0

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 20


Report

Author: Miss J
Umalis na si Jojo, wala na ni ano mang bakas nya dito sa aming bahay. Unti unti akong umupo sa silyang kahoy sa may pintuan ng aming sala, hinang hina ang aking pakiramdam, ang dibdib ko ay parang wala na sa kanyang kinalalagyan. Kring, kring, kring… Napalingon ako sa aking Cellfon na nakapatong sa lamesita na nandon at sinagot ang tawag ng kung sino man habang ang lakas ng tahip ng aking puso ” Hello ” saad ko sa tumatawag ” Jane anak? Si Nay Agnesia mo ito ” nagalak ang aking puso ng marinig ko ang tinig na yaon ” Hello Nanay, kamusta po ” masigla ang aking tinig pangbati sa kanya ” Eh kailan kaba darating dito, at ang mga bata kamusta naman kayo dyan ” halatang may konting lungkot sa tinig ng matanda ” Ahm nay baka po dumito na lang muna kami, wag po ninyo kaming alalahanin ayos naman po ang aming kalagayan ” darektang saad ko sa kanya, tahimik at buntong hininga ang aking naririnig bago sumagot ” Ganun ba anak,...


Oh sya sige kung iyan ang desisyon mo, ipaalam mo Kay Jay kase pihado na sya rin ay lubos ang paghihintay kung kailan kayo makakabalik ” halatang nalungkot ang matanda sa aking tinuran ” Opo Nanay ipapaalam ko po Kay Jay lahat. Ingat ka po palagi nanay ah, ang gatas at ang mga gamot mo huwag nyo po kakalimutan, sige po babye na po at aasikasuhin ko pa po si baby ” nagpaalam na ako, hindi ko na rin pinatapos pa si Nanay kung ano pa man ang kanyang sasabihin. Ayoko kase baka mapaiyak nanaman ako lalot alam Kong nalungkot sya sa naging desisyon ko.
Biglng sumagi sa aking isipan ang lalaking nagpahalaga sa akin sa kabila ng lahat, si Jay! Kamusta na kaya sya, nakatulog kaya sya ng maayos nong nagdaang gabi. Kung alam nya lang na sobrang pangungulila ang nararamdaman ko Simula ng umalis kami sa poder nila. Etong desisyon ko na ito, mahirap para sa akin pero kailangan Kong gawin, kailangan ko rin isipin ang mga bagay bagay para sa panibagong Simula sa aking buhay.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.