0

PROTECTIVE KUYA


Report

✍️: Trisha manunulat
“Saan ka pupunta Kiara?” Ganun na lamang ang pagkabigla ko ng may magsalita sa likuran ko. Agad ko itong nilingon.
“Ano ka ba Naman kuya bat bigla bigla ka Nalang sumusulpot!” Medjo naiinis Kong Sabi, ikaw ba Naman gulatin Kung Hindi ka magugulat.
“Ang Sabi ko saan ka pupunta?” Paguulit na tanong ni Kuya Ethan.
“Dyan Lang kila Aling Susan, magpapaload lang!” Paliwanag ko.
“Magpapaload ka Lang pala but ganyan kaiksi short mo? balik sa taas at mag bihis ka dun ng jogger oh di Kaya short pero Hindi Yung maikli, Alam mo Naman na maraming tambay dun saka bawas bawasan mo yang liptint mo masyadong marami Ang nilagay mo!” Ani ni Kuya Ethan.
“Pano Kung ayaw ko?” Panghahamon ko sa kanya.
“Ayaw mo? Oh akin na yang Pera at ako na Ang pupunta!” Ani kuya sabay lahad ng kamay.
“Grggg… Nakakainis ka talaga kuya…oh paki Dalian mo at mag reresearch pako.” Naiinis Kung Sabi saka inirapan si Kuya.
Si Kuya Ethan Nalang Ang pamilyang meron ako, maaga kasing kinuha ni Lord si Mami at dadi Kaya si Kuya Ethan na Ang nagtayong magulang ko.Kaya ganun na lamang ito kaprotective sa akin. Five gap Ang lamang sa edad namin, 19 na ako samantalang 24 Naman siya.
Si Kuya Yung tipong lahat ng galaw mo binabantayan ka.
“Kuya Pupunta nga pala ako kila Bella mamaya, birthday Kasi niya Kaya invited ako!” Pasisimula ko habang kumakain kami ng breakfast.
“Hindi ka pwedeng pumunta dun!”
“Kuya Naman payagan mo na ako please kahit ngayon Lang!” Pagmamakaawa ko.
“Sige pero sa isang kondisyon, sasama ako!” Ani ni kuya.
“What? Eh Hindi kanaman invited dun!” Mataray kong Sabi.
“Ayaw mo? Eh di walang pupunta dun dito ka Lang Sa bahay, Kung Hindi mo ko isasama Sino Nalang Ang magbabantay sayo doon saka Hindi nga ako invited pero invited ka nila so sasama ako sa ayaw at gusto mo!” Final nitong Sabi.
“Kuya Hindi na ko Bata para bantayan mo Kaya ko na Ang sarili ko Malaki na ako, sige na please payagan mo na ko!” Medjo umiyak Kong Sabi.
“Sige na nga, Basta umuwi ka nang maaga wag Kang magpapagabi dun lagot ka talaga sa akin!”
“Thank you kuya, Kaya lab na lab Kita eh!” Sabi ko saka kinindatan si kuya.
1:00 pm palang pumunta nako kila Bella.
Kumain kami ng kumain tas medjo nakainom rin nang ilang bote. Diko namalayan 5:00pm na pala, Ang bilin ni Kuya alas kwatro ako uuwi pero pinipigilan ako nang mga Kaibigan ni Bella Ang kukulit Kasi lasing na pati pa itong si Kyle hatid daw ako sa bahay eh Alam Naman Niya Hindi pwede Dahil papagalitan ako ni kuya.
Ganun na lamang ang kaba ng dibdib ko ng nasa bahay nako.
“Bakit ngayon ka Lang? Ang Sabi 4 ka uuwi ano oras na oh alas 5:35 na,!” Paninirmon ni kuya.
“Kwan Kasi kuya——” di ko natapos sasabihin ko Dahil agad naman itong nagsalita.
“At bakit amoy alak ka? Sino Yung lalaking nahatid sayo dito?” Tanong ni kuya para itong pulis Kong mang imbistiga.
“Sori kuya ehh kanina pa Sana ako uuwi kaso pinipigil ako nila bella! Si Brix po Yun naghatid sa akin!” Medjo nahihiya Kong Sabi.
“Brix? Boyfriend mo?” Tanong ni kuya.
“Hindi po,!” Tanggi ko.
“Pero nanliligaw sayo?” Tanong ni kuya.
“Ompo!”
“At...


may balak ka Naman na sagutin? Sinasabi ko sayo Kiara Hindi siya Ang nararapat na lalaki para sayo!”
“Pati ba Naman pag boboyfriend ko pagbabawalan mo Rin?” Tanong ko. Salamat na lamang sa ilang bote ng alak Dahil may lakas ako para tanungin siya.
“Hindi Kita pinagbabawalan, ginagawa ko Lang Kung anong nararapat!” Pasigaw na Sabi nito.
“Nararapat bang pagbawalan mo ako sa anong gusto ko, Yung ibang teenager na kagaya ko ayun masayang ginagawa lahat ng gusto nila samantalang ako daig ko pa Ang isang preso sa kulungan na Hindi makagalaw Dahil may guard na bantay!” Pasigaw ko Rin na sabi. Pero this time umiiyak na ako.
“Yan ba talaga Ang gusto mo! Hayaan mo this time Hindi na Kita papakikialaman gawin mo Ang gusto mo, pero wag na wag mokong masisi sa oras na may mangyari sayo! Kasi kahit kailan Hindi ako nagkulang bilang kapatid mo!” Sabi ni kuya sa nagmamadaling umakyat sa taas.
Para akong binuhusan sa mga nasabi ko ngayon ko Lang napagtanto na dapat Hindi ko Yun sinabi Kay Kuya.
Lumipas Ang ilang mga araw Hindi na kami nag papansinan ni kuya.
Pauwi na ko galing sa school ng may sumusunod sa akin. Agad ko itong nilingon para makilala Kung Sino. Si Kyle pala.
“Hey pwede bang makisabay?” Tanong ni Kyle.
“Kwan Kasi nagmamadali ako!” Sagot ko saka nagmamadaling naglakad.
“Nagmamdali or iniwasan mo ko?” Tanong nito.
“Kyle Dina sinabi ko na sayo na Wala Kang pag asa SA kin!”
“Ang sakit mo Naman magsalita, pero sa tingin mo ba papayag ako nang ganun nalang? Sabi nga ng iba Kung Hindi madala sa santong dasalan sa santong pas pasan haha!” Ani nito saka ngumisi ng makahulugan.
“Wag Kang lalapit Kung Hindi tutusukin ko yang mata mo!” Ani ko ng lalapitan niya ako.
Pero hinawakan niya ako sa kamay.
“Kuya please help me!” Piping Saad ko.
Hahalikan na Sana ako ni Kyle ng biglang may sumuntok sa mukha Niya.
“sige subukan mong saktan Ang kapatid ko at makakatikim ka!” Galit na Sabi ni kuya.
“At sa tingin mo matatakot ako, Kung dati nga Wala Kang nagawa sa girlfriend mo ano PA Kaya sa kapatid mo! Pero Alam mo masarap Ang girlfriend mo pero mas masarap Kung matikman ko Ang kapatid mo!” Nanlilisik Ang mata nito.
“Kaya pala ayaw ni kuya na ikaw Ang maging boyfriend ko eh drug adik ka pala!” Sabi ko sakabila ng panginginig ng tuhod ko.
Sasalita pa Sana ito nang suntukin ito ni kuya nang ilang beses Kaya nakahandusay ito sa lupa at puno ng dugo Ang baba. At dumating Ang tanud Kaya dinala si Kyle sa prento Dahil inakusahan ito ni kuya ng murder at rape Dahil sa ginawa nito sa girlfriend niya.
“Kuya sorry sorry sa lahat, lahat promise susundin ko na lahat ng ipinagbabawal mo!” Hingi ko ng paumanhin ng makauwi na kami ng bahay.
“Wala Yun prinoprotektahan Lang Naman Kita Dahil ikaw nalang Ang pamilyang meron ako! Kaya kahit anong mangyari tandaan mo nandito Lang si kuya para sayo! Mahal na Mahal kaya Kita!” Nakangiting saad ni kuya.
“I love you too kuyz your the best kuya in the whole world” nakangiting saad ko saka niyakap si kuya ng mahigpt ng mahigpit.
Lesson learned sa mga tao dyan na Hindi nakikinig sa mga magulang/kuya/pamilya nila.
•work of fiction


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.