2

The First Love Always Hurt The Most (Signature)


Report

by: MySMaker
(True Story)

Name: Saira B.
Age: 16
Grade: 11

“Signature”

Ng dahil sa Signature, nakilala ko siya. Isang lalaking di ko inaasahan na darating nalang bigla at ang dahilan eh para maranasan ko ang magmahal ng lalaki. Sa edad kung ito hindi uso ang Love pero uso ang Crush. (August 7, 2017)

Alam naman nating Iba ang “Gusto” sa “Mahal” diba? Ako yung tipong babaeng umiibig pero di nagpapa-ibig. Ayaw ko lang kasi na baka sa huli mabibigo ako.

High Standard ako pagdating sa Lalaki kaya siguro yan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon NBSB ako. Dahil Mala Fantasya din ako kung mangarap.

Sa unang pag ChaChat namin alam kung temporary lang ito. Yun bang ka Chat mo siya sa ngayon pero sa makalawang araw Hindi na.

Hanggang sa dumating yung araw na may isang lalaking nag smile sa akin. Nagulat ako kasi di ko alam kung bakit.

At yung lalaking yun ay yung huling pumirma sa Note ko at Unang nag Hi sa akin sa Chat. Awe.

At the Nextday, Parang iba na ang mga galaw niya. Kasi ba naman sa tuwing nagkikita kami sa School parang nasisiyahan ako lalo na siya.

Hanggang sa dumating yung time na kina’usap na niya ako. (August 14, 2017)

P.S Di ko na pahahabain ito.

Alam niyo yung Feeling na pansamantalang Kasiyahan lang?

1 week and 6 days ko siyang kinabisado. That time na parang iba na ang nararamdaman ko.

Sinabi ko sa sarili ko na “Wala lang ito,” na ibig sabihin di ko siya pwedeng magustuhan ng Husto.

(3rd week of August)
Di ko alam na dito na pala ang simula ng kalungkutan na tatanggapin ko sa lalaking yun.

Kaya sinabi ko kay God na sana sa Huli may dahilan kung bakit ko siya nakilala.

At the Next Month
(September 1-4weeks)

I found out na Mahal ko na pala siya. Sino ba kasing mag’aakalang umiyak ako ng dahil sa kanya. Siya yung unang lalaking nagpa’iyak sa akin....


Kasi nung nalaman niyang Gusto ko siya, Nagbago na siya. Yun bang wala na siyang paki’alam sa akin. Wala siyang paki kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pa ulit ulit ko nalang sinasabi na “Sana kaya kung ibalik ang dati na hindi kami nagkakakilala”

Pero ang hirap. Mahirap talaga. Lalo nat Mahal ko na pala siya. At dahil Mahal ko na siya eh obvious naman na nagagawa ko nang mag assume na sana magkapareho kami nang nararamdaman.

Pero di ako nabigo, After few days later, Umamin siya sa akin na Crush niya ako. Wow. Ang swerte ko. Napaka swerte ko.

Pero Hanggang jan nalang yan. Mahal ko siya pero Gusto niya lang ako kaya ang labo parin para mag match kami.

Wala akong ibang ginawa kundi ang pabayaan nalang ang lahat pero darating at darating talaga yung time na babalik na naman sa dati. Lintik naman oh. Ayaw ko nang masaktan nakakapagod na.

Yung akala ko siya na, Yung akala ko siya na yung lalaking hinahanap ko, Yung akala ko siya na yung lalaking magiging BoyBestFriend ko. Pero NagkaMALI ako ng inakala.

Patawarin sana ako ng Panginoon ngunit alam kung nagkamali ako sa ina’akala kung Tama. Tama naman ang magmahal diba? Mali lang talaga ang umasa sa Wala.

At ngayon (October 15, 2017)

We end up.

“Hi” to “Peace and Goodbye”

Alam ko na siya yung First Love ko. Pero anong nangyari? Habang Minamahal ko siya wala siyang ibang pinaramdam sa akin kundi ang masaktan ako.

Kasi sa huli nalaman kung may babae pala siyang hinihintay na mabou ang SILA. at hindi ako yung babaeng yun.

Tama lang talaga na naranasan ko ang magmahal ng Lalaki. Tama lang talaga na natuto ako sa ganitong klaseng pag-ibig. At sana sa huli matatagpuan ko rin yung lalaking mamahalin ako.

Kaya kung maghintay. Dahil yun naman talaga ang dapat.

P.S: Hindi ito yung Complete Story. Summarize lang po ito.

That’s All Thank You. 🙂

-Saira Arabain Bantasan

3

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.