0

THE GIRL WHO WISH TO END UP HER LIFE


Report

THE GIRL WHO WISH TO END UP HER LIFE
“Daniela, akala ko ba pupunta ka ngayon sa church?” tanong ko sa aking kapatid.
“Ate MaryCris hindi po ako makakapunta kase madami akong projects ngayon, at bukas na pala ang deadline nito,” sagot niya at ngumiti sa akin.
“Okay, ako lang mag-isa ang pupunta doon, may gusto lang akong kausapin kahit saglit man lang,” wika ko at kaagad nang lumabas sa bahay.
Pupunta ako sa Simbahan dahil gusto kong itanong at magmamakaawa na bigyan ako ng lakas at malawak na pag-iisip sa mga bagay na kinahaharap ko ngayon dahil sa totoo lang walang araw na hindi ako umiiyak. Walang araw na hindi ako nakakaramdam ng pighati at hinanakit.
“A—hh yan pala Mare ang kasambahay na tinutukoy ko na nag ta-trabaho kina Sir Christopher ,grabe ang pangit naman niya at tiyaka dugyot pa talagang manamit at siguro hindi na yan din nag-aaral. Ang dugyot talaga niyang tignan at grabe wierdo din kase ang batang iyan, parang malapit nang maging BOANG” sumakit kaagad ang tainga ko matapos marinig ang chismisan ng mga kapitbahay namin.
Palagi akong kinukutya at hinahatak pababa, grabe sila maka-pang lait sa akin at sinabihan pa talaga akong boang aysos akala mo naman na magaganda ang kanilang mga anak, E—eh puro naman mukhang wak-wak o dikaya’y matatawag na bruha.Sorry nalang sila ,kaso nga lang nasa isip ko lang lahat hindi ko kase kayang lumaban at magbigay ni isang salita sa kanila dahil nga mga tatanda na sila sa akin at dapat na gumalang sa kanila. Pagdating ko sa simbahan ay kaagad na akong lumapit at nakipag-usap sa kaniya.
“God, bakit ganito ang tingin nila sa akin dito? bakit parang ang babaw ko lang kompara sa kanila? Tulongan mo naman ako please dahil hindi ko na kaya eh. Alam mo naman siguro na maliban sa kapatid ko ay ikaw nalang ang pwede kong maka-usap. Walang handang makinig sa akin, wala man lang nagtanong sa akin kung okay lang ba ako, yong pagkakamali ko kase ang palagi nalang nilang nakikita. Bakit ba ganito ang buhay ko? hindi naman ito ang gusto ko God eh, sa totoo lang gusto ko nang magpahinga gustong-gusto kona ,”wika ko habang nakaluhod sa gitna kasabay ng pag-agos nang aking mga luha.
Matapos akong makipag-usap kay God ay kaagad na akong umuwi. Nagmamadali ako dahil may madaming trabaho pa akong tatapusin, pati na din ang school works ko. Grabe ang hirap mag karoon ng time management, para na akong sasabog sa tuwing sasapit ang deadline ng mga school works ko. Sa totoo lang i once tried to share my problems with the others pero akala ko positive advice yong matatangap ko eh hindi naman pala, mas pinalala lang pala nila. Ngayon mas pinili ko nalang ang maging tahimik at mag enjoy kahit konti sa kapatid kong si Daniela.
“Daniela!” sigaw ko, gabi na kase kaya nagtaka ako kung bakit walang ilaw.
“Daniela!” sigaw ko ulit nang bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin kaya na paatras ako at sa hindi inaasahan nahulog ako sa hagdan.
“A—aahhh!” malakas na sigaw ko ng makita kong si Daniela ay nakasuot ng puting tela, nakakatakot ang mukha niya dahil sa sobrang puti.
“Ate! tama na please, matagal na akong nagbabantay at naging sandalan mo dito sa mundo ng mga buhay. Ate mahal na mahal kita pero kailangan ko nang umalis. Ate lumabas ka na diyan, huwag mong ikulong ang sarili mo dahil lang sa mga problema...


mo ngayon. Ate nagma-makaawa ako sa iyo, gusto ko sa paglisan ko ay maging maayos kana Ate!!” sigaw niya sa akin habang unti-unti na siyang naglalaho, hindi ko maintidihan hanggang nakaramdam ako nang mainit na likido na dumaloy sa ulo ko at nakaramdam ako nang panghihina.
“Danielaaa huwag mo akong iwan, ikaw nalang ang nagiisang nakakaintindi sa akin!!” sigaw ko kahit hinang-hina na ako pero nakita ko padin siyang nawala na parang abo lamang.
“Marycris Anak! Tulong mga kapitbahay!” dinig kong sigaw ni Papa Christopher. Isang butil ng luha nalang ang aking nailabas dahil hindi ko na kaya. Oo, papa ko siya at hindi ako katulong sa bahay na ito sadyang ang kapitbahay at ang mga taong nakapalibot lang ang nagkamali. Akala nila katulong lang ako dito dahil lang sa baguhan akong napunta dito at parati akong nakikitang madaming trabaho sa bahay na ito. Si papa ay may iba ng pamilya at nong namatay nasi mama ay dito ako napunta sa mga kamay niya. Siguro mahal ako ni papa pero wala lang talaga siyang time na makipag-usap man lang or tanongin kong kumusta ang araw ko.
Unti-unti ko nang ipinikit ang aking mga mata, siguro ito na ang oras na makapag-pahinga na ako ng mahabang panahon. Dito hindi na ako guguluhin ng mga problema. Mas mabuti pa ito kesa naman mag suicide ako dahil sa hindi ko na kaya and then everything just went black.

“Danielllaaaaaaa!!!!” sigaw ko kasabay na pagmulat nang aking mga mata. Akala ko patay na ako, akala ko makakapagpahinga na ako sa realidad. Akala ko makakatakas na ako.
“Anak mabuti at nagising kana, matagal ng patay ang kapatid mong si Daniela, bakit mo ba naisigaw ang pangalan niya?” mabilis na tanong ng—
“Pa?” takang tanong ko dahil parang hindi ko kaagad siya nakilala.
“Anong patay si Daniela? nakasama ko pa siya at naka-usap kaya huwag niyong sabihin sa akin na wala na siya!” sigaw ko at unti-unti nading lumilinaw sa akin ang lahat.Umiyak ako dahil naalala ko na ang lahat.
Imahinasyon lang pala ang lahat dahil si Daniela ang ipinagbubuntis ni Mama noon kaya namatay siya, kasama na ang baby na pinangalanan naming Daniela. Dahil sa kalungkutan ko kaya nabuhay sa aking isipan si Daniela pero kahit ganon nagpapasalamat ako sa kaniya dahil siya ang nandoon para magsilbing tulay upang makalabas ako sa madilim na buhay ko. Siya at ang panginoon ang tumulong sa akin na buuin ang sarili ko.
“Marycris bakit ang tagal mong natulog?” tanong ni papa sa akin.”
“Huh? anong matagal,” pabalik kong tanong sa kaniya.
“Marycris almost 1 year kang na comatose since nong nahulog ka sa hagdan, kaya nagpapasalamat ako na gumising kana ngayon,” tila huminto ang mundo ko sa aking nalaman at pagkatapos ay napangiti ako ng kunti dahil im happy nakapagpahinga pala talaga ako ng mahabang oras kahit hindi naman pang habang buhay na pahinga.
Matapos ang lahat-lahat ng problemang dumaan ay kinaya ko padin.Ang hirap nong mga oras na nakipaglaban ka emosyon at sa mga iniisip mo.Ito nga yong tinawag nilang depression, yong tipong hindi kana nakakaintindi sa sarili mo at yong umiiyak ka nalang palagi dahil sa problema na hindi mo naman alam, yong hindi mo ma explain. At panghuli ay ang ayaw monang magising sa mundong realidad. Mahirap ang lumabas sa dilim kapag wala nang liwanag na gagabay sa iyo, pero kung malakas ka at kaya mong gumawa ng sarili mong liwanag ay malalampasan mo din ang lahat.
—THE END—


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.