0

The Broken Wife Chapter 9


Report

The Broken Wife
Chapter 9
Nagising si Ryker dahil sa lakas ng tunog ng kanyang ringtone. Pagtingin niya sa kanyang orasan ay alas-unse pa lang ng gabi at iyon pa lang ang pagkakataon upang makapagpahinga siya pero nakita niyang tumatawag ang kanyang ina. Tinatamad siyang sinagot ito nang marinig ang masayang boses ng kanyang ina.
“Mom, I’m trying to get to sleep.” Reklamo niya sa kanyang ina.
“Sorry son. Excited lang ako kasi simula nang sabihin mo sa akin na ikakasal ka na ay agad kaming umuwi ng Papa mo. Nandito na kami ngayon sa airport at pasakay na kami ng sasakyan pauwi sa bahay.” Agad na napaupo si Ryker nang malaman na narito na sa Pinas ang kanyang mga magulang.
“What? Hindi niyo man lang sinabi sa akin para sana nasundo ko kayo.” Natawa naman ang kanyang ina.
“Its fine son. Alam ko namang masyado kang busy kaya hindi ka na namin inabala pa. By the way, bukas na bukas ipapakilala mo sa amin ang mapapangasawa mo. Gusto na siyang makilala ng iyong ama.” Agad namang napatango si Ryker sa sinabing iyon ng kanyang ina.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na ang ina niya dahil nakarating na sila sa bahay at kailangan na nilang magpahinga. Bumalik sa pagkakahiga si Ryker at pinilit na bumalik sa pagkakatulog. Unang beses niyang magpapakilala ng babae sa mga magulang niya kaya naman ganoon na lang ang galak nila nang malaman nilang ikakasal na ang kaisa-isang anak nilang lalaki. ‘Di bale bukas na bukas ay makikilala na nila ang babaeng pakakasalan ko.
Kinabukasan ay tulad ng dati ay pumasok sa trabaho si Ryker pero nag-file siya ng half-day dahil sa kanyang mga magulang.
“Oh, narinig ko na half day ka lang daw?” Napaangat ang kanyang tingin nang makita niya si Jack.
“My parents are here. Dumating sila kagabi kaya kailangan nila ng makakasama.” Napatango naman si Jack.
“Ganoon ba? Kung ganoon ay ikumusta mo na lang ako sa kanina tita at tito.” Tumango naman si Ryker at agad na lumabas na ng kanyang opisina.
Imi-meet ni Ryker ngayon ang kanyang mga magulang sa isang resto para kumain ng lunch. Pagdating niya sa resto ay agad niyang nakita ang kanyang ina na kinakawayan siya. Agad na lumapit siya sa mga ito at binigyan ng halik sa pisngi at yakap ang kanyang ina. Samantalang ngumiti lang ang kanyang ama.
“I miss you so much iho,” ani ng kanyang ina. “Oh, nasaan na iyong mapapangasawa mo? Gusto ko na siyang makilala.”
Hinanap ng kanyang ina ang mapapangasawa ni Ryker kaso hindi niya rin nasabi sa dalaga na ipapakilala niya ito sa kanila. Kaya hindi niya kasama ngayon ang dalaga.
“Mom, paano ko naman siya ipapakilala sa inyo gayong biglaan naman ang dating ninyo? Alanganing oras pa kayo tumawag kagabi kaya hindi ko na nasabihan si Serenity.” Lumaki ang mga mata ng kanyang ina dahil sa tuwa pagkarinig ng pangalang Serenity.
“Wow! Is that the name of my future wife’s son? It sounds beautiful.” Agree siya sa ina dahil pati rin siya noon nang makilala niya ang babae ay nagandahan din siya sa kanyang pangalan.
“Kailan niyo balak magpakasal?” tanong ng ama nito sabay uminom ng wine.
“Ahm, wala pa kaming exact date Dad.” Natahimik ang kanyang mga magulang. “But we are going to start planning it next week.”
Napangiti naman ang kanyang mga magulang at nagsimula silang kumain ng tahimik. Sinabi niya na lang sa mga ito na kung gusto nila ay pwede niyang ipakilala si Serenity sa kanila mamaya kaya agad namang umayon ang kanyang mga magulang.
“Siya nga pala kailan mo balak hawakan ang hospital anak? Hindi na ako bumabata at alam mo na balang araw ay ikaw na ang magma-manage nito.” Tipid na napangiti si Ryker sa sinabi ng kanyang ama.
“Papa, wala pa akong balak. Alam niyo naman na hindi ko hilig ang mag-business. Siguro kapag talagang uugod-ugod ka na saka lang kita papalitan.” Natawa naman ang kanyang ama sa sinabi niya.
“Walang problema pero isipin mo na magpapamilya ka na. Kung ikaw ang magma-manage ng hospital ay hawak mo na ang oras mo at kikita ka pa ng mas malaki.” Nanatili siyang tahimik dahil hindi ni minsan sumagi sa kanyang isip ang maghawak ng kahit na anong business.
Boring kasi ito para sa kanya dahil ayaw niyang umuupo lang ng magdamag sa likod ng isang mesa habang alam naman niyang pwede siyang makatulong sa ibang tao. Ayaw man niya itong gawin ay siya lang ang nag-iisang anak ng mga Faron kaya kailangan niya talagang hawakan ito sa hinaharap.
“Hindi naman kita pipilitin sa ayaw mo pero ang sa akin lang ay tumatanda na ako. Ayaw ko namang ipamigay na lang ito sa gobyerno o kung sa sinu-sino lang kaya sana magbago pa ang isip mo.” Tumango siya.
“Walang problema Dad. I will think about it.”
Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang mga magulang ay saktong alas-tres na ng hapon nang matapos na sila. May...


oras pa naman kaya naisip niya na marami pa siyang oras para paghandaan ang date nila ni Serenity. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at saka may tinawagan dito.
“Hello pre, baka naman pwede akong magpa-reserve ng dinner for four.” Tumawa siya nang marinig na tumawa ang nasa kabilang linya. “Nah, I’m asking my future wife in a date. Yes. Hindi kita niloloko pero kung ayaw mong maniwala, see for yourself later.” Pagkatapos nitong pakiusapan ang isang kaibigan ay nagmaneho na siya pauwi upang sunduin na rin si Serenity.
HINDI alam ni Serenity kung ano ang kanyang isusuot sa date nila ni Ryker mamaya. Wala namang sinabing oras ang binata kung ano’ng oras sila aalis. Pero ang tantya niya ay alas-singko umuuwi ang binata kaya baka alas-sais na ang alis nila. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Serenity habang namimili ng kanyang susuotin. Unang beses niya kasing makatanggap ng mga bulaklak mula sa isang lalaki. Hindi tulad ng mga naging nobyo niya noon na basta na lang siyang sinabihan ng I love you ay pumayag na siyang pumasok sa isang relasyon. Sa huli ay iniiwan siyang luhaan dahil ang akala niya ay kapag binigay niya ang lahat ay hindi na siya lolokohin pero nagkamali naman siya.
Itinuloy na lang niya ang paghahanap ng kanyang susuotin nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag si Janice sa kanya. Medyo alanganin pa siyang sagutin ang tawag ng kaibigan dahil simula nang pinilit silang ikasal sa isa’t isa ni Ryker ay hindi na sila muli pang nag-usap. Huminga na lang siya ng malalim at saka sinagot ang tawag nito.
“Serenity, kumusta ka na?”
“Hmmm, ayos lang naman ako.”
Parehas silang natahimik at hindi alam kung ano ang sasabihin sa isa’t isa. Napabuntong-hininga na lang si Janice sa kabilang linya.
“Serenity gusto kong humingi ng tawad sa aking ginawa. Akala ko kasi makakatulong ako sa iyo pero mukhang mas pinalala ko pa ang sitwasyon. Kung galit ka sa akin ay maiintindihan ko ito.”
Umupo siya sa kanyang kama at saka huminga ng malalim. “Janice hindi naman kita sinisisi sa nangyari. Isa pa hindi mo rin naman alam na gagawin iyon ni Papa ‘di ba? Hindi rin naman ako galit sa iyo dahil kung tutuusin ay gusto mo lang namang tumulong at nagpapasamalat ako para roon.”
“Sigurado ka ba? Hindi mo ba ako sisigawan man lang o kahit magtampo ka man lang sa akin?”
Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. “Baliw. Hindi ko gagawin iyon dahil hindi nga naman ako galit sa iyo.”
Napatingin siya sa pinto nang marinig niyang may nag-doorbell na rito. Pagtingin niya sa orasan ay nakita niyang alas-singko y medya na pala. Napasinghap siya at agad na nagpaalam sa kaibigan. Hindi pa siya nakapagpalit kaya naman aligaga siyang napatayo at hindi alam kung ano’ng uunahin. Sa huli ay binuksan na lang niya ang pinto at bumungad nga rito si Ryker.
“Ahm, ang aga mo naman. Hindi pa ako nakapagpapalit.”
“It’s okay. I’m willing to wait. Isa pa napa-aga rin ang out ko dahil dumating na ang aking mga magulang kagabi lang.” Napatango naman ito at agad na pinapasok ang binata at pinaupo sa kanyang salas.
“Magpapalit lang ako pero ayos lang ba na dito ka na muna?” tanong niya sa binata.
“Sure, no problem. Go ahead and change.” Pagpasok ni Serenity ay agad na tinawagan ni Ryker ang kanyang mga magulang na mauna na sila sa resto na tinext niya kanina. “Yes mom, we’ll be there in thirty minutes.”
Napailing na lang siya dahil sabik nang makita ng kanyang ina si Serenity. Hindi naman niya masisi ang ina dahil ipapakilala na niya sa kanila ang mapapangasawa niya. Paglipas ng ilang minuto ay lumabas na si Serenity at halos mapalunok si Ryker sa ayos ng dalaga. Nakasuot ito ng off shoulder na red dress sabay kinulot nito ang kanyang buhok. Ang dress niya ay mahaba sa likod pero above the knee lang ang haba sa harapan na pinaresan niya ng white shoes.
Nakaramdam ng hiya si Serenity nang makita niya kung paano tumitig sa kanya si Ryker. Hindi niya tuloy alam kung tama lang ba iyong sinuot niyang damit para sa date nila. Agad na napatayo si Ryker at linapitan siya saka hinaplos ang kanyang mukha. Kita niya ang mataman na pagtitig sa kanya ng binata na parang pati kaluluwa niya ay nakikita niya.
“Beautiful.” Nahihiya siyang tumungo at biglang nag-init ang kanyang mukha. “I can’t wait to marry you.” Napasinghap na lang siya at agad siyang nginitian ng lalaki.
“Ahm, sorry medyo naiinitan ako.” Natawa naman ng mahina si Ryker.
“Am I that hot for you?” Hindi nakaimik si Serenity at hindi na lang sumagot. “Sorry. That was silly of me. “Let’s go?” Yaya ni Ryker at agad na silang lumabas ng kanyang apartment.
– wala akong mahanap na red dress pero ganito po itsura ni Serenity sa date nila ni Ryker. 😍 –


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.