0

Sorry


Report

One day habang papaalis na ako ng coffee shop may nabanga ako.”Sorry”sabi niya habang nakayuko.. at bilang bad mood ako nun sinagot ko siya ng “tatanga-tanga kasi feeling maganda kaya paharang-ha—“hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinaas niya ang ulo niya… napaurong naman ang dila ko ng nakita ko ang mukha niya at parang nagsisisi na ako sa mga sinabi ko sakanya.”Umm mister?”dun lang ako napabalik sa tamang pagiisip. “A-ah b-bakit?”nauutal na tanong ko siguro dala na rin ng hiya kaya mabilis ang tibog ng puso ko at parang lalabas na ito. “Wala. Sorry talaga ah. Sige mauuna na ako” sabi niya sabay ngiti. Paalis na sana siya pero umarte ako na parang nasaktan kaya agad siyang napalingon at tumakbo papunta sa direksyon ko. “Hala! Ano po bang magagawa ko?”natatarantang tanong niya.. natatawa na ako pero pinipigilan ko lang. Ang cute kasi niyang mataranta eh.. paano ko kaya makukuha ang number nito? Yun lang ang nasa isip ko. Nang bigla akong naalala ” Ah miss??”tanong ko. “Nikisha. Nikisha Sarmiento. Mister??”tanong niya “Trake Del Valle”sagot ko “Hmm pwede bang mahiram phone mo tatawagan ko lang bestfriend ko” sabi ko sabay ngiti… walang alinlangan naman niyang binigay. Dinail ko ang number ni Ash. Yung bestfriend ko at matapos ang tatlong ring sinagot naman niya ito. (Oh problema mo)
(Bro save mo tong number ha?)syempre bulong lang yan at sapat lang na kaming dalawang naguusap lang ang makakarinig
(akala ko naman...


kung ano na tss) dinig kong sabi niya sa kabilang linya bago ko ito pinatay. Nagpasalamat ako kay nikisha at nagpaalam nang umalis.Makalipas ang ilang linggo mula nung makuha ko ang number niya at magkatext mate na kami.. inaamin ko Kinikilig ako sa mga banat niya pero hindi ako bakla ah.. hangang sa nagkikita na kami.. naging magkaclose.. linigawan ko na siya at pumayag naman siya..pinakilala na niya ako sa parents niya at tangap naman ako. Pinakilala ko na rin naman siya kay mama at boto naman siya.. naalala ko nun eksaktong 2:34 P.M. sa SM the block. May 7, 2013 sinagot niya ako…5 years from now… until ngayon. Nadapa sa school si Gina. At syempre dahil kaibigan niya ako at ako ang pinakamalapit sa kanya ako ang tumulong. Ewan ko lang kung kaibigan lang din ang tingin niya sakin.Sinubukan ko siyang dalhin sa clinic pero nakaclose dahil naka leave daw yung school nurse. Dinala ko na siya sa ospital iiwan ko na sana siya kaya lang sabi niya dun muna daw ako. Hanggan sa hindi ko na namalayan past lunch na…. at nakalimutan kong anniversary namin ni nikisha… kaya ngayon ngayon lang nakipagbreak siya.. dahil nagkasagutan kami dito din sa app na toh.. Love, kung nababasa mo toh.. sorry na… sorry dahil nakalimutan kong anniversary natin… sorry… sorry sa lahat.. pag-usapan natin toh love… wag ganito… I love you… comment ka pagnabasa mo toh ah… sorry talaga Love


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.