1

regrets


Report

May kasabihan o paniniwala Ang marami na “Kung kayo, Kayo talaga!” Paghiwalayin man kayo Ng pgkakataon or kahit Ng mapaglarong sitwasyon, darating pa rin ung time na pagtatagpuin kayong muli Ng Tadhana. Kapag Hindi na kumplikado ang lahat.

Hi everyone ! I’m Mariel..female, 25 yrs old and still single. “Certified single” 😂
I just want to share my own love story with the guy whom I really love most. His name was R.M…
Mabait, gwapo, matangkad at higit Sa lahat may Takot Sa Diyos. Wala Sa expectation ko Ang makilala sya, pero ayon Sa guhit Ng aking kapalaran e nkatadhanang makilala ko sya.😍…it’s not “love at first sight” dahil Hindi ko nman talaga sya nagustuhan that moment na unang beses ko syang nakita. Naattract aq Sa kanya nung time na nakita ko syang tumutugtog Ng Isa Sa mga instrument Ng simbahan. May activity noon Ang aming church na kinailangan naming tumawid Ng dagat para paunlakan Ang imbitasyon Ng Kapatid Ng aming simbahan na nsa kabilang Isla (way back 2007)
Doon ko sya nakilala. .myembro Ng music team. Naging masaya ako Sa loob Ng 3 araw na nag stay aq Sa lugar na Yun ndi lng dhil Sa bagong experience kundi dahil may mga bago akong nakilala na mga kabataan na Kapatid ko sa pananampalataya at higit Sa lahat, dahil nkilala ko sya ! 😍 Subalit Ang kaligayahang Yun ay pansamantala Lamang sapagkat kinailangan na namin umuwi Sa aming sariling lugar. Malungkot😔😔

Isang araw matapos na mgbigay Ng kanyang mensahe ang aming pastor, ibinalita nya na may magtatransfer syang pamangkin. .d q Naman nalalaman na sya pla Yun at Ang Kapatid nya.
Nagulat na lng aq Ng malaman Kong SYA Yung tinutukoy dun Sa announcement..

Then ayun ! Naging Crush ko n naman sya.nAnligaw Sa pamamagitan Ng matatamis na salita Sa kanyang love letters, at pagkalipas Ng ilang buwan, Hindi na ako nag arte pa kc gusto ko nmn talaga sya Kaya simagot ko n Rin. Naging masaya Naman ako Sa kanya, nafeel ko Yung love and care nya towards me. Sweet, gentleman…holding hands is enough for us. No kiss that’s y I believed that he respected me. Kahit teenager pa Lang ako noon ramdam ko sa Sarili Kong mahal ko sya, Mahal na mahal.

Ngunit dumating Sa point na kelangan na naman nya magtransfer Ng school dahil lilipat na silang buong pamilya Sa napakalayong lugar. Masakit tanggapin pero Wala nmn ako magawa that time, ginawa ko n lng inspiration Ang binitawan nyang pangako bago sya umalis. So Ayun ! April 6, 2008, by 3pm umalis na sya. .without even knowing na my possibility na Yun na ung huling araw na makikita ko sya. Nagmatigas pa ako nun, ndi ako lumabas Ng bahay para tingnan ung sinasakyan nya habang papalayo kc Wala akong lakas Ng loob. Ayaw Kong makita syang umalis. But then again, Sa ayaw at Sa ayaw ko, walang mKapipigil Sa kanya. Kaya tinanggap ko na Lang.

Sa mga...


unang buwan namin na LDR, Maayos pa communication namin. Ramdam ko ung effort nya kc mahirap signal Sa kanila pero nagagawan nya Ng paraan maktext o mkausap Lang ako.

Subalit Dumating din Ang time na ndi na sya nakatiis. Hindi nya natagalan Ang ganung uri Ng set-up. Humanap na sya Ng iba. .Yung malapit Sa kanya, Yung Lagi nyang nakikita.
At Wala akong kalaban Laban dun kc ako Ang nasa Malayo. That’s why I let him go, although wla nmn talaga kaming closure kc ndi na kami nkapag usap pa personally. I was 4th year high school when it happened…tpos nawalan na kami Ng communication And I was in pain during that time..so much pain😭😭 I lost him, I feel devastated and hopeless ..tapos sumabay pa Ang isang problema nung magsilang Ang Kapatid q Ng sanggol na Wala Ng Buhay. Napakasakit Sa Pakiramdam nung mga panahong Yun pero wla na akong nagawa.

After high school, nagtrabaho muna ako sa city..kasambahay, tindera, bantay Ng computer shop ! Doon lng umikot Ang buong isang taon ko. Sa trabaho…para na Rin maglibang. Hanggang Sa ndi ko kinaya Ang hirap Kaya nagdecide ako na mag aral at naghanap Ng pwede Maging sponsor. And luckily, I have one…
So nakapag aral ako Ng kolehiyo Sa kursong education. At nangako ako sa Sarili ko na Hindi na muna ako makikipGrelasyon Sa khit na kanino habang nag aaral ako. But suddenly, nagkaron muli kami Ng komunikasyon.
At nangako ako sa Sarili ko na pagkatpos ko Ng pag aaral gagawin q lahat bumalik Lang sya. Kaso nasa 3rd yr. pa Lang ako nun Ng mabalitaan Ko na may nabuntis sya. So nawalan n nmn ako Ng pag ASA. . .pero nag Patuloy pa rin ako sa pag aaral hanggang mkagraduate ako. .
Tinanggal ko na lng muna sya Sa isip ko. Nagtrabaho muna ako sa manila habang Naghihintay na lumabas Ang result Ng let exam. At dun, may nakilala aqung isang taong naging dahilan para muli Kong buksan Ang puso ko at sinubukang magtiwala muli. Pero hindi rin nagtagal Ang aming relasyon dahil naging LDR din kami sapagkat niloob ng Diyos na makapasa ako sa exam at maswerteng ntanggap Sa paaralan Sa aming lugar.
Sa kasalukuyan ay Isa akong guro. Mahabang panahon na Ang lumipas at Hindi ko pa rin sya nakikita for almost 10 yrs. Khit Sa kabila Ng katotohanang may asawa na sya, nandun pa rin Yung pag asam na Sana ay makita ko pa sya muli Hindi para manggulo kundi para matuldukan na Ang Nararamdaman q. At Yung mga salita at katanungan na kelanman ay ndi q nagawang bitawan na hanggang ngaun ay bumabagabag pa rin sa akin Ang dahilan Kung bakit meron pa rin akong regrets Sa kabila Ng naabot ko Ang aking pangarap.
Pangarap na dapat sya ay kasama ko.
Sana…Sana Kung bibigyan pa ako Ng Diyos Ng ikalawang buhay, Sa iba at bagong mundo, sana’y muling magtagpo Ang landas natin.😳


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.