0

the security guards love story


Report

Parihas po kaming dalawa gwardya sa ware house sa Valenzuela ako dati nag gwardya sya naman dto sa marilao bulacan,then siguro mga 4 days walang akong nagbabantay non sa ware house sa Valenzuela nagdecide ung may ari ng binabantayan Kong ware house na lumipat ng bagong upahang ware house kasi ung inupahan nilang ware house n binabantayan quh sa Valenzuela eh binabaha kaya yon lumipat sola dito sa marilao bulacan don ako naasign hapon n kami ng makarating don wala p ako masyadong alam sa lugar na yon tpos kunti palang ung mga ware house and pubrika na nakatayo don at hindi ko pa din sya kilala,one time pumasok sya sa ware house n inupahan ng pinagbabantayan ko Hindi ko sya nakita na pumasok sya yong kapalitan ko lang ang nagsabi sakin na pumasok nga daw yong guard sa kabilang ware house iaasses daw nya yong may ari ng pinag dutyhan Kong ware house kasi sya pala yong nagbabantay ng tatlong ware house na magkakatabi kaya inasses nya yong may ari ng ware house na pinagbabantayan ko,tinanong ko yong kasamahan ko kung ano name ng guard n pumasok kasi inililista namin s log book bawat may pumasok at lumabas s ware house na yon,sabi ng kasama ko garde raw pero ang pandinig ko garte sabi kaano ano kaya nya si Willie garte na may halong pagtatawang sabi ko sa isa trabahador don sa ware house sabi naman ng trabahador baka Tito nya o kaya lolo nya natawa ako ng sinabi yon ng trabahador Hindi ko napansin na NASA likod ko na pala yong garte na sinasabi ko kinalabit nalang ako ng trabahador sabay pabulong nyang sinabi sakin na nasa likod ko daw nakatingin sakin bigla akong kinabahan sabay lingon sa likod ko na nakangiting fake sa guard na yon then I ask him na kung ano name nya kasi ililista ko then he answered na garde po miss name ko nagtaka ako at nalito sa pakilala nya tpos umalis na sya ng masabi nya kung sino sya dali dali ko kaagad kinuha yong log book at pinalitan ko yong name na sinulat ko pinalitan ko ng garde ung garte na sinulat ko sinisi ko pa non yong kapalitan ko kasi Mali yong pagkasabi nya skin ng pangalan ng guard sabi naman sakin nong kapalitan ko bingi ang sabi ko garde Hindi garte pasaway ka talaga alma kaya pla tawang tawa ka nong sinabi ko yong pangalan ng guard na pumasok yon pala garte pandinig mo natatawa nalang din ako sa sarili ko non kasi nabingi ako.Gabe na non gosto ko bumili ng makakain at ulam kaso di ko alam kung saan ung bilihan tpos madilim pa nasa labas ako ng gate ng ware house na binabantayan ko at off duty na rin ako non tumitingin tingin ako sa paligid kung may tindahan don na mabilhan ng kailangan ko sakto naman non dumaan yong guard na so garte este garde tinanong ko sya sabi ko kuya saan ba dito yong tindahan sabi nya ahy malayo pa miss sa may entrance pa ah ganon ba sabi ko sabi naman nya oo miss bakit bibili ka ba sabi ko naman oo sana eh kaso malayo naman pala saka madilim pa sa daan nakakatakot naman maglakad ang dilim ng paligid tpos madamo pa sa mga gilid ligid ng daan baka mamaya makaapak pa ko ng ahas sa daan matuklaw pa ko kaya wag nalang sabi ko sa kanya,oo nga eh kung gosto ako nalang bibili mag bbike lang ako papunta don offer nya sakin pumayag naman ako inabot ko sa kanya yong pera at sinabi ko kng ano yong ipapabili ko tpos non umalis na sya Maya Maya pa dumating na sya dala yong pinabili ko inabot nya sakin tpos nagpasalamat ako sa kanya tpos sabi nya sakin kung may ipapabili p daw ako tawagin ko lang daw sya don sa katabi ng ware house na binabantayan ko magkapitware house Lang daw kami tinanguan ko lang sya sabay pasalamat ulit.
