0

Story of Being Single Mom


Report

Hello ! Im angel 23 yrs old with 2 kids now.
at the age of 17 maaga akong namulat sa reyalidad ng mundo. Ako kase yung tipo ng babae na puro barkada lang , inom , bisyo hindi inaayos ang pag aaral. Kaya ito maaga nagkaroon ng responsibilidad bilang isang magulang. At first hindi ko masabi sa parents ko , syempre nag aaral ako 1st yr college and kakabayad ko lang ng tuition nun. Nung nalaman kong buntis ako, sinabe ko agad sa boyfriend ko, wala kaming magawa . Nasa isip namin ipalaglag dahil sa takot. Pero nung nalaman na ng parents ko hindi ko na natuloy ang pagpapalaglag dahil narin sa takot at konsensya. Nag away kami ng boyfriend ko dahil hindi nya pa daw sya ready maging ama. Sobrang sakit sakin dahil miski ako di rin naman handa pero papanagutan ko. Hanggang sa nagkalabuan na kami , sobrang depress ako , umabot sa point na gusto ko ng mamatay kasama ang pinagbubuntis ko, pero thanks god at nandyan ang mga kaibigan, kapatid at parents ko na inaalalayan ako . Dun ko na realize na grabe pala ang pagmamahal ng mga nakapaligid sakin lalo na ng mga magulang ko. Lahat ng gastusin parents ko ang sumagot , sa pagkain gatas diaper vitamins at iba pa. Wala eh! Wala naman akong trabaho , palamunin din ako ng parents ko at hndi na ako sinosoportahan ng ex boyfriend ko. Ilang months nakalipas nag work ako kase gusto ko na din kumita ng pera , gusto ko ako na yung bibili ng needs ng anak ko. Nag work ako as janitress , kaso oncall kung saan saan ako inassign. Sobrang pagod nakakaiyak. Magtratrabaho ka yung breast mo sumasakit dahil hndi ka nakakapag pump ng milk . Then 1 time nagkasakit ako sobrang taas ng lagnat ko dahil siguro nabinat ang katawan ko , ilang araw akong walang trabaho hanggang sa nag awol nalang . Hindi na ako pinag trabaho ng parents ko dahil pinapabalik njla ako sa pag aaral. So year 2016 nag aral ulit ako 1styr college , focus nalang sa study 3pm to 10pm ang klase ko. Sa umaga bantay sa anak ko na 1 taon palang nun , salitan kami ng kapatid ko, papasok sya sa umaga then hihintayin ko sya makauwi at ako naman ang papasok sa school. Everyday ganun palagi ang routine namin .Every time na malelate ako sa school hndi na ako pumapasok sa 1st class ko , nahihiya kase ako na mapagalitan sa harap ng mga kaklase ko. Then ilang months ang lumipas napabarkada nanaman ako , alak cutting bisyo at late na pag uwi , minsan pa nga hndi na umuuwi . 2nd year college 2ndsem ng may manligaw sakin, kaklse ko sya pero hndi kami close dahil ibat ibang grupo kami. Ako kase yung tipo na sobrang kalog pero pag oras na ng klase napaka tahimik haha. May group of boys sa mga kaklase ko nanligaw yung 1 sa mga tropa nila at alam na nilang may anak nako dahil inistalk daw nila ang facebook ko , matagal na din daw nila ako kilala dahil nakikita nila ako sa corridor pag nadaan ako , Naging okay naman ang panliligaw nung guy kaso teh may pagka chikboy , ilang araw hndi nag paramdam , ayun pala may nililigawan ng iba . Nalaman ko nung nagtext yung girl sakin na...


nililigawan sya ng guy na yun. Grabe iyak ko nun kahit sa school umiiyak ako , hindi ako maka focus sa pag aaral hanggang sa kinomfort ako sa 1 sa mga tropa nya palagi nya akong chinachat pinapatawa at pinapasaya , hanggang sa na fall ako sa kanya 😲 ilang araw lang sya nanligaw sinagot ko na agad sya, ewan ko ba komportable kase akong kasama sya , feel ko safe ako kapag kasama ko sya! 🤗 Ilang months ang nakalipas sa wakas graduate na kami parehas , nakapag work na din kami , ako sa ortigas nag wowork sya naman sa paranaque. Sobrang wala na kaming time sa isat isa dahil alternate ang pasok namin ! Naging busy kami parehas sa mga kanya kanyang work. After 1yr nalaman ko na nagkikita na pala sila ng ex nya 🥺 btw. 2yrs sila ng ex nya at kami ay kaka isang taon palang. Magkachat kasi kami ng boyfriend ko nun kakauwi ko lang galing sa work 10 pm , sya naman inaantok na dahil pang umaga pasok nya. Hanggang sa di na sya nakapag reply sakin , naisip ko nakatulog na siguro to. Kaya inopen ko messenger nya at BOOM 💥 bumulaga sakin ang conversation ng kanyang ex girlfriend. Pinagpaplanuhan na pala akong iwan na parang basura lang. Kinabukasan kinausap ko boyfriend ko nag usap kami in person , ayaw na daw nya dahil mahal pa daw nya ang ex nya 🥺 at hindi daw ako gusto ng parents nya dahil may anak nako. Humagulgul ako ng iyak. Sobrang sakit , kasalanan ko bang iwan ako ng tatay ng anak ko? Walang ina ang gustong magpalaki ng anak ng mag isa 🥺🥺 nag iyakan lang kami pero wala akong magawa kundi ang palayain sya.Hinatid nya ako hanggang sa trabaho ko sa pasig , habang nasa byahe kami di ko mapigilan ang pag iyak ko , hawak ko lang ang kamay nya at umiiyak . Ito na siguro yung huli nating pagkikita sabe ko sa kanya sabay hikbi . After nya akong ihatid sa work , hndi na ako maka focus umiiyak lang ako sa harap ng computer , ewan parang nag flashback lahat sakin yung mga nakaraan ko. Inisip ko bakit ganun lord? Ito na ba yung parusa mo sakin 🥺 Then habang nag wowork ako magkausap parin kami ng boyfriend ko, sobrang sakit kase parang wala lang sa knya yung mga nangyari samin. Pinost ko sa social media ang conversation namin , di ko akalain na mag tretrending sa social media. Ang daming nagalit sa boyfriend ko , kaya nag deactivate sya ng account. Chinat nya ako gamit ang dummy account. Mas lalo daw sya di babalik sakin dahil sa ginawa ko sa knya , nahihiya na daw sya lumabas ng bahay at pati mga tropa nya ay galit sa kanya. Na realize ko na idelete nalang yung pinost ko pero wala na kalat na , nalaman nq din ng parents ko. After work sinalubong ako ng boyfriend ko. Nag usap kami , gusto nya maging okay ulit kami, nagkamali sya at inaamin nya yon. Hanggang sa naging okay na kami at after ilang years , nag decide kami mag live in . At ngayon ay meron na kaming 1 anak . Happy naman ako dahil sobrang mahal na mahal nya ang anak ko at nagtratrabaho ng maigi para sa aming binuong pamilya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.