3

TADHANA PART 2


Report

Lumipas ang araw at bwan

isang araw pumunta sa apartment ko si David. sinabi nya sakin na mahal na mahal nya ko, lumuhod sya at sinabing hindi nya ko kayang mawala.

nung mga oras na yon awa ang naramdaman ko kay David. Humungi ako ng tawad sa nangyari sinabi ko din sa kanya na ayaw ko sya paasahin dahil gaya nya ay umasa rin ako

sinabi ni David na kung may puwang sya sa puso ko ay nandito lang sya at maghihintay.

Agad akong pumunta sa kaibigang kong si Abby,
pinamili ako ni Abby.

Si Marlon na pangarap ko, oh si David na pinagdasal ko. iniisip kong si Marlon ang piliin ko pero natatakot ako na baka iwanan nya ko ulit.

Hindi ako makapagdesisyon ng mga oras na un.

hanggang isang araw nakatanggap ako ng isang imbitasyon mula sa aming school magkakaroon ng isang reunion sa batch namin, nung una ayoko pumunta kasi makikita ko lang naman don si Marlon, pinilit lang ako ni Abby at Fern

Doon muling nagtagpo ang landas namin ni Marlon. nagkakayayan mag inuman hanggang si Marlon ang naghatid sakin sa apartment na tinutuluyan ko, nilabas ko lahat ng galit ko sa kanya nung college kami, agad akong hinalikan ni Marlon, hindi ko inaasahan may mangyayari sa amin. sya ang FIRST ko. nabigay ko kay Marlon ang sarili ko ng mga oras na un, wala na rin akong pake dahil mahal ko si Marlon, hindi ako lasing ng mga oras na un at alam ko hindi rin lasing si Marlon, nasa tamang katinuan sya ng mga oras na un, at ako rin naman, Hinayaan kong akinin nya ko ng gabing yon.

Kinabukasan ng umaga isang call sa cellphone ni Marlon ang tumatawag, at yoon si Rica laking gulat ni Rica ng ako ang sumagot sa tawag nya kay Marlon, sinabi nya na layuaan ko si Marlon, dahil si Marlon daw dapat ang maging ama ng batang kanyang ipinanganak, sinabi ko kay Rica na hindi...


na mangyayari un dahil kami na ni Marlon, agad nagsisigaw sa phone si Rica dahil, hindi ko na pinansin si Rica at agad kong binaba ang phone.

agad naman nagising sa pagkakatulog si Marlon knwento ko na tumawag si Rica, sinabi ni Marlon na naiipit sya kay Rica madalas ay sya ang tinatawagan ng kamaganak ni Rica para humingi ng tulong, dahil binalak raw nito na ipalaglag ang kanyang anak kung hindi sya ang magiging ama neto. Naintindihan ko si Marlon nung mga oras na un nakonsensya din ako dahil sa paghihintay ko sa kanya ay nagkaroon ako ng ibang minahal, at hindi ko manlang inalam ang kanyang kalagayan o sitwasyo ng mga oras na un.

Agad akong hinawakan ni Marlon sa aking mga kamay at narinig rin nya ang sinabi ko kay Rica na tigilan nya na si Marlon dahil kami na nga, hindi ako makapag salita kasi hindi ko nga maidedenay ang kanyang mga narinig, hinayaan nya palang ako ang sumagot ng tawag ni Rica, agad nya kong hinalikan dahil hindi sya makapaniwalang kami na, ng mga oras na un laking tuwa nya halos magtatalon sya sa tuwa at hinding hindi na raw nya ko papakawalan pa, at baka maagaw raw pa ko ng iba. ewan ko ba pero may nangyari ulit samin nung mga oras na yun. hinayaan ko na lang wala kong magawa mahal na mahal ko si Marlon. hindi nga sya makapaniwala na sya ang First ko.

napaka sweet ni Marlon, hilig nya ko isurprise sa mga bagay na hindi ko ineexpect, nagpapasalamat ako at tadhana na ang gumawa ng paraan para maging kami.

lumipas ang tatlong taon going strong parin kami ni Marlon.

wala na kong balita kay David ang balita ko na lang ay meron na syang girlfriend.

Hindi nagtagal nagpropose si Marlon ng kasal sakin at etong darating na Dec 2019 napagdesisyonan na namin na doon na magisang dibdib

Yours Truly
Myka

(based on my true story)


3 Comments

  1. congrats%20po%20sainyo%20ang%20ganda%20ng%20story%E2%98%BA%EF%B8%8F%E2%9D%A4

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.