0

PLAYFUL DESTINY

PLAYFUL DESTINY
Everyone in our life will have a last day with us and we don’t even know when it will be.
“Totoo? Mahal buntis ka nga?! Magiging tatay na akoo whooo!,” napalundag ako sa saya nang malaman kong nagdadalang tao na ang asawa ko.
Mag dadalwang taon na kaming kasal at sa wakas, nabiyayaan na kami ng anak.
“Mahal naman sinabi ko naman na ‘wag kang kakain ng alamang, alam mo namang bawal sa’yo yon,”
“Eh s-sorry na natatakam kasi talaga ako,” nakanguso niyang tugon.
Magmula nang malaman kong buntis si Faye ay nag doble ingat ako lalo pa at unang anak namin ang nasa sinapupunan niya.
Bilang asawa niya, hindi ko siya hinahayaang mapagod, ako na ang gumagawa ng mga gawaing bahay gusto ko rin kasi na mamahinga lang siya.
“Ako na d’yan, Mahal. Palagi na lang ikaw ang kumikilos dito nakakahiya na,” tugon ni Faye at inagaw sa’kin ang mga platong hinuhugasan ko.
“Natural lang ‘yon dahil lalaki ako. Ang dapat sa’yo namamahinga, ‘wag kang kilos ng kilos baka mapasama ka at si baby,”
“Mag iisang buwan na akong napapahinga at puro hinga at kain lang ang ginagawa. Tingnan mo tuloy napapabayaan na kita,” malambing na tugon niya sa’kin habang pinupunasan ang pawis ko.
Simula pa lang ay wala na talaga akong ibang hiling kundi ang makasama siyang bumuo ng maganda at buong pamilya.
_
“Malapit na ang due date mo, Isang linggo na lang. Bawas-bawasan mo ang pagkain baka mahirapan ka,” birong tugon ni Mama kay Faye.
“Palagi ko nga po ‘yan pinagsasabihan, Ma ang kulit talaga kain ng kain,” pagsang-ayon ko pa kay Mama.
Mula nang araw na ‘yon ay iniwasan na ni Faye ang kumain ng marami dahil sa sinabi ni Mama.
Maraming nakakapansin ng Tiyan ni Faye, babae raw ang anak namin at may ilan din na nagsasabi na Kambal daw ito.
_
“Mahal kaya mo ‘yan. Hinga ng malalim mailalabas mo sila ng ligtas,” pagpapalakas loob ko kay Faye habang hawak ang kamay niya.
“Ahhhhhh! H-hindi ko na kaya, M-Mahal,” namumula at pawisan na sigaw ni Faye.
“F-faye kayanin mo. Kaya mo yan,”
“Faye?! Mahal, gising,” taranta kong sigaw habang niyuyugyog ko ito.
Hindi kinaya ni Faye ang panganganak kung kaya’t binawian siya ng buhay. Naiwan sa’kin ang kambal naming anak. Ala-ala na galing sa kaniya.
_
Dalawang taon ang lumipas at ngayon ay sine-celebrate namin ang ikalawang kaarawan ng kambal namin ni Faye.
“Happy Birthday, Kambal,”
“Thank you, Papa,” magkasabay nilang sambit sa’kin.
Mabuti na lang din at hindi sila pala-tanong tungkol sa Mama nila dahil hindi ko pa alam ang isasagot, hindi ko alam kung pa’no magsisimula.
_
Nagising ako nang maramdaman ang napakalamig na kung ano sa tabi ko. Napansin ko naman ang isa sa anak ko na putlang putla ang labi.
Pilit ko itong itinatayo ngunit hindi ito gumagalaw o kahit dumidilat man lang.
“A-anak gising. Gumising ka naman, ano ba’ng nangyari sa’yo,” umiiyak kong tugon.
Pigil ang pag iyak ko dahil alam kong anumang oras ay magigising ang kakambal niya at alam ko rin na tatanungin ako nito kung ano ang...


nangyayari sa kakambal niya.
Ayokong humarap sa kaniya na umiiyak at nanghihina.
_
“Papa? Nasaan na po si Chloe? Bakit hindi na siya nakikipaglaro sa’kin?,” malungkot na tanong sa’kin ni Zoe.
Hindi muna ako nakasagot dahil nanghihina parin ako. Nasa haral kami ngayon ng labi ni Chloe.
“Galit po ba s’ya sa’kin? Miss ko na si Ate, Papa,” dugtong niya. At sa mga oras na ‘to umiiyak na siya.
“Uhm, Nak? Si ate kasi tulog siya. Namamahinga na siya,” nakaluhod kong paliwanag kay Zoe.
Hirap pa ako sa pagpapaliwanag. Hindi niya rin naman maiintindihan kung sakaling sasabihin ko, mas mabuti kung tsaka ko na lang ik-kwento sa kaniya.
_
Isang taon na ang lumipas nang mawala si Chloe, ang kakambal ni Zoe at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ‘min ang nangyari.
“Happy Birthday, Anak,” nakangiti kong bati kay sa anak kong si Chloe.
“Namimiss ko na si, Zoe, Papa. Gusto ko na ulit siyang makasama sa birthday ko,” umiiyak na sabi ni Chloe sa’kin.
Nakakapanghina. Wala akong magawa.
Hinintay ko lang na makatatlong taon si Chloe para makapagtrabaho na ako. Iniiwan ko siya sa kapatid ko, nag iiwan din ako ng pang gastos dahil gabi na ako umuuwi.
“Oh baby, dito ka lang kay tito ha? ‘Wag kang lalabas ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kaniya, okay?,”
Tumango lang naman ito dahil abala siya sa paglalaro ng babrbie.
“Kuya pasensya na ha? Maaabala pa tuloy kita,”
“Ikaw naman para ka namang iba! Kapatid kita at pamangkin ko ‘yan. Ako ng bahala sa kaniya,” nakangiti niya sabi at tinapik pa ang balikat ko.
_
Isang buwan ang dumaan at tuloy tuloy naman ang pagt-trabaho ko pero mas kakaiba akong napansin kay Chloe. Masyado na siyang tahimik at hindi na rin siya gaanong lumalapit sa’kin palagi nalang siya sa kwarto.
“Chloe, Baby? Halika dali may pasalubong ako sa’yo oh. Gusto mo ‘to diba?,” mahinahong pagtawag ko sa kaniya.
Base sa lakad niya ay hirap na hirap siya sa paglakad at maging sa pagtayo.
“B-bakit? May masakit ba sa’yo? Sabihin mo kay Papa. Ano ‘yon?,”
Hindi siya nag bigay ng sagot at kinuha lang ang inabot kong pagkain.
Dumating ang isang araw na kailangan kobg mag stay in sa trabaho ng 1 week, tinanggap ko na para dagdag narin sa pang gastos ni Chloe.
_
“Sean, Anak? Umuwi ka na please,” tugon ni Mama sa kabilang linya.
Hindi na ako nagabalang sumagot at basta na lang umuwi dahil sa nanginginig na boses ni Mama halatang may hindi magandang nangyayari.
Pagbaba ko palang ng tricycle natanaw ko na agad ang maliit na kabaong sa loob ng bahay namin.
Napaluhod na ako sa sobrang sakit nang makita ang muka ni Chloe sa frame.
“Chloe, A-anak bakit naman pati i-ikaw?,”
“Tayo na nga lang dalawa nawala ka pa. Pa’no na si Papa ngayon?,”
Hindi ako nagdalawang isip na ipapasok sa selda ang kapatid ko. Binaboy niya ang anak ko, Habang wala pala ako ay araw araw niya itong pinagsasamantalahan at ngayon hindi na kinaya ng katawan ni Chloe kaya pati siya ay nawala sa’kin.
-Work of fiction


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *