0

The Dark Side


Report

The Dark Side
By: Abby_nyl
Prologue
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko matapos kong makipag talo kay mama. “I am your mother and no matter what happen you will obey everything i say! You will not be born kung hindi dahil sa akin!” Sabi niya at isa pang malakas na sampal ang dumapong muli sa kabila kong pisngi. “Hindi ka lalabas ng bahay na ito naintindihan mo?! Dahil pag lumabas ka, ako ang makakalaban mo!” Sigaw niya sa akin at isinara ang pinto. Napatingin ako sa malaking salamin sa tabi ng higaan ko at nakita ko ang dugo mula sa pumutok kong labi. Tinitigan ko ang mga pula kong mga mata at hindi namalayan na may luhang tumulo mula dito. Inalis ko ang dugong tumutulo sa labi ko gamit ang likod ng palad ko at nilinis ito gamit ang sarili kong dila. “Hindi ko naman ginusto na maging bampira, I even didn’t wished for me to be your heir mommy. Gusto ko lang ng payapang buhay at mamuhay tulad ng isang normal na tao.” Sabi ko sa sarili ko kaharap ang salamin. Agad akong napatingin sa lalaking tumalon paraas ng bintana ko at tulad ng inaasahan nakita ko si Mhike na isa sa mga kaibigan ko mula noong bata pa ako. “Sinubukan mo nanaman bang tumakas at pumunta sa mga tao?” Sabi nito habang dahan dahang lumapit sa akin na marahang tumatawa. “Ayoko na dito, gusto ko lang ng normal na buhay.” Sambit ko at muling tumingin sa salamin. Sa isang kisap-mata ay nasa harapan ko na siya. Marahan niyang hinaplos ang labi ko at dinilaan ito. Hinayaan ko lang siya dahil isa sa mga katangian niya ang magpagaling ng mas mabilis kesa sa kakayahan ng isang normal na bampira. Matapos niyang pagalingin ang sugat ko tumitig siya sa aking mga mata at nakita ko ang kulay berde niyang mga mata. “Kakaiba talaga ang ganda mo, tunay na nakakahalina.” Sambit ni Mhike at bumaba ang kaniyang kamay sa aking leeg at masuyong hinawakan ito. “Alam mo bang matagal ko nang gustong ibaon ang mga pangil ko sa malambot at maputi mong leeg?” Sambit niya at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Hinayaan ko lang siya dahil alam kong hindi niya gagawin na ibaon ang pangil niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang munting kiliti nang dumampi ang halik nito.
Matagal ko nang alam na may gusto si Mhike sa akin ngunit hindi kami maaaring magsama dahil wala naman akong ibang nararamdaman para sa kaniya at isa pa, may iginagayak si mama na pakakasalan ko daw upang lalong lumakas ang panig namin. Nagulat ako ng marahang kagatin ni Mhike ang tenga ko dahilan para maitulak ko siya ng marahan. “Stop that mhike!” Ramdam kong namula ang mga mata ko na ikinatuwa ni Mhike. “I really love your red eyes Jai. Specially when you’re looking at me.” Napa iling nalang ako sa kapilyuhan ni Mhike at lumabas ng kwarto. Napansin ko si ramichelle sa may kusina na nag hahalungkat ng maiinom na dugo sa ref. “Ram, babe! Inaantay mo ba ang gwapong ako?” Sigaw ni Mhike kaya napalingon sa amin si Ram. Tumalon naman si Mhike mula sa 2nd floor hanggang sa kusina at agad na inakbayan si Ram. Natawa nalang ako nang diring diring lumayo si Ram sakanya dahil sa hahalikan siya nito. Nang makarating ako sa kinaroroonan nila ay agad akong kumuha ng strawberry juice at sumimsim nito. “Hanggang ngayon ba naman Jai hindi mo parin magawang uminom ng dugo?” Tanong sakin ni Ram. Napatingin ako sakanya at agad na binalik ang tingin ko sa juice na hawak ko. Nilaro laro ko iyon at sumagot, ” Umiinom naman ako minsan pag sobrang uhaw na uhaw ako sa dugo. Pero hanggat kaya kong tiisin, tinitiis ko.” Tumingin ako sa kanila at natawa nang makita ang nandidiri nilang mga mukha. Nag patuloy ang kwentuhan kami doon at nang makaramdam ako ng pagka hilo ay nagpaalam ako at umakyat ako sa kwarto ko. Nahiga ako doon at wala pang limang minuto at nakaramdan ako ng pagikot ng sikmura ko kaya pumasok ako sa loob ng comfort room at doon isinuka ang juice na ininom ko. Agad akong kumuha ng tabletas sa drawer ko na maaaring makapagpakalma sa sistema ko at sa iba pang mga bampira para hindi sila maghanap ng dugo. Humiga akong muli at pumikit, “Vampire really sucks like a fucking hell.” Sambit ko sa hangin. Ramdam kong may yumakap sa akin at sa amoy ng dugo nito at alam ko na kung sino ang pangahas na ito kaya d ko na inabala pang tingnan at buksan ang mga mata ko.” Ayos ka lang baby? Sinaktan ka ulit ni mama?” Tanong sakin ni kuya Kaneki, ang nakatatanda kong kapatid. Hindi ako sumagot at hinayaan ko nalang na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Naramdaman ko na humigpit ang pagyakap ni kuya sa akin. “Shh, cry it all baby. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Alam kong gusto mo lang maging normal kaya asdfghjkl.” Hindi ko na narinig pa ang susunod na sinabi ni kuya nang kainin ako ng dilim at mahulog sa pagka antok.
Nagmulat ako at isang madilim na lugar ang kinatatayuan. Wala akong maamoy na kahit anong dugo at wala akong maramdaman na galaw ng kung sino man sa paligid ko. Isa sa gusto kong lugar ang madilim na kwarto, lugar kung saan walang tao at walang sino man na gagambala sakin. Gusto ko nang payapa na paligid, gusto ko ng normal na buhay. Nagulat ako nang may boses na nagsalita mula sa likod ko. “Gusto mo ba talagang umalis sa mundo mo? Makakatulong ako sayo.” Sambit ng boses sa likod ko. Hindi ko magawang lumingon, hindi ko maigalaw ang kahit na daliri ko. Nanigas ang buong katawan ko at hindi ko alam kung bakit. ” Sino ka? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? ” Sunod sunod kong tanong ngunit walang sinagot ang boses ng kung sino mang nasa likod ko. “Magpapakilala ako sayo sa oras na handa ka nang iwanan ang mundo mo. Sa ngayon ayusin mo muna ang mga bagay na kailangan mong ayusin.” Sabi ng baritonong boses na iyon.
Nagising ako nang marinig ko ang boses ni mama sa labas ng kwarto ko. Wala na si kuya na kanina lang ay nakayakap sa akin. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mama na naka tayo doon. Mapula parin ang kaniyang mga mata at mahahaba ang pangil niya. Matangos ang ilong niya at mamula mula ang pisngi na siya kong namana sa kanya. “Magbihis ka ng maayos na damit, may bisita tayo sa labas. Bumaba ka pagkatapos mo at ipalakilala kita sa kanila.” Sabi niya at agad na isinarado ang pinto.
Oo, hindi anak ang turing sa akin ni mama. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginaganito. Wala rin si papa lagi dahil sa mga kailangan niyang asikasuhin bilang isa siya sa may mataas na...


katungkulan sa hukom ng mga bampira. Winaglit ko nalang muna ang sarili kong emosyon at iniisip dahil maaaring ilang minuto lang ay umakyat muli si mama at sakalin na ako dahil hindi ako sumunod sa gusto niya. Kaya bago pa mangyari iyon ay mabilis ang kilos kong nag ayos ng aking sarili at bumaba.
Habang bumababa ng hagdan ay dumapo agad ang aking paningin sa isang binatang nakaupo sa sofa. Matangos rin ang ilong nito, may mahahabang daliri sa kamay, may maputing kutis, makapal na kilay at umiigting na panga. Mabango rin ang dugo nito na kasing amoy mga mga bampira na galing sa maharlikang pamilya. Agad akong nag iwas tingin nang mapansin kong dumapo sa akin ang kanyang paningin. “Here’s my daughter, Jairalyn Guevarra Cullen. Ang kaisa isa kong anak na babae.” Narinig kong sambitla ni mama at naramdaman kong nag tayuan ang mga bisita kasama na ang binata. “Dito ka maupo anak, lapitan mo ang ating bisita natin, si Jonathan Escalante.” Itinuro niya ang binatang komportableng naka upo kaya walang reklamo akong sumunod kay mama at tahimik na umupo katabi ng binatang makalaglag panga kung titingnan ang pisikal nitong anyo. “You’re daughter is really beautiful Ms Runisse. Hindi mo kami binigo sa bagay na iyon. ” Sambit ng kasing edaran ni mama na katabi ng binata.” So our deal is closed Mr Cryst? ” Tanong ni mama
Agad nalang sumagot ang lalaki, ” Yes Ms Runisse. So, when is the wedding? That should be as soon as… ” Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang napatayo ako sa gulat. Umakyat ang dugo ko sa ulo ko, nagpantig ang tenga ko at naramdaman kong pumula ang mga mata ko. “Ipapakasal mo ako sa lalaking hindi ko kilala?! Lahat ng utos mo sinunod ko pero hindi ang isang ito! Hindi ko hahayaan na pati sa bagay na ito, ikaw parin ang masu…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nakatanggap akong muli ng sampal mula sa aking ina sa harap pa mismo ng mga bisita namin. Hindi ko na mapigilan ang luha na tatagal ko nang tinatago para hindi makita ni mama. “Wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sa akin wala ka dito sa mundong ito!” Sigaw sakin ni mama at isang sampal muli ang iginawad niya sa akin. “Hindi ko ginusto sa lugar na ito. Hindi ko ginusto na maging kagaya ninyo! Sana nga hindi mo nalang ako pinalaki! Sana hindi mo nalang ako ipinanganak!” Sigaw kong pabalik sa kanya. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Binawi ko iyon nang hindi natingin sa may -ari ng kamay na iyon. Sinampal muli ako ng aking ina na mapula nang lalo ang mga mata. “Hindi ko na kaya ma, hindi ko na kaya maging anak mo.” Huling sambit ko bago ako mabilis na tumakbo palabas ng bahay habang umiiyak.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay gusto ko takasan ang lahat lalo na ang bahay na iyon. Hindi ko alam ang iniisip ko, hanggang sa maramdman ko ang simoy ng hangin sa ipinag babawal na karagatan. Isa itong parte ng lugar namin kung saan bawal mabasa o kahit madampian man ng tubig na ito dahil masusunog o mamamatay ang sino mang magtangka. Hindi ko namalayan na dinadala ako ng mga paa ko sa dalampasigan kung saan malapit nang maabot ng tubig dagat ang mga paa ko. Hanggang sa tumigil ito ng kusa. Napatingin ako sa bilog na buwan at patuloy na umagos ang luha sa aking mga mata. “Bakit ganito ang naging buhay ko luna? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay gaya ng mga tao. Ayoko na sa mundong to, pagod na pagod na ako.” Pagkausap ko sa buwan na para bang sasagot ito. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa likuran ko, lilingunin ko sana ngunit hindi ko magawa tulad ng nasa panaginip ko. Tanging sa buwan lang naka tutok ang aking mata na patuloy paring lumuluha. “Hinihintay ko itong pagkakataon na ito Jai. Matutulungan na kita sa gusto mo. Magiging payapa na ang buhay mo tulad ng hinihiling mo. Iyon ang gusto mo tama?” Sambit niya sa akin. Mukhang siya ung lalaki sa panaginip ko at hindi ko magawang maamoy ang dugo niya tulad doon. “Oo gusto ko, ano ba ang dapat kong gawin para makaalis ako dito?” Simpleng sagot ko. Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko at hinalikan ito.”Lumusong ka sa tubig na iyan hanggang sa lumubog ang buo mong katawan. Hayaan mong kainin ka ng kadiliman at huwag na huwag kang lalangoy paahon kahit anong mangyari.” Matapos niyang sabihin iyon ay nakarinig ako ng tawa, isang tawa na parang demonyo. ” Alam kong may kapalit ang lahat ng ito hindi ba? Anong kapalit nito? ” Tanong ko sa kanya. “Simple lang naman ang kapalit, at iyon ay ang pagsumpa ko sa iyo, mahal ko.” Naramdaman kong yumakap siya mula sa likuran ko at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Gusto ko mang tumutol ngunit hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan.”Sinusumpa kita, sinusumpa ko na pagkatapos ng limang taon ay babalik ka sa totoo mong mundo. Lalabas ang totoong ikaw, ang totoong demonyo na natatago sa loob mo. Mararamdaman mo sa araw na iyon ang tunay mong kapangyarihan, ang matagal nang nahihimbing sa loob ng pagkatao mo. Ang kapangyarihan na hinahangad ng lahat ng mga bampira.” Matapos niyang sabihin iyon ay bumaon ang mga pangil niya sa leeg ko na nagdulot sakin ng matinding sakit. Ramdam kong hindi niya sinipsip ang aking dugo bagkus ay hinalo niya ang mainit na likidong mula sa bibig niya papasok sa mga naka baon niyang pangil. Matinding sakit ang lumukob sa katawan ko at nang tanggalin na niya ang pangil niya, kasabay ng pagtago ng buwan sa mga ulap ay ang kusang paghakbang ng aking mga paa sa dagat na nasa aking harapan. Naigagalaw ko na ang aking katawan ngunit ang aking paa ay may sariling isip. Narinig kong muli ang tawang iyon ng lalaking estranghero na dahilan ng lahat ng ito. May parte sa isip ko na gusto ang mga nangyayari sa akin at may parte naman na hindi. Hanggang sa kainin na ng dagat ang buong katawan ko at wala akong magawa dahil nanigas ang paa ko. Hindi ako maka hinga, kinakapos na ako ng hininga ngunit hindi ko magawang lumangoy paitaas dahil parang may humihila sa akin pababa. Hanggang sa may humawak sa paa ko, isang hugis lalaki na liwanag. Mas hinila niya ako pababa, nauubusan nako ng hininga at bumabagal narin ang tibok ng puso ko. Hanggang sa hawakan ng lalaking liwanag ang balakang ko ramdam kong tinititigan niya ako. Nanlalabo na ang paningin ko at bumibigat narin ang talukap ng mga mata ko. Ang huli kong naramdaman ay isang mainit na labi na dumampi sa mga labi ko hanggang sa tumigil ang tibok ng puso ko


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.