2

The Dark Side of Love Chapter 2


Report

Tuwing umaga bago ako pumasok sa coffee shop dumadaan ako ng Cathedral upang mag pasalamat at humingi ng gabay sa Panginoon. 

Pag pasok ko palang may isang pamilyar na lalaki akong napansin.

“Ah si Doc Carlo” wika ko sa isp ko.

Inilabas ko ang aking rosaryo at nag simula na akong mag dasal.

Ngunit di ko mapigilan sulyapan si Doc Carlo na nakaupo ng di kalayuan.

“Dyos ko po kinikilig ako nadidistract ako sa napaka gwapong nilalang na ito” wika ko sa sarili ko.

Ang kilig ay naplitan ng mapansin ko na parang minamasahe na naman ni Doc Carlo ang ulo nya at kita ang lalim ng kanyang paghinga na para bagang may masakit na iniinda.

“Tulad ng dati nakahawak na naman sya sa ulo nya na parang ang sakit sakit nito.” wika ko sa isip ko.

Di ko na lang sya pinansin at ipinag patuloy ko ang aking pag darasal ng rosaryo.

Biglang bumagsak si Doc sa kanyang kinauupuan.

At agad naman akong napatayo at sya ay aking nilapitan upang tulungan at alalayan.

“Doc, Doc! Okay lang ho kayo?” nag-aalala kong tanong.

“Angel!” mahinang tugon ni Doc Carlo habang nakatingin sa akin.

Wala na akong narinig mula kay Doc Carlo ngunit hinawakan nya mga kamay ko at tuwing humihigpit mga hawak nya dama ko ang mga sakit na nadarama nya.

Ilang sandali pa dahan dahang bumibitiw sa aking mga kamay si Doc Carlo.

Di ko alam damang dama ko sakit nya at pati ako ay napapaluha rin.

“Angel, wag mo sabihin kay Tita Blessy ito ha?”

“Angel, walang nakaka alam na may sakit ako.”

Yan ang mga sinabi ni Doc Carlo ng binitawan nya ang aking mga kamay.

“Opo Doc” pangako ko.

“Pero anu ba talaga nararamdaman nyo?”

“Anu ba talaga sakit nyo?”

Mga pag -uusisa ko kay Doc Carlo.

“Wala ito, masakit lang lagi ulo ko, stress lang.” sagot ni Doc Carlo

“Doc, maaring barista nyo lang ako, pero Doc nurse din ako at alam ko may reason yan pain mo bukod sa pagod at stress mayroon ka pang iniinda Doc.” Makulit kong tanong.

“Angel, ayaw kong sabihin ito kahit kanino lalong lalo na sa Mommy ko, ayaw kong matakot sya dahil dalawa lang kami sa mundo, sa akin na umiikot buhay ng Mommy.” nag-aalalang tugon ni Doc Carlo.

“Angel, I have a brain tumor.” dagdag ni Doc.

Hindi ko alam ano gagawin ko sa narinig ko. 

Niyakap ko na lang si Doc ng mahigpit.

Naluha ako sa sakit ng sitwasyon nya at sa physical na sakit na nararamdam nya.

Alam ko 2 beses ko palang sya nakikita at nakaksama pero ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.

Aaminin ko gusto ko na si Doc, dahil dama ko ang kabaitan ng puso nya at syempre aarte pa ba ako gwapo na makisig pa. 

Pero mas nangingibabaw ngayun ang awa.

Gusto ko sya samahan.

Gusto ko sya alagaan.

At gusto ko syang...


mahalin.

Yan ang nadarama ko ngayun.

Ilang sandali pa ay nakita ko na naman ang pag ngiwi ng mukha ni Doc na tanda ng may masakit at kumirot at sya ay huminga ng malalim muli.

Natakot ako kasi parang wala ng malay si Doc habang nakasandal ang ulo sa upuan ng simbahan.

“Doc, Doc! Okay ka lng?”

“Doc! Doc! wag naman ganito”

“Lumaban ka Doc.”

Halos di matapos luha ko ng mga sandaling iyon.

Bigla na lang bumagsak si Doc sa balikat ko.

“Doc, Doc okay ka lang?” mas malakas na tanong ko, na talagang natatakot na ako.

“Lumaban ka Doc wag mo kong iwan.” hindi ko alam bakit ko yun nasabi.

“It’s a prank.!”

Okay na ako humuhupa na ang sakit”

“Wag ka maingay nasa simbahan ka hahahahahahaha”

Tawang tawa si Doc Carlo sa mga sandaling iyon.

“Baka naman prank ang lahat ha wala ka naman sakit sayang nakiiyak ako sa pain mo.” wika ko.

“Hindi prank yun totoo yun kaya please wag mo sabihin kay Tita Blessy, tyak makakarating yun kay Mommy” paki-usap ni Doc Carlo.

“Tara na pasok na tayo late ka na hahaha bawas sweldo mo ha?” natatawang yaya ni Doc.

Bago pa man kami lumabas ng simbahan ay sina lubong na kami ng isang Pari.

“Iho, kamusta ka na? Pasensya na hundi kita natulungan kanina ha, gawa ng may nangungumpisal, buti na lang andyan ka miss” wika ni Father.

“Tito Father, salamat po. Buti nga andito si Angel, angel ko po talaga sya hahaha”

“Si Angel nga pala Tito Father.”

Sagot ni Doc Carlo kay Father.

“Good Morning Iha” bati naman ni Father.

“Good Morning po Father” bati ko naman sabay mano.

“Girlfriend mo ba sya iho?” tanong ni Father kay Doc.

“Iha, salamat sa pag aaruga mo sa pamangkin ko” pasalamat naman nya sa akin.

“Ay hindi po Father, boss ko po si Doc sa coffee shop.” agad ko namang sagot sa tanong ni Father kay Doc Carlo.

“Boto ka ba sa kanya Tito Father? Hahhahaaa….” nagbibirong tanong ni Doc Carlo kay Father

“Abay oo naman iho pero, suyuin mo muna.” sabay ngiti ni Father.

“Una na kami Tito Father, papasok pa kami at susuyuin ko pa ito” paalam ni Doc Carlo sabay tawa.

” Okay Sige ingat kayong dalawa. GOD Bless.” wika ni Father

Talaga palang kagigiliwan ng mga tao si Doc Carlo puro sya biro ang gaan lang ng buhay pag kasama sya.

Tawa lang ako ng tawa habang naglalakad kami papuntang ospital.

Parang walang nangyari.

Parang ang tagal na namin magkakilala.

“Naku Angel wag ka ma fall mahina ka pa naman sa ganyan.” sabi ko sa sarili ko.

Sa Coffee Shop, nagpaliwanag si Doc Carlo kay Mam Blessy kung bakit ako na late. Di ko na alam anu ano mga sinabi nya. 

Gusto ko man ikwento kay Mam Blessy nakita ko at nangyari ka Doc Carlo ay minabuti ko itong ilihim dahil ako ay may isang pangako.


2 Comments

  1. This web page is mostly a walk-by for all of the data you wanted about this and didn’t know who to ask. Glimpse right here, and you’ll undoubtedly uncover it…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.