7

Pulubing Pag-ibig Ep.4


Report

Ep.4
4.
Ilang gabi ang lumipas na hindi muli nagpakita si Mara sa resto ni Mon at ilang gabi rin na nag aabang si Mon Kay Mara..

Habang iniikot ni Mon ang isang Park na malapit sa resto nila namataan nya na nakaupo si Mara sa tapat ng isang malago na puno bumaba sya at tinabihan nya ito..

“Bakit ilang gabi ka hindi nagpakita?
sorry ah” sabe ni Mon

Napalingon si Mara Kay Mon

“Sorry saan?” pagtataka na tanong ni Mara

“sa pagtatapat ko sayo” sagot ni mon

“ano ba pinagtapat mo?
lasing ka lang nun ang lasing kung minsan hindi totoo ang mga sinasabe ” pagpapaliwanag ni Mara habang nakatingin Kay Mon

“pinagtapat ko na gusto kita,gusto kitang alagaan at ingatan” nanunuyo na sabi ni Mon

“naririnig mo ba ang sarili mo? wala ka naman nabanggit na ganun at tsaka Ikakasal kana” pagtataka na pagkakasabi nya kay Mon

“pwede namang hindi kung pipigilan mo ako” nakatitig na pagkasabe ni Mon Kay Mara

Napangiti si Mara

“Bolero mo no? Binobola mo ako kase alam mong mababang uri lang akong tao na pwede mong mapaniwala”
nakayukong pagkakasabi ni Mara

Biglang hinawakan ni Mon ang kamay ni Mara at inilagay nya sa dibdib nya..

“Pakiramdaman mo yung puso ko para malaman mo na nagsasabe ako ng totoo” seryosong bigkas ni Mon

“Lahat naman ng lalake ganyan ang sinasabi” ani ni Mara

“Kaya kaba nagkaganyan kase niloko ka ng lalake,iniwanan kaba ng bf mo?” patanong ni Mon

“hindi ah” pataray na sagot ni Mara

“Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Mon

“kase nga pulubi ako” sagot ni Mara

“Bakit ka nga naging pulubi? Nasaan ang pamilya mo? pag-uusisa ni Mon

‘Mahabang istorya ayoko ng buhayin pa” naiinis na pagkakasabe ni Mara

“Ok sige hindi na kita pipilitin,gusto mo ba mag mall tayo?” Pang-aamo na pagkakasabe ni Mon

“ayoko,madidiri mga tao sakin at hindi ako papasukin ng guard” ani ni Mara

“wala akong pake,basta gusto ko kasama ka ako bahala sa guard” sagot ni Mon

“Kahit ganito itsura ko?” tanong ni mara

“Oo naman, bakit kita pipilitin kung ayaw mo naman mag-ayos o maligo” natatawang pagkakasabi ni Mon

“Bakit hindi mo imbitahan si Debbie?”
tanong ni Mara

“kilala mo siya?” nagtataka na tanong ni Mon

“huh?Diba naikwento mo sya sakin” pagpapaliwanag ni Mara

“wala na kami.Inireto rin sya ng mother nya sa iba at nagustuhan naman nya” kwento ni Mon

“Kaya pala sakin ka ngayon nangungulit? Pumili ka ng kauri mo,wag ako” sambit ni Mara

“hindi ah,gusto na talaga kita simula nung lumabas ka sa bintana nabighani ako sa ngiti at mga mata mo” natatawang inaalala ni Mon ang eksena

“kanino ka magpapakasal kung wala naman pala na kayo ni Debbie?” pag usisa ni Mara

“Sa isang malapit na kaibigan ng pamilya namin,bata pa kami itinadhana na kami ng mga magulang namin” seryosong kwento ni Mon

“ah, nakita mo naba sya?” tanong ng muli ni Mara

“Oo, pero hindi ko na maalala” sagit ni Mon na parang nag-iisip

“huh” sagot ni Mara na napabuntong hininga..

“halika na, mag na mall tayo” imbita ni Mon

“ayoko,hindi ako komportable sa mall”
pagtanggi ni Mara

“Kahit ako ang kasama mo?” pagtatanong ni Mon

“Mas lalo na kase may kasama ako na katulad mo na mayaman tapos gusgusin na tulad ko ka date mo?” paliwanag ni Mara

“kumain kana ba? Tara kain muna tayo” tanong ni Mon

“Oo, lumalalim na ang gabi bumalik kana sa resto uuwi narin ako” ani ni mara

“ihahatid na kita para alam kong safe kang makakauwi” sabe ni Mon

“hindi na, para naman may lokong lalapit sa itsura kong ito” pangiti
na banggit ni Mara

“Ako nga naloloko sayo sila pa kaya?”
pabiro na sabe ni Mon

Habang nag-uusap napatingin si Mon sa mga paa ni Mara.

“Nakapaa ka lang?” patanong ni Mon na nag-aalala

“Oo,matagal na” pagbibida ni Mara

Biglang tumayo si Mon at tumungo sa sasakyan nya at may kinuha ito. Pagbalik kay Mara may dala na itong tissue,alcohol at tsinelas.umupo sya sa bandang paahan ni mara at hinawakan ang mga paa neto upang punasan at isuot sa kanya ang tsinelas.

“Hahawakan ko ang paa mo ah” pagpapaalam ni Mon

At agad naman itiniklop ni Mara ang mga binti upang maitago ang mga paa.

“Ayoko,nakakahiya madumi masyado ang mga paa ko” pagtanggi ni Mara

Tinitigan sya ni Mon na parang galit sa kanyang pagtanggi at ng napansin ito ni Mara agad nyang inunat muli ang kanyang binti at ipinatong naman ni Mon sa kanyang hita habang pinupunasan ang mga paa nya.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sayo at kung bakit ka nagkaganito,ayoko na magtanong ng kung ano-anu pero masakit sakin makita na naranasan mo ang ganitong hirap” malungkot na pagkakasabi ni Mon habang pinupunasan ang mga paa ni Mara

Ramdam na ramdam ni Mara si Mon at habang pinupunasan nito ang mga paa niya nakamasid lang siya kay Mon at nakikinig sa mga sinasabi nya at biglang tumingin sa kanya si Mon biglang naman napayuko si Mara.

“Mara,sumama kana sakin aalagaan kita malaki ang bahay ako at mga maid lang ang mga nandun” pagkukumbinsi ni Mon

“Salamat pero hindi pwede”sagot ni Mara

“Bakit?”malungkot na tanong ni Mon

“Basta,may pamilya akong inuuwian” sagot ni Mara

“Sino?” pagtatanong muli ni Mon

“Basta hindi pwede” pagtangi muli ni Mara

Yumukong si Mon at isinuot kay Mara ang tsinelas.

“Malaki ito sayo,pasamantala lang naman yan pagbalik mo papalitan ko yan”

“Okay lang naman.salamat” masayang pagkakasabi ni Mara

Muling ibinaluktot ni Mara ang mga paa nya upang maialis sa pagkakapatong sa binti ni Mon at agad naman si Mon humarap sa kanya at hinawakan nya ang dalawang kamay neto.

“Hinawakan ko ang mga kamay mo,hindi ka tumatanggi ibig sabihin ba nyan gusto mo rin ako? Nakatitig na pagkakasabi nya kay Mara habang hawak ang dalawang kamay neto.

Biglang napatayo si Mara at tila natataranta

“Sige na,pumunta kana sa resto baka kailangan kana dun” pagtataboy ni mara

Tumayo na rin...


si Mon at napangiti sa kinikilos ni Mara na hindi makatingin sa kanya.

“wala kabang celfon? Para matawagan kita para alam ko kung nakauwi kana”
tanong ni Mon

Natawa si Mara

“saan ka nakakita ng pulubi na may celfon?” sagot ni Mara

Natawa din si Mon

“anong malay ko baka may fb ka rin lahat ngayon may fb na” masiglang sabi ni Mon

Habang sa kasarapan ng usapan ng dalawa ay biglang nag ring ang fon ni Mon at saglit syang tumalikod upang sagutin ang tawag mula kay Dave na agad syang pinapupunta sa resto,tumungo saglit si Mon sa sasakyan upang kunin ang jacket na sana ipapasuot nya kay Mara nang bigla nyang paglingon wala na si Mara sa kinauupuan neto.

“masyado kang mahiwaga,nasaan ka nanaman at kailan nanaman kita makikita” bulong ni Mon sa sarili at tsaka sumakay ng sasakyan nya.

Lumipas na muli ang hatinggabi.

kinaumagahan tinawagan si Mon ng kanyang Ama para iparating dito ang gagawin na malaking transakyon na gaganapin sa Hongkong kakailanganin nyang umalis ng bansa para kumatawan sa negosyo ng kanilang pamilya. Mawawala si Mon ng dalawang linggo para dito
Nais sana ni Mon magpaalam Kay Mara kaya hinintay nya ito ng ilang gabi bago sya umalis,dahil hindi nya nakita si Mara nagbilin sya kay Dave na kung sakali na may makita na pulubi agad ibigay ang sulat na iniwan nya,sa sobrang daming ginagawa sa resto hindi namalayan ni Dave na napasama sa basura ang sulat na pinaaabot ni Mon Kay Mara at nawala narin sa isip nya ang sulat.
Sa ilang linggo na wala si Mon ilang gabi rin na nag aabang si Mara na makikita nya ulit ang binata.

“baka kinasal na sya,ang sabi nya kasi hayaan ko lang sya hanggat makasal sya” malungkot na pakikipag usap ni Mara sa sarili.

Habang papauwi inikot din ni Mara ang mga mata nya baka sakali na makita nya ang sasakyan ni Mon.

“Paano yan frend hindi na nagpakita si Mon tapos naba yang laro mo? Ay,salamat at uumuwi kana sa inyo nahihirapan din ako sayo hindi ako maka trabaho ng maayos kase nag-aalala ako sayo” Ani ni Jessica sa kaibigan

“ayoko pa” umiiyak na pagkakasabe ni Mara

“uy! Bakit ka umiiyak?”pag aalala ni jessica

“ang sakit eh” sagot ni Mara

“nang Alin?” sagot na muli ni jessica

“gusto ko si Mon,akala ko gusto nya ako pero bakit bigla syang nawala” sambit ni Mara habang umiiyak

“true na yan friendship? Akala ko ba play play lang to?”pag aalalang muli na pagkakasabe

Nag takip ng unan si Mara at umiyak ng umiyak.

” Huwag kana kase magpanggap’baka narealize nya na madungis at mabaho ka kaya umayaw” patawa na sabe ni Jessica at agad naman sya binato ng unan ni Mara

“iiyak mo lang bukas wala na yan, promis yan expert ako dyan” patawa muli ng kaibigan

Lumipas ang dalawang linggo ang pagbabalik ni Mon.Agad nyang tinungo si Dave at kinamusta si Mara dun napag alamanan nya na hindi naibigay ang sulat Kay Mara kaya’t agad nya itong hinanap sa paligid ngunit wala syang namataan na Mara.

Nagbalik sa pag tratrabaho si Mon at hindi rin sya tumigil sa paghahanap Kay Mara.

Habang si Mara naman ay nakauwi na sa kanilang bahay at dahil inakala nya na nag pakasal na si Mon ay pumayag na syang magpakasal sa kababata na pinagkasundo sa kanya ng kanyang ama.

“Daddy, okay na ako. Handa na ako makipagkilala sa kinakapatid ko” malungkot pero desidido na banggit sa ama

Niyakap sya ng ama at nag pasalamat sa anak.

“mabait na bata si monchito hindi mo man sya nakilala kampante ako na aalagaan ka nya anak” sambit ng ama habang yakap sya neto

Naiplano na ang pagkikita nila Mara at Monchito para sila pagkilalanin at maitakda ang pag-iisang dibdib nila.

Habang nalalapit ang araw ng pagtatagpo nila Mara at ng mapapangasawa lalo itong nakakaramdam ng lungkot at iniyakan parin nya si Mon.
At si Mon naman ay walang tigil kakahanap kay Mara.

“kahit ngayon lang Mara magpakita ka,makapag paalam manlang ako sayo bago ako ikasal,please…” paghahangad na pabulong ni Mon
Ngunit walang Mara na nagpakita

Tumawag ang ama ni Mon

“hijo,sa susunod na linggo na ang pagkikita nyo ni Maria Raquel sana pakitunguhan mo sya ng maayos dahil mabait na bata ito at inaalagaan at pinalaki ng maayos ng ninong mo ang batang ito,tiyak na magugustuhan mo sya hijo” bilin at pakiusap ng ama

Habang nalipas ang araw parehong nanabik at nalulungkot sina Mara at Mon sa nalalapit ng Kani-kanilang kasal dahil kapag naganap na ang kasal wLa ng chance na sila ay maari pang magkita.

Dumating na nga ang hinihintay na araw ng pagpapakasundo kay Mara.

Habang nakahanda na ang lahat nandun na ang pamilya ni Monchito at mga kapatid pati ang pamilya ni Mara na masayang naghihintay sa pagdating ng dalaga.
Kasama ni Mara si Nanay oring niyakap sya ng dalaga habang nasa kotse.
“kaya ko ba nay? kaya ko ba magpakasal sa hindi ko naman mahal o minahal?” umiiyak na pagkakasabi sa yaya

“iha, sinubukan mo naman na hanapin yung para sayo pero nawala sya ng biglaan na walang paalam, baka nga itong si monchito ang lalake na para sa iyo, kilalanin mo muna kung hindi maari di tumanggi ka sa kasal” payo ng Yaya Kay mara

Nakarating na ang magyaya sa pagdadausan ng pag-uusap.

“Yaya, mauna kana susunod nalang ako,gusto ko lang magmuni saglit at papasok din naman ako agad” Ani ni Mara sa Yaya at agad naman itong sinunod ni nanay oring.

Habang nasa Hardin si Mara at nag-iisip nagpasya na syang pumasok.
At dahil kabado si monchito tumayo muna ito at nagpaalam na magbabanyo. At ng paglabas nya ay agad nya namataan ang dalagang nakaupo sa tabi ng ninong nya dahil sa bandang

1

7 Comments

  1. Thanks for posting this piece of writing. I’m without doubt frustrated with struggling to search out relevant and brilliant commentary on this subject. Everybody now goes to the very far extremes to either drive home their viewpoint that either: everyone else in the planet is wrong, or two that everyone but them does not in actuality understand the situation. Many thanks for your succinct, applicable insight.

  2. sorry po,naging busy lang. salamat sa pagsubaybay kay Mon at Mara may Ep.5 napo tayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.