0

Pinky’s Revenge


Report

Pagmamahal. Nagmahal lang ako, pero bakit ganito kasakit. Mas masakit pa sa dysmenorrhea, mas masakit pa sa hinlalaki sa paa na natalisod. Mas masakit pa sa pulikat at nakaligo ka na’t lahat lahat hindi ka pala kasama sa gala. Tapos wala man lang warning kung mangugulat ano iyon surprise tapos bulaga tapos bulagat? Lokohan lang pala lahat, edi sana naghanda ako ng dialogue ko hindi iyong ganitong nagmumukha akong tanga sa kanilang lahat.
Tiwala. Nagtiwala ako sa kanilang dalawa. Kasi afterall boyfriend at bestfriend ko sila eh. Pero bakit nila ako pinagmukhang tanga. Wala man lang warning na joke lang pala ito lahat. Nagmumukha na kong kawawa sa harap nila.
Luhaan. Madungis. Iyong buhok kong pinatirintas ko pa kay yaya, eto puro pagkain na, na itinapon ng bestfriend ko sa ulo at mukha ko. Iyong bestida kong namumutok sa katabaan ko, may ilang warak na. Dahil hinila ng boyfriend ko, kasi sinampal ko ang bestfriend ko…na FIANCEE NIYA NA PALA. It all happen so fast.
“Oh anong dinadrama mo diyan? Oy hindi bagay sa iyong pangit na mataba pa ang mag-inarte. Para ka lang kakatayin na baboy! Hahaha!” Pang-aasar sa akin ng bestfriend ko. Nasaktan man pero pinili ko na lang na manahimik kahit gustong-gusto ko na silang saktan lahat sa pinaggagawa nila sa akin.
Biglang tumahimik ang lahat ng nasa birthday party na dinaluhan ko. Nang abutan ako ng panyo ng celebrant na boyfriend at magiging ex ko na yata. Lahat nagulat, ako man ay nagulat.
“Take this.” Abot sa akin ni Keean na boyfriend ko. Nag-aalangan man tinanggap ko pa din. Matapos kong pahiran ang mukha ko, muli ko itong sinauli na may munting ngiti sa aking labi. Pero agad ding nawala ang ngiti ko ng ibinato niya ito sa mukha ko. Nasaktan ako sa ginawa niya..shit.
“Ang kapal mo naman. Binigay ko na nga iyang panyo ko kasi naaawa ako sa iyo tapos ibabalik mo pa sa akin. Ano gusto mo mahawaan ako ng galis na nasa mukha mo?! Nakakasuka ka!” Nagtawanan ang lahat habang ako, nanlalaki ang mata sa gulat habang umiiyak.
“Eww ka kasi Pinky. Tinawag na tuloy ni Honey na galis iyang pimples mo. Andami kasi. No space for new pimples na iyang mukha mo. Hahaha. Ugly Pinky.”
Hindi ko na inintindi pa ang pang-aalaska ng bestfriend ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin si Keean, baka kasi nagjojoke lang siya. Baka maisalba pa namin ang relasyon na ito.
“K-Keean…D-don’t do this to me. Mahal mo naman ako ‘di ba? You told me I’m your sun and everything. I’m willing to give myself to you, huwag mo lang akong iwan. Please…” Lumuhod na ako sa harap ni Kean habang nakayakap sa bewang niya. Ngunit ang hindi ko inaasahan ang pagtulak niya sa akin ng malakas. Halos magdilim ang paningin ko ng malakas din na tumama ang ulo ko sa gilid ng lamesa. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa ulo ko, wala akong magawa kung hindi ang lumuha para sa lahat ng pasakit na binigay nila sa akin ngayon. Malapit na akong sumuko, Keean..
“You piece of shit! Mahal? Wala ka talagang kasing bobo ano? Hindi mo pa ba gets na ginamit lang kita? Para sa pera, para maisalba ang kompanya namin. Ikaw naman si tanga, bigay agad. Hahaha! Pati nga girlfriend ko, inutusan kong lapitan ka at makipagbestfriend sa iyo. We need money for our engagement Pinky. Parehas kaming humingi ng malaking pera sa iyo at thank you dahil sa sobrang bait or should I say...


tanga mo. Malapit na kaming ikasal dahil sa pera mo. Hahaha! Remember? Sabi ko at ni Lily na utang na lang. Pero nagpumilit ka na huwag ng bayaran. So wala kang habol ngayon, goodbye my ugly stupid ex girlfriend!” Para akong pinasabugan ng bomba sa lahat ng rebelasyon na iyon. Everything is all for money. They make me believe that they’re true, well in truth they are Gold Diggers in disguise.
“Guards! Pakikuha na nga itong basurang ito dito. Masyado ng namamaho.”
Narinig ko pang sabi ni Lily. Naramdaman ko na lamang ang paghila sa akin ng kung sino man bago nagdilim ang aking paningin.
Walang ibang nasa isip ko noon kundi. Pink’ys Revenge, my revenge. There’s no game if there’s only one player. Wait for me..and I’ll play your game my ex boyfriend and ex bestfriend…
🍑🍉Pinky’s Revenge🍉🍑
Chapter 1
Abala ako sa pagyo-yoga sa terrace ng rest house namin dito sa Batangas ng biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi ko.
“Ma’am, mission accomplished. Naipadala na po namin ang sulat na nagsasabing si Pinky Alcantara ay patay na. Nakalagay din po doon ang oras ng libing pati location. May nakuha na din po akong tauhan na gaganap sa lamay niyo.”
Napangiti ako sa magandang balita bago ko tinapos ang tawag. Oo, patay na si Pinky Alcantara at nararapat lang na dumalo ang dalawang taong may malaking parte sa buhay ko. I am not Pinky anymore, ako na si Lorraine Watsons. I am not the ugly fat Pinky anymore. Isa na ako sa pantasya ng kalalakihan ngayon. Tatlong taon na din ang lumipas, kung inaakala niyong nangibang bansa ako, nagkakamali kayo. Kasi nagstay ako dito sa Pilipinas para masubaybayan pa din silang dalawa. My ex boyfriend and ex bestfriend.
Tumayo din ako kaagad at naligo na. Matapos noon ay suot ko na ang bulaklaking dress na hakab sa katawan ko. Napangiti ako ng makita ko kung gaano na kaliit ang bewang ko. Kung dati namumutok ang dress kapag suot ko, ngayon halos lahat ng damit yata ay binibigyang hustisya ng kurba ko sa katawan. Pinagmasdan ko din ang mukha kong walang dumi o kahit na ano. Makinis, makintab at maputi ito. Maging ang ilong ko ay kitang kita na kung gaano ito kanipis at katilos. Dati kasi pinamumugaran ng pimples ang ilong ko kaya hindi mahalata ang natural nitong tangos. Wala na ang brace na suot ko dahil pantay na pantay na ang mga ipin ko. Wala namang nagbago sa buhok ko, makintab at itim na itim pa din. Kahit ako hindi ko na makita sa salaming kaharap ang dating Pinky. Nag-apply ako ng nude pale pink lipstick sa labi ko. Naglagay ng maskara sa pilik mata ko. Suot ko na din ang hazel brown na contact lense ko bago nagspray ng perfume na paborito ko.
Ngayon ang una at muli naming pagtatagpo ni Keean, this is part of my plan fo course. To make him notice my existence, in short magpapansin. Dumating din agad ang text ng tauhan ko na nagmamanman sa magaling kong ex. Wait for me there Keean..
Nagmamadaling nagcommute ako. Oo, kasi ang bagong ako na makilala ni Keean ay isang mahirap ngunit magandang Lorraine. Kabaligtaran ni Pinky na mayaman at nilapitan niya lang dahil sa pera pero sisiguraduhin kong mamahalin niya ang bagong ako na mahirap at hindi na siya makakatakas pa sa bitag ko. I will make you fall hard my dearest ex.
To be continued…Try ko lang ito ha kapag pumatok gora charrr😆🤣


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.