2

Sadness


Report

Anne Pov,

Anne ay isang magandang babae. 18yr old. Seryuso ang unang tingin mo sa kanya, wala siyang gaanong kaibigan tanging si Jake lang ang kanyang laging kasama at kausap.

Nandito ako ngayon sa puntod ng aking mga magulang. Halos isang oras na akung nakatayo dito.

Hindi parin maialis sa isip ko ang trahedyang sinapit nila na kumitil sa kanilang buhay.

Isang buwan na ang lumipas at halos araw-araw na nadudurog ang puso ko.

Bakit kayo kinuha sa’kin? Alam niyo namang hindi ko kayang mag-isa. Ayokong malungkot. Ayokong malungkot.! Nagsisigaw na isip ko. Hindi ko kakayanin.

Magulo ang isip na umuwe ako ng bahay. Habang ako ay nakahiga narinig kung nag vibrate ang phone ko at dali-dali ko itong kinuha sa loob ng bulsa ng pantalon ko.

(Message allert)

From: Jake

Anne, how are you? Nasaan ka ngayon? Text ka agad kapag nabasa mo ito..

Napangiti naman ako kasi kahit paano nandyan si Jake para sakin. Two months ko nang siyang kaibigan at siya lamang ang nagpapasaya lagi sa’kin.

Nakangiti ako habang naiisip si Jake nang maalala ko na kailangan ko nga palang pumunta ng mall. Dahil first day of school namin bukas.

Nandito na ako ngayon sa mall patingin-tingin ng mapansin kung may apat na kalalakihan na naghaharutan habang sila ay naglalakad.

“Aray” hawak ko sa braso ko na natamaan ng isa sa kanila

“S-sorry miss” lapit nya sakin na may pag-aalala

“Hindi naman kasi dito playground ang haharot niyo” Asar na pagkakasabi ko. Dahil ang sakit ng pagkakatama niya sa’kin.

“Haha! Ang sakit mo naman. Nagsorry na nga diba?” natatawa pa nyang sabi. Na may kasamang pa cute pa.

“Ang taray pre” sabi naman nung isang kasama nya na may kahabaan ang buhok.

“Haha! Yari ka pare ginalit mo” mapang-asar na singit naman ng isa. Samantalang nakangisi naman ang isa.

“Letche!” Inis kung salita at nilayasan ko na sila. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kung mag salita.

“Allen nga pala” sigaw nitong nakabunggo sa’kin at hindi ko alam ah, dahil kusa akung lumingon. Nakita ko pa syang kumindat sakin na kinailang ko.

Maaga akung nagising at nagmadali na akong pumasok at isa pa excited na akung makita si Jake. Yeah gusto ko si Jake siya lang ang nagpapasaya sa’kin.

Habang naglalakad ako sa loob ng campus natanawan ko si Jake. Napawi ang saya ko sa nakita ko, may kasama siyang babae at magkahawak kamay pa sila pakiramdam ko unti-unting tinutusok ang puso ko. Ang kirot, ang sakit. Sigaw ng isip ko.

Umalis na ako agad at sa ibang daan ako dumaan. Mabilis akung naglalakad kasabay naman ng sunod-sunod na pagbagsakan ng aking luha. Nang biglang..

“Ah,ano ba!?” Singhal ko sa nakabunggo sakin. Nakakainis yong nagmamadali kana tapos makakabangga kapa.

“I’m sorry miss” naasar naman ako lalo ng makita ko kung sino. Walang iba kundi yong nakabangga sakin kahapon.

“Oh! Its you again. talagang pinagtatagpo tayo” mapang-asar na sabi nya sakin na nakangisi pa siya.

“Pwede ba! Wala akung panahon makipagbiruan sayo!” Inis kung sigaw sa kanya pero nakangiti pa siya.

“Sandali! Umiiyak kaba? Alam mo kung sino man ang nagpaiyak sayo, gago sya!” hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa mga sinabi nya.

“Ano bang pakialam mo!?” at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Iniwanan ko siyang umiiling-iling pa.

Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Jake. Sya na ba yong kinukwento mo sakin jake? Ang sakit!. Naramdaman ko nalanh na may tao sa likod ko.

“Nandito ka pala! Hinintay kita kanina sa klase. Pero hindi ka naman pumasok” hindi ako kumibo nakikinig lang ako naramdaman kung umikot sya paharap sakin.

“May problema ba Anne?” Hindi ko na matiis na hindi mag-salita dahil pakiramdam ko nagsisikip na ang aking paghinga

“Meron, at ikaw ang problema ko” puno ng hinanakit na salita ko sa kanya. “Siya na ba yon Jake?” Mahinang tanong ko. Dahil pakiramdam ko hindi ko na kaya pang marinig ang isasagot nya.

“Alin, ah si Jane ba? Nakita mo na pala” hindi ako sumagot nanatili akung nakatingin sa ibang direksyon.

“Kaya nga kita hinanap kasi ipakikilala kita kasi sabi ko ikaw ang mabait na kaibig–”

“Huwag mo ng ituloy” putol ko sa dapat na sasabihin nya.

“Ako ba Jake hindi mo naramdaman na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo?” Garalgal na pagkakasabi ko at kasabay na pagpatak ng luha ko

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Maang-maangan mo pa na tanong. Na lalong kinagalit ko.

“Bakit ako? Hindi mo ba ako nagustohan kahit minsan Jake? Yeah, narinig mo gusto kita at mahal na siguro kita” direktang amin ko sa kanya.

“I’m sorry Anne, pero may iba akong mahal” parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa sinabi nya.

“Wala ba talaga?” Pabulong na salita ko. Hindi na sya sumagot sa halip ay yumuko sya. Sa pagyuko niya na yon umalis na ako agad at nagtatakbo palabas ng campus.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwe dahil hindi naman ako sumakay. Lahat ng makita kung bagay pinaghahagis ko at sinisipa hanggang sa mapagod ako naupo sa isang sulok. Ayoko ng ganito! Ayokong mag-isa. Ayokong nalulungkot. Ma, pa bakit kasi kayo nawala? Malungkot ako ngayon. Sinaktan ako ng lalaking minahal ko.

Magulo ang isip ko ng mapatingin ako sa basag na salamin. Gumapang ako at dinampot ang matalim na piraso ng basag na salamin....


Balak ko na sana itong ihiwa sa pulso ko nang..

“Huwag! Bitawan mo yan” gitla naman ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

“Bakit nandito ka? At paano ka nakapasok dito?” Nagugulohang tanong ko.

“Naiwan mo kasing bukas ang pinto kaya nakapasok ako. At sinundan talaga kita” tulala naman ako sa kanya habang nagsasalita sya.

“Kung ano man ang binabalak mo huwag mo ng ituloy. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa tao na yon. I’ m here” sa sinabi na yon ni Allen bigla akong nakaramdam nang may kakampi.

Dalawang linggo na ang lumipas super close na kami ni Allen at dahil sa kanya nakalimutan ko si Jake. Walang pasok ngayon kaya nakahiga parin ako ng marinig ko may kumakatok.

“Oh, Allen ang aga mo ah?” Nakangiting bungad ko sa pinto

“Na miss kasi kita, nagbreakfast ka na?” Nakangiting tanong nya.

Matapos naming pagsaluhan ang dala niya magkatabi na kaming nakaupo sa maliit na sopa habang na nonood ng t.v nang mapansin kung napapatingin sakin si Allen. Naalala ko na nakamanipis lang pala ako na damit na pantulog kaya tumayo ako agad. Ngunit pinigilan ako ni Allen kaya napaupo ako muli.

“Sandali! Aakyat lang ako magpapali–”

“Huwag ka nang magpalit” mahinang pagkabulong ni Allen sa tenga ko na nakapaghatid nang kakaibang kiliti at init.

Nagulat nalang ako nang sunggaban ako agad ni Allen ng mapangahas na halik. Sa una’y ayoko pero gusto ng katawan ko kaya nagpaubaya ako.

Isang linggo na ang lumipas at sa loob ng isang linggo na yon pulit-ulit na inangkin ako ni Allen.

——

Kasalokuyan akung nag-aayos ng gamit ko para sa pagpasok ng mag vibrate ang phone ko.

From: Allen
Anne baka hanapin mo ako, may gagawin lang akung importante. Ingat i love you..

Huling message na natanggap ko mula kay Allen. Isang buwan na ang lumipas na hindi siya nagparamdam sa’kin na labis na kinalungkot ko. Isang buwan na akung hindi pumapasok sa school nandito lang ako s loob ng bahay walang ginawa kundi ang umiyak, magwala, saktan ang sarili ko.

Tang-ina mo Allen! Pagkatapos mo akung pagsawaan. Nasaan kana? Gago ka! Pinaasa mo ako. Bigla mo nalang ako iniwan pare-pareho kayong lahat. Iniiwan nyo ako. Dapat magsama-sama kayong mamatay!.

Natigilan naman ako sa naisip ko. Tumawa nalang ako na parang nababaliw.

Kung saan saan ako nagtatanong tungkol kay Allen. Atat na akung makita sya. Nandito ako ngayon sa labas ng school nakatambay sa medyo tagong lugar. Hanggang sa makita ko si Jake. Nanlilisik na naman ang mga mata ko sa nakita kung masayang mukha ni Jake habang naakbay sa babae. Gago ka jake! Kinalimutan mo na talaga ako. Ikaw ang saya saya mo ngayon. Ayokong maging masaya ka!

Nandito ako ngayon sa loob ng bar dahil may nakapagsabi sakin na dito laging tumatambay si Allen. Na miss na kita Allen, Nandito na ako. Sumilay ang mala demonyong ngiti sa labi ko.

Lahat nang madaanan ko napapatingin sa’kin. Dahil subrang sexy ko sa suot kung black dress na subrang ikli. Nanginngislap ang kaputian ko. At isa pa talagang napakaganda ko ngayon.

Pumasok ako sa isang pintuan dahil naka private si Allen. Pagpasok ko sa loob gitla ang nabungaran ko kay Allen.

“Oh? Para kang nakakita ng multo ah ” Natatawang sabi ko at lumakad ako palapit sa kanya at pumatong sa kandungan nya.

“Hindi naman, nagulat lang ako” alanganing ngiti nya.

“Huwag ka ng kumuha ng babae ako nalang” mapang-akit na bulong ko sa tenga ni Allen habang kinakagat-kagat ko ang tenga nito

“Yeah, lalo kang gumanda ngayon ah” puno ng Pagnanasa na titig niya sakin pababa sa dib-dib ko.

“Fuck! You’re so hot!” Napangiti naman ako. Sige lang Allen pakasawa ka.

Hinapit nya ako palapit sa kanya at inamoy-amoy ang leeg ko. Habang hinihimas nya ang buong katawan ko. Magkasabay na nahubad namin ang aming mga kasuutan. Naka pwesto na ako ngayon dito sa ibabaw niya.

“Shit! Ang galing mo na Anne” napapapikit pa sya sa subrang sarap. Kaya naman mas hinusayan ko pa ng husto. Habang nakapikit si Allen dahang dahan kung inabot ang bag ko dito malapit samin at kinapa ko ang dalawang matalim na kutsilyo. Hawak ko na ito ngayon at nakangiting tinaas ko ito sa ere.

“I love you Allen” may kalakasan na salita ko na kinamulat ng mata nya. Ganun nalang ang panlalaki ng mata nya ng makita nya ang hawak kung dalawang kutsilyo.

Pwersahang ibinaon ko ito sa magkabilang dib-dib niya bago pa sya nakagalaw. Ibinaon ko pa ito ng husto sa dib-dib nya. Dilat ang mata ni Allen ng iwan ko sya.

——

Nandito ako ngayon sa malapit sa inuupahan na bahay ni Jake. Inaabang kung lumabas sya saktong lumabas si Jake at mukhang may bibilhin lang mabilis akung kumilos at pumasok ako sa bahay ni Jake dahil hindi naman nya sinara ang pinto.

Kasalukayan hinihintay ko ang pagbalik ni Jake. Maya-maya ay narinig kung pumasok na sya at isinara nya na ang pinto. Nakita ko syang pumunta ng kusina kaya dahang dahan ko syang sinundan. Mabilis ang pagkilos ko at nilapitan ko si Jake na nakatalikod ngayon. Akmang isasak-sak ko na sa kanya ang kutsilyo ay saktong humarap sya.

———-

Author’s note:
Pasensya na gusy kung hindi ganun kaganda. Ayan lang talaga kaya ko. Hahaha.


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.