0

THAT GUY ON THE TRAIN


Report

I am Elaine, at palagi akong sumasakay sa Tren, pero kapag sumasakay ako may isang taong kapansin-pansin sa lahat.
Yung lalaking palagi kong nakakasabay sa Tren hindi ko alam kung sinusundan niya ako or what pero feeling ko may kaka-iba sa kanya tulad ngayon nandito nanaman ako sa loob ng tren at sik-sikan ang tao at kita ko nanaman ang lakaking ‘yon, mapa sa Tren man o sa School.
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating narin ang Tren sa distinasyon nito at bumukas na ang pinto saka nagsilabasan ang napakaraming tao kasama na rito ang lalaking ‘yon, pero no’ng lumabas na ako may nakita akong wallet kaya pinulot ko ito at binuksan.
Nagulat ako kase mukha no’ng lalaki yung nakita ko, sa palagay ko sakanya ‘to. Hahabulin ko pa sana siya kaso wala na siya sa paningin ko. Kaya tiningnan ko uli ang wallet kung meron ba ritong Address sakto meron nga.
Agad akong lumabas nang train station at sumakay ng taxi para puntahan ang bahay ng lalaking ‘yon.
After 30 min. Narating ko rin. Tiningnan ko ang bahay nila, sobrang tahimik ng paligid.
“Tao po!” Sigaw ko. Bumukas naman ang pinto ng bahay nila saka nagmamadaling lumabas at pinagbuksan ako ng gate nang babaeng sa tantya ko nasa Mid. 40’s.
“Anong kailangan mo iha?” malumanay na tanong nito.
“Nandiyan po ba si Patrick?” Kita ko ang gulat sa mukha niya nang itanong ko ‘yon.
“B-Bakit mo h-hinahanap ang anak ko?”
“Ahm kase po palagi ko siyang nakakasabay sa tren at kanina po nalag-lag niya yata ‘yong wallet niya kaya isasa-uli ko po sana,” saka ko kinapa ang...


bulsa ko pero wala akong wallet na makapa.
“Teka lang po tita nawawala yung wallet,” ani ko.
“Iha? Ikaw ba si Elaine?”
“Pa’no niyo po nalaman ang pangalan ko?” Gulat kong aniya.
“Iha pasensya na pero matagal nang patay ang anak ko,” kita ko ang hinagpis sa mukha niya habang ako nama’y hindi nakapagsalita.
“Namatay siya dahil sa’yo!” mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
“Ha? Pa’nong ako eh hindi ko po siya kilala eh,”
“Sinusundan ka niya lagi, kaya isang araw habang sinusundan ka niya, tumawid ka sa kalsada hindi mo napansing may truck na paparating kaya dali-daling tumakbo ang anak ko papunta sayo saka ka iniligtas.”
Sa mga sinabi niya’y biglang may nagflashback sa’king utak.
“Tita sorry po,” tanging salitang lumabas sa bibig ko.
“Iha, mahal kalang nang anak ko. Kaklase mo siya noon pero hindi mo siya pansin dahil tahimik lang ‘tong anak ko hindi pala salita at hindi mahilig makihalubilo sa tao. Siguro nakita mo siya kanina dahil patuloy ka parin niyang binabantayan, palagi ka ngang kinekwento ng anak ko sa’kin at kita ko ang saya sa mukha niya sa mga panahong ‘yon kaya salamat iha kahit sa maikling panahon na nakilala ka nang anak ko, naging palangiti na siya, mahal na mahal ka nang anak ko, iniligtas ka niya dahil mahal ka niya, sige salamat iha babalik na ako sa loob.”
“Ahh sige po tita sorry po at salamat rin,”
Hayst salamat Patrick utang ko sayo ang buhay ko, salamat sa pagmamahal mo kahit hindi kita nakita ng personal, salamat.
That guy on the train was my knight and shining armor.
—–END—–


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.