwang tuwa kayo para pagtripan ako???!”,

“, Sabing makinig ka muna eh !..oo , nagkaroon kami ng deal ni Jake..pero wala sa isipan namin na irecord yun ,,at yung tungkol sa video nyo..wala kaming kinalaman ni Jake duon “,

Tigalgal ako sa mga narinig,bakit ang husay ng lalaking ito magsinungaling sa harap ko?lahat na ng evidence na nagtuturo na sila ang may pakana ay nakalatag nya subalit indenial pa!

“,Wala kaming alam tungkol sa voice record,at gusto kong malaman mo,na yung tinutukoy ming evidence na na present ni Jake,,wala ulit syang kinalaman duon dahil una pa lamang ay nag back out na si Jake sa kasunduan dahil hindi ka nya kaya na saktan sa huli!..”,

“,, Hindi kayang saktan?pucha naman Drew,sinaktan na nga nya ako eh,tsaka bakit mo ba sa pinagttanggol ngaun?sarado na ang tenga ko sa iba nyo pang sasabihin ! Sira na reputasyon ko eh,sinira nyo!!kaya wala na kayong dapat ipaliwanag kasi,hindi naman na maibabalik ng pag explain mo ang lahat,wasak na wasak na ako, hinihintay ko na nga lang na kumalat yung scandal namin eh,ng sa ganun atleast kahit na wasak na ako,baka sakaling sa huli …sumikat pa ako !”,,natutuyang sabi ko,nais kong maranasan nya kung paanu magui’guilty.. at nagtagumpay naman ako dahil biglang nagbago ang ekspresyon nya..

“,Look,im sorry kung nadamay kapa dito,hindi naman namin kasi akalain na magiging ganito ang kalalabasan sa huli… pero,gusto kong malaman mo,na ang lahat ng ito…ay pakana lahat ni Vanessa .. “,

Biglang nangunot ang noo ko sa pangalang binanggit nya ..at si Vanessa naman ngayon ang idadawit nya?i cant believe this guy!

“,Si Vanezsa ang nag record ng usapan namin,hindi nya matanggap na hindi sya kayang pagtuunan ng pansin ni Jake,at mas lalo pa Syang nagalit ng makita ka nya at mahalata na tila ba nagkakagusto na si Jake sayo..kaya gumawa sya ng paraan para magkagalit kayo..Vanessa trick me,hindi ko alam na nuong gabi na may mangyari sa aming dalawa, naglagay pala sya ng Camera sa loob ng kwartong pinahanda ko para sa inyo ni Jake… “,

Natakpan ko ang noo dahil sa pasabog nya,samot samong emosyon ang tila nag uunahang makawala sa kin, mistulang sanga na nais magwala upang makatakas ! Ano ang paniniwalaan ko ngayon?maniniwala na naman ba ako sa kanya??!..

“,Si Vanessa ang may kagagawan nito maniwala ka,at kung nag aalala ka sa video nyo,wag kang mag alala nagawan ko na yun ng paraan.. siniguro ko ng hindi yun maikakalat,hindi rin naman inyetensyon ninVanessa na ikalat pa ito,gusto lamang nyang i black mail si Jake..but then nagkanda loko loko na at ito na nangyari ..nagkagulo na kayo ni Jake… pero maniwala ka,kung iniisip mong kasinungalingan ang lahat ng ito,okay lang..kasi sa mga nangyari nato,may isang katotohanan na nabuo..yun ay yung katutuhanan na Mahal na mahal ka ng kaibigan ko !”,

Nag angat ako ng mukha at tiningnan kung gaano ka sincere ang mga mata nya sa pagsabi ng huling kataga na sinabi nya…

,Ayuko dati na magbago yung kaybigan ko dahil sayo,i felt so Jealous ayukong maiwan sa ere,.but now,ayuko rin makita ang kaibigan ko sa sitwasyon nya ngayon na miserable,hes my brother..you know.. kaya,sa kabila ng nagawa namin sayo,nais kung humingi ulit ng Sorry,at humingi rin ng pabor… “,

Tiningnan ko lamang sya at hindi ko naman magawang magsalita..nabunot ang lahat ng mga tinik na matagal ng nakabaon sa aking dibdib dahil sa pag amin nya ..

“,Gusto ko sanang humingi ng pabor..Puntahan mo sya,dahil hindi ko sya kayang makita kung gaanu sya kalungkot ngayon.. “,nakangiti si Drew habang tinitingnan ako at kinakalkola ako “,Ayaw ko naman syang nakikita na nasasaktan ngayon,i know bago ang pakiramdam na to sa kanya dahil never pa syang nagmahal,kaya please..wag mong hayaan na itong first time nya ang magdala sa kanya ng kalungkutan..”,

Napangiti na lamang ako tsaka napatango,tama sya..ayuko rin namang makita si Jake na malungkot lalo na at wala naman pala sya alam sa ginwa ni Vanessa,ayaw ko n rin na naman mabuhay din sa lungkot,this time—-Lalandi na naman ako !!

Gusto kong makita si Jake sa mga oras na to!!!

At determinado na akong makita sya ng biglang tumunog ang phone ko,dinukot ko yun sa bulsa at kumabog ang puso ko ng mag pop sa screen ang numero ni Jake..buong PUSO ko iyong sinagot subalit nadismaya lamang ako ng boses ng isang babae ang narinig ko..

Ano to?may babae na agad si Jake?..

Gusto ko na namang magseLos..

“,Hello,si Ella ba to?kapatid to ni Jake,ako to ai Mandy ..”,

Ayyy,kapatid naman pala eh may nalalaman pa akong paselos selos..

*,”,A..ako nga !

“,May address akong ipapadala sayo,dito sa bahay namin,si Kuya kasi kanina pa nagwawala..hindi sya maawat,nasobrahan na nya ng inom at im worried na baka saktan nya ang sarili nya,can you come in,i think he need you .. “,

“,Okay ..SEND ME THE ADDRESS, PUCHA!!

….
To be continued..β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈπŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•

28 Comments

  1. nxt n po plssss ….πŸ™ dae po nag aabang ng nxtchapt.πŸ˜” salamat po ….

  2. ang tagal nmn po mag nxtchapt.😞 dami po naghhintay … pls nxt nmn n po ang ganda po kasi eh maraming salamat po …

  3. tagal napo naghihintay here ..😊 next napo plzzzzzzπŸ™πŸ™

  4. next part poh plsss tagal n poh wala ksunod nmiss ko n ang story

  5. .sobrang….. ganda ng story…. so plz….. next episode plzzzzz

  6. oh my god magiging sila yata ni jake a halla utang na loob miss writer alam kong story to ni ella at Jed pero napamahal na ako kay jake ano ba yan tapos may eksena pa sila ni kyle haha asan ba makikita yang ella na yan makalbo nga sobrang haba ng hair.At plz plz po miss writer kung sino ka man sipagin ko lagi sa pagsusulat ito lnv ang kwnto na inaabangan ko po.plzπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *