0

The Choosen ONE Chapter Uno


Report

Lahat ba na ipinanganak sa mundo ay may kaakibat na problema?
Ayusin nyo ang pila nyo madali!!!!!sigaw ng isang mataba ngunit sopistikadang babae sa mga dalagang nahuli ng kanilang grupo.
Ni isa’y walang imik habang chenicheck ang kanilang health status,buhok,maging talampakan, hininga at pati amoy ng katawan ay di nakaligtas sa maliit na machine na hawak hawak ng balbasing lalaki.
Nilalagay sa kanan ang mga qualified samantalang sa kaliwa ang disqualified.
Simple lang ang pangarap ni Madeline sa buhay.Ang makasama lamang nya ang kanyang dalawang kapatid at mga magulang ay kontento na sya.Ngunit nagbago ang lahat ng lusubin ng mga di kilala at armadong kalalakihan ang kanilang baryo.
Pinagpapatay ang mga kalalakihan samantalang binibihag ang mga dalagang anak ng bawat pamilya.
Kitang kita ni Nadeline kung paano patayin ang kanilang butihing ama sa kanilang harapan.Ipinagtanggol lamang sya nito sa dalawang lalakeng...


gustong kumuha sa kanya.Ang inang di makapaniwala sa nangyare ay nagsimula na ring lumaban pero gaya ng tatay isang putok ng baril Ang tumapos sa buhay nito.Napuno ng pananaghoy ang masayang pamamahay na iyon.Ang dating pamamahay na may pamilya na masaya at sama sama na gumagawa ng gawaing bahay.Ang pamilya nya na sabay sabay magdasal bago at pagkatapos kumaen ay napuno ng takot at hinagpis.Tanging hikbi at sigaw ng pagmamakaawa ang lumalabas say bibig Ng dalaga habang kinakaladkad papalayo sa kanya Ang dalawang kapatid na sina Wahida at Reoh.
Na ngayon ay tumatangis din habang sinisigaw Ang pangalan Ng kanilang ate.
Pagbabayaran ng Kung Sino mang demonyong nasa likod nito.Maghihiganti ako!!!!Maghihiganti ako para sa pamilya ko.
Yan Ang paulit ulit na bumabalik sa isipan ni Nadeline na ngayo’y Isa sya sa mga dalagang ireregalo sa Isang Bagong hirang na Mafia Lord.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.