0

THE MULTI BILLIONAIRE’S WIFE


Report

THE MULTI BILLIONAIRE’S WIFE
By: Akaino Schreiben
YERI’S POV:
“Saan ka na naman pupunta? Sa kabet mo?” Matapang na tanong ko sa asawa ko na pormang-porma.
Amoy ko pa ang pabango nito na hindi na ginagamit magmula ng kami ay nagpakasal na.
“Can you please shut up? Saka pwede ba tumigil ka na, wala akong kabet at kahit kailanman ay hindi ako mangangabet. Baka ikaw r’yan.” Pagbabalik naman niya sa akin na ikinatawa ko nang sarkastiko.
“So, ganon? Babaliktarin mo ako? Akala mo ba wala akong alam sa relasyon ninyo ng bff ko? Akala mo ba wala akong napapansin sa inyo? Ginawa ko naman ang lahat ah! Bakit ba ganiyan ka?! ” Malakas na sigaw ko rito habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.
Nasasaktan ako sa ipinapakita niya. Nanakit ang aking dibdib kapag nakikita silang magkasama ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa mga oras na ‘yun.
Gusto ko silang saktan tapos sampalin ang babae sa harapan ng asawa ko. Pero wala akong lakas, hindi ko magawa.
Baka makaeskandalo lamang ako sa kanilang dalawa at maski sa lahat ng tao na nakakakita sa lambingan nila.
“Dahil ikaw ang unang nagloko! Pinaniwala mo sa akin na ako lang! Ako lang ang...


mahal mo, pero ano ‘yung malalaman ko? Nakikipagtalik ka sa iba? Juicemother naman, Yeri! Nakakagago ka na!”
” A-ano? A-ako? N-nakikipagtalik? A-anong—” bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko nang ilabas niya ang kaniyang telepono. May kinalikot siya ro’n saka ipinakita na sa akin.
” Nakikita mo ito? Ganiyan ka kalanding asawa. Akala ko iba ka? Akala ko ginto ka na wala ng mahahanap pa sa iba, pero nagkamali ako. Maling-mali ako na pinakasalan ang tulad mong tinikman na ng iba. ”
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanghihina ang aking mga paa sa nakita at tuluyan na ngang napaupo sa sahig.
Pailing-iling pa ako. Hindi ako makapaniwala. Bakit nandoon ako? Bakit nakahubad ako? Ano bang nangyayari? Ano ito?
” H-hindi. . . Hindi ‘yan totoo. . . H-hindi ako ‘yan. . .Ba-bawiin mo ang sinabi mo. . .h-hindi. . . h-hindi ako iyan. ” Napahawak pa ako sa aking dalawang tenga. Pinipilit na iwaksi ang mga katagang naririnig ko.
Ngunit kahit anong gawin ko. . . k-kahit anong takip ko sa tenga ko. . . a-ang lakas pa rin ng mga salitang ito.
Mga salitang winasak ang aking pagkatao. Sa maling akusasyon, buhay ko ay nasira at hinusgahan na wala man lang ebidensya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.