0

Still You Love


Report

Still You Love
Genre: Romance
Author: GorjasLikeYou
Prologue
“Please, Zanaya. Kailangan mo gawin ‘yun”
Seryoso kong tinitignan si tita, mama ni Kaze. Gusto niya na hiwalayan ko ang anak nito.
Gulong gulo parin ako. Akala ko gusto niya maging kami ni Kaze, gusto niya na ako ang mapakasalan ni Kaze, pero ano tong sinasabi niya sa’kin.
2 years na kami ni Kaze. Ayaw ko sayangin ang pagsasamahan namin, at hinding hindi ko iiwan si Kaze dahil sa kagustuhan nila tita.
“I won’t do that” I said while staring at her. Napahilot naman ito sa ulo na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon nato.
Nagulat ako ng makita ang pagtulo ng luha ni tita. Nakaramdam ako na guilty dahil sa naging attitude ko sakaniya ngayon.
Nasagot sagot ko siya, ‘di ko man lang siya nirespeto. Agad ako lumapit kay tita tsaka ito niyakap.
Sabi ni mama sa’kin. Lahat ng ngyayari ay may rason. Gusto ko ngayon alamin ang dahilan bakit gusto niya maghiwalay kami ni Kaze.
“I’m sorry tita, i didn’t mean to–” ‘Di ko natuloy ang sasabihin ko ng may humila sa braso ko. Pagkaharap na pagkaharap ko sakaniya ay nakatanggap agad ako ng sampal.
Napangiwi nalang ako sa sakit. Tiningnan ko kong sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Napatawa nalang ako ng mahina ng makita si Keira.
“Napakawalang respeto mo! Paano mo nagawang sagot sagotin si tita, ‘di ko ‘to papalampasin! Kailangan malaman agad ito ni Kaze” Galit na sabi nito sa’kin.
Napangisi nalang ako dito. Si Keira ang karibal ko kay Kaze. Sipsip siya kay Kaze, lagi niya pinapakita na mabait siya pero pag wala si Kaze, para siyang demonyo.
Alam ni Keira na matagal na kami ni Kaze pero siya, sinisiksik parin ang sarili sa boyfriend ko.
“Go, ‘di kita pipigilan”
“Proud kapa talaga, kaya ata nagsasawa na si Kaze sayo. Siguro wala pa ngyayari sainyo? Omg, don’t tell me ako ang nakauna sakaniya? Tsk, ‘di ako ang girlfriend pero mas masaya siya sa’kin. Gusto mo ba ikwento ko sayo kong ano ang ginawa namin sa condo niy—” Akmang sasampalin ko siya ng pumagitna si tita saamin, kaya siya ang nasampal ko.
Gulat ko naman tiningnan si tita ng mapaupo siya sa sahig. “T-tita, I’m sorry–”
Agad ko tinulungan si tita. Nakagat ko ang labi ko ng makita kong gaano namumula ang pisngi nito, parang naging kamatis ang pisngi nito.
“Tita I’m really really sorry, si Keira–” ‘Di ko natuloy ang sasabihin ko ng tapikin ni tita ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
“Wala kang karapatan saktan si Keira, at ang magiging apo ko”
Paulit ulit nagsi-sink sa utak ko...


ang sinabi ni tita. Magiging apo? Buntis si Keira? Napailing nalang ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
No, hindi pwede.
“T-tita”
“Tsk, buntis ako Zanaya at si Kaze ang ama. Ayaw mo kasi maniwala na may ngyari talaga saamin ni Kaze, na ako talaga ang nakauna sakaniya” Ngising sabi ni Keira. Napahawak nalang ako sa sofa na malapit saamin ng maramdaman ko ang paghihina ng tuhod ko.
Paano? Lagi kami magkasama ni Kaze kaya paano na nabuntis niya si Keira. Sa condo na ni Kaze ako natutulog, so paano ngyari ang lahat ng ‘to.
May tiwala ako kay Kaze pero may kong ano na napaniwala ako sa sinasabi ni Keira. Medyo malaki narin ang tyan nito, kaya mahahalata mo talaga na buntis siya.
“Love, are you okay?” Tanong ni Kaze. Nakarating na ako sa condo niya, hanggang ngayon ay tulala parin ako.
Siguro ito ang dahilan ni tita kaya gusto niya makipag-break ako kay Kaze.
“Ba’t ‘di mo binabawasan ang pagkain mo? May problema ba?”
Tiningnan ko ito, nagkatitigan naman kami. Paano niya nagawang magpanggap na para bang wala siyang iniindang problema. Hindi kaya niya niproproblema ang magiging anak niya, na masasaktan din ako.
Nasabi ni tita kanina na, kailangan na nila magpakasal. Nasaktan ako ng sobra dahil akala ko ako ang papakasalan ni Kaze, na ako ang magiging babaeng mamahalin niya habang buhay.
“B-buntis ako” ‘Di ko alam saan ko nakuha ang sinabi ko, basta nalang ito lumabas sa bibig ko.
Gulat naman itong tumingin sa’kin, halata sa mata nito ang pagkalito at pagtataka. “What do you mean?”
Kahit ‘di ko gusto gawin ‘to ay ginawa ko parin, gusto ko panagutan ni Kaze si Keira, ‘yun din gusto ni tita kaya mas magandang maghiwalay na kami bago sila ikasal.
Masakit pero ano magagawa ko? Kailangan kong tanggapin dahil kong ikukulong ko ang sarili ko sakaniya, mas lalo lang ako masasaktan.
“N-naalala mo ba ‘yung pinuntahan nating bar? Tapos ‘di ba may nakausap ako no’n na ‘di ko kilala?”
“Yeah, naalala ko. Ano meron sakaniya?”
Naginuman kasi sila Xander, Arlon. Ang mga kaibigan ni Kaze. Kasama ako no’n dahil wala naman ako magawa dito sa condo.
Habang nagiinuman sila no’n ay may nakausap ako, mabait siya. ‘Di ko siya kilala, ‘di ko rin natanong ang pangalan niya.
“M-may ngyari s-saamin”
‘Di ko alam kong maniniwala siya sa mga pinagsasabi ko sakaniya ngayon. Wala naman talaga ngyari saamin nong lalaki nayun, hinatid lang talaga niya ako sa cr dahil masyado madami ang mga lalaki na nakatingin sa’kin.
“What?”
Tumayo ako at tumalikod dito, gusto kona umalis dito bago pa niya ako pigilan. “And let’s break up”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.