0

The Lonely Throne


Report

[Language: Mixed Filipino-English] [Ongoing]

_________synopsis_________

Once upon a time there lived a Princess, a Lonely Princess. Trapped in a once lively castle. Cursed with eternal life she watched the world and everything in it change. Saw humans fighting amongst themselves for power and watched so much death in times of war. Watched humanities flaws and sins among themselves. But no matter how much emotions and brutality she is seeing, she lacks the capacity to portray her own emotions or pity. She became numb towards the world and everything in it. She spends most of her time in the empty throne room sitting on her throne while watching the world through a magical floating mirror in a dim lighting. She has beautiful ruby eyes, pink lips, and long curly white hair. She also likes being in a black dress.

‘Sino ang Lonely Princess, sino ang nagpataw ng sumpa sa kaniya at ano ang dahilan? Makakalaya pa ba siya mula sa sumpa? Paano?’

Halina’t sama-sama nating alamin ang kaniyang kwento tungo sa landas ng pagiging malaya at pagiging isang ganap na mortal.
______________________
4:00 a.m. / August 23

Nagbabasa ako tungkol sa Biology 2e sa loob ng kwarto ko at nakaupo sa study table sa gilid katapat ng pinto at may dalawang metro ang layo sa kama. Better to have some basic knowledge bago mag-start ang klase mamayang 8 o’clock. Habang nagbabasa sa laptop ay nakaramdam ako ng hindi pagkakomportable at pakiramdam na tila may nagmamasid sa bawat galaw ko kaya naman napatingala ako sa kisami.
Well, alas kwatro palang din kasi baka random ghost lang yun. Not that I fully believe in supernatural beings pero hindi ko din tinatanggal possibilities na makakita ako one day. Bumalik nalang ako sa pagbabasa.
_ _ _ _ _ _

{Napansin ng prinsesa na noo’y nakaupo sa kaniyang trono na direkta siyang tiningnan ng taong inoobserbahan niya ng araw na iyon. Pero dahil sa saglit lamang iyon ay hindi niya makumpirma kung naramdaman ng lalaki ang kaniyang presensya.}

Tinitigan ko ng ilang segundo ang mahiwagang salamin dahil sa binigay na reaksyon ng lalaking nasa projection ng orb. Baka nagkataon lang iyon. Ipinaikot ko pakanan ang aking index finger sa kaliwang kamay para palitan ang prinoproject ng salamin.

Ipinakita sa projection ang isang babae at lalaki at ilang sandali lamang ay binaril ng lalaki ang babae sa ulo. Ito nanaman mga murder case.

Next! -iniikot muli pakanan ang index finger-

Sunod na ipinakita ay ang pagnanakaw ng isang taong nakasuot ng itim na maskara sa isang convenience store.

Next!

Lumipas ang dalawang oras na palipat-lipat lamang ako ng nakikita sa projection dahil sa walang interesting na mapagmamasdan. I ended up observing him again. Yung lalaki na nagbabasa sa kaniyang laptop. Although I’m from the 15th century inaral ko din lahat ng pagbabagong nagaganap sa mundo. Hindi ko nga lang alam gamitin ang mga bagong kagamitan kagaya ng cellphone at laptop. Well, kaya ko naman sumagot ng tawag at mag message gamit ang phone pero sa social media na tinatawag ay wala akong kaalam-alam.

Pero ang caretaker ng palasyo ko na si Mang Ronald (50 years old) ay may mga alam tungkol sa mga bagay na iyon. Mabait na tao si Mang Ronald at may tatlong anak na babae. Nakita ko siya noon dalawampung taon(20 years) na ang nakakaraan sa kalsada habang napakalakas ng buhos ng ulan na pauwi tulak-tulak ang kaniyang kariton pakatapos niyang magtitinda ng buko juice. Naging interesado ako sa pamumuhay niya kaya naman sinundan ko siya para obserbahan. Hindi ko alintana ang lakas ng ulan dahil may abilidad ako na //Coating kung saan may hindi nakikitang pwersa na nakabalot sa katawan ko at 2 inches bago tumama ang mga patak ng ulan sa akin ay nahaharang na ito ng //Coating ability ko.

Nang dumating na siya sa munting barong barong ng pamilya niya ay ginamit ko ang //Invisibility ability ko at nag //Teleport papunta sa loob ng munting barong barong nila. Maliit lang ang espasyo sa loob at may mga tulo din mula sa butas na bubong. Paalis na sana ako noon nang marinig ko ang masayang tawanan nilang mag-aama sa may hapag kainan. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa silid kung nasaan sila at nakita na ang nasa hapag nila ay tuyong dilis, kanin, at toyo. Hindi ko noon maintindihan na sa hirap ng buhay nila ay nagagawa nilang ngumiti at magtawanan gayong ako na napakayaman at may mga abilidad na hindi kayang gawin ng normal na mortal ay hindi magawang ngumiti.

Nilibot ko ang munting bahay at pumasok sa isang kwarto. Malamig, malakas ang ulan at hangin at nagngangalit ang kalangitan pero ang silid na ito ay napakainit. It’s like full of warmth from someone you love. Nakita ko noon sa itaas ng lumang 3-layer drawer ang litrato ng isang napakagandang babae at litrato ni Mang Ronald. Lalapitan ko n asana ang litrato nang makarinig ako ng yapak ng mga paa at ilang saglit lamang ay pumasok si Mang Ronaldo sa kwarto at dahan-dahang isinara ang pinto. Naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha.

Habang nakatayo sa gilid ay pinagmasdan ko siyang lumapit sa litrato, kihuha ito, at niyakap ng mahigpit. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pag-iyak niya na tinatapalan ng tunog na ginagawa ng hangin, ulan, at nagngangalit na kalangitan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iniiyakan ang isang litrato, marahil ay dahil sa napakatagal ko na sa mundong ito at hindi ko na alam kung paano intindihin ang emosyon ng mga mortal. Pero isa lamang ang alam ko ng mga sandaling iyon.

Na mahal na mahal niya ang taong nasa litrato. Something inside me was touched at that moment. I know na maliit na parte lamang iyon sa emosyon ko pero nakadama ako ng tila pitik sa puso ko sa sandaling iyon.

So, I decided to give him a job.
Kinaumagahan ng sumunod na araw ay kumatok ako sa pinto ng tahanan niya. Pinagbuksan ako ng pinto ng kaniyang bunsong anak na si Anna.

“Good morning little girl. Is your father inside?”

>PAA!!
Sigaw ng maliit na bata.
>May magandang ate na naghahanap sayo!
>Pasok po muna kayo. (Aiza)

Pumasok ako sa barong barong at naupo sa upuan na inialok sa akin ng tatlong dalaga. Nang lumabas si Mang Ronald sa toilet ay naupo siya para makipag-usap sa akin.

“Good morning Sir. You can just call me Miss B.”
As in black kasi favorite color ko ay black no other meaning.

“I would like to hire you as a caretaker of my home.”

>Ano daw? (Rhea)
> Caretaker daw. (Aiza)
>Ano yun? (Anna)


/> >Taga alaga ng mag-aalaga? (Rhea)
Bulungan ng tatlong dalaga na noo’y nakatayo sa may gilid.

>That is a kind offer of you Miss B. But I only know how to sell buko juice. (Mang Ronald)

“It’s not a problem. You’ll learn eventually. What matters now is whether you’ll accept my offer or refuse it.

I will cover all of your expenses: electricity, water, clothing, allowances and daily necessities as long as you’re working for me. I am also willing to send your daughters to school and their tuition fee will be fully covered by me as long as they perform well in their academics with a general average of 80 above. The house you’ll be taking care of will also be your temporary home until you’ve gathered enough money to build your own house. I will also provide your daughters with a school service to ensure their safety travelling back and forth from school.

Also, your children’s tuition fee will be covered until they all graduate from college. I won’t mind if they choose a course with high tuition fee. (It’s a thank you gift for making me feel something from my long dead heart.)

Bibigyan kita ng panahon para pag-isipan ang alok ko.”

Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa mga sinabi ko dahil sa hindi siya makapaniwala sa. Naramdaman ko na may paghihinala siya sa mga sinasabi ko. I mean who wouldn’t? Isang complete stranger ang lumapit sa kaniya at inalok siya ng isang trabaho at mga bagay na hindi niya kayang palitan at bayaran n salapi.

“Wala kayong dapat na ikabahala. Rest assured because every word that I spoke earlier is true.”
Bago ako tumayo ay iniabot ko sa hindi makapaniwalang lalaki ang isang card.

“Ito ang address ng bahay ko. Sakali mang makapagdesisyon ka na na magtrabaho sa sa akin ay tawagan mo ang number na nasa card. (Iniabot ko din sa kaniya ang isang cellphone) Tawagan mo ako gamit ang cellphone na yan.”

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagpaalam. Inihatid ako ni Rhea hanggang sa labas ng barong barong at matapos niya isara ang pinto ay bumalik na ako sa palasyo gamit ang //Teleportation ability.

{Binuksan ni Rhea muli ang pinto dahil sa nakalimutan niyang magpasalamat pero hindi niya na nakita sa labas ang babae. Wala ding naglalakad ng mga sandaling iyon sa kalsada dahil sa nakapatupad pa din ang General Community Quarantine dahil sa banta ng Covid-19. Nagtaka ang dalaga at marahang isinara ang pinto.}

Mang Ronald called me eventually after two days. Nang sumunod na araw matapos kong matanggap ang tawag niya ay pumunta siya sa address na nasa card kasama ang kaniyang mga anak. Sinalubong ko sila sa gate ng bahay at inilibot sa lugar.

[House Rules]
1. Bawal ang magsinungaling kapag mayroong kasalanan.
2. Bawal lumabas sa gate ng hindi nagpapaalam at pinapayagang lumabas.
3. Bawal ang pasaway lalo na tuwing mayroong ginagawa ang ibang tao.
4. Maging alerto lagi sa paligid.
5. Bawal ang pool party o kahit anong klase ng party kung wala namang okasyon.
6. Gawin ang mga gawaing bahay bago maglaro o gumamit ng social media.
7. Mag-aral ng Mabuti.
8. Bawal magjowa (ito yung term na ginagamit ng mga kabataan ngayon) hanggat hindi naiaayos ang mga grado sa eskwelahan.

(Ito lang naman sa ngayon pero baka dagdagan ko pa dipende.)

Ipinakita ko din sa kanila ang magiging kwarto nila sa second floor with a twist. Well, my palace appears to be like a normal two storey modern house na mayroong tatlong bedroom at dalawang parkingan ng kotse kung tawagin nila. Para lang naman yun itago ang tunay na itsura ng palasyo. Pagpumasok ka sa loob ng bahay ay makikita mo na parang normal lang ang lahat. Most of the house part is normal aside from the room on the left corner sa ikalawang palapag. It’s the entrance to my castle.

[The Lonely Castle…]

Since iisa nalang kami ng bahay ay no point in hiding something like this. Besides, curiosity is one of the characteristics that defines a human being.

Also, like a normal human being inisip nila na baliw ako until I opened the door and showed them the magic behind the closed door. I trusted them to keep it as a secret from other humans. And sa loob ng dalawampung taon(20 years) ay hindi nila sinira ang tiwala ko sa kanila.

Ngayon ay oras na para maghanap ako ng panibagong caretaker ng bahay ko dahil sa handa ng magretiro si Mang Ronald. Siguro ay oras na para humanap ako ng kandidato para maging husband ko.

David: Ayaw ko lang gamitin yung tagalog term XD.

I’ve never been into a relationship for 500 years. It’s not like ayaw kong magkaroon ng jowa. It’s just that they always fail the test and ended up dying.
Habang patuloy ako sa paglipat sa projection sa salamin ay kumatok si Mang Ronald a pinto ng throne room.

>Miss Black. Handan a po ang umagahan.
“Thanks Mang Ronald.”
>Ma’am, for 20 years sinabi ko po na tawagin niyo nalang ako na Ronald.
“And for 20 years I’ve told you that I prefer calling you Mang Ronald. I may be 518 years old pero in terms of appearance mas matanda ka pa din sa akin.”

Tumayo na ako mula sa trono ko at kasabay ng pagtayo ko ay ang dahan-dahang paglutang ng mahiwagang salamin pakanan paalis sa daraanan ko.

I may not be getting hungry, but the smell and taste of food can’t be easily ignored.

“Gising na ba sina Rhea, Anna at Aiza Mang Ronald?”
>Opo Miss Black.

Sa mahabang panahon na kasama ko ang pamilya ni Mang Ronald ay natutunan kong ngumiti at madama ang pakiramdam na maging kabilang sa kanila at itrato na tulad ng isang normal na tao. Nakita ko kung paano sila lumaki at magka-edad habang ako naman ay nananatiling bata at walang pagbabago sa hitsura at pisikal na anyo. Kahit na gayon ay hindi nila ako trinato na naiiba sa kanila.

Si Aiza ay isa na ngayong Nurse sa isang sikat na ospital, si Rhea naman ay graduate na sa kursong Bachelor of Science in Hospitality Management habang si Anna naman ay kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Science at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kaniyang pag-aaral.

{Nang makaalis na sa throne room si Miss Black at Mang Ronald ay lumiwanag ang mahiwagang salamin at lumitaw sa projection ang imahe ng binatang nakita ni Miss Black na nagbabasa ng Biology 2e sa kaniyang laptop.

Ano ang ibig sabihin nito? Abangan sa susunod na kabanata.}

To be Continued…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.