Kinabukasan ganon ulit yong trabaho ko duty uli tas lista sa log book bukas ng gate pag may pumasok na sasakyan at lalabas then break time na non duty ko pa lumapit sakin ung isang trabahador inalok nya ko ng miryenda tumango lang ako bilang sagot sa alok nya mamaya may dala na syang pansit at soft drinks binigay nya sakin sabay sabi n miryenda ka muna Maya na yang sinusulat mo lumingon ako sa kanya tpos sabi ko ano to sabi nya pansit at soft drinks,alam ko pansit at soft drinks yan ang ibig sabihin ko bakit mo naman ako binilan pa nyan eh Hindi naman ako nagpabili sayo sabi nya oo nga di mo nga ako pinabili pero binili ko yan para sayo libre ko yan tanggapin mo na sis kaw talaga sige na nga tatanggapin ko na yan salamat ha sabi ko sa kanya.pagkatapos naming mag meryinda back to work uli busy kami lahat sa mga kanya kanya naming gawain,biglang may kumatok sa gate kaya na pahinto ako sa ginagawa ko lumapit ako sa gate sabay bukas pagbukas ko sa gate nakita ko si garde na naka suot ng uniform nya sa pagkaguard medyo ntulala ako sa kanya dahil sa pagkasuot nya ng uniform nya ang astig nya mamorma bagay na bagay sa kanya ang gwapo nya tingnan s shot nyang uniform naka combat sya ng sapatos at may saklay sya na shot gun Maya Maya tinapik ako ng kasama ko na sya naman ang ikinagulat ko at nagpabalik sakin sa katinuan sabi nya anong nangyari sayo bat parang nakakita ka ng multo a ah wala si garde pala asan na sabi ko nasa loob na kanina pa Hindi mo napansin na pumasok na umiling lang ako bilang sagot,sus sinasabi ko na nga ba eh natulala ka sa Kay garde kaya di mo na sya napansin na nakapasok na love at first ka day sabi sakin ng kasama ko hindi ah dinay ko pero totoo talagang napatulala ako Kay garde,sus dinay ka pa eh totoo naman tulo laway ka pa nga eh hahahaha hindi kaya tigilan mo ngafirst sighdyan,oyy si alma love at first sight Kay garde pang aasar nya sakin wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo dito at sabihin yan Kay garde at maniwala naman yon bakit Hindi ba totoong love at first sight ka? Ko na wag ka na maingay talaga totoo oo satin lang to wag mo pagsasabi kahit kanino promise mo yn sabi ko oo promise sabi nya.
Off duty ko na uli NASA labas ako hinahanap si garde para magpasama sa tindahan nakita ko yong kapalitan nyang guard tinanong ko sa kanya kung asan si garde sabi nya andon daw sa baraks nila tanong nya sakin kung bakit sabi ko magpapasama sana ako sa kanya sa tindahan pag bili ah ganon b sige tawagin ko sya ngayon na ba sabi nya oo sana kaso baka tulog sya wag na lang Hindi OK lang yon sabi naman sakin ni garde tawagin ko sya paghinanap mo sya at saka Hindi naman sya tulog inaantay ka nga nyang mag off duty eh kaso tagal mo daw lumabas kaya pumunta muna sya sa baraks at binilinan nya ko kung mkita raw kita at hanapin mo daw sya skin sbihin ko daw sayo na sa baraks lang daw sya at tawagin ko daw sya pag magpapasama ka sa tindahan sabi ng kapalitan nyang guard skin,ah ganon ba sige antayin ko sya rito salamat sabi ko nman sa guard,Maya Maya pa’t dumating n si garde magpapasama ka daw sa tindahan oo mag papaload ako eh sige tara umalis na kami habang naglalakad nagkukwentuhan kame sa mga sarili namin hanggang sa makarating na lame sa tindahan ang daming bumibili at kuamakain sa tindahan na yon kaya nag antay kame kumuha sya ng upuan at pinaupo nya ako sabi ano bibilhin mo ako na bibili ah sige sinabi ko sa kanya yong bibilhin nya tpos inabot ko sa kanya ung pera 15 minutes n nag antay ako nakabalik na rin sya sakin dala ang mga pinabili ko at inabutan nya ko ng soft drinks inom k muna inabot ko ito at nagpasalamat skanya,Maya Maya pa at umuwi na rin kame dinala nya ung mga pinabili ko sa kanya at naglakad na kame pauwi hinatid nya ko sa ware house na pinagbabantayan ko pagkarating namin kinuha ko na yong pinabili ko sa kanya kanina na dala dala nya at nagpasalamat ulit pumasok na ko sa loob at ganon din sya nagpaalam na sya sakin at umalis.3 days later,nagtungo ako papunta sa baraks nya para magpasama ulit sa tindahan habang naglalakad ako...


papuntang baraks nya ng may biglang humila sa kamay ko na sya namang ikina gulat ko pag tingin ko sa taong humila sakin sa isang madilim na sulok nakita ko si garde bigla nya ko hinalikan at ako naman at natulala,nagulat at parang statwa na Hindi makagalaw sa sobrang pagkabigla sa ginawang paghalik sakin ni garde Maya Maya pa’t tumigil si garde sa paghalik sakin at sabi nya pasinsya ka na nadala lang ako sa nararamdaman ko para sayo mahal kita nong una palang kitang makita sana mapatawad mo ko sa ginawa kong paghalik sayo a ah o ok lang yon sabi ko ng nauutal mahal din naman kita eh gaya mo nong una palang din kitang nakita nagkagosto na ko sayo,niyakap nya ko ng mahigpit at tuwang tuwa sya sabay sabing mahal mo rin ako ibig bang sabihin nito tayo na tumango lang ako ng sagot sa kanya sisigaw sana sya ng yes kame na kaso tinakpan ko ng kamay ko ng mabilis ang bibig nya Maya hindi sya na ka pag sigaw sa halip ay humina pa ng pag kakasabi ng yes kame na.
Kinaumagahan maaga pa syang pumunta sa ware house na binabantayan ko kumatok sya agad ko naman binuksan ang pinto pagtingin ko si garde may dala dalang kape at tinapay inabot nya sakin ito ayan dinalhan kita ng kape at tinapay mag kape ka muna para mainitan yang sikmura mo inabot ko nman ito at nagpasalamat wala yon responsibilidad ko naman yan na dalhan ka ng makakain mo bilang boyfriend mo sabay ngiti nya sakin ginantihan ko rin sya ng ngiti,ano yong naririnig ko na boyfriend mo alma,mag boyfriend na kayo as in kayo na gulat na gulat ako ng biglang magsalita ung kasamahan ko at nag tatanong kung totoo nga ba daw na kame na ni garde kaya bigla ko rin tinakpan ng kamay ko ang bibig nya sabay sabing wag kang maingay oo kame na ni garde kaylan pa kagabe lang talaga ba totoo oo nga totoo kaya wag kang maingay baka may makarinig sayo at pag chismisan pa kame dto ayieee may boyfriend na sya tuwang tuwa ang kasama ko ng malaman nyang kame na no garde.
Isang araw ng biglang nagkaproblema sa ware house na pinagbabantayan ko,nadisgrasya ung isang track na minamaniho ng isa sa mga ka close Kong driver ang dahilan at nakatulog daw yong driver habang nag mamaniho buti nalang at yong driver hindi nasama sa pagbangga ng track sa pader kasi nakatalon sya agad ng magising sya sa pagmamaniho nya na gumigiwang na papuntang pader ang track na pinagdrivan nya at ako ang sinisisi ng mga tauhan sa pagkakapuyat at pagbangga ng track dahil pinainom ko raw I to ng alak kaya di nakatulog ng maaga at napuyat pero itinatanggi naman ito ng driver na ako ang dahilan ng pag kakapuyat at pagbangga ng track dahil yon naman talaga ang totoo oo pinainom ko nga sya pero isang shot lang naman yon at wala pa sa kalahating baso ang ipinainom ko sa kanya at Hindi naman kame nagtagal sa pag iinom kasi maliit na empe lang ang ininom naming tatlo ng kapalitan ko at do pa namin yon naubos kasi umayaw na ko non dahil tumawag sakin si garde kaya tumigil na rin yong driver at yong kapalitan Kong guard sa pag iinom at sinabing tama na tong inuman natin may biyahe pa ko bukas maaga pa sabi ng driver kaya panong ako ang magiging dahilan non eh ako ang unang umayaw sa inuman namin kaya ganon nalang din ang pagdinay ng driver kasi alam nya na Hindi talaga ako ang dahilan non,ipinatawag ako ng boss ng pinagbabantayan Kong mga gamit sa ware house sa opisina nya pumasok ako sa loob ng opisina nya at don pilit akong pinapaamin Kong ano ba saw talaga ang totoo dahilan kung bakit napuyat yong driver nila na syang naging dahilan ng pagkakabangga ng track nila wala akong inamin sa kanila dahil wala naman akong dapat na aminin sa kanila hanggang sa inopiran nila ako ng pera babayaran daw nila ako kapalit ng pagsasalita ko ng totoo pero hindi ako nagpasilaw sa pera nila pinanindigan ko parin yong totoong pangyayari ng gabing uminom kame kaya nagalit ng husto sakin ung boss at pinagbantaan nya ko na ipapakulong daw nya ko sa oras na makahanap sila ng ibidensyang matibay laban sa akin pero hindi ako natakot sa pangbabanta nya sa akin mas pinatapang at pinatatag ko pa ang aking sarili kaya wala silang gawa kundi ang tigilan at palabasin ako sa opisina nya,pagkalabas ko sa opisina ng boss natungo kaagad ako sa baraks ko at agad na nag impaki ng mga gamit ko habang nag iimpaki ako ng gamit ko dumating naman yong agency nmin at tinanong ako kung bakit ako nag iimpaki ng gamit ko sabi aalis na ako rito sir ayoko na magduty pa rito sakanila ang sasama ng ugali nila mangiyak ngiyak na ko non pero pinipigilan ko lang dahil ayoko na baka isipin nilang natatakot ako sa mga pangbabanta nila sakin pero ang totoo hind naman talaga ako takot sa pangbabanta nila sakin naiiyak ako kasi malalayo na ako sa taong mahal ko yon ay si garde ayokong magkalayo kame pero kailangan Kong umalis at lumayo sa boss na yon,pagkatapos naming mag usap ng agency namin agad akong lumabas ng gate at nagpunta Kay garde para magpaalam pagkarating ko palang sa may gate ng ware house na pinagbabantayan ni garde nakita ko syang nakatayo sa may pinto ng gagawing opisina ng boss nya kaya agad akong tumakbo papalapit sakanya at sya naman ang pagsalubong nya sa akin niyakap ko sya at umiiyak ako sakanya aalis na ko ayoko sanang umalis kasi ayokong magkalayo tayo pero kailangan Kong umalis at lumayo sa boss Kong ang samasama tinanong nya ko kung ano ba daw talaga ang nangyari don ko na sinabi sakanya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan Kong umalis at lumayo habang kinukwento ko sakanya ang mga pangyayari Hindi ko rin napigilang ilabas ang luha Kong kanina pa gostong kumawala kaya ganon nalang ang pag iyak ko na animoy wala ng katapusan,Maya Maya may tumawag na sa pangalan ko alma tara na alis na tayo yong pinsan ko iyon na sumama sa agency namin ng malaman nya na nagkakaproblema nga don sakin kaya sya sumama,tinatawag na ako ng pinsan ko aalis na daw kame pinakiusapan ko si garde na sumama nalang sya sakin pero hindi ito sumama at naintindihan ko naman ko kasi nga may trabaho sya na Hindi nya pweding alisan nalang basta basta kaya sinabi nalang nya sakin na susunduin kita sa Valenzuela pagkasahod ko magsasama na tayo pag sinundo kita don ha sangayon kailangan muna nating maghiwalay pansamantala Hindi magtatagal ay magkakasama ulit tayo ha tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa mga sinabi nya mag iingat ka lagi ha basta lagi mo tatandaan mahal na mahal kita at lagi rin ako tatawag sayo sabi nya sakin natinanguan ko LNG ulit at sinabi ng mahal na mahal ko rin sya nong paalis na ako niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi bilang goodbye kiss and hug nya sakin.
Lumipas ang mga araw na Hindi kame magkasama at nagkikita puro lang usapan sa cellphone ang naging conversation namin hanggang sa dumating na ung araw na pinakahihintay namin ang muling magkita at magkasama sinundo nya quh sa Valenzuela sa bahay ng pinsan quh umagang umaga palang nong sinundo nya quh don pagkasundo nya sa akin deritso kame sa pinagdudutyhan ng ware house don parin sa katabi ng pinagdudutyhan ko ring ware house dati andon pa din yong dati Kong boss pero do nila alam na andon ako Kay garde 2 linggo na ako don ng ibalita sa akin ni garde na pinapaalis na daw ng may ari ng ware house ang dati Kong boss dahil Hindi na raw ito nakakabayad ng upa sa ware house kaya 2 araw ang nakalipas at umalis na rin sila lumipat daw sila s guiginto bulacan sabi ng ka close Kong driver.Samantala ako naman at si garde ay nag sama na sa isang bubong at nakaroon na rin kame ng dalawang babaeng anak at tumigil na rin si garde sa pag security guards ng mapag alaman nyang ililipat sya sa manila para doon sya maasign bilang guard sa isang mall kaya nagresign nalang din sya at ako naman ay Hindi na nya pinabalik sa pag tatrabaho pa naging house wife nalang ako at taga alaga ng dalawa naming anak habang sya naman ay handler ng mga Manok na panabong.ngayon at 7 taon n kaming nagsasama nagmamahalan at masaya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.