0

SOMEWHERE OUT THERE


Report

SOMEWHERE OUT THERE”
Author: Venzstrayk
CHAPTER 1- HANS POV
“son gising malalate ka na sa klase” mom
“Give me more minutes mom, I’m so sleepy” mahina kong sabi sa kanya
“No kailangan mo nang maghanda, kaya bumangon ka na riyan at hinihintay ka nila sandrew sa baba”
“Fine” bumangon ako nang nakapikit parin ang mata
Ang sakit kasi ng mata ko, nag inoman Kasi kami kagabi
Pumasok na ako sa banyo para maligo
Pagkatapos ay nagbihis na at bumaba na agad sa baba, nakita ko naman kumakain na sila
“Akala ko ba kailangan sabay kumain bat hindi niyo ako hinintay?”TANONG ko sa kanila
Lumingon naman sila sa kinatatayuan ko
“Eh Kasi naman kuya nagugutom na kami, ang tagal mo kaya maligo” sabi ni Trixie
I rolled my eyes on her
At umupo na lang para kumain
“Ang taray, parang bakla lang” -Trixie
“Anong sabi mo?”
“Oh tumigil na kayo, bawal mag away sa harap ng hapangkainan”-dad
“Kayo tlagaa bat hindi parin kayo nagkakasundo ha?, Mga pasaway parin kayo”-mom
Hindi ko na lang pinansin pa ang unang sinabi nila mom and dad, Kain lang ako ng Kain hanggang sa natapos nako tumayo nako at nagpaalam na
Tss as if naman kahit kailan hindi nila ako naging paboritong anak puro na lang kay trixie
Palagi pa akong kinukumpara sa babaeng yun
Ano naman kung mabait siya, siya na nasa kanya na lahat, ampon lang naman ang babaeng yun
Hindi ako magiging katulad niya
Hindi ko pinangarap maging katulad niya
Masaya ako sa pagiging ako at wala akong pake kung may masasaktan man
“Oh bat parang problemado ka pare?” Tanong sakin ni Sandrew pagpasok ko sa sasakyan
“Wala”tipid kong sagot
“Okay”-sandrew
*FAST FORWARD
Nandito na kami sa school, at madami na namang mga babaeng nagkakandarapa, nagsisisgawan at kung ano ano pa
Walang pinagbago
“OOOOOOMMMMMMMMGGGGGGGG!!! PAPUNTA NA SILA DITOOOOOO” sigawan ng mga babae sa canteen
Ang sakit sa tenga yung mga sigaw nila
Buti na lang talaga naka headset ako ngaun
“HI FAFA HANS ANAKAN MO KO PLEASE” girl 1
“ANG POGI TALAGA NI FAFA HANS UWU”girl2
“HANS TYLER ZIROS, PLEASE CAN YOU BE MY BOYFRIEND”girl3
“Grabe pare ang lakas talaga ng karisma mo”pabulong na sabi sakin ni Anton
Napatawa na lang ako sa sinabi niya
Kasalanan ko ba kong pogi ako di ko naman sinasadya yun
Umupo na kami sa favorite naming pwesto Dito...


sa Canteen, uupo na sana kami ng may biglang babaeng umupo dito
She looks familiar for me
I don’t know when?
“Hmm excuse me miss”-Anton
Lumingon naman ito kay anton at kay sandrew at sakin, doon nagtama ang paningin namin
Napaiwas naman agad ito
“What is your name?” Tanong ni Sandrew dito
“A-ah a-ako s-si” hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil may biglang humila sa kanya
Tumingin naman yung naghila sa kanya,sa akin sabay smile
“Pagpasensiyahan niyo na itong kaibigan ko namali Kasi siya ng inupuan” sabi nito at umalis na silang dalawa sa harap namin
“Fuck pare ang ganda niya pero parang nakita ko na yung babae na yun, hindi ko lang matandaan kung saan” sabi ni sandrew at nag iisip
“Ako din pare, parang nakita ko na din siya somewhere” sagot naman ni Anton
_____________&&&_______&&&______
OLIVIA POV
“Ano ka ba naman girl, hindi mo ba alam na ipinagbabawal upuan doon, buti na lang hindi ka nila sinigawan o pinahiya” sabi ni dina sakin
“Bakit pinagbabawal upuan don? Wala naman pangalan na nakalagay”
“Hay di mo Kasi ako naintindihan, alam mo Kasi ganito yan, favorite tambayan nila yan at naiinis sila kapag may ibang umupo dyan, hindi ko alam talaga kung bakit basta ang alam ko bawal upuan yun”
Mahaba nitong sabi sakin pero wala ako ni isa na gets tumango na lang ako bilang pagsang ayon kahit wala naman talaga akong naintindihan
“Naintindihan mo ba ang pinagsasabi ko?” Tanong sakin ni dina
“Oo naintindihan ko” malakeng kasinungaligan
“Good, tara na baka ma late pa Tayo sa next subject natin” aya sakin ni dina
Tumango Naman ako at nagsimula na kaming lumabas ng canteen
“Anne” may biglang tumawag sa pangalawa kong pangalan kaya naman napalingon ako
At nakita ko si Steven
Kumaway naman ako sa kanya
“Magkakilala kayo?” Takang tanong ni dina sakin habang si Steven ay papunta pa sa kinatatayuan namin
“Oo”
“Pano kayo naging close?” Tanong niya ulit
“Magkaibigan na kami mula pagkabata” sagot ko
Tumatango tango naman siya
“Ang ganda mo na, Dito ka na ba mag aaral?” TANONG sakin ni Steven habang nakangiti
“Oo”
“Kailan ka pa dumating dito, bat di ka nagsabi? Pupunta ako sa inyo mamaya ha, makikikain lang” sabi nito at tumawa ng malakas
Amp hindi parin nagbabago ang lakas parin niyang tumawa at matakaw parin
*END OF CHAPTER 1


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.