0

THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 5

Report

THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS
KABANATA 5: Ang muling pagkikita–(bagong kabanata)
NAGISING si Micah kinabukasan, mga ala-sais y media ng umaga. Mamaya pa namang ala una ang kaniyang job interview kaya marami pa siyang oras para maghanda. Hindi maalis sa mukha ng dalaga ang ngiti sa labi habang naghahanda ng almusal. Kahit alam niyang walang kasiguraduhan na siya ang mapipili sa interview, masaya na siya sa katotohanang kahit papaano, meron nag-alok sa kaniya ng oportunidad para magtrabaho.
Pagkatapos ng agahan, agad nag-ayos si Micah. Naligo, at inayos ang mga kakailanganig papeles para sa interview niya mamaya.
Nasa kwarto sya’t naglilinis nang sandaling mag beep ang selpon niya. Agad niya itong kinuha at tiningnan.
“Ow shit!” gulat niyang ani matapos mabasa ang natanggap na notification.
Nabago ang sched ng interview niya. Napatingin siya sa orasan na nasa table. Magaalas-nuebe na, 15 minutes na lang ang natitirang oras para makapunta siya sa interview.
Shocks!
“LOLA! NAKITA NIYO PO BA YUNG SKIRT KO?,” natatarantang tanong niya sa matanda. Abala kasi siya sa pagaayos ng kaniyang buhok kaya wala na siyang oras para magisip kung san niya nga ba nalagay ang damit.
“Diba sinampay mo kanina sa banyo?,” sagot naman nito.
“Ayy oo nga pala! Aish, bakit naman kasi iniba nila yung oras ng schedule ko huhu,” dabog ni Micah sa kawalan, saka ulit nagmadaling kumilos.
Napasapo na lang ng matanda ang kaniyang noo dahil sa pagiging aligaga ng kaniyang apo.
“9 minutes na lang waaah!,” Tarantang sabi ni Micah ng tingnan ang orasan na nasa kama niya.
Dali-dali niyang kinuha ang isang folder na naglalaman ng kaniyang resumé pagkatapos nagmadaling lumabas ng kwarto
“LA, ALIS NA PO AKO!,” paalam niya sa matanda. Nasa bukana na siya ng pintuan ng bahay nang bigla siyang bumalik sa loob, at pumasok sa kaniyang kwarto. Meron kasi siyang nakalimutang gawin kaya bumalik ito.
“Ba-bye mochi-mochi! Aalis muna si mommy ah, pero babalik din ako mamaya, muah!,” paalam niya sa malaking stuff toy na nakahiga sa kaniyang kama. Isang malaking stuff toy na panda na regalo sa kaniya ng isang pinakaimportanteng tao– Nang kaniyang first love.

“Ala, anong nangyare manong? Bakit tayo tumigil?,” Tanong ni Micah sa driver ng taxi.
“Sorry ma’am, mukhang sira po ata ang sasakyan,” kamot-batok na sagot ng driver.
“ANO?! Pa’nu yan? Malalate na ako sa interview, 6 minutes na lang!,” Micah.
“Sumakay na lang po kayo sa iba ma’am. Pasensya na po talaga,”
Halos maiyak si Micah dahil sa kamalasang inabot niya. Wala siyang ibang nagawa kundi bumaba at humanap ng ibang masasakyan.
Nakailang beses na siyang ‘para’ sa mga taxing dumaraan ngunit ket isa hindi siya tinigilan. Wala na naman siyang ibang nagawa kundi humanap ng ibang paraan.
“Manooong! Sandale, sasakay ako!,” buong lakas na sigaw niya...


sa driver ng jeep. Agad naman itong tumigil para hintayin siyang lumapit.
Mabuti na lang meron pang espasyo kaya nakaupo siya kahit papaano.
Dalawang minuto nang late si Micah nang makaabot sa building kung saan gaganapin ang kaniyang interview.
Teka?
“Yung resumé ko?,” tanong niya sa sarili nang mapagtanto na hindi niya pala hawak ito.
Nang maalala niya ang taxing sinakyan niya kanina, halos masabunutan ni Micah ang kaniyang buhok dahil sa sobrang katangahan.
Pano na? Aish! Malas bwisit!
Kahit wala siyang dalang kahit ano, nagdesisyon pa rin ang dalaga na tumuloy sa interview. Hindi siya pwedeng sumuko, hanggat may pagkakataon pa, may pag-asa.
,HUHU LORD, sanaaaa.
“Hi ma’am, what can i do for you?,” Nakangiting bati sa kaniya ng receptionist.
“Isa ako sa mga aplikante, san yung interview?” Tanong ni Micah. Bakas naman sa mukha ng babae ang sandaling gulat dahil sa sinabi niya.
“Nasa 7th floor po ma’am, pero kanina pa po nagstart yung interview,” ani ng receptionist.
“A-ah um, baka pwede pa akong humabol. Asan ba yung elevator dito?,” Micah.
“Andun po,” turo ng babae at sinamahan siya sa harap ng elevator.
Ramdam ni Micah ang kabang gumagapang sa buong sistema niya. Hindi niya mapigilang mag-alala sa mga sandaling ito. Sana talaga, makahabol pa siya sa interview.
Huminto ang elevator at bumukas ito sa 7th floor ng building. Lumabas siya’t nakasalubong ang dalawang babaeng nakaskirt na tila kinikilig at naghahampasan.
“Grabe, ang gwapo talaga ni Sir Zapanta! Muntik na akong maihi dahil sa kilig kanina. Hihi,” ani ng isa.
“Sinabi mo pa! Haay, sana wala pang jowa si Sir noh para naman may pag-asa pa tayo hahha,”
Napataas ang isang kilay ni Micah dahil sa narinig mula sa dalawa. Sino yung sir Zapanta? Siya kaya yung boss dito? Gwapo? Hmm, yun? Weeh? Komento sa isip ng dalaga.
Hindi na lang iyon pinansin ni Micah sa halip, agad siyang tumakbo papunta sa isang pintuan, at walang hiya itong binuksan.
Walang bumungad sa kaniya sa loob ng kwarto maliban lang sa ilang papel na nakakalat sa mahabang lamesa, at mga upuang wala na sa kanilang anggulo
Wala siyang naabutan maski isang tao.
Napaupo na lang si Micah sa isang upuan doon dahil sa sobrang panghihinayang. Nasapo niya ang sariling noo dahil sobrang katangahan.
Pinalipas niya muna ang ilang saglit bago niya naisipang tumayo at nanlulumong binuksan ang pinto.
“Ay palakang baboy!!” gulat na sigaw niya matapos buksan ang pintuan.
Nanlaki bigla ang mata ni Micah at agad tinakpan ang bibig niya nang makita ang sobrang gwapong lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan.
Shet!
Napalunok siya ng ilang beses upang makabawi sa di inaasahang pagkagulat.
Tiningnan niya pang muli ang lalaki na ngayon ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.
“You’re late, …Miss Salvador,” malamig na ani ito dahilan para mapa-atras siya ng isa, at mapalunok muli dahil sa kaba.
TO BE CONTINUE..
Pasensya po, medyo lame ang update.


Leave a Reply

Your email address will not be published.