1

THE HOUSE OF DEADS


Report

THE HOUSE OF DEADS”
Latag na ang dilim sa buong paligid ng malawak na farm na pagmamay ari ni Don Arnulfo.
Si Don Arnulfo ay pinakamayamang Haciendero sa buong bayan ng Cervantes na matatagpuan sa parteng bahagi ng Norte.
Nakatayo sa farm na iyon ang napakalaking bahay ni Don Arnulfo.
May taas na dalawang palapag.
Classic ang bahay pero sopisitikadong tingnan.
Mahahalata na mayamang tao ang naninirahan doon. May malaking gate na lagpas tao. Malawak ang garden na pinapalibutan ng mga puno ng mangga.
Sa loob ng malaking bahay, sa loob ng malaking kwarto ay maririnig ang ingay ng mga boses.
Mga boses na tila nagtatalo.
“Hindi ka papakasal Elisa kay Tomas! Sa tingin mo ba papayag ako? Anong ipapakain sayo ng taong yon?! Mga talahib?!” galit na galit si Don Arnlufo sa harapan ng nag iisa niyang anak na si Elisa.
Si Elisa ay maganda, makinis ang kutis, maputi na mamula mula. Parang birhen ang mukha. Sa mga oras na iyon ay nakasuot ito ng bestidang pula.
Napakaganda ni Elisa sa suot niyang iyon.
Mula sa kinatatayuan ni Elisa, naroon ang malaking kama. Sa ilalim ng kama ay naroon ang isang batang babae na pigil na pigil ang pag iyak. Takip nito ang bibig. Nakadapa.

Papa, si Tomas ay tatay ni Melissa. Bakit ayaw nyo kaming payagan na magsama? Nasa tamang edad na ako.
May anak na ko. Kailangan ni Melissa ng ama.” Humagagulgol si Elisa. Puno ng hinagpias ang tono at tunog ng boses. Gumagaralgal.
Naningkit ang mga mata ni Don Arnulfo. Napakuyom ng mga palad. Gumusot ang mukha at biglang hinawakan sa pisngi si Elisa.
Si Don Arnulfo ay nakasuot ng Polo Long Sleeve nang oras na iyon. Naka slack. Para syang si John Arcilla.
Nagsalita ito. Mahina lang boses pero mabigat at nakatutok ang bibig sa mukha ni Elisa.

Hindi ka pakakasal kay Tomas. Papatayin ko ang taong iyon kapag binigo mo ako, Elisa. Papatayin ko din ang anak mo.”
Sabay itinulak ni Don Arnulfo si Elisa sa kama at lumabas ito ng kwarto. Naiwang nakasubsob sa ibabaw ng kama si Elisa. Umiiyak. Sa pagkakataong iyon ay lumabas na ang batang si Melissa sa ilalim ng kama.
7yrs old si Melissa parang si jennie ang itsura.
Nakasuot ito ng pantulog na puti. Yumakap ito kay Elisa. Umiiyak.
“Mama, ayoko na po dito. Natatakot na po ako. Umalis na po tayo dito. Punta na lang po tayo kay Papa.”
Niyakap ng mahigpit ni Elisa ang bata. Nag iisip siya kung tatakasan ba nila ang Ama. Bigla syang tumayo. Sumilip siya sa bintana. Napakadilim na sa labas. May ilang ilaw lamang dala ng mga poste ng nakapapaligid sa malaking bahay.
Muli niyang binalikan si Melissa..
“Tatakas tayo. Kumilos kana. Dali. Halikana, anak.”
Dali dali silang nagtungo sa pintuan. Dahan dahan niya iyon binuksan. Sumilip muna siya. Walang tao sa mahabang koridor ng 2nd floor.
Hinawakan niyang mabuti sa isang kamay si Melissa at inakay palabas ng kwarto. Pigil hininga ang kilos nila. Ingat na ingat na di sila makakalikha ng anumang ingay.
Nandoon na sila sa bungad ng hagdanan. Sinilip niya kung nasaan ang ama. Tahimik sa ibaba. Mukhang natutulog na ang mga katulong. Nasaan si Don Arnulfo?
Sa ibaba doon sa may garden.
Kausap ni Don Arnulfo ang matandang lalaki na si Mang Gado.
Ang kanang kamay ni Don Arnulfo. Nag uusap ang dalawa kung paano ipapapatay ni Don Arnulfo si Tomas. Habang nag uusap ang dalawa plihim at maingat na...


