0

STAY ALIVE CHAPTER ONE


Report

STAY ALIVE
CHAPTER ONE
Tahimik na nagbabasa sa kan’yang k’warto ang dalagang si Sadie habang nakahiga sa kama. Isa sa mga hilig n’yang gawin sa gabi ang magbasa ng mga librong patungkol sa mga kakaibang bagay tulad ng mga multo, paranormal, aliens, vampires, zombies at iba pa.
Maya-maya ay natigil s’ya sa ginagawa at otomatikong nangungot ang noo nang may kumatok sa pinto ng k’warto n’ya at tawagin ang kan’yang pangalan.
“Sadie, lumabas kana riyan, oras na para kumain!” malamyos na sigaw ng kan’yang tita na si Karen sa labas ng kan’yang k’warto.
Subalit imbes na sundin, ay mas pinili na lamang ni Sadie na ipagpatuloy ang ginagawang pagbabasa at magkunwaring walang narinig.
“Sadie ano ba? Sabing kakain na tayo!” muling sigaw ni Karen kasabay ng tatlong malalakas na katok sa pinto, dahilan para muling ihinto ni Sadie ang ginagawa at mataray na mapatingin sa direksyon ng pintuan.
Ilang saglit, binitawan ni Sadie ang hawak na libro at bumuntung hininga na tumayo sa pagkakahiga. Naglakad s’ya papunta sa pinto at padabog na binuksan iyon. Bumungad sa kan’ya ang kan’yang tita na may nagtatakang tingin. Hindi na lamang iyon pinansin ni Sadie at tila ba walang pakialam na naglakad na lamang papunta sa kusina.
Napailing na lamang ang kan’yang tita Karen sa inasal ni Sadie. Alam n’ya kung bakit gano’n na lamang ang inasta ng pamangkin, marahil galit pa rin ito dahil sa hindi n’ya kaagad pagsabi na hindi na makakauwi ang tatay ni Sadie sa araw ng kaarawan nito dahil sa sobrang pagka-busy sa trabaho.
“Sadie, alam kong galit ka pa rin, sorry kung hindi ko agad sinabi sa ‘yo na hindi na makakauwi ang papa mo dito sa birthday mo, you know how busy he is ‘di ba? Sana naman maintindihan mo,” mahinahong sambit ni Karen habang nagsasandok ng kanin.
Walang emosyong natigil sa pagsubo ng pagkain si Sadie at mahinang natawa.
“Tsk. Palagi na lang! Why do I always have to understand him? Why is it always me? How about me? Why he can’t understand me too?! All I want is his presence in my birthday and I didn’t ask for more, but he always have so many reasons and excuses para hindi magawa ‘yon!” sambit ni Sadie at bumuntung hininga.
Saglit na natahimik si Karen bago sumagot sa sinabi ni Sadie.
“Sadie, I understand what you feel, but do you think ayos lang sa kan’ya na hindi makauwi dito sa birthday mo? He had no other choice, he misses you so much and I know he can’t leave his work too, what should he do, then? Masakit din para sa kan’ya iyon, you know it naman ever since ‘di ba?” sagot naman ng kan’yang tita kung kaya’y hindi na nakaimik pa si Sadie.
Napasinghap na lamang sa hangin ang dalaga atsaka ipinagpatuloy ang pagkain.
Matapos kumain ay kaagad na nagtungo si Sadie sa kan’yang silid. Nang maisara ang pinto ng k’warto, kaagad na pinatay n’ya ang ilaw at tulad nang nakagawian ay nagtungo s’ya sa harap ng bintana na malapit lamang sa kan’yang kama. Hinawi ang kurtinang nakaharang at binuksan ang bintana. Sumilay sa kan’ya ang liwanag ng buwan na s’yang nagbibigay liwanag sa buong silid.
Napangiti s’ya habang pinagmamasdan ang kagandahan ng bilog na bilog at maliwanag na buwan habang nakatayo sa harap ng bintana.
