Tel

1

ONE NIGHT STAND

Ang ganda ng gising ko. Di ko alam basta ang sherep. Ito pala ang pakiramdam pag naka one night stand si Crush. Emeygeshhhhhh 😍

Pagdating ko sa skwelahan ay sobrang ganda ng mood ko.

“Wow Terya ha ngiting-ngiti. Mukhang may nabasag na pakwan ah,” bungad sa akin ni Terang.

“Hoyy grabe nemen,” tugon ko.

“Oh bakit ang saya mo ngayon? Di pa tayo nakapag defense di ba? Chapter 2 pa tayo,” sabi niya.

“Terang wag nega pwede?”

“Bakit nga ang saya mo?”

“Di ba sabay kami umuwi kagabi ni Vincent?”

“Oh tapos? Tanungan tayo dito?”

“Ito na magsasalaysay na ako. Nag one night stand kami kagabi sa bus. Emeygeshhhhhh sobrang shereppp kahit nangalay ang paa ko.”

“WHAT?? ANG BABOY NIYO NAMAN! SA BUS PA TALAGA? MY GOD TERYA!”

Hindi ko makuha kung paano ako nanging Baboy sa lagay na yun pero in fairness ha nakakapagod pero worth it.

Tumayo si Terang at pumasok sa room.

“Terang bat ka galit? Nag one night stand...

lang naman kami ni Vincent eh!” sabi ko sa kanya.

Pagpasok ko nagulat ako kasi andami palang tao sa loob tapos nandun pa si Vincent.

Kanchaw ang natanggap niya mula sa kanyang mga barkada.

“Uyy one night stand pala ha. Paano na si jowa niyan di pala to faithful,” sabi ni Juancho.

Nagalit si Samuel.

“Anong one night stand pinagsasabi mo jan?” tanong niya.

“Yung kagabi, nangalay nga paa ko eh.”

Kachaw ulit.

“Terya tama na!” sabat ng girlfriend niya sabay labas.

Lumapit si Samuel sa akin na may dalang bag.

“Bakit ba kayo galit? One night staxnsjcjejdjcj#_&$)#&$-…”

Da nakuyapan jud ako day nawalan jud lagi ako ng malay. Hinampak man niya ako nang bag na may dumbbell.

Tapos gipalayas pa ako sa amin.

Wala naman sana akong ginawang masama. Nakatayo lang naman ako sa bus kasama siya, madaling araw na kami nakarating sa aming lugar kasi traffic.

One night stand Yun di ba? Ano ang sayop doon? Ughhh Ang sakit pa ng ulo ko.

*tae mo*




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *