0

SPECIAL BOLA-BOLA


Report

°|YESHA POV |°
“Sir, teka,” tawag ko kay khen. Ni hindi niya ako nilingon nito. Nawala na rin agad ito sa paningin ko. Nag-aatubili akong iwanan ang puwesto ko sa pila. Malay ko ba Kung saan hahanapin ang lalaking iyon.mukha naman makikita pa kami ulit nito, malamag sa susunod ay ibang babae na naman ang kasama nito. Saka ko na lang ibibigay ang sukli nito. At hindi nga nangyari ang inasahan ko. Lumipas ang isang linggo,dalawa, tatlo pa nga pero hindi na bumalik pa ang lalaki. Sa totoo lang ay hindi ako mapakali, lalo pa nang umabot nang dalawang buwan na hindi ko na ito nakikita.
“panay ang Linga mo. May hinahanap kaba?” puna ni mang kosme sa akin, isa sa mga kutserong kaibigan Ng itay ko.
“iyon pong lalaking Madalas na maging pasahero ko,” sagot ko.
“Nakow, sinasabi ko na nga ba. Kras mo, ano?” pinagsasabi. `pasalamat kayo at hindi ako pumapatol sa matatanda, Kung hindi, sinama kayo sa`kin.”
Bumunghalit ito ng tawa.” tinamaan ng magaling at namumula pa ang mga...


pisngi mo! Patay tayo diyan. Kras mo na nga`Yong guwapitong `iyon?
” Hindi ko po siya crush. Ano`ko sira? Mag kaka-crush sa kagaya niyang saksakan ng palikero? Hinahanap ko lang siya dahil ang laki ng ibinayad niya dati. Isang libo. Balak kong ibalik`Yong sukli pero hindi na siya napadpad dito. Hindi ko tuloy malaman Kung gagastusin ko na`Yong Pera o hindi. Kapag ginastos ko at bigla siyang sumulpot, saka hinging ang sukli, ano ang ibibigay ko?Kung hindi ko naman gagastusin, `tapos hindi naman pala siya babalik, sayang naman at___”
“Ang haba ng paliwanag mo, `ineng,” tatawa-tawang sabi nito.
Nakakainis. Parang may alam ito na hindi ko dapat na malaman.
At ano kaya iyon aber?
O, ako, aaminin ko na, medyo nami-miss ko nga si khen.
Pero miss na dahil may gusto ako sa KANIYA, ha, paglilinaw na Saad ko sa aking sarili. Nakawilihan ko na rin kasing manood sa teleserye ng buhay niya. At oo na, sige, aaminin ko din na nakakatuwa itong pagmasdan. Guwapo at macho ito.
TO BE CONTINUED..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.