“Beautiful as always,” she whispered.
Ito ang bagay na palagi n’yang ginagawa bago s’ya matulog sa gabi. Mas gusto n’ya na matulog sa liwanag ng buwan dahil naniniwala s’ya na ang liwanag ng buwan ay maaaring magdala sa kan’ya sa isang napakagandang panaginip, tulad ng itinuro sa kan’ya ng kan’yang ina na namayapa na, noong bata pa s’ya.
Palagi rin n’yang inaalala ang kan’yang ina sa tuwing titingin s’ya sa buwan at minsan wala sa sariling maiiyak na lamang s’ya dahil sa mga ala-alang iyon ng kan’yang ina.
Ilang minuto ang nakalipas, habang patuloy na pinagmamasdan ang buwan ay natigil si Sadie at kaagad na napatingin sa bahay na katapat lamang ng kanilang bahay. Malaking kalsada lamang ang namamagitan sa dalawang bahay.
Nangungot bigla ang noo n’ya nang mapansing tila may kung sinong humila sa kurtina na nasa bintana ng bahay na katapat lamang ng kanila, ang bintanang iyon ay katapat lamang din ng bintana ng k’warto n’ya.
“Did someone’s watching me over here?” tanong n’ya sa sarili habang nakatingin sa bintana ng katapat na bahay.
Bigla na lamang n’yang naalala ang lalaki na kasing-edad lamang n’ya na nakatira sa bahay na iyon kung kaya’y lalo s’yang nagtaka at mapangiwi.
“That room was probably his room and there’s a chance that it’s him? But why would he do that? That’s obviously wrong! Is he a pervert or what?!” bulalas na lamang ni Sadie sa kan’yang sarili habang nakatingin pa rin sa kabilang bintana.
“Hell no way! Maybe I’m just thinking the wrong thing. I should go to sleep na, hays!”
Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay naisipan na lamang ni Sadie na magtungo na sa kan’yang kama at humiga para matulog.
Sa kabilang dako, tila nakahinga naman nang maluwag ang binatang si Finn na nakaupo sa sahig nang sumilip s’ya sa bintana at makitang wala na ang dalagang si Sadie sa harapan ng bintana ng bahay nito.
“What the hell! I thought she would get to see me, buti na lang naisara ko agad ang kurtina, damn,” sambit ni Finn sa kan’yang sarili at bumuntung hininga.
Ilang saglit pa ay napangiti s’ya nang muling maalala si Sadie, sa kung paano nito pagmasdan nang nakangiti at maigi ang buwan kanina.
“She’s always beautiful, just like the moon,” bulong n’ya na sa sarili habang nakangiti.

Kinabukasan.
Umaga nang magising si Sadie sa tunog ng kan’yang alarm clock. Bumangon s’ya sa kama na papikit-pikit ang mata at tila ba inaantok pa.
Binuksan n’ya ang pinto at lumabas ng k’warto, subalit pagbukas n’ya ay kaagad s’yang nagtaka sa nakita.
“Nana Elen?” sambit n’ya nang makita ang nag-iisang katulong nila sa bahay na si Elen na nakahiga sa sahig sa kabilang pasilyo habang tila nangingisay ang katawan.
Dahan-dahan s’yang lumapit roon at lalo pa s’yang nagtaka nang makitang nangingisay nga ito at nakatirik pa ang mga mata na halos puti na lang ang n
makikita.
“Nana Elen, ano pong nangyayari sa inyo?” nag-aalalang tanong ni Sadie sa matanda habang iniyuyugyog ang balikat nito, ngunit tila hindi s’ya nito naririnig at patuloy lamang ito sa pangingisay.
“Nana Elen,” muli n’yang sambit habang nakakaramdam na ng takot.
Mayamaya pa ay nanlaki na lamang ang kan’yang mga mata nang makarinig ng malakas na pagsabog na nanggaling sa labas ng kanilang bahay. Dahil sa labis na pagkagulat ay napahawak s’ya sa kan’yang dibdib at napatingin sa malaking bintanang salamin malapit sa kinaroroonan n’ya.
Lalo pa s’yang nagulat nang makarinig ng mga malalakas ng pagsigaw ng mga tao sa labas. Ramdam na ramdam na rin n’ya ang takot na namumuo sa kan’yang sistema at ang labis na kaba sa kan’yang dibdib.
Dahan-dahan ay nagtungo s’ya sa malaking bintana upang tingnan ang labas. Dito na s’ya labis na nasindak nang makita kung anong kaguluhan ang nangyayari sa labas ng kanilang bahay.
Napahawak na lamang s’ya sa kan’yang bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Nakikita n’ya ngayon ang mga taong nagkakagulo, nagtatakbuhan, sumisigaw habang ang iba ay puno ng dugo sa katawan, may mga sasakyang nasusunog at higit sa lahat bagay na mas nagpasindak kay Sadie. Mula sa bintana, nasasaksihan ng dalawa n’yang mata kung paano kagatin ng ilang duguang tao ang iba pang tao na tila mga gutom na hayop. Ang hitsura ng mga taong iyon ay labis na nakakatakot, itim na itim ang kulay ng mga mata at mabibilis kung kumilos. Kinakagat nila ang kung sino mang tao na kanilang makita nang walang habas pati ang mga lamang loob nito ay kinakain din nila na animoy mga kanibal. Samantalang ang mga tao na kanilang kinakagat ay nagiging katulad din nila kalaunan na tila isang mabangis na halimaw.
Napa-atras na lamang si Sadie dahil sa mga nasaksihan at sa sobrang takot kasabay ng mga ideyang biglang lumitaw sa kan’yang...


isip.
“Z-Zombie a-apoca—”
Bago pa n’ya maipagpatuloy ang sasabihin ay natigil na lamang s’ya nang may maramdaman mula sa kan’yang likuran na tila tunog ng binabanat na mga buto at garalgal na ungol. Dito na n’ya naalala ang katulong na si Elen na kanina ay nakahiga sa sahig habang nangingisay ang katawan.
Mula sa repleksyon sa salamin ng bintana, muling nanlaki ang mga mata ni Sadie nang makita roon kung paano dahan-dahan na tumayo ang matandang babae habang umuungol.
Unti-unti ay lumingon s’ya at dito na s’ya nilamon ng labis na takot nang makita n’ya ang nakakatakot na hitsura ng Nana Elen n’ya, naging purong itim ang kulay ng mga mata nito at may dugong tumutulo pa sa bibig habang matalim na nakatingin sa kan’ya.
Sumigaw ito at ilang sandali pa ay bigla na lamang tumakbo papunta sa direksyon n’ya habang nakabuka ang bibig.
Dala ng labis na takot at pangamba ay mabilis na nakakilos ang dalagang si Sadie bago pa s’ya maatake ng matandang babae na naging zombie na. Nakaiwas ang dalaga at dahil dire-diretso ang takbo ng matandang zombie ay dumiretso ito sa malaking bintana kung saan s’ya tumama, nabasag ang salaming bintana at hindi inaasahan ay nahulog ito mula roon. Bumagsak ang matandang zombie sa labas ng kanilang bahay.
Dahil sa labis na kaba ay napaupo na lamang si Sadie habang hinihingal at nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa hindi makapaniwala. Muli s’yang tumayo at dahan-dahan na tumingin muli sa bintana.
Tumingin s’ya sa ibaba at muling nasindak nang makita kung paano dahan-dahan na nakatayo ang nahulog na matandang zombie kahit na nagkanda-bali bali ang mga buto at braso nito dahil sa pagkahulog.
Muling napa-atras si Sadie at unti-unting may luhang pumatak sa kan’yang mata. Hindi na n’ya mapigilang maiyak dala ng sobrang takot.
Subalit, muli s’yang nagulat nang makarinig ng malalakas at sunod-sunod na katok mula sa unang palapag.
Kinakabahan man ay bumama ng hagdan si Sadie at nang nasa unang palapag na s’ya, nalaman n’yang nanggagaling ang katok na iyon mula sa main door ng kanilang bahay. Humakbang s’ya at lumapit sa pinto upang alamin kung sino iyon.
Ramdam n’ya ang panginginig ng mga tuhod sa mga oras na ito habang dahan-dahan na humahakbang patungo sa pinto.
“Sadie, nand’yan ka ba? Buksan mo ang pinto, tita Karen mo ‘to. Pleaseee buksan mo na pinto natatakot na ako dito!” sigaw ng kan’yang tita Karen sa labas ng bahay na s’ya palang kumakatok sa pinto.
Kaya naman tumakbo na si Sadie papunta sa pinto at hindi na nagdalawang isip pa na buksan ang pinto gayong alam n’ya na ang kan’yang tita ang nasa labas.
Nang mabuksan ang pinto ay mabilis na pumasok si Karen at isinara kaagad ang pinto.
“T-Tita, are you okay?” bungad na tanong ni Sadie sa kan’yang tita nang makita itong sobrang hinihingal at nanginginig.
“I-I am fine. N-Now, close all the windows and doors. Isara mo nang maigi para walang makapasok na i-infected, d-dalian mo!” utos ni Karen kay Sadie kung kaya’y kaagad na sinunod ng dalaga ang pinapagawa sa kan’ya kahit pa takot na takot pa rin ito.
Mabilis na nagtungo si Sadie sa mga sulok ng kanilang bahay upang isarado ang lahat ng pinto at bintana.
Samantala, nagtungo naman ng kusina si Karen habang hawak-hawak ang kamay na may dugo. Binuksan n’ya ang gripo at hinugasan ang nanginginig na kamay na may malaking sugat. Hindi n’ya mapigilang makaramdam ng sakit dahil sa sariwa pa ang sugat na iyon.
“Tita, naisarado ko na po lahat ng pinto at bintana sa bahay,” saad ni Sadie matapos isarado ang lahat ng bintana at pinto sa buong kabahayan.
“M-Mabuti kung gano’n, nasaan nga p-pala si Nana Elen?” tanong ni Karen kay Sadie habang patuloy na hinuhugasan ang kamay.
Nangungot ang noo ni Sadie nang may mapansing kakaiba sa kan’yang tita. Pansin n’ya ang panginginig ng boses nito habang nagsasalita, kahit nang makapasok ito ay iyon agad ang napuna n’ya. Hindi n’ya mawari ang pakiramdam pero may kutob na s’ya.
“W-Wala na po si Nana Elen, tita,” tugon ni Sadie.
Natigil sa paghuhugas ng kamay si Karen sa sinabing iyon ng pamangkin.
“A-anong ibig mong s-sabihin?” sambit nito at dahan-dahan na lumingon kay Sadie.
Lalo lamang nagtaka at nakaramdam ng kakaiba si Sadie nang makita n’ya ang hitsura ng kan’yang tita ngayon, namumutla ito, sobrang pawis na pawis, at ang mga mata ay tila unti-unting nag-iiba. Dahil doon ay hindi kaagad nakaimik ang dalaga gawa ng takot at dahan-dahan s’yang humahakbang patalikod.
“S-si Nana Elen, n-naging zombie s’ya kanina, muntik na n’ya akong atakihin kanina subalit mabilis akong naka-iwas. Dahil don, nahulog s’ya sa may malaking bintana sa 2nd floor,” paliwanag ni Sadie habang dahan-dahan na umaatras. Hindi na nakapagsalita pa ang kan’yang tita at animoy nagulat sa narinig.
Napansin na rin ni Sadie ang malaking sugat nito sa kamay na may tumutulo pang dugo.
“Tita, anong nangyari sa kamay mo? B-Bakit may sugat iyan? Nakagat ka ba?” nauutal na tanong ni Sadie subalit imbes na sagutin s’ya nang kan’yang tita ay bigla na lamang itong nangisay-ngisay habang nakatayo na tila ba binabali nito ang sariling mga buto at nakatirik ang mga mata.
Napasigaw na lamang si Sadie dahil sa gulat at alam n’ya na sa mga sandaling ito ay hindi na s’ya ligtas.
Ilang segundo lamang ay natigil sa pangingisay ang katawan ng kan’yang tita at bigla na lamang itong sumigaw habang ang mga mata ay tuluyan nang naging itim. Ngayon, alam na ng dalaga na naging zombie na rin ang kan’yang tita.
Dito na naisipan ni Sadie na tumakbo subalit sa pagtakbo n’ya at s’ya ring pagtakbo ni Karen sa kan’yang direksyon. Mabilis na hinabol ng zombie na ito ang dalagang si Sadie hanggang sa muntik na s’ya nitong makalmot sa braso, mabuti’t kaagad na nakaiwas si Sadie at mabilis na kinuha ang isang vase ‘saka walang alinlangang inihampas iyon sa ulo ng kan’yang tita. Ngunit hindi pa rin iyon sapat dahil tila hindi man lang nakaramdam ng katiting na sakit ang kan’yang tita at muli itong tumakbo sa direksyon n’ya.
Tumakbong muli si Sadie at umakyat s’ya sa hagdan patungong ikalawang palapag kung nasaan ang k’warto n’ya habang sinusundan pa rin ng nagwawalang zombie. Ngunit bigla na lamang s’yang nahila sa paa nito kung kaya a napaupo na lamang s’ya sa hagdan. Gawa ng sobrang pangamba ay mabilis na tinadyakan ni Sadie ang kan’yang tita upang makatakas.
Muli nang makatayo at tumakbo s’ya paakyat sa hagdan hanggang sa marating ang ikalawang palapag ay mabilis na nagtungo si Sadie sa kan’yang silid at kaagad na pumasok rito. Subalit kaagad din s’yang nasundan ng kan’yang tita. Mabilis n’yang isinarado ang pinto. Muntikan pa itong makapasok sa kan’yang silid at mahablot s’ya, mabuti’t naisara n’ya kaagad ang pinto.
Nang marinig ni Sadie ang nakakatakot na sigaw ng kan’yang tita sa labas ng kan’yang k’warto at kung paano nito hampasin ang pinto gamit ang ulo ay napa-atras na lamang s’ya. Muli s’yang napaiyak habang nakatingin sa pinto.
Muli s’yang nakarinig ng mga sigawan at pagsabog kung kaya’y napatingin s’ya sa bintana ng kan’yang silid na nakabukas. Mabilis s’yang nagtungo roon at muling sinulyapan ang kaguluhang nangyayari sa labas. Lalo lamang s’yang naiyak sa mga karahasang nasasaksihan kaya naman kaagad n’yang hinawi ang kurtina at isinarado ang bintana.
Naupo na lamang si Sadie sa kan’yang kama atsaka tinakpan ang mga tenga gamit ang palad habang patuloy na may luhang lumalandas sa kan’yang pisngi, kasabay ng labis na kaba at takot na nararamdaman. Tulala habang nagsi-sink in pa rin sa utak n’ya ang lahat ng nangyari kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin n’ya lubos maisip na nagaganap ngayon ang tinatawag na zombie apocalypse na inakala n’yang hindi totoo. Kung noon ay nababasa lamang n’ya ito sa mga libro, ngayon ay nangyayari na.
Habang umiiyak ay napatingin s’ya sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng drawer na nasa paanang bahagi ng kan’yang kama. Ang litrato n’ya kasama ang mga magulang n’ya.
Kasabay non ang mga salitang ibinigkas n’ya.
“P-papa, p-please … save m-me…”
(TO BE CONTINUE)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.