bumababa sina Elisa.
Hindi sila napapansin ng dalawang lalaki dahil pareho nakatalikod ang mga ito sa sala. Pero any moment kapag pumihit si Don Arnulfo ay talagang makikita sila nito.
Mabilis na kumilos sina Elisa nang makababa na sila sa sala. Dumiretso sila sa kusina dahil meron doong emergency door na pwede nilang malusutan para makalabas ng bahay na iyon. Dire diretso sila sa kusina.
Hindi sinasadyang sumabit ang bestida ni Elisa sa lamesa na naroon. Tumunog ang lamesa. Malakas. Narinig iyon nila Don Arnulfo. Mabilis na kumills si Don Arnulfo at tumingala sa 2nd floor.
Bukas ang pintuan ng kwarto ni Elisa. Tumingin si Don Arnulfo sa gawing parte ng bahay na patungo sa Kusina.
Sa kusina. Natataranta si Elisa na alisin ang nasabit nyang bestida.

Anak, ayun ang pintuan. Buksan mo. Lumabas kana. Bilisan mo.”
Dali daling pumunta sa harap ng pintuan si Melissa. Pinihit ang doorknob. Sarado.
Bumukas sa mukha ng bata at takot.
Gusto na nktong umiyak.
Sa oras na iyon ay natanggal na ni Elisa ang bestida niya sa nasabit sa lamesa.
Sa kabila, may dumampot ng itak na nakasabit sa dingding ng bahay.
Lumakad ang taong iyon patungo sa kusina. Naabutan nito ang mag ina na pilit binubuksan ang emergency door.
Napalingon si Elisa sa taong iyon. Shocked sya. Kasunod non ay sisigaw na sana siya nang bigla siyang pinagtataga.
Sumigaw naman sa takot si Melissa. Umiyak ng umiyak. Sumiksik ito sa sulok at pilit tinatakpan ng mga kamay ang mga mata habang tinataga sa kanyang harapan ang Ina na maya maya ay biglang bumulagta nasa sahig ng kusina.
Patay si Elisa.
I
yak ng iyak si Melissa. Sumisigaw. Takot na takot.
Habang nakabulagta si Elisa sa sahig. Lumapit ang tao kay Melissa. Inakay ang bata. Binuhat. Pinapatahan.
Yumakap si Melissa sabay sabing
“Good job, Papa.”
———
Sa Manila. Habang busy sa paglalaro ng Mobile Legends si Zyro ay biglang nagring ang phone nito. Video call from. Gwyneth. Tumatawag ito sa group chat nila. Tumigil sya sa paglalaro at nagjoin sa video call.
“Guys!! I have something to tell you. Sali tayo dito nakita ko lang sa facebook itong post na to. Tutal mahilig tayo sa mga acting workshop at nabigo tayong walong magkakaibigan na makasali sa PBB edi dito tayo magjoin. 1Million Pesos ang premyo! The Hociego House’s Game.”
“Ano namang kalokohan yan?
Baka naman mala Squid Gane yan ah. Pagdating sa location magpapatayan tayo.
Ayoko ng ganun. Ayoko pang mamatay!” sagot ni Zandro kay Gwyneth.

Sira! Hindi ganon. Ikaw talaga kahit kailan nega ka! Parang PBB nga. Magsstay tayo sa loob ng bahay sa loob ng 30 Days.
Acting Workshop na may mga games. Ayan oh nakalagay sa post. Tara sali tayo baka ma discover tayo! Haha!”

Eh paano tayo makaksali dyan?” tanong ni Khyle.

Mag eemail lang tayi sa kanila na interested tayong sumali. ”

Ganon lang yon wala ng audition?” sabat naman ni Maine.

Wala na. Ayan oh wala namang nakalagay sa post. Sali tayo guys!!”

Go ako.” sagot ni Zyro.

Ako din” sagot ni Michaeal. Nag agree na din sina Khyle, Maine, Zandro, Philip at Victor.

Yeyy!! lets go!! Goodluck satin!!!” sagot ni Gwyneth.
Ano kaya ang naghihintay sa walong magkakaibigan na sasali sa pa contest ng Sociego House?
For the sake of 1 Million Pesos dadayo ng Norte ang magkakaibigan sa isang kinatatakutang bahay at magsstay sila doon sa loob ng isang buwan.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.