0

THE BROKEN PROMISES


Report

THE BROKEN PROMISES
“Ikaw lang ang mamahalin, pangako ko iyan.” ngiting sabi ng girlfriend ko.
“Ako din, hindi ko akalain na makilala kita ng lubusan. Sana sa pagtanda natin ako parin.”
Yumakap ito sa’kin ng mahigpit at bumulong.
“Promise ko iyan, magiging tayo sa huli.” huling sambit nito.

“Buntis ako lynard.” aniya na nagpagulat sa’kin.
“Ha? Magiging tatay na’ko? Yes who!” masigla kong sigaw.
Taranta niyang hinawakan ang kamay ko, at naluluha narin ng wala sa oras.
“Ano kasi, m-may ah” pagpuputol nito sa mga salita niyang binibitiwan.
“Ano?”
“Hindi ikaw ang ama kundi ang kapatid mo, I’m sorry lynard! Hindi ko sinasadyang mabuntis ako.” turan nito.
Nagulat ako sa sinabi niya, paanong nangyari iyon?
“Anong gagawin mo? Hiwalayan mo’ko dahil...


lang d’yan? Paano tayo? Ako?”
“Ayoko na! Kailangan ng anak ko ang ama niya, siguro iputol nalang muna natin ang namamagitan na meron tayo Lynard.” seryosong sambit nito.
Hindi ko na rin mapigilang umiyak sa sinabi niya, almost 3 years ngayon lang nangyari ang hindi ko inaasahang mabubuntis s’ya ng sarili kong kadugo.
“Pag-usapan natin ito, puwede naman ako na lang ang tatayong ama niyan kong gusto mo.” saad ko parin.
“Sorry Lynard, mas mahal ko na ang kapatid mo. Iyong pangako natin huwag mo ng isipin.” usal nito at umalis.
‘Ikaw lang ang mamahalin, pangako ko iyan.’
‘Promise ko iyan, magiging tayo sa huli.’ pero bakit humantong sa sorry?
— WORK OF FICTION
— DON’T PLAGIARIZED
— ERRORS AHEAD
— @sae